CHAPTER 4 ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA?

2161 Words
SELENE "The number you have dialed is not-" "Yna where are you?" kinakabahang bulong ko sa sarili at ibinaba ang cellphone ko. Naramdaman kong may pumulupot na braso sa bewang ko, "Hey babe can't contact Yna yet?" "Yes! Adam can you ask Calvin where my sister is? I'm worried sick! Nung kausap ko siya last time may something sa kanya. I can feel it! Alam ko kapag may problema siya babe. I asked her what happened but she said that she's fine, but I'm not buying it. I know her, she's hiding something from me," dire-diretso kong litanya sa asawa kong si Adam. "Wait babe, I'm trying to call Calvin kanina pa but cannot be reached. Baka naman magkasama silang dalawa at nagbabakasyon. Come on babe stop overthinking. Tatawag din si Serena sa'yo. Just leave her a voice message or try to call her secretary baka naman may meeting lang ang kakambal mo." Napatango na lang ako ng wala sa loob. Nag-aalala talaga ako sa kanya. I know na may problema silang mag-asawa. Nabanggit sa'kin ni Adam last time na madalas silang mag-inom na magkakabarkada nitong mga nakaraan at si Calvin ang pinaka-nalalasing sa kanila. Kinakamusta nila ito pero tulala lang daw si Cal at minsan ay busy sa cellphone niya. Kapag naman tinatanong ko si Serena kung may problema ba silang mag-asawa, ang sagot niya lang ay okay sila at parehong busy sa kanya kanya nilang kumpanya kaya halos di sila magkitang mag-asawa. Malaki ang tinaba ng kakambal ko. Madalas nga namin siyang tuksuhin nina Saffron na baka buntis na siya at nililihim lang. Bigla siyang nalulungkot kapag nababanggit ang salitang 'buntis'. 'Til now ay wala pa silang anak ni Calvin kahit 2 years na silang kasal. Maganda ang kakambal ko kahit nagkalaman siya ngayon. We are identical twins, ang pagkakaiba lang namin ay ang malaking nunal sa gilid ng aking sintido, at ang mata ko ay deep set blue samantalang ang kay Serena ay bluish gray na namana niya kay Mommy. We have the same type of hair, long wavy hair, pero magkaiba kami ng kulay, I am sporting a reddish brown hair courtesy of our Mom, while she have an auburn color from Dad. Mas bumagay ngayon sa bilugan niyang mukha ang katawan niya. Natutuwa rin ako na hindi siya naco-conscious sa itsura niya. Madalas ay nadadala ng mukha niya ang suot niya, she know how to carry herself which I am very proud of. Mas matanda ako ng ilang minuto kay Serena kaya may pagka-overprotective ako sa kanya, dahil ako ang panganay sa aming dalawa at ako ang mas matapang. Si Serena ay tahimik, mahinhin, at kikibo lang kapag kinausap. Samantalang ako ay parang laging susugod sa giyera at talo ko pa yata ang megaphone sa lakas ng boses ko. Mula nang mamatay sina Mommy Penelope at Daddy Cane ay nangako kami sa isa't isa na hindi kami maghihiwalay at palagi kaming magdadamayan. Alam din namin kung may dinaramdam ang bawat isa, something like a twin's thing ika nga nila. Napamulagat ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto namin ni Adam, pumasok siya na namumutla na akala mo nakainom ng suka, "B-babe... si Y-yna..." "Why? What about Serena? Bakit ganyan ang mukha mo? Adam tell me!" pasigaw kong sabi sa asawa ko. Ginagapangan ako ng kaba sa nakita kong itsura ni Adam. Iba ang pakiramdam ko nang banggitin niya si Yna. "B-babe..." biglang naiyak siya at parang 'di alam pano sasabihin sakin ang nalalaman niya. "Adam come on tell me! 'Wag mo na akong binibitin! Where is Serena? Nakausap mo ba si Calvin? Ano?!" "S-she's in the hospital. Tumawag sa'kin si kuya Arkin ngayon lang. Nakita niya daw si Y-yna na tumalon sa H-holly Bridge kanina..." at napatakip na sya sa mukha niya. Napatutop naman ako sa bibig ko at halos mabuwal ako sa narinig ko. No! Yna why? Oh gosh... "F*ck Adam saang ospital dinala ang kapatid ko? Ano pang hinihintay mo puntahan na natin siya! Oh my God ang kapatid ko!" at napahangos na 'ko pababa ng hagdan. Wala na akong pake kahit nakapantulog na damit pa ako. Mas mahalaga ang kakambal ko kesa sa itsura ko. "Lena!" tawag ko sa nanny ng kambal. Nakita ko siyang napatakbo palabas ng kwarto nina Khloe. "Ate Selene bakit po?" "Aalis kami ng Kuya Adam mo, please watch over the kids. Pupuntahan namin si Serena sa ospital. Just tell the kids kapag hinanap kami na bumili lang kami ng toys nila, okay?" "Sige po Ate..." tumango si Lena at bumalik na sa kwarto ng kambal. Pagdating sa garage ay pinatakbo na agad ni Adam ang sasakyan. Tumatahip ang dibdib ko at humahagulgol lang ako sa passenger seat. Hinawakan ni Adam ang kamay ko ng mahigpit. "Calm down babe, makakarating din tayo sa ospital." "How can I calm down kung nalaman kong nagtangkang magpakamatay ang kapatid ko?! D*mn! Where's Calvin? Alam na ba niya ang nangyari kay Yna?! F*ck! Kapag nalaman kong may kinalaman si Calvin dito, mapapatay ko yang kaibigan mo!" "Hey baby we don't know what happened yet so don't say those words. For all we know baka may ibang pinagdadaanan si Yna ngayon." "No! I have a hunch Adam 'wag mong ipagtanggol yang kaibigan mo. Kapag bumibisita mag-isa si Yna sa bahay, nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya. Alam kong ilang linggo nang hindi umuuwi si Calvin sa bahay nila. Nadulas siyang sabihin yan sa'kin last time na nagkausap kami, I even ask Nana Rosa kung kamusta si Serena, ang sabi niya madalas tulala ang kambal ko dahil hinihintay na umuwi yang kaibigan mo! I don't know what's happening Adam. Ngayon lang naglihim sa'kin si Serena ng ganito." Buong byahe papunta ng ospital ay umiiyak ako at hawak lang ni Adam ang kamay ko. Pagdating sa ospital ay nakita agad namin ang kuya ni Adam na si Arkin na nakatulalang nakatingin sa room na pinagdalhan kay Serena. Basa ang damit niya at para siyang tumanda ng ilang taon sa itsura niya ngayon. "Kuya! What happened? Ano sabi ng doktor?" Adam asked Arkin with worry filled in his eyes. Napailing lang si Arkin at parang naiiyak na hindi maintindihan. Alam kong may lihim na pagtingin si kuya Arkin sa kakambal ko. Matagal na, pero hindi ako nagsasalita dahil kung saan masaya si Yna, dun ako susuporta. Kinakabahan ako sa reaksyon ni kuya Arkin, "Kuya Arkin please, anong sabi ng doktor? Kamusta si Yna nung dinala siya dito? May malay ba siya? Okay pa ba siya? Kuya ano?!" Bago pa siya makasagot ay may lumabas na doktor sa room ni Serena. Dr. Willis, our family doctor and family friend. "Selene iha and you boys, I'll be honest, maraming nainom na tubig si Serena kaya kinailangan pa namin siya pasukahin ulit. Mabuti na lang at nagawan mo ng first aid si Serena Arkin kung hindi ay mapupuno ng tubig ang baga niya. Sa lakas din ng impact ng pagbagsak niya sa tubig ay medyo na-dislocate ang balikat niya. But don't worry, okay na sila-" "W-wait doc, 'sila'? What do you mean?" tanong ko. "Serena is six weeks pregnant Selene..." "What?!" sabay sabay na tanong naming tatlo. "Yes, muntik na siyang makunan gawa ng pagbagsak niya at sa dami ng nainom niyang tubig. But luckily, malakas ang kapit ng baby." "Tito is she awake? Can we see her?" "Yes Selene, but she's not talking. All she does is tumango at umiling. I'm worried about your sister iha. Maybe if makakausap mo siya, mas makakakuha tayo ng idea kung anong nangyari. Excuse me for a while may pasyente lang akong kailangang puntahan..." "Thank you Tito..." saad ni kuya Arkin. "Babe you go first, I'll call Calvin again para ibalita sa kanya 'to" niyakap ako ni Adam para pakalmahin bago tumalikod saken para tawagan si Cal. Napatingin kami ni Adam kay kuya Arkin nang tumawa ito ng marahan, nakita ko ang pagtatagis ng mga bagang niya. Gusto ko sanang magtanong pero mas nag-aalala ako kay Yna. "Kuya you go change baka magkasakit ka," narinig kong wika ni Adam kay kuya Arkin bago ako tuluyang nakapasok sa kwarto ni Serena. Pagpasok ko ay halos maiyak nanaman ako sa itsura ng kapatid ko. Tulala siyang nakatingin sa bintana, may luha sa pisngi. Parang hindi niya naramdaman ang pagpasok ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya bigla, "Serena..." Marahan siyang tumingin sa'kin, malungkot ang mga mata niya. At nasasaktan akong makitang ganito ang kapatid ko. Sobrang bait ng kakambal kong ito, kung ako ay haragan, madaldal at matapang. Siyang kabaliktaran naman ni Serena na tahimik, mabait, mahinhin, at masiyahin. Pareho kaming matiyaga at likas na matalino. Pero hindi ko lubos maisip na magagawa niyang pagtangkaan ang sarili niyang buhay. "S-selene... si Calvin..." napatakip siya ng mukha at biglang umiyak ng umiyak at napayakap ng mahigpit saken. Hindi ko malaman kung pano siya aaluin kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit at hinahagod ang likod niya. "Don't cry Yna I'm here... Don't cry baka makasama pa yan sa baby mo. ." Napatingin siya sa'kin at 'di ko mabasa ang mga mata niya, pero isa ang sigurado ako, nasasaktan ang kapatid ko. "Sese... I'm pregnant, oh gosh I'm pregnant!" at umiyak nanaman siya. "Serena, what happened? Bakit mo ginawa 'yon? 'Di mo man lang ako naisip Yna? Masamang kunin ang sarili mong buhay... Kung may problema ka, andito ako, bakit hindi mo sinabi sa'kin? Bakit kailangan mong gawin 'yon? Yna hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo! Wala na si Mommy at Daddy tapos... ganyan pa ginawa mo. Iiwan mo akong mag-isa Yna ha?" umiiyak na sermon ko kay Serena. Sobrang sakit na hindi niya nagawang mag-open sa'kin ng mga problema niya. Sa'kin na kakambal niya, ako na handang makinig at umalalay sa kanya. Kung may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil napabayaan ko ang kapatid ko. Tinignan ko siya ng taimtim at nagtanong, "Be honest with me Yna, si Calvin ba? Si Calvin ba ang dahilan nito? Anong ginawa sa'yo ng magaling mong asawa?" "S-sese hiwalay na kami ni Cal... Nakipaghiwalay siya sa'kin Sese! Anong gagawin ko ngayon? Lalo na buntis pala ko? Selene paano ko palalakihin ang anak ko na wala siya? Selene ang sakit! Ang sakit sakit!" humagulgol si Serena at niyakap ko siya habang sinasabing magiging maayos din ang lahat, sana. Sinasabi ko na nga ba, may kinalaman ang lalaking 'yon kung bakit nagkakaganito ang kapatid ko. Humanda ka sa'kin Calvin Sanders! Malaman ko lang ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo, ilalayo ko sayo ang kapatid ko pati ang anak nyo. Maghintay ka lang... Nang mahimasmasan ay ikinwento sa'kin ni Serena lahat ng nangyari magmula sa hindi pag-uwi ni Calvin, sa mga kwento ni Megan, at sa mga naririnig niya sa mga empleyado niya. Naikwento niya rin paano niya nahuli sa akto ang asawa at ang kabit nito. The nerve! At ang kapal ng mukha niyang laitin ang kapatid ko! Nang dahil sa kanya, sa pagmamahal ni Serena sa kanya, nakalimutan niya ang sarili niya. Pinabayaan niya ang sarili niya dahil ano? Mas mahalaga si Calvin kesa sa sarili niya! Lalong kumulo ang dugo ko sa lalaking 'yon. I called Saffron to tell her what happened. I also called Kuya Maximillian and Coraline para may mag-asikaso ng kumpanya habang wala si Serena, they said they'll visit after working hours. Ang hirap kasi sa isang 'to, masyadong mabait, masyadong bulag. Binuhos lahat ng pagmamahal sa asawa niyang una pa lang alam niyang iba ang mahal. Ni hindi niya nagawang magtira para sa sarili niya. Kung wala lang akong maiiwanang mga anak, handa ako magpakulong mapatay ko lang ang Calvin Sanders na yan.. Pero siyempre joke lang, kawawa naman ang asawa at mga anak ko. Sayang lang ang ganda ko sa kulungan. But seriously, itatago ko ang kapatid ko... Hindi niya makikita si Serena kahit kailan... Kahit magalit pa ang kapatid ko sa'kin, itatago ko siya.. ***** SERENA I saw rage in Selene's eyes. Ayoko muna sanang sabihin pero parang sasabog ang isip at puso ko sa sakit at sobrang pag-iisip. I closed my eyes, remembering what happened before I absent-mindedly jumped on the bridge. I didn't want to end my life... It's just that, I saw Mom and Dad... I want to hug them... We were just 8 when they died... I miss being hugged by them, being loved by them. I want to explain that this is not because of Calvin, but not now. Calvin... Everytime I remember his name, my heart twitch. Anong nangyari sa ating dalawa Marcus? How could you do that? "I'm bored let's watch bago bumalik si Adam at Kuya Arkin." Binuksan ni Selene ang TV na kasama sa VIP room ko at saktong It's Showtime ang palabas. Tukso naman yata na ang kinakanta ng contestant sa Tawag ng Tanghalan ay sakto sa laman ng isip ko. Ano ba 'tong buhay ko, sad musical movie? Anong nangyari sa ating dalawa? Tanong ng puso kong lubos na nagmahal at ngayo'y nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD