Chapter 1: Her Target, Her Captor

1504 Words
"Nandiyan na si Boss. Ihelera ang mga bagong dating na babae," sigaw ng punong tagapangasiwa.  Tila haring pumasok si Marcus sa malaking tarangkahan. Suot ang kaniyang Amerikana. Kay kisig niyang pagmasdan. Sa taas na anim na talampakan at isang pulgada. Matangkal siya sa normal na Pilipino, bagay na bagay ang suot na three piece suit. Para siyang may transaksyong gagawin bilang isang businessman pero iba ang nakatakda niyang gawin. Iyon ay kilatisin ang mga babaeng handang pasukin ang kaniyang kaharian. Sa taglay na kaguwapuhan at kakisigan. Walang kabaro ni Eba ang makakahindi sa kaniya. Dahilan para mapangisi nang masipat ang mahabang pila ng mga babae. Umiling siya dahil tiyak na magkakamal na naman siya ng milyon kapag nagkataon. Magaling pumili ang kaniyang mga tauhan. Sa nakikitang mga babae, hindi lang dibdib ang matambok. Sa gitna ng maraming kababaehan, naroroon si Sanaya. Nang makita ang lalaking pumasok. Napasinghap pa siya. Guwapo at matangkad ngunit hindi siya naroroon para purihin ito. "Nice to meet you Mister Marcus Oliviera," bulong sa sarili saka matiim na pinagmasdan ito. Lumakad si Marcus at umupo sa upuang naroroon na tila sa hari. Mabilis sumenyas sa kaniyang mga alagad. Saka inisa-isang tumingin sa mga babaeng nakahelera. Mga babaeng halos lumuwa ang kaluluwa dahil sa iksi ng mga suot na halos maghanikluhod sa kaniyang kaguwapuhan. "Simulan na natin," turan sa kaniyang floor manager. Ito ang tagapangasiwa ng mga babaeng isasabak nila sa harapan ng kaniyang mga parokyano.  He makes sure that all of his clients are satisfied enough. In return, he guaranteed every woman will be equally beneficial to the transaction. That's how his business works. "Girls, you have your number. One by one, I will call you. Mr. Oliviera is here, so please cooperate, " malakas na wika ng punong tagapangasiwa. Hindi maiwasang pasadahan ulit ni Marcus ang helera ng mga babae. Nangingiti dahil mukhang lahat ay magaganda. Mga babaeng hangad din ang magandang buhay sa piling ng mga negosyanteng kliyente. Nakitang nagsimulang umusad ang pila. Tinungo ang kinauupuan ng kaniyang tagapangasiwa. Sinabi ang gagawin nito saka nakitang lumapit sa kaniya. Matamis ang ngiti nito. Nanghahalina ang bawat indayog ng balakang. Ngunit, hindi naman nito nakuhang lubos ang kaniyang pansin. Hahayaan na lamang ang kliyente niyang kumuha sa babae.  Sumenyas sa dalawang lalaking nasa gilid niya. Mabilis na tinayo ang babaeng luluhod sana sa kaniyang harapan. Batid na ng dalawa ang nais niya. Agad na kinuha ang babae at nilabas doon. Natigilan si Sanaya sa nakita. Bahagyang ngumisi dahil mukhang hari ang lalaki. Bawat kumpas at galaw ng kamay nito ay may nais ipakahulugan. Malayo pa man ang kinaroroonan sa pila pero nag-iisip ma siya ng estratihiya upang tuluyang mapukaw ang pansin nito. Nakitang muling tumingin ito sa helera nila dahilan para magtama ang kanilang mga paningin pero agad na nagbawi dahil ayaw niyang mahalata siya nito. Hindi siya katulad ng ibang babaeng naroroon.  Pinasadahan ang bawat babaeng naroroon. Napangisi si Marcus dahil hindi sila nauubusan ng babaeng nais pasilong sa kanilang samahan. Mga babaeng nakukuha sa isang pitik lamang ng kamay niya. Nagsimulang bumalandra ang iba't ibang babae sa harap. Magaganda ang mga ito at walang maitulak kabigin. Sa kurba at tindig ng katawan ay pwede nang ipanlaban sa mga beauty pageant. Nang-aakit ang mga ngiti ng mga ito sa kaniya.  Lumapit ang isang babae. Maganda at maputi. Hubog na hubog ang katawan nito. Halos lumuwa ang may kalakihan nitong dibdib. Lumapit ito sa kaniya at hinipuan ang puwetan nito. Mabilog iyon. Mga bagay na gustong-gusto sa babae pero hindi niya gusto ito. Maganda pero hindi siya nagawang i-arouse man lang. Hahayaan na ang kliyente ang bahala rito. Muling sumenyas na alisin na ang babae sa harap. Agad muling tumalima ang dalawang tauhan sa gilid at inalis ang babae. Sumunod naman ang babaeng nakasunod sa pila. Napangiti siya dahil magaling gumiling ang babae. Tiyak niyang masasarapan siya kapag kasama ito sa kama. He likes women that will dominate him in terms of s*x. Subalit kagaya rin ng mga nauna ay hindi siya nito nagawang patigasin man lang ang kaniyang armas. Muling sumenyas at pinaalis ang babae sa harap. Napapangisi si Sanaya. May pag-asa pa siya. Sana ay siya ang mapili nito. May takot man sa dibdib pero kailangan niyang gawin para sa kaniyang ate Sandra. Pinaikot ang mata upang pag-aralan ang kinaroroonan. Ganoon din kasi ang ginawa noong pinapasok sila sa Oliviera Tower. Kailangan niyang alamin ang bawat detalya ng lugar na kinaroroonan. Nang ibaling ang tingin sa babaeng nasa harapan ng kaniyang target ay halos mapalunok siya. Bigla kasi itong naghubad na tila walang tao roon. Mas lalong nagngitngit ang galit sa lalaki nang makita nito ang paghawak nito sa katawan ng babae. Mas lalo pa nang pisil-pisilin nito ang dibdib ng babae. "Oh s**t!" bulong sa sarili ni Sanaya. Hindi alam kung ano ang mararamdaman sa sandaling iyon. Napatingin sa dalawang lalaking nasa gilid ni Marcus. Mukhang natural na lang sa kanila ang makakita ng katawan ng babae. Ngunit panaka-naka naman ang paglunok dahil kahit na sinong lalaki ay mahahalina sa hubad na katawan. Napailing si Marcus sa kapangahasan ng babaeng nasa harapan ngayon. Nagawa pa nitong tanggalin ang suot nitong pang-itaas. Napansin napasinghap ang dalawang alagad na nakatayo sa kaniyang magkabilaang tagiliran. Lalaki ang mga ito at tiyak nalibugan ang mga ito sa nakikitang alindog ng babaeng naroroon. Lumapit ang babae na nang-aakit at tila dinuduldol nito sa kaniya ang matatayog nitong dibdib. Hinawakan iyon at pinisil-pisil. Nakitang na-arouse ang babae. Ngumiti lang siya saka sumenyas para alisin ito sa kaniyang harapan.  Marami pang sumunod na babae ngunit wala pa rin siyang nagugustuhan sa mga ito. Hindi naman sa walang silbi ang mga ito dahil ang mga ito ang pagpipilian naman ng mga businessmen na gustong mag-asawa ng Pinay o kumuha ng makakasama habang nasa Pilipinas. That' how his business works. He'll supply them women and they'll give him the necessary payment.  Tinutulungan naman niya mga babaeng ito na mahanap ang lalaking magpapakasal at magbibigay ng magandang buhay sa kanila. Hanggang sa makita ang babaeng susunod. Napatitig siya sa mata nitong nakatingin sa kaniya. Habang papalapit ito ay hindi maiwasang ma-curious. Kakaiba ang titig nito sa kaniya. Tila nang-aakit pero sa likod noon ang nag-aapoy na titig nito. "Number eighteen," tawag ng babaeng kanina pa umaalalay sa kanila. Hinamig ni Sanaya ang sarili. Siya na ang sasalang sa harapan ni Marcus. Hanggang sa sandaling iyon ay walang malinaw na gagawin pero gaya ng mga babaeng nauna. Lahat gagawin niya makapasok lamang siya sa sinasabi nilang grupo sa loob ng The Gentelman Club.  Mabilis niyang hinubad ang suot na blusa. Nakitang napalunok ang lalaking nasa magkabilang gilid ni Marcus. Inipon ang lakas ng loob upang gawin iyon. Saka lumapit sa lalaki at hinila ang necktie nito tila kasi hindi natinag ang lalaki sa kaniyang alindog. Lumuhod siya sa harap nito na tila ba diyos na niluluhuran.  Hinaplos nito ang harapan nito at naramdaman ang pag-usli nang kung anong bagay sa hinaharap nito. Napangiti siya nang sa wakas ay nagising nito ang p*********i nito. Nagsisimula niyang buksan ang paumbok nitong harapan, nakitang nagmamasid lamang ang lalaki at tila hari na naghihintay na paligayahin niya ito. Pinagpala rin naman ito, nakitang nakatingin lahat ng susunod na mga babae. Ipapasok na niya ang kamay niya sa loob ng saplot nito nang pigilan siya nito at bumulong sa alalay nito. Dinampot siya ng dalawang lalaki. Imbes na matakot at mabahala ay napangisi pa siya. Akala niya ay nagustuhan siya ng lalaki. Nang mailabas siya ng dalawang lalaki ay bigla siyang natakot. "Saan ninyo ako dadalhin?" tanong sa dalawang lalaki. Wala na kasi siyang makitang tao sa patutunguhan nila. Walang imik ang mga ito hanggang sa ipasok siya sa isang silid.  Pilit siyang nanlaban sa mga ito pero mas malakas ang mga ito at idagdag pang dalawa sila kaya isang hila lang sa kaniya ay nakapasok na siya sa loob. "Anong gagawin niyo sa akin?" muling tanong sa mga ito. Tulad pa rin ng una, walang tugon mula rito. "Lalabas na ako?" turan saka akmang aalis nang pigilan siya ng mga ito. Tikom pa rin ang mga bibig na tila robot. Doon ay mabilis siyang nagpumiglas pero mabilis din naman siyang binalibag sa malambot na kama. Saka sabay na tumalikod at lumabas. Nang iwan siya ng mga ito at isinara ang pintuhan ay doon na siya lalong nabahala. 's**t! Hindi ako pwedeng makulong rito!' turan saka tinungo ang pintuhan at pinilit buksan iyon. Mas lalo siyang nainis nang naka-lock iyon sa labas. Ang bintana naman ang sunod na sinuri ngunit may bakal iyon.  "Tang-in*, hindi maaari ito!" banas na sambit at muling pinilit buksan ang pintuhan. "Hayop ka Marcus!" gigil na turan pa sa kawalan. Nang mawalan siya ng pag-asang buksan iyon ay tinigilan na niya at nag-isip kung papaano makakaalis sa kinaroroonan. Pasalampak siyang umupo sa kama at nag-isip kung papaano siya kapag kinulong siya nito. "Lahat ba ng napasok na babae ay kinukulong mo?" tanong sa sarili nang biglang may sumagot sa kung saan. "Hindi!" may malakasang tinig na narinig. Agad siyang napaayos ng upo sa kama at nakita roon ang lalaking dahilan ng kaniyang pagkakabihag. Nagkatitigan sila nito. Walang nais magbawi ng mga paningin. Matapang na sinasalubong ang titig ng lalaking papalapit sa kaniya. May takot pero handa siyang makipaglaban ng p*****n kung kinakailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD