Chapter 1

1247 Words
Nightmare's POV Tumunog ang nakakarinding alarm ko hudyat na may intruder sa loob ng bahay ko. What the hell is happening? Wala akong choice kundi imulat ang mga mata ko kahit antok na antok pa ako. Sinalubong ako ng kulay pulang ilaw dahil sa alarm. Padabog akong tumayo at sinuot ang bathrobe ko. Lumapit ako sa mga computer na nakakonekta sa mga CCTV ng buong bahay ko at tinignan kung sino ang sinasabing intruder.  Ang bahay ko ay punong puno ng CCTV kahit sa banyo meron . Merong mga hidden camera sa wall clock, ref, TV, lamesa, mga libro, salamin, picture frames at iba pa pero sa may bahay ko lang meron, dito sa mismong hideout ko wala, kasi ako lang naman ang nakakapasok at nakakalabas dito. Mahigpit ang security, sobrang higpit.  Napabuntong hininga ako nang makitang si Chloe lang pala ang tao sa loob ng bahay. Nakapasok na naman ang babaeng yan nang hindi kumakatok. Hindi niya ba alam ang essence ng pinto? Mukhang kailangan ko na I-upgrade ang security ng bahay. Naglakad ako papunta sa elevator at pumasok dito. Ang bahay ko ay parang props ko lang yan sa totoo kong tinitirhan, kasi sa underground talaga yung hideout ko walang kabinta bintana kasi nga underground. Galaxy ang design ng hideout ko, isa itong napakalaking kwarto na may malaking kama, malaking flat screen tv, limang computer tapos may hiwalay na kwarto ang mga gadgets ko katulad ng mga baril, daggers,blades, camera, yung mga ginagamit ko sa missions at siyempre may kusina at banyo rin. Bukod sa ceiling at walls, galaxy din ang design ng halos lahat ng gamit ko para talaga akong nasa space dahil fan ako ng outer space kasi nakakacurious at the same time mukhang masaya tumira doon, walang polusyon at walang tao. Pagbukas ng elevator ay naglakad ako papunta sa isang metal na pinto at dinikit ang daliri ko sa scanner tapos inenter ang pin, bumukas ito at bumungad sakin ang mga damit ko. Inarrange ko ang mga damit kong nakahanger ayon sa code, pagkatapos auntomatic na gumalaw ang kahoy at tinakpan nito yung pintong pinaglabasan ko kanina. Lumabas ako sa closet ko at nandito na ako ngayon sa isang kwarto, isang tipikal na bedroom. May iba pa akong pwedeng daanan bukod dito sa aparador ko, in case of emergency siyempre lagi dapat tayong handa lalo na't marami akong kaaway. Bumaba ako para salubungin ang unwanted visitor ko. "Hay finally, bumaba ka na rin ! Kanina pa ako naghihintay dito alam mo ba yun? Akala ko nga mamumuti na yung mga mata ko eh", exaggerated niyang sabi. "Eh bakit hindi namuti?" Nginusuan naman ako Chloe dahil sa pamimilosopo ko. Umupo ako sa may sofa at nilaro ang psp na nasa lamesa tapos tumabi naman siya sakin. "Bakit ba kasi ayaw mo pa ipaalam sakin yung secret hideout mo? Siguro may lalaki ka doon no? " Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya sa halip ay pinagpatuloy ko lang ang paglalaro ng tekken sa ps4 ko. "13 years na tayong magkasama pero hindi mo parin ako pinapapunta sa hideout mo. Ayaw mo rin na tumira ako dito, dati naman noong mga bata tayo magkasama tayo sa isang bahay ah!" Nagmamaktol na sabi ni Chloe, sa iisang bahay lang kasi kami nakatira dati dahil inampon ako ng tito niya samantalang siya noong una paminsan minsan kang siya natutulog doon pero kinalaunan nang maghiwalay ang mga magulang ni Chloe ay mas pinili niyang sumama kay Tito Silver, tapos naghiwalay lang kami ng tirahan nang magtrabaho na kami. Sa tingin ko, mas buti nang hindi niya alam at magkahiwalay kami ng tinitirhan para mas ligtas. Atleast kapag may mahuhuli samin magkahiwalay kami, kasi kung sa iisang bahay lang kami madali nila kaming makocorner.  "Bat ka ba nandito?", irita kong sabi, bigla naman niya akong hinampas ng unan. "Hays grabe ka talaga ! Ang sungit sungit mo ! Ako na nga itong nagcacare sayo at dinalhan ka ng breakfast tapos ganyan!?" Tinignan ko yung tinuro niyang pagkain na nakahain sa hapag kainan. Agad kong binitawan ang psp at nagtungo doon sa lamesa. Tamang tama gutom na ako, umupo ako at sinimulan nang kumain. Kakaiba talaga ang luto ni Chloe, kahit madalas nakakairita siya dahil ang ingay niya, natutuwa ako kapag pinagluluto niya ako kasi ang sarap niya magluto pero hindi ko sinasabi sa kanya kasi baka lalaki lang ulo ng chemical na yun. Chemical kasi Chlorine Santiago ang buong pangalan niya at siya ang partner ko sa trabahong ito. Siya ang bahala aspetong pangteknolohiya sa trabaho siya yung kumabaga nanghahack hindi lang ng computer pero pati cctv at mga system. Siya ang nagsisilbing mga mata at tenga naming. Isa siyang detective pero pagkatapos ng graduation imbes na maghanap ng trabaho ay ito na ang pinagkaabalahan niya---- namin, dahil dito naman kami sinanay ng tito niya, bata palang sinasanay na niya kami. Para sa isang regular na detective mas triple ang laki ng kinikita niya sa trabaho namin.  "Wow you're welcome ha!",sarcastic niyang sabi "Kumain ka na ba?" Umupo siya sa tapat ko at ngumiti ng malapad. "Hindi pa. Gusto ko sabay tayo eh!" At nagsimula na rin siyang kumain. "Nga pala may mission ka ngayon" Napatigil ako sa pagkain at tinignan siya. "Spill it",kinuha ko yung tubig at ininom "May hahanapin kang teddy bear" Bigla kong nabuga sa mukha ni Chloe yung tubig na iinumin ko sana sa gulat  "Ano ba! Bastos naman to! Bat saakin mo binuga?!",sigaw niya habang pinupunasan yung basa niyang mukha. "Ulitin mo nga yung sinabi mo?", parang tila nabinge ako, tama ba ang pagkakarinig ko? Maghahanap ng isang teddy bear?? "Ay? Binge? Slow ? Shunga? Inutil?--" "Just repeat it Chlorine",mariin kong sabi. "Hah! How dare you call me by my real name !!" Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan niya ako ng tingin. Ayaw na ayaw niyang tinatawag sa totoo niyang pangalan pero syempre tatawagin ko siya roon para mainis siya.  "May pinapahanap na nawawalang teddy bear. Bigatin ang client nightmare." Doon ko naconfirm na tama nga ang narinig ko. "Teddy bear? As in Stuffed toy?!! Me ? The famous agent nightmare is going to find a freaking bear? Are you crazy or what? Pulis nga hindi pag-aaksayahang hanapin yun ako pa kayang professional agent?? !!!!" I can't believe it. "Nightmare pwede ba makinig ka muna. Hindi ito basta bastang teddy bear kasi may laman yun na importanteng flashdrive sa loob. Nasama lang daw sa nadeliver. Ang point dito handang magbayad ng kalahatig milyon ang client para sa sinasabi mong 'freaking bear' " Kalahating Milyon? Para sa isang walang kwentang teddy bear? Sino ba naman kasing tangang maglalagay ng flashdrive sa loob ng teddy bear at hinayaang masama sa delivery. He's crazy. The world is indeed crazy ! "Still no." "Nightmare he also said na mamamatay siya kapag di niya nakuha ang teddy bear na yun hanggang alas dose ng gabi" "Then die" Napahampas sa noo si Chloe sa naging tugon ko. What? There's no way Im gonna take that mission. Damn. Find a freaking bear? "Nightmare bayaran na ng tuition ng kapatid mo" "So what? I have plenty of money , I can pay for that" Mukhang sumuko na si Chloe at yumuko. Half Million for a teddy bear? Suddenly, I'm reconsidering my decision, geez it will hurt my pride if I'd take that mission but its seems like the mission is easy and the payment is very tempting whatever is inside that flashdrive must be very important. Tinignan ko si Chloe na tahimik na kumamain habang nakayuko. Napairap naman ako. Nagpapaawa effect na naman siya. "Fine. Give me the info" Mabilis siyang nag-angat ng tingin at pumalakpak. "Yeheeey!! Money here we comeee!" Wow ang bilis magbago ng mood niya ha. I can't believe this , I am going to find a freaking bear. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD