‼️Explicit Content. Read at your own risk.‼️
A collaboration story with The Good Daughter by Author KYLIEROSE but you can read this as stand alone.
Sina Kaleb at Klaeb ay kambal. Bata pa lang, pangarap ni Kaleb ang maging pari ngunit si Klaeb ay nais sundin ang yapak ng ama, ang maging Gobernador at kung papalarin ay higit pa roon. Naging pari si Kaleb at ginamit iyon ng kanyang ama at kapatid sa pangangampanya upang makuha ang position na nais. Ngunit dumating ang araw na naging ganid at sakim sa kapangyarihan ang kanyang kapatid. Dahil hindi sang-ayon ang ama na tumakbong Presidente si Klaeb, aksidente nitong napatay ang ama. Upang hindi makulong si Klaeb, nakiusap ang ina na lumabas sa pagkapari si Kaleb upang akuin ang kaso ng kapatid. Pagkalipas ng 10 taon, laya na si Kaleb ngunit puno ng poot at pagkamuhi ang puso sa kanyang kambal at ina na kahit kailan ay hindi siya binisita sa selda. Upang makapaghiganti, dudungisan nya ang pangalan ng kapatid upang masira at bumagsak ang mga ito sa kahit anong paraan. Dahil ang mabuting anak noon, isang masamang damo na ngayon. May pag-asa pa kayang magbago si Kaleb? Tunghayan ang nakakapanabik na kabanata ng buhay ni Kaleb na pinagkaitan ng pagmamahal ng pamilya.
A/N: A collab story with THE GOOD DAUGHTER by KYLIEROSE.
Date Published: February 21, 2022