Chapter 2: A Kiss From Her Target

1550 Words
"Hindi ko sila kinukulong, in fact! Tinutulungan ko sila," anitong palapit sa kaniya. Deretso ang tingin nito sa kaniya. Hindi alam kung sinusuri siya nito o talagang gusto lang siyang matakot siya rito. Tumiim rin ang titig niya rito. Gusto niyang iparating rito na hindi siya natatakot dito. Kung ito ang larong gusto nitong laruin ay makikipaglaro siya. Ngumisi siya. "Really?" sarkastikong turan at nakita ang pagngalit ng bagang nito nakatunayang nasaling niya ang ego nito. Masyadong mataas ang tingin nito sa sarili nito. Nainis si Marcus sa ginawang iyon ng babae. Never siyang kinausap ng ganoon ng isang babae. Agad niya itong ni-leeg-an. "Mabait akong tao pero ayaw na ayaw ko nang sinasagot ako ng pabalang o sarkastiko," aniya sa babae habang nakatingin ito sa kaniya at sumungaw sa mapupulang labi nito ang ngisi. Tumiim ang titig dito. Tumawa siya na tila demonyo. Gustong ipakita sa babaeng kasama na siya ang boss, siya ang nakatataas. "I want you to be my slave!" may diing wika. "What?" gilalas na turan ni Sanaya sa sinabing iyon ng lalaki saka tumiim ang titig dito. Una pa lamang ay alam na niya ang alituntunin ng pagpasok sa grupo nito. Kailangan mong pumasa sa paningin nito. Kapag nagustuhan ka niya ay gagawin kang alipin. Kapag pumasa ka sa tatlong buwang pagiging alipin mo ay depende kung gagawin kang kawani ng grupo nito kung saan ay hindi na nakakaalis. O 'di kaya ay ibibigay ka niya sa mga businessmen para maging alipin rin ng mga ito. Napangisi si Marcus nang makita ang pagkabahala sa mata ng babae matapos bitawan ito. Halos bumalandra ito sa kama sa lakas ng pagkakabitaw rito. "Remove all your cloth!" pautos na turan nito sa kaniya. May kabang naahon sa dibdib pero ayaw niya iyon ang manahan sa kalooban kaya pilit na pinaglabanan. Imbes na sumunod rito ay umirap lang siya. Ngunit nang makitang mabilis itong humakbang palapit sa kaniya at akmang hahablutin ang suot na bahagyang nakabukas ay agad siyang tumalima. Wala siyang magawa kundi ang sumunod rito. Kailangan niyang pumasa rito upang malaman kung buhay pa ba ang kaniyang step-sister. Tuluyang nainis si Marcus nang makitang hindi na naman nagalaw ang babae at muli itong ni-leeg-an at mabilis na hinila palapit sa kaniya. Nagpupumiglas ito pero mas malakas siya kaya mabilis niya itong nakontrol. Mabilis na sinibasib ng halik. Nalasahan ang likidong pula pero hindi tumigil sa pagsibasib sa labi ng babae. "You're my slave kaya sumunod ka sa kung anong gusto ko!" malakas na turan dito. Muli niyang nilapit ang mukha at sa pagkakataong iyon ay masuyong hinalikan ang babae. Nataranta si Sanaya sa masarap na halik na pinapalasap ng lalaking kanina ay tila tigreng nais siyang lapain. Lalo pa nang maramdaman ang paggalugad ng dila nito na tila binubukas ang labi niya upang papasukin ito. Halos mapaungol siya sa sensasyong umahon sa kaniyang kaibuturan sa ginagawang iyon ng lalaki. Tuluyang pinasok ang dila sa loob ng labi ng babae at halos mapamura siya nang kagatin iyon nito. "s**t!" malutong na mura at hinawakan ito sa leeg. Napataas ito nang mukha sa kaniya at nakita ang pangingilid ng luha nito. "Make it easier to both of us!" aniya at sinisimulang halikan ito sa punong tainga ng babae. Ngunit mabilis siyang nasipa sa bandang harapan niya at halos mamilipit siya sa sakit. "What the f*ck!" bulalas niya kasabay ng pagsidhi ng kirot sa kaniyang harapan. Agad namang tumakbo si Sanaya patungo sa pintuhan ngunit hindi niya iyon mabuksan. Ilang beses niyang pilit binuksan iyon pero ayaw pa rin hanggang sa unti-unti ay natigil na ang lalaking kanina pa nagmumura dahil sa sakit na dulot ng pagkakasipa nito. Matapos hamigin ni Marcus ang sarili sa pagkakasipa ng babae sa kaniyang yaman ay galit na tinungo ang kinaroroonan nito malapit sa kanina pa nito gustong buksan na pintuhan. Bakas sa mukha nito ang takot sa nakikitang hitsura niya. Takot na takot si Sanaya dahil tila nasagad na ang lalaki sa kaniya. Agad siya nitong hinablot at binalibag sa kama. Nahintakutan siya sa nakikitang mukha ng lalaki lalo pa nang sumampa rin ito sa kamang kinahihigaan matapos siyang ibalibag doon. Agad siyang bumangon at napausog sa gilid ng kama. "No please! Nooo!" natatakot na turan rito. "You're making it too hard for both of us. Sabagay, gusto iyan para may thrill," anito na kinatakot niya. Nagsimula siyang hawakan nito sa paa. Nagtatadyak siya nang maramdaman ang paggapang ng kuryente sa balat dulot ng pagkakahawak nito. Mas lalong nainis si Marcus at hinawakan ang dalawa nitong paa sabay hila. "Please nooo!" iling rito na naiiyak na. Nainis ng tuluyan si Marcus sa babaeng nasa silid. Akala niya ba ay game ito dahil halos maghubad ito sa harapan kanina tapos ngayon ay nag-iinarte. "Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng naririto na ang arte!" singhal nito sa kaniya na mas lalong kinatakot ni Sanaya. 'Hindi maaari ito,' aniya sa isipan. Tumiim ang titig ni Marcus sa babaeng nasa harapan. Banas pero may nagtutulak sa kaniyang angkinin ito kahit kanina pa gustong palabasin sa silid na iyon dahil sa kaartehan nito. Natigilan si Sanaya ng makitang tila naubos na ang pasensiya ng lalaki at tumayo na ito. Nakatingin sa kaniya. 'Sh*t! Hindi ako pwedeng umalis,' agad naman niyang turan sa isipan nang maalala ang pakay. Ngayon pa ba siya aatras, ngayong isang dipa lang ang kinatatayuan ng kaniyang pakay. Napatingin siya sa lalaking nakapamaywang na nakatunghay sa kaniya. Naiinis siya dahil ilang beses kinundisyon ang sariling ibigay rito pero sa tuwing hahawakan siya nito ay nais niyang sapakin ito. Mabilis siyang tumayo at humarang sa harapan ng lalaki na noon ay paalis na sa silid na kinaroroonan. Napakunot ang noo nito at matiim na tumitig sa kaniya. Mabilis siya nitong hinawakan sa leeg. "Ang arte mo!" anito saka siya tinabig nito. Halos bumalandra siya sa sahig sa pagkakatabig nito. Tumingin ito sa kaniya. Akala niya ay tutulungan siya nito o maaawa ngunit ngumisi lang ito at umalis na. Paglapat muli ng pintuhan ay sumara iyon. Agad siyang pinihit ang handle ngunit naka-lock pa rin iyon. Pagkalabas ni Marcus ay napangisi siya sa babaeng nasa loob ng silid. Mukhang iba ito sa mga babaeng nais siyang masilo. Matigas pero batid na may kahinaan din. Mas lalong napangisi nang marinig ang malutong nitong mura nang hindi mabuksan ang pintuhang nilabasan. "Sh*t!" bulaslas niya at sinipa ang pintuhan. Inayos niya ang kaniyang damit na halos mahubaran na siya. Ang suot na maliit na mini-skirt at ang suot na blusa na kanina na hinubad ay hindi pa rin tuluyang naisusuot ng mabuti. Para tuloy siyang basang sisiw sa pigura at nanlalambot ang katawang bumalik sa kamang naroroon. Nahiga sa kama at napayakap sa sarili. Ngayon ay nararamdaman na niya ang walang kahalagahan ng babae sa loob ng silid na iyon. Ibig sabihin ay pinagdaanan din ng ate Sandra niya ang lahat ng kaniyang pinagdadaanan. "Tatagan mo ang loob. Dahil sa mundong papasukin mo ay talo ang mahina. Huwag na huwag kang magpapatalo kahit kanino. Isipin mong lahat sila ay kaaway mo." Umuukilkil sa isipan ang sinabing iyon ng kaibigan na siyang inutusan upang alamin ang tungkol sa grupo ni Marcus Oliveira. "Hindi ako susuko! Ito ang laban mo, pwes magtutuos tayo!" matiim na sambit niya sa sarili at humigang muli sa kama matapos umupo. Sa labas ng silid ay agad siyang sinalubong ng dalawang alagad. "Ibebenta na ba namin ang babae boss?" tanong ng isa niyang kawani na kanina pa pala naroroon. Agad niya itong kuwenilyuhan. "May sinabi ba ako! Huwag na huwag kayong papasok sa silid niya. Kung maghahatid kayo ng pagkain ay hintayin niyo ako at ako ang maghahatid!" malakas na turan sa mukha nito saka binitiwan. "O—okay boss!" hintakutang gagad na turan nito matapos bitawan. Masyado siyang naintriga sa babaeng kaiiwan lamang. Hindi ito katulad ng ibang babae na halos maghubad sa harapan mapansin lamang niya. Halos sambahin siya ng mga ito matikman lang ang kaniyang labi. Napasalat pa siya sa labing kinagat niyo. "Boss, pwede na po kayong pumasok," untag ng kawani. Agad na tinungo ang kinaroroonan ng ilang babae kung saan inihahanda para sa isang party gathering kung saan namimili ang mga businessmen na kaniyang parokyano ng babaeng gagawing alipin sa mga ito. Iba't ibang lahi, may Koreano, Taiwanese, Chinese at mayroon din namang westerners gaya ng Amerikano. "Handa na ba sila?" tanong sa punong taga-pangasiwa ng mga ito. "Yes. Handa na sila bossing," ani ng floor manager niya. Isang magandang biyuda na maging ito ay nais siyang siluin. Bata pa naman ito sa edad na trenta y dos. Sa kurba ng katawan ay hindi papahuli sa babaeng naroroon pero ayaw niya ng tira-tira. Gusto niya iyong birhen. "Good!" aniya rito at iniwan na. Nakikitang malaking pera na naman ang papasok sa kaniyang bank account. Siguro naman kapag nagkataon ay mauungusan na niya ang kaniyang kapatid. Hindi na siya sisinuhin ng kaniyang mga magulang at hindi na siya iiwan ng babae kagaya ng ginawa ni Sandra ng makilala ang kaniyang kambal. Nang maalala ang nakaraan ay muling umahon ang galit sa kaniyang dibdib. Hindi niya namalayang nahila niya ang isa sa tauhan niya. Sa galit na umahon sa dibdib ay halos masakal niya ito. "Bossing huwag po! Bossing!" sumamo nito. Kung hindi pa siya natauhan ay baka napatay ito sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD