Chapter 1: Jeepney

2166 Words
Hannah's POV HINDI ko napigilang magtalukbong ng kumot dahil sa pagkainis. Kanina pa ako inaabala ng alarm clock na nasa side table ko. Napapahimbing na ulit ang tulog ko, nang tumunog na naman ‘yon. Kahit antok na antok pa ako ay bumangon na ako at pinatay ang alarm. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napakunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa ‘kin ang kabuuan ng kwarto. After a few minutes, realization hits me. I smiled. Lumipat na nga pala ako ng apartment kahapon. Kasama ito sa request ko kay daddy tungkol sa kagustuhan kong maranasan ang simpleng buhay. Masaya akong bumaba ng kama. Yes, nakakapanibago. Unang una dahil wala ng mga katulong na naghahanda ng mga isusuot ko, wala ng mga cooks, at lalong wala na akong driver. Mas nadagdagan ang excitement na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang hindi matuwa habang inaayos ang kama. Sa buong buhay ko, ngayon ko pa lang naranasan ang mag-ayos ng bed. At simula sa araw na ito, mararanasan ko na din ang iba pang mga simpleng bagay. Bigla kong naalala ang sinabi sa ‘kin ni ate Gladies na ngayong araw ang start ng class ko sa school na nilipatan ko. Naayos na niya ang lahat kaya pwede na agad akong umatend ng class. Isa si Ate Gladies sa mga mapagkakatiwalaang tao ni Daddy. Matapos kong ayusin ang bed ay lumabas na ako ng kwarto. Simple lang ‘tong apartment na kinuha ni Ate Gladies. Magkahiwalay ang banyo at kwarto. Hindi katulad ng kwarto ko sa mansion. Tumuloy na ako sa banyo. To be honest ngayon lang ako makakaranas ng tabo system, usually kasi bath tub at shower ang ginagamit ko. Nag umpisa na akong maligo, medyo nakakangalay pala ang sumalok ng tubig sa timba at ibuhos sa ulo kaya ang ginawa ko sinahod ko na lang ang ulo ko sa mismong gripo. Hindi ko mapigilang mapangiti. Para akong ewan. Matapos ang isang oras, ready na ako. Hindi na ako kumain, sa school na lang siguro medyo late na din kasi. Bago ako tuluyang umalis, tiningnan ko muna ang kabuuan ko sa salamin. Simpleng maong pants, blouse with collar at doll shoes ang suot ko. Ito kasi ang sabi ni Ate Gladies. If I really wanted to experience simple life, I need to change everything even the fashion style. Di ko napigilan ang hindi mapangiti. Sinukbit ko na ang back pack ko at siniguradong naka-locked ng ayos ang pinto saka tuluyang umalis. Naglakad pa ako hanggang kanto kasi doon pa ang sakayan. Nang makarating ako sa sakayan napansin ko na madami na din ang naghihintay ng jeep. Medyo malapit lang ang university sa apartment ko, pwedeng lakarin mga thirty minutes na lakaran. Kaya lang late na talaga ako kaya sasakay na lang ako. At ‘saka first time ko mag-commute kaya gustong gusto ko ‘to. Di nagtagal may dumating ng jeep. Kanya kanya na ng pagsakay ang mga tao. ‘Yong iba nga nagtulakan pa. Sasakay na sana ako ng mapansin kong puno na sa loob at yung iba nakabitin na. Kaya naman nakibitin na din ako. Yieeeee! First time! Ready to go na sana ako nang mapansin ko na ang tagal umandar ng jeep, tiningnan ko ang mga lalaking nakabitin din at binigyan nila ako ng 'are you insane look'. Tapos sumilip ako sa loob ng jeep at lahat sila nakatingin sa’kin. Nung napasulyap ako sa driver, nakanganga s’ya. Binigyan ko sila ng alanganing ngiti. "Ah ineng dito ka na maupo. Ako na lang ang bibitin." sabi ng isang lalaki sabay baba ng jeep. Ako naman, pumasok sa loob at naupo sa binakante niya. "Thank you." I said and put my back pack on my lap. Huminga ako ng malalim. Mali ba ‘yong ginawa ko kanina? Hindi ba normal lang na may bumibitin sa jeep? Bakit sila pwedeng bumitin? Ako hindi? Weird. Umandar na ang jeep. Ang alam ko may bayad dito. Kinuha ko yung wallet ko sa bag. At nagulat ako nang makita ang laman nito. "Gosh! Bakit ang dami nito?" bulong ko sa sarili ko, matapos kong makita ang laman ng wallet ko. Puro thousands, wala man lang naligaw kahit ilang hundreds. Sinabi ko na kay Ate Gladies na konti lang ang ilagay niya. Konti na siguro ito para sa kanya. Kumuha ako ng isang libo at ibinalik ang wallet sa bag. Nilagay ko ang bag dun sa inuupuan ko at lumakad ng payuko papunta sa driver. "Manong driver bayad po" sabi ko habang inaabot ang bayad sa driver medyo nakayuko pa ako at nakatuwad sa mga pasahero. Napansin ko medyo bumabagal ang takbo ng jeep at konti na lang titigil na ito. Si Manong driver nakanganga na naman at nang lumingon ako sa mga pasahero lahat sila nakaawang ang mga bibig. Ano na naman ba? Mali ba ako? Di ba may bayad naman talaga kapag sumakay ng jeep? At nang matauhan ang lahat, ‘yong iba napangiti, ‘yong iba naman nagpipigil ng tawa at yung iba nawiwirduhan na yata sa ‘kin. Pero mas nawiwirduhan ako sa kanila. Napanguso na lang ako. "Ineng wala ka bang barya?" tanong ng driver. "Binigyan ko na nga po kayo ng isang libo nag hahanap pa kayo ng barya" sagot ko. Narinig kong tumawa yung babae na nasa kaliwa ko nasa likod siya ni kuyang driver kaya rinig na rinig nya yung sinabi ko. Nakita ko naman na sumimangot si kuyang driver. "Saan ba ang baba mo ineng?" tanong ulit ng driver. "Sa Montereal University po" sagot ko medyo nangangawit na ako sa pagkakayuko ko. "Otso pesos lang hanggang do’n, wala ka ba talagang otso dyan?" ang kulit naman ni manong. "Wala kasi akong pansukli dito sa isang libo mo" "Ah ganun po ba?" tanong ko at tiningnan ang mga pasahero sa likod ko, ibinalik ko ang tingin sa driver. "Sagot ko na po silang lahat, pati kayo manong driver ibabayad na din kita" seryosong sabi ko. Nagulat ako ng bigla na lang tumawa ang ibang mga pasahero. Bakit may mali ba sa sinabi ko? Di ba dapat magsalamat pa sila sa’kin dahil nilibre ko sila? Binalik ko ang tingin kay manong driver at nakita kong napa-face palm sya. Bakit ba? Katawa-tawa na bang manlibre ngayon? Pagtingin ko d’on sa babae na malapit sa bag ko medyo seryoso siya. Nung binalik ko ang tingin ko sa unahan ng jeep medyo natatanaw ko na ang M.U. Bumalik na ako sa upuan ko, di ko alam ang sasabihin kapag bababa. Ano nga ba? Ihinto mo, bababa ako? eh? FPJ lang ang peg? Parang ‘yong pelikula nya umpisahan mo, tatapusin ko. Palaging pinapanuod ni Daddy ang mga movie nya kaya pamilyar sa’kin si FPJ. Inisip kong mabuti kung anong sasabihin kapag bababa na. At dahil baka lumampas pa ako sa kakaisip ay sumigaw na lang ako ng DARNA! Pero syempre joke lang ‘yon, palagay nyo sa ‘kin engot? "Manong driver bababa na po ako!" sigaw ko. Ang mga pasahero di pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi. Smiling face day ba ngayon? "Paano ang sukli mo ineng?" tanong ni manong driver nang ihinto nya ang jeep. "Keep the change po" sagot ko sabay ngiti at tuluyan ng bumaba. KANINA pa ako paikot-ikot sa campus na ‘to pero di ko pa rin makita ang canteen, gutom na gutom na ako. Pasado alas-dyes na. Sa kaiikot ko di ko na namalayan ang oras, di pa ako nag aagahan, kumakalam na ang sikmura ko. Pagkarating ko dito sa Montereal University kanina, napagdesisyonan ko na wag na lang muna pumasok sa unang klase ko dahil late na din naman, kaya hinanap ko na lang ang canteen para kumain, pero sa kasamaang palad, hanggang ngayon di ko pa din ‘yon nakikita. Dahil di ko na kaya, nagtanong na ako. Bakit nga ba ngayon ko lang naisipan magtanong? "Miss, excuse me!" tawag ko dun sa babae na makapal ang make up, medyo tinaasan pa ako ng kilay. Hindi ko pinansin ang katarayan n’ya. "What?" maarteng tanong n’ya. "Saan po ang canteen dito?" tanong ko. Ang kilay niyang nakataas, napalitan ng pagkakunot. "Are you a trespasser?" balik na tanong nya with matching cross arm pa. "Trespasser agad? Di po ba pwedeng naliligaw lang ng landas?" napangiwi ako sa sagot ko parang ang sagwa yata ng sinabi ko, naliligaw ng landas? Naka-drugs lang? Ang kilay n’ya konti na lang dikit na. "Then find it on your own!" singhal nya sabay flip ng hair at nag-walk out. Hindi ko napigilang hindi mapabuntong-hininga. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap. MATAPOS ang matagal na lakaran natagpuan ko din sa wakas ang canteen. Pumasok ako sa loob, madami na din ang estudyante dito kasi lunch time na. Pumila ako at abala ang isip ko sa pag iisip ng oorderin. Nasa counter na ako. Pagkatapos kong sabihin ang order ko, binuksan ko ang bag ko para kunin ang wallet ko. Nasaan na ang wallet ko? Dito ko lang nilagay ‘yon kanina, ipinatong ko na ang bag ko sa may counter para matingnan ng ayos ang loob pero wala talaga, pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. "Another poor in this school." narinig kong sabi nung isa sa mga babaeng nakapila sa kasama niya. "Yeah, look at her, what a mess?" sabi pa ng isa. Napatingin naman ako sa sarili ko, medyo pawisan nga ako at ang gulo na buhok ko. Di ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang paghahanap. Sa totoo lang di ko na talaga makita. Halos nailabas ko na lahat ng laman ng bag ko pero wala talaga. "Pakisama na lang ako nito Miss sa order niya". Singit ng isang babae naka-smile siya sa’kin. I smiled back. "Bagay silang magsama parehas basura" narinig ko pang sabi nung isang babae nang paalis na kami sa counter dala ang mga order namin. "Wag mo na lang pansinin." sabi ng babae na mabait, medyo ka-edad ko yata sya. "Ako nga pala si Tina." pakilala niya ng makaupo na kami sa bakanteng mesa. "I'm Hannah" sabi ko sabay abot ng kamay nya na nakalahad sa’kin. Maganda siya. Actually simple lang ang ganda niya di nakakasawang tingnan, napansin ko na parang nag-iisip sya habang nakatitig sakin, wag mong sabihin na kilala niya ako. "You must be Hannah Marie Adaipmil?” nag-aalangang tanong n’ya. God! kilala niya nga ako tapos na ang pangarap kong mamuhay ng simple. Tumango lang ako sa tanong niya at yumuko. "Ikaw nga!" masiglang sabi n’ya. "Alam mo ba kanina pa kita hinahanap kasi pinahahanap ka sakin ni Dean, gusto ka niya makausap about dun sa scholarship mo." Ha? Ibig sabihin wala siyang alam sa’kin? Bigla akong napangiti sa kaalamang wala pala syang ideya tungkol sa pagkatao ko. "Teka sa’n ka ba nagsusuot at wala ka sa first subject mo? Pinuntahan kita doon, pero sabi nila wala naman daw Hannah Marie sa class nila." medyo madaldal siya. At kapansin-pansin ang sigla sa boses n’ya. "Well, to be honest, I was lost." I answered. "Tama nga ang hinala ni Dean nung sinabi ko na wala ka pa sa klase mo, naliligaw ka pa daw" sabi niya habang natatawa. Tumawa na din ako dahil naalala ko ang mga inabot ko ngayong araw. "Can we be friends?" sabi ni Tina, matapos ang tawanan. Namilog ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko gusto niya makipag-kaibigan? "My pleasure!" sabi ko ng may malawak na ngiti sa labi. "Alam mo ba na isa ka sa mga maswerte na nabigyan ng scholarship ng school na ‘to? Kasi sa laki nitong University na ito five lang tayong may full scholarship" imporma nya sa’kin habang kumakain "So scholar ka din?" nasasayahang tanong ko. "Yup!" sagot niya "Kapalit nito, bukod sa maintaining of higher grades ay ang pagtulong sa mga activities dito sa school, pagkatapos natin kumain samahan kita kay Dean para malaman mo ang iba pang detalye" "Salamat ha" sabi ko. Sobrang natutuwa ako dahil may kakilala na ako dito sa school. "Wala ‘yon ano ka ba? Friends na tayo di ba?" May maganda din pa lang maidudulot ang araw na ito, hindi lang puro kamalasan. Nagpapasalamat pa din ako dahil hindi nanakaw ang cellphone ko, kung nagkataon lagot ako kay daddy kapag di ko siya natawagan mamaya. Agad kaming tumuloy sa office ni Dean, madami akong nalaman about nga sa pagiging scholar ko. Napansin ko na pati si Dean walang alam sa pagkatao ko, iba talaga pag si dad ang kumilos. Pagkatapos ipaliwanag ni Dean sa akin ang lahat ay nagpaalam na din ako sa kanya. Paglabas ko nabungaran ko pa si Tina. Hinintay pala nya ako. "Tara na" masayang sabi niya. Nalaman ko na magkatulad kami ng kurso at parehas lang din ang schedule namin. Ang saya lang pakiramdam ko magtatagumpay ako sa aking operation: mamuhay ng simple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD