KABANATA II

2558 Words
ANG BUHAY NG ISANG BINUKOT *** Nakatulala ako habang yakap-yakap ang mga tuhod ko at iniisip kung paano ako napunta sa panahong ito. Ang pagkaka-alam ko ang past-life regression ay ang paglalakbay sa iyong nakaraang buhay sa pamamagitan lamang ng panaginip, pero bakit ganito? bakit ata naging literal na napunta ako sa nakaraang buhay ko!? Ano bang nangyayari? at paano ako makakaalis dito. "Mahal na Bai? dinalhan ko kayo ng mga bungang kahoy" Ang sabi ng kararating lang na si Liway na ang pagpapakilala sa akin ay isa daw siyang Uripon o alipin at sa tingin ko ay magkaedad lang kami nito. Inilapag niya ang mga dala niyang prutas, at hinog na bunga iyon ng papaya, mukhang fresh at masarap kaya napalunok nalang ako.Yumukod siya sa akin at balak na sana niyang umalis ng pigilan ko siya. "Sandali" Pagpigil ko sa kanya dahilan para huminto siya. "May kailangan pa ba kayo aking Bai?" Tanong niya. "B-Bakit Bai ang tawag mo sa'kin?" Tanong ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya. "S-Sa pagka't kayo ay isang binukot" Ang sagot nito na ikinaawang ng bibig ko. "Ako? B-Binukot?" I asked her. "Siyang tunay mahal na Bai, ngunit hindi ko kayo maunawaan, bakit niyo itinatanong sa akin ang mga bagay na alam niyo naman ang kasagutan?" Balik na tanong niya sakin dahilan para mapalunok ako. "Anong sasabihin ko? nakakainis naman" Natigil ako sa pag-iisip nung dumating ang isang magandang babae, napakaputi rin niya at napakaganda ng suot niyang damit. Kulay gintong blouse at mahabang saya na may magagandang burda, at ang headdress niya ay gawa rin sa ginto. wow! just wow! tunay ba talaga ang mga ginto nila dito? Nakita kong yumukod ang aliping si Liway sa bagong dating na magandang babae at tinawag niya itong, "Mahal na Hara" **** "Haleya, mahal kong anak" Ang sabi ng bagong dating na babae na tinawag na Hara ni Liway, may lambing ang boses niya at napakasarap ito sa tenga pero, anak? ibig bang sabihin nito ay siya ang aking ina sa buhay na ito? Nilapitan niya ako at niyakap pero hindi ako tumugon sa yakap niya. "Bakit aking anak? hindi ka ba nangulila sa iyong iloy? (ina)" Tanong niya, pero napatitig lang ako sa kanya at hindi nagsalita. "Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi naman kasi ako si Haleya! ako si Shai! p-pero, ito ang nakaraan kong buhay i-ibig bang sabihin nito ay ako parin ito? nakakainis ang gulo!" "Bakit tila ikaw ay balisa? may dinaramdam ka ba aking anak?" Pagkasabi niya nun ay hinaplos niya ang pisngi at leeg ko. Grabe sobrang lambot ng kamay niya! well malambot din naman 'tong kamay ko kaso iba 'tong sa kanya. "W-Wala po Mom" Naisagot ko pero nung ma-realize ko kung ano ang nasabi ko ay natigilan ako! s**t! "A-Ano ang salitang huli mong binanggit? isa ba itong banyagang salita?" Tanong niya na aking ikinalunok. "A-Ah t-tama ito po ay banyagang salita na ang ibig sabihin ay ina" Mabilis na nasabi ko, na sana ay makalusot. "Ngunit kung ito ay banyagang salita? bakit ngayon ko lamang narinig ang ganyang uri ng banyagang salita?" Tanong ulit niya, naku paano na 'to? ano ng isasagot ko. Ilang saglit lang ay naagaw naman ng bagong dating na babae ang aming atensyon, at agad na yumukod ito sa amin. "Mahal na Hara ipinatatawag po kayo ng mahal na Raha" Ang sabi nito. Tinanguan lang siya ng babaeng kaharap ko na tinatawag nilang Hara at muling tumingin sa akin. "Maiwan na muna kita aking anak" Sabi niya, tumango naman agad ako pagkatapos ay umalis na siya kasama ang ilan pang babae na sa tingin ko ay ang mga alalay niya o alipin? Nakahinga naman ako ng maluwag at napaupo nalang sa kama.. "I must leave this place as soon as possible! pero paano!? hell no! kasalanan 'to ni Vana eh! kung anu-ano kasing naiisip! tss I still can't believe this, reincarnation is real!" "B-Bai?" Rinig kong boses ni Liway na dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko. "Damn! patay ako nito! nandito pa siya!? bakit hindi ko napansin! " Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya at halos maestatwa siya sa kinatatayuan niya. "Damn this, for sure narinig niya lahat ng mga sinabi ko!" "H-Hindi ikaw ang a-aking Bai!" Lakas loob na sabi ni Liway, pero ramdam ko parin ang takot sa pananalita niya. Tumayo ako at nilapitan siya, "W-Wait wag kang matakot, let me explain" Sabi ko pero parang hindi naman siya nakakaintindi ng english at kitang-kita 'yun sa mukha niya. "Okay, magpapaliwanag ako" Sabi ko, pagkatapos ay hinila ko siya sa braso at nagpahila naman siya, umupo kami sa kama na gawa sa tabla. Hindi siya makatingin sa akin at hawak lang niya ng mahigpit ang mga kamay niyang nanginginig. "Hindi ako masamang tao! okay" Sabi ko, dahilan para tumingin siya sa'kin. "Ang pananalita niyo, ito ay kakaiba, anong uri ng banyagang salita ang mga iyan? n-ngayon ko lamang ito narinig" Sabi niya na may halong pagtatanong. "English o Ingles, ito ang isa sa mga linggwaheng ginagamit namin sa kasalukuyang panahon" Sabi ko. Kitang-kita ko naman ang gulat sa kanyang mukha maging ang pag-awang ng bibig niya ay hindi rin nakaligtas. "H-Hindi ko kayo maunawaan" Sabi niya habang nakakunot ang noo. "Ako ay galing sa kasalukuyang panahon" Sabi ko na lalong nagpakunot ng noo niya. "Ngunit kayo ang aking Bai, nasubaybayan ko ang inyong paglaki sa pagka't musmos pa lamang tayo ay pinagsisilbihan ko na kayo" Sabi niya at kitang-kita parin sa mukha niya ang pagtatakha. "Oo tama, sa panahong ito, ako ay si Haleya, ngunit sa kasalukuyang panahon ay ako si Shai mendoza! at h-hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa nakaraan, sa nakaraan kong buhay!" Pagpapaliwanag ko. "Ngunit hindi maaari ang inyong mga tinuran" Sabi naman niya na halatang hindi rin siya makapaniwala. "Tama! napakaimposible ngunit nangyari! dahil nandito ako ngayon sa harap mo" Sabi ko. "I-Ito po ba ang dahilan kung bakit ako ay hindi ninyo kilala at maging ang inyong sariling ngalan at katayuan sa puod na ito ay hindi niyo rin batid?" Tanong niya na para bang unti-unti ay nakokonbinse ko na siya. "Oo tama ka" Sagot ko. "Kung gayon ay kayo parin ang aking Bai, sa pagka't ito parin ay inyong buhay sa nakaraan" Sagot nito na bahagyang ikinagaan ng pakiramdam ko. "Pwede mo ba 'kong tulungan? tulungan mo 'kong makaalis sa panahon na ito!" Pagmamakaawa ko sa kanya. "Paumanhin mahal na Bai, ngunit isa lamang akong uripon at wala po akong nababatid sa mga ganyang suliranin" Sagot nito habang nakayuko sa akin. "Kung gano'n ay sino? sino ang makakatulong sa akin?" Tanong ko naman agad. "A-Ang punong babaylan, marahil ay batid niya ang nararapat na gawin" Sagot niya naman. "Kung gano'n samahan mo 'ko sa sinasabi mong punong babaylan" Sabi ko pero umiling lang ito habang nakayuko. "Paumanhin mahal na Bai, ngunit hindi kayo maaaring lumabas sa inyong bukot" Sagot niya. "P-Pero bakit?" Tanong ko. "Sa pagka't kayo po ay isang binukot mahal na Bai, at kayo po ay hindi ma-aaring lumabas o makita ng kung sino man, maliban lamang sa inyong mga magulang at sa aming inyong mga uripon at inyong mga gurong tagapagturo ng mga epiko na inyong isasaulo upang awitin" Sagot nito. Natigilan naman ako dahil don, dahil tama siya, napag-aralan na namin ito noon at ang isang binukot ay hindi nga ma-aaring lumabas ng kanyang bukot o makita ng ibang tao. Bawal itong tumapak sa lupa dahil ang pagtapak nito sa lupa ay nangangahulugang pagkawala ng kanyang puri at dangal. Ang mga binukot din ang pinakamagagaling sa larangan ng pagsayaw at maging sa pag-awit ng mga epiko, at ayon sa napanuod kong dokumentaryo, ang mga epikong inaawit nila ay ang kwento ng kanilang buong kasaysayan. Sila rin ay hindi kailanman nasikatan ng araw kung kaya't napakakinis at napakaputi nila at higit sa lahat sila ay magaganda. Ngunit sa kabila ng kanilang ganda ay madali silang masugatan dahil sa lambot ng kanilang balat at mahina rin ang kanilang pangangatawan. Sila ay bawal sa mga gawaing bahay dahil bawal silang mapagod. "Kaya pala ganito nalang kakinis at kaputi ang balat ko dahil kahit kailan ay hindi pa ito nasisikatan ng araw, 'yun nga lang ramdam ko ngang medyo malamya at mahina ang katawan na ito compare sa katawan ko sa kasalukuyan na malakas at bihasa sa martial arts" "Kung gano'n paano pa ako makakaalis dito?" Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kalagayan ko. "Mahal na Bai, may isa po akong alam na paraan upang kayo ay makalabas at makalaya na sa inyong bukot" Nabuhayan naman ako ng loob dahil sa sinabi ni Liway. "Ano 'yun?" Agad na tanong ko sa kanya. "Kailangan niyong makipag-isang dibdib sa isang ginoo o timawa upang kayo ay makaalis at makalabas na sa inyong bukot" "What!? hell no! hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal!?" singhal ko sa kanya, napatayo ako sa pagkakaupo at naglakad-lakad, "Ngunit mahal na Bai, iyon lamang ang tanging paraan upang kayo ay makalaya sa inyong bukot at ng sa gayon ay makahingi na kayo ng saklolo sa punong babaylan" Pangungumbinse ni Liway na ngayon ay nakatayo na rin. "Pero ayoko! atsaka hindi ko nga kilala kung sino yang si Ginoo at timawa na yan! tss weird names I've ever heard so far" Sagot ko in a sarcastic way. Totoo naman kasi, ang weird ng mga pangalan nila, Ginoo? timawa? tss for sure ang weird din ng mga itsura nila. "Mahal na Bai, ang Ginoo ay isang anak ng Raha o ng Datu, samantalang ang timawa naman ay ang mga malalayang tao sa isang puod o sa isang banwa" Pagpapalinaw ni Liway na ikinaawang naman ng bibig ko. "My goodness, hindi naman pala sila pangalan ng tao, kundi isang uri ng tao sa isang puod o banwa, so meaning to say sa isang puod o banwa ay mayroong mga maharlika, timawa at alipin, hmm sounds familiar for sure pinag-aralan na namin 'to dati eh nakalimutan ko lang tss" "Mahal na Bai ito lamang po ang paraan na aking na-iisip" Ang sabi ni Liway "Sige, pumapayag na 'ko, pero paano ako makakapili ng mapapangasawa ko kung hindi naman ako maaaring lumabas sa kwartong 'to? or should I say Bukot" "Mahal na Bai, hindi po kayo ang mamimili ng inyong magiging Bana (asawa) kundi ang inyong mga magulang" Sagot ni Liway. "Bana? you mean? asawa?" Tanong ko. "P-Paumanhin ngunit ano po ang y-yo-" "Ang ibig bang sabihin ng bana ay asawa?" "Siyang tunay mahal na Bai" Sagot naman niya nung maintindihan niya na ang ibig kong sabihin. "Bakit ba kayo ganyan magsalita, ahmm masyadong malalim ang pananalita niyo ng tagalog" sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Hindi ko po kayo maunawaan mahal na Bai" sabi naman niya. "Nevermind" Sagot ko nalang at napaupo nalang ulit sa kama. "Mahal na Bai, kung inyong mamarapatin ay wala po kayo sa inyong kasalukuyang panahon, kung kaya't hindi po nararapat na ang inyong pananalita sa kasalukuyan ay inyong gamitin dito, mahirap nang kayo ay paghinalaan na kayo ay hindi taga-rito" Sabi niya habang nakayuko at sa tingin ko ay ginagawa niya 'yun bilang paggalang sa akin. "Naiintindihan ko, tama ka" Sagot ko. "Sabagay tama siya, hindi ako basta- basta pwedeng gumamit ng english languange sa panahong ito lalo na at ang panahong ito ay pre-colonial, gagayahin ko nalang kung paano magsalita si Liway, good idea!" "Sandali mabalik nga tayo sa pinag-uusapan nating ang mga magulang ko ang pipili ng magiging asawa ko, paano kung hindi gwapo ay este hindi kaibig-ibig at hindi makisig ang mapipili nilang mapapangasawa ko!?" Sabi ko na ikinailing naman ni Liway. "Mahalaga pa po ba iyon? hindi po ba dapat ang higit na mas mahalaga ay ang makalabas kayo sa inyong bukot?" Tanong ni Liway na aking ikinatigil. "Oo nga naman? mahalaga pa ba yun? SYEMPRE! tss paano nalang kung bungi siya? panot? o di kaya'y pandak at pangit? hmm hindi pwede!" Pagsusumigaw ko sa isip ko. "Kung gano'n kailangan ko ng makipag-isang dibdib sa lalong madaling panahon" Tanging nasabi ko. "Mahal na Bai, paumanhin ngunit hindi rin po kayo ang magtatakda kung kailan kayo maaaring makipag-isang dibdib lalo na't wala pa ni isang ginoo ang nangahas na magtudla ng kanilang mga bankaw (spear) dito sa puod upang hingiin ang inyong kamay dahil sa bagsik at lupit ng inyong amang Raha" Ang pagpapaliwanag ni Liway. "Amang Raha? siya ba 'yung sinabi mo sa akin dati na aking ama?" Tumango naman siya. "Kung gano'n ay kakausapin ko nalang siya at sasabihin ko sa kanya na payagan niya akong makipag-isang dibdib" Sagot ko ngunit umiling lang si Liway at para bang bigla nalang siyang nalungkot. "Paumanhin sa aking mga sasabihin mahal na Bai, ngunit buhat ng kayo ay isilang at malaman na kayo ay isang babae ay hindi na kayo kinagiliwan ng inyong amang Raha, sa pagkat ang nais niya ay isang anak na lalaki, ngunit ang inyong iloy na Hara ay hindi na muli pang magkaka-anak kung kaya't siya ay hindi na rin kinagigiliwan at pinakikinggan ng mahal na Raha. Bagkus ay mas kinagigiliwan niya pa ang kanyang mga sandil o ibang asawa sa paniniwalang siya ay magkaka-anak ng lalaki sa mga ito." Mahabang pagpapaliwanag ni Liway na aking ikinalungkot. "Ang lungkot at ang pait, ganito pala ang aking buhay dito sa nakaraan, malayong-malayo sa buhay ko sa kasalukuyan, mahal na mahal ako nila Mommy at Daddy dahil nag-iisa nila akong anak, may kalayaan ako sa lahat ng gusto kong gawin at higit sa lahat may sarili akong desisyon." "Muli ay paumanhin sa aking mga tinuran, nais ko lamang na malaman niyo ang tungkol sa inyong pagkatao dito sa inyong nakaraang buhay" Sabi ni Liway habang nakayuko nanaman. "Wag kang mag-alala Liway ayos lang 'yun, maraming salamat sa lahat ng impormasyon" Tanging nasabi ko, ngumiti ako sa kanya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. "Bakit?" Tanong ko. "Paumanhin Mahal na Bai, ngunit kaming mga uripon ay hindi niyo dapat pina-sasalamatan ng ganyan at tinitignan na para bang kami ay inyong kaibigan" Sabi ni Liway dahilan para matawa ako ng mahina. "Ano kaba, masyado ka namang pormal, ma-aari mo akong maging kaibigan Liway wag kang mag-alala ayos lang sa akin" Sabi ko habang nakangiti sa kanya. "Ngunit mahal na Bai hind-" Pinutol ko na siya sa pagsasalita at tumayo ako para hawakan ang mga kamay niya. "Kung tunay ngang ako ay itinuturing mong iyong Mahal na Bai ay susundin mo ang ipinag-uutos ko at ito ay ang makipag-kaibigan ka sa akin" Maawtoridad kong sabi na ikinatigil niya sandali ngunit tumango rin siya at ngumiti sa akin kaya nginitian ko rin siya. "Yes! I did it! nagagawa ko ng makapagsalita the way she speaks to me!" Sabi ko sa isip ko na lalong nagpangiti pa sakin. Niyaya ko siyang saluhan akong kumain ng mga dala niyang prutas ngunit tumanggi siya kaya pinilit ko pa hanggang sa pumayag naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD