Chapter 3: Her Mission, His Lust

1524 Words
Agad na binitawan ang kaniyang tauhan bago pa may magawang hindi maganda rito. Saka tumigin sa mga tauhang naroroon at matamang nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang lumabas sa silid na iyon at dere-deretso sa silid ng babaeng mga trenta minutos pa lamang na iniiwan. Mabilis niyang nakita itong nakahiga sa kama. Payapa itong natutulog kaya magpagkakataon siyang pagmasdan ito. Ang makikinis at bilugan nitong hita. Ang bilugang puwetan nito. Ang makurbang katawan nito. Hindi niya napigilang mag-init. Sa nakikitang kagandahan sa kaniyang harapan. Naalala niya ang sandaling nakilala si Sandra. Maganda, seksi, matalino at mabait. Bagay na hinangahan dito pero dahil black sheep nga siya sa pamilya. Hindi nakatapos dahil bulakbol. Walang trabaho kaya nang makilala nito ang kakambal na mabait, may magandang karera at may pera. Mas pinili niya ito. Halos madurog ang puso niya noon kaya mula noon, ang kakambal na itinuring na bestfriend noong bata sila ay siyang mortal niyang kaagaw at kaaway ngayon. Nag-aapoy ang galit sa dibdib ng maaalala ang lahat ng nakaraan. Tikom ang kamao habang kinikinita sa balintataw ang masayang mukha nina Sandra at Marco. Mas lalong nagngalit ang panga sa galit. Napabagsak siyang upo sa kama na kinagulat ng babaeng nakahiga.  Sa lakas ng pagbagsak sa tabi ay halos malaglag siya sa kama. Ganoon na lamang ang gulat ng makitang may kasama siya sa loob ng silid. Napalunok si Sanaya ng makitang naroroon pala ang lalaki at nang makita ang hitsura nito ay umupo siya at hinawakan ang balikat nito. Mabangis ang tingin nito sa kaniya, bakas ang nag-uumapoy na damdamin nito. Bigla ay kinabahan si Sanaya kaya naghanda siya. Pausod siya dahil kakaiba ang titig njto sa kaniya. Muli ay umahon ang kaba sa dibdib. Naghahalo ang emosyong nakikita sa mga mata nito. Lungkot at galit. "Kiss me!” maya-maya ay tila haring utos nito. Nakatingin lang siya rito. "Kiss me!” ulit nito pero hindi pa rin siya gumalaw.  Nang bigla nitong hawakan ang leeg niya na tila ba sasakalin siya nito.  Wala na siyang nagawa kundi ang halikan ito. Lalo nang ilapat nito ang mukha sa kaniyang mukha. Mabilis na sinibasib ni Marcus ang labi ng babae. Masarap sa pakiramdam kahit tila tuod ito at hindi man lang nasagot sa halik nito. Ginalugad ang dila ang bibig nito sa pag-asang tutugon ito ngunit tila humahalik siya sa patay kaya mabilis na binitawan ito. Hindi malaman ni Sanaya ang gagawin. Maging ang labi ay hindi alam kung tutugon o hindi. Ramdam niya ang pagiging eksperto ng lalaki sa paghalik dahil kahit papaano ay nakaramdam siya. Tutugon na sana siya nang bigla siya nitong bitawan. "s**t! Para akong humahalik sa patay! Buwisit!" inis na turan sa babae. Mabilis itong hinawakan sa leeg nito.  Halos masakal si Sanaya sa pagkakahawak ni Marcus sa kaniyang leeg pero ayaw niyang ipahalata ritong nasasaktan siya at mas lalo nang natatakot siya rito. Mas lalong nilapit ni Marcus ang mukha ng babae habang hawak pa rin ang leeg nito. Muling sinibasib ang labi nito ngunit kagaya pa rin kanina. Kaya mabilis na binitawan. “Alam mo, kanina pa ako naiinis sa'yo. Baka gusto mong ibenta kita sa iba!” babala rito. "Kaya kung ayaw mo, umayos ka!” Padaskol na binalibag ito sa kama. Saka parang haring nagpamaywang. “Ayusin mo ang sarili mo dahil mamaya ay dadalhin kita sa party. Maligo ka at nasa paper bag na iyon ang idadamit mo,” turan saka tumayo na si Marcus upang iwan muli ang babae. Pagkaalis na pagkaalis ng lalaki ay agad siyang napatayo. Gustong magsisi pero naroroon na siya. Muli ay naisip ang kapatid kaya muling nabuhayan ng loob. “Ate Sandra, nasaan ka na ba?”  usal sa kawalan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawan saka tinungo ang paper bag na tinutukoy nito. Nakuha buhat roon ang isang sexy na damit. Napangiwi siya. Never pa siyang nagsuot ng ganoon ka-revealing na saplot. Halos kita ang buong kaluluwa. Binusisi ang damit at mas lalong nainis dahil mukhang wala siyang maitatago sa liit ng saplot na iyon. "Malalaman mo na gusto ni Marcus Oliviera ang isang babae kapag siya lang ang may karapatan makita at makasama. Kapag sinama  niya sa pagdiriwang na tinatawag nilang 'Girl Deal' tiyak hindi ka niya ibibigay kahit bilhin ka pa ng milyon sa kaniya." Umaalingawngaw na tinig ng kaibigan sa kaniyang isipan. Napangiti siya dahil sa mga ginagawa nito sa kaniya. "This is it!" aniya sa sarili saka tinungo ang banyong kanugnog ng silid niya. "Malapit na ako ate Sandra. Maililigtas na kita." Matapos iwan ni Marcus ang babae ay agad na tinungo ang penthouse ng kaniyang sariling building upang makapaghanda sa gaganapin nilang party. Tinatawag nila itong Girl Deal kung saan gagala ang mga babaeng recruit niya sa iba’t ibang guests niya upang makapamili ang mga ito ng babaeng gusto nila. Nakatapis pa ng tuwalya ay muling kinamusta ang paghahanda ng mga kawani. Naipaalam na rin sa kaniya ang pagdating ng ilang bigatin niyang parokyano. Hindi tuloy maiwasang mapangisi. "Maayos na ba ang lahat?" tanong sa intercom sa mga tauhan. "Yes boss,” tugon naman ng mga alagad. Mabilis na sinuot ang kaniyang tuxedo at maayos na nilagyan ng gel ang buhok. Nang makontento sa hitsura ay tumayo na siya at tinungo ang silid na kinalalagyan ng babaeng nakalimutang tanungin kung ano ang pangalan nito. Paglabas ay nakita ang tauhan na may dalang tray. Agad siyang napakunot noo. "Boss, kanina pa po siya baka gutom na,” turan ng tauhan. Tama ito. Alas onse pa ito naroroon at wala pang tanghalian. Ngayon ay alas otso na.  "Ako na ang magdadala,” aniya sa tauhan at kinuha ang tray. Mabilis na binuksan ang pintuhan nito at nakitang wala sa kama ang babae. Maaaring naliligo pa ito. Nilapag sa mesang naroroon ang tray at kinatok ang pintuhan. Walang tugon buhat sa babae kaya pinihit niya iyon. Sadyang walang lock iyon kaya kitang-kita ang hubad na katawan ng babae sa salaming dingding ng shower area. Napakaganda ang malulusog nitong dibdib na tumambad kanina sa kaniyang harapan. Ang magandang kurba ng katawan nito at ang kaniyang hiyas. Bigla ay nag-init ang buong katawan habang pinapanood ang babae. Napasandal siya sa pintuhan ng banyo habang pinapanood ang bawat galaw nito. Nag-iinit ang buong katawan at ramdam ang paninikip ng kaniyang suot na pantalon. Lalo pa nang makita kung paano nito hagurin ang katawan habang nagsasabon. Para tuloy siyang nasisilihan at nais nang dakmain ito pero nagpigil siya. Napatigil ito ng pagsabon sa katawan nito ng tila mapansing may nakamasid rito at napalingon sa gawi niya. Agad nitong niyakap ang sarili. "Hey! What are you doing?" gagad nito sa kaniya. Gulat na gulat si Sanaya ng makita ang lalaking nanunod sa kaniya. Hindi malaman kung paano itatago ang katawang puno pa ng sabon. Napayakap na lamang siya sa katawan niya para kahit papaano ay maitago man lang kahit ang dibdib. Napangiti si Marcus sa nakitang ginawa ng babae. “Just finished it,” aniya saka bumalik sa labas upang matapos na ang babae. Hindi nga nagtagal ay lumabas din ang babae sa banyo. Matiim ang titig nito sa kaniya habang kipkip nito ang tuwalya sa kaniyang katawan. "Magbihis ka na at kumain saglit,” malamig na tinig rito habang nakaupo sa paanan ng kama nito. Pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Nainis si Sanaya sa tinging pinupukol ng lalaking kasama. Nakatingin lang ito sa kaniya pero naiinis pa rin siya kaya napahinto siya sa akmang pagbibihis.  “Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Gusto mo bang bihisan kita?" turan ni Macus sa babae na saka pa lamang gumalaw. Nakitang sinusuot nito ang panty nito. Maging ang strapless bra nito. Nang maikabit nito iyon ay saka pa lamang nito hinubad ang tuwalyang nakapulupot sa katawan nito. Nanginginig ang mga kamay ni Sanaya habang kinakabit ang hook ng bra. Ngayon lang siya nagbihis ng may lalaking nanunood sa kaniya. Nang maisuot ang mga panloob na saplot ay tuluyang hinubad ang nakabalot sa katawan na tuwalya. Ginawa iyon habang kinukondisyon ang sarili saka tumingin sa lalaking matiim na nakatitig sa kaniya. "Manunood ka lang ba?" turan rito.  Ngumiti agad si Marcus sa sinabing iyon ng babae. Ang dating kasi sa kaniya ay tila hinahamon siya nito. "Huwag mo akong hamunin dahil baka magsisi ka. Dalian mo dahil alas diyes ay kailangang nasa party na tayo,” saad dito.  Napangisi si Sanaya. Nagtatalo ang isipan sa gagawin pero nananai ang kagustuhang dito ibigay ang sarili. Kaya imbes na isuot ang dress ay lumapit siya rito. Mapang-akit ang mga ngiti rito habang mataman siya nitong pinagmamasdan. Alam niyang apektado ang lalaki.  ‘Kailangan ko itong gawin bago kami lumabas sa silid na ito,’ desididong saad sa sarili. Hindi kasi siya nakakasiguradong babalik siya sa silid na iyon. Kung mawawala man ang bagay na kinaiingatan ay sa lalaking nasa harap na lamang.  Sa totoo ay guwapo ang lalaki at hindi alam kung ano ang nagtulak ditong gawin ang bagay na ginagawa nito. Titig na titig siya sa mata nito habang pababa ng pababa ang kaniyang mukha. Nakaupo kasi ito sa gilid ng kama habang siya naman ay nakatayo sa harap nito. Hindi alam ni Marcus kung ano ang nais iparating ng babaeng kasama. Kanina kasi ay ang arte nito kaya hinintay niya kung ano ang gagawin nito. Hanggang sa hawakan nito ang kamay niya at igiya dibdib nito. Lalong nag-init ang pakiramdam niya. Tinignan ang mukha ng babae. Mas lalo tuloy siyang nag-init nang makitang napapakagat-labi pa ito lalo na nang bigain ang malulusog nitong dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD