CHAPTER 3 HALLUCINATIONS

2915 Words
"Hi twin!" masiglang bati ni Selene sa kabilang linya. Narinig niya pa ang pag-iyak ng mga pamangkin niya na mukhang inaalagaan ngayon ng kakambal. "S-selene...." Nagulat naman si Selene sa kabilang linya sa tono ng kambal. "Hey Yna what happened? Where are you? Are you okay? Why are you crying?" sunod sunod na tanong ni Selene kay Serena. Napangiti naman si Serena sa pag-aalala ng kapatid. Mula pagkabata, inalagaan na nilang magkapatid ang isa't isa. Maagang pumanaw ang kanilang mga magulang na sina Dijon Cane Lopez at Penelope Yshten-Lopez dahil sa aksidente na kinasangkutan nila noong mga bata pa sila. Hindi nakaligtas ang mga magulang at hinihinalang kalaban sa negosyo ang gumawa at hindi basta aksidente ang nangyari. Lumaki sila ng kakambal sa kanilang Lola Via at Lolo Fabian. Malaki ang pamanang naiwan sa kanila kaya pinamunuhan muna ng kanilang lolo at lola kasama ang mga tiyuhin at tiyahin na sina Tito Kale at Tita Licorice ang kanilang negosyo bago ipasa sa kanila kapag nakatapos na sila ni Selene. Nang makapagtapos sila ay hinawakan na nila at pinagtulungan ang Lopez Inc. na may hawak na mga hotels at resorts sa bansa. Katulong pa rin nila ang kanilang Lolo at Lola kasama ang kanilang mga pinsan na sina Maximillian at Coraline na mga anak ni Tito Kale. Ang mga pinsan naman nila kay Tita Licorice na sina Saffron at Mace ay hawak ang negosyo ng mga Veracruz na hindi nalalayo sa linya ng Lopez Inc. "Yna! Nag-aalala ako sa'yo! Asan ka? Adam! Ipahanda mo yung kotse pupuntahan ko si Serena! Umiiyak sya dali!" sigaw ng kambal nya sa asawa nitong si Adam Adler. Bestfriend ito ng asawa niya at may-ari sila ng chains of resorts here and abroad. May negosyo rin silang advertising agency na hinahawakan ng panganay nila na si Arkin Adler, kababata rin namin ang magkakapatid na Adler dahil kaibigang matalik ng mga magulang namin ang mga magulang nila. "S-sese don't worry about me, got some flu today kaya medyo paos ako. I'm not crying! Ako pa ba?" hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kakambal ko ang nangyari samin ni Calvin. Kilala ko si Selene, baka kung ano pa ang gawin nila ni Adam once na malaman nilang may babae si Calvin at nabuntis niya pa ito. Pero hindi din naman maitatago ito ng matagal lalo na at malapit na kaibigan ni Adam si Calvin. Paniguradong malalaman din nilang i-aannul ang kasal namin. "Are you sure? Gusto mo samahan kita sa hospital? Ano ka ba naman Yna, pinababayaan mo yang sarili mo, si Calvin ba umuwi na sa inyo?" Pagkabanggit sa pangalan ng asawa ay tumulo nanaman ang luha niya na mabilis niyang pinahid at ngumiti kahit na hindi siya nakikita ng kakambal. "O-oo, nandito siya. Nasa office niya at may inuwing trabaho. I told you I'm fine, I just missed you that's why I called," pagsisinungaling niya sa kakambal. "Yna kambal tayo, alam mong nararamdaman ko kapag masaya ka o nasasaktan ka, at nararamdaman kong malungkot ka. Sabihin mo sa'kin, may problema ba?" "W-wala Sese, I just miss you and the twins. Gusto ko lang kayong kamustahin kaya ako napatawag." "Awww, I miss you too twin. Dumalaw naman kayo ni Calvin dito namimiss na kayo ng mga bata. Dalhan mo raw sila ng favorite nilang Choco Chip Cookies na gawa mo." Napangiti siya nang mabanggit ang mga pamangkin, kambal ang anak nina Adam at Selene, dalawang babae, sina Khloe at Klaire Adler. Sobrang cute ng mga pamangkin niya at naaalala nya silang dalawa ni Selene noong mga bata pa sila kapag pinagmamasdan niya ang mga ito. Bigla nanamang kumirot ang puso niya. Malapit si Calvin sa mga pamangkin niya at sabi nito na sana ay magkaanak din sila ng kambal tulad nina Adam. Pero sh*t mukhang hindi na mangyayari 'yon. Naiiyak nanaman siya at nagpaalam na sa kakambal. Plano niyang puntahan ang mga ito ngayon pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya. Nagtext si Calvin kanina at sinabing may dalawang araw siya para ayusin ang mga gamit niya at umalis na sa mansyon dahil dito na magsi-stay si Angela. HUBBY♡: Fix your things and pack your bags. Angela will stay in the mansion. I hope in two days time you're done there. Ni hindi pa naibababa ang hatol para sa annulment namin pero iuuwi na agad niya rito si Angela. Gano'n niya ba kamahal ang babaeng 'yon para kalimutan lahat ng pinagsamahan namin? We were happy! The way he looks at me, the way he took care of me kapag may sakit ako, the way he hug me at night and just whisper sweet nothings on my ear. God! Lahat ba yon 'di totoo? And to top it all off, she misses him so much. Darn my makulit na heart! Ini-on ko ang airpods ko at pinlay ang mga kanta ng paborito kong singers na Dvsn na naka save sa spotify ko. Kailangan ko ng magpapagaan ng pakiramdam ko... Lumapit siya sa bintana at sinipat ang garden at pool na kaharap ng kwarto nila. Siya ang nagtanim at nag-ayos ng garden nila lalo kapag hindi siya busy sa Lopez. Siya mismo ang nagbubungkal ng lupa at nagdidilig ng mga halaman. Ayaw ni Calvin na magkaroon kami ng pets sa bahay dahil na rin sa hika ko. See? He cares. But what the hell happened? Well girl, Angela happened. F**k! Ang sakit! Ang dami naming binuong pangarap at alaala dito ni Calvin. Naghanda rin kami ng room sa tabi ng kwarto namin para gawing nursery sana kapag nagka-anak kami. Ang sakit isiping sa isang iglap, mawawala sa kanya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Calvin is her first in everything, crush, boyfriend, holding hands, first kiss, and he is the only man na pinagbigyan ng sarili at huling pagbibigyan ng kaniyang sarili dahil mukhang hindi na siya magmamahal pang muli. Pero siguro nga hindi lahat ng love story may happy ending. Siguro nga, hindi sila para sa isa't isa. Baka masyado lang siyang nabulag sa kaisipang kaya niyang palitan si Angela sa puso ni Calvin. Nasaktan siya sa disgustong nakita niya sa mga mata ni Calvin nang tignan nito ang suot ko. Nararamdaman niyang nanlamig na ito sa kanya. Noong bigla siyang tumaba a year ago, napansin niyang madalas nang umuuwing lasing ang asawa. Kapag gano'n na lango na sa alak si Calvin ay saka lang may mangyayari sa kanila, minsan ay nakakatulog pa ito sa ibabaw niya, o kaya naman ay siya na mismo ang nagpipilit sa sarili niya kay Calvin. Noong huling uwi nito 3 weeks ago ay may nangyari sa kanila at pinagdasal niyang sana ay mabuntis na siya. Nagdi-diet naman siya, sa katunayan ang 85 kilos niya ay bumaba na sa 75 within a span of 2 weeks, improvement right? Kaya lamang ay natigil nang hindi ito umuuwi at nagstress-eating siya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya, napansin lang niyang wala siyang gana sa umaga nitong mga nakaraan at nagsusuka. Iniisip na baka dahil lang sa mga mata ko ito dahil hindi pa ako nagpapasukat muli ng salamin malamang ay tumaas na muli ang grado nito. Kapag naman umuuwi si Calvin na hindi siya lasing ay madalas lang itong nasa office niya sa bahay at busy sa trabaho. Sa totoo lang ay hindi niya ginustong tumaba. Pero nag-enjoy siyang pagsilbihan ang asawa kung kaya't lagi niyang nilulutuan at pinagbi-bake ng sweets ito. She didn't notice that she looses herself in the process while giving Calvin her world. 'Bakit ba kayong mga lalaki, sasabihin niyong mahal niyo kami hanggang sa tumaba o pumangit kami, pero kapag nandoon na sa sitwasyon na 'yon, nagagawa niyong mambabae, nagagawa niyong magloko at tumingin sa ibang babae? Napakagagaling niyo din ano? Pagkatapos niyo kaming patabain, biglang iiwan niyo kami? Lumosyang kami dahil sa inyo tapos ganito igaganti niyo? This is unfair! Ang unfair mo Calvin! You told me you love curves pero p*ny*ta yung ipinalit mo puro bones!' piping bulong ko sa isip ko. Hindi ko inakalang mababaw na tao ang minahal at pinakasalan ko. Shame on myself. But sh*t sobrang mahal niya si Calvin. Hindi niya makita ang sarili niya na may kayakap na iba kung hindi si Calvin lang. 4 years silang magkarelasyon bago sila nagpakasal. For 6 years, kay Calvin umikot ang mundo niya. Nakalimutan niya ang sarili niya sa sobrang pagmamahal sa asawa. I met him when I was 15 at nag-aaral pa sa Preston International Academy, he's a senior at ang kabatch niya ang mga pinsan ko at ang mga kaibigan naman namin na sina Arkin at Ekaterina ay mas higher pa ng isang batch kina Calvin. Siguro nga tama sila, na huwag mong gawing mundo yung alam mo na tao lang. Nakilala kong pilyo si Calvin na hindi maka move on sa ex niya. Noong una ay ayaw ko sa kanya dahil may pagka-playboy siya, ang sabi ni Adam binubuhos niya lang ang frustrations niya sa ex niya sa mga ka fling niya. Niligawan niya ako ng isang taon, pinatagal ko dahil nakikita at nararamdaman kong nasa puso niya pa si Angela. Pero nagbago siya noong naging kami. Mula nung sinagot ko siya, sa'kin lang nakatuon ang atensyon niya, sa'kin lang nakatitig ang mga mata niya. Ni minsan hindi ko siya nakitang lumingon sa iba habang magkasama kami. Ni hindi niya na rin naaalala si Angela. Pero bakit ngayon? Mali ba ako ng pagkakaintindi? Nagpanggap lang ba siyang mahal niya 'ko? Tama ba sila Megan noon nung sinabi nilang baka kuhain lang ni Calvin ang katawan ko tapos iiwan lang ako? Gagawin lang akong trophy girlfriend para kainggitan ng mga lalaki sa campus? O gagawing rebound dahil mahal niya pa rin ang ex niya at gusto niya lang akong gawing 'palipas-oras', totoo ba? 'Di ako naniwala sa kanila kasi mas naniwala ako sa mga pinakita sa'kin ni Cal noon. Mas pinanghawakan ko yung pangako niyang 'ako' na ang huli. Tumingin ako sa salamin, mataba, losyang na damit, haggard na mukha, at maitim na eyebags ang sumalubong sa'kin. Parang nakakita rin siya ng pinong wrinkles sa kanyang noo. Ang kanyang dating makintab at mahabang buhok, ngayon ay halos 'di na niya gaanong nasusuklayan, dahil kapag pumapasok siya, dun lang siya nagsusuklay at nakakalimutan na niya 'yon sa maghapon. Ito na ba ako? Masyado ba akong nalunod kay Calvin kaya 'di ko na nagawang ayusin ang sarili ko? Oh Gosh! Parang di ko kakayanin na wala si Calvin. Siya ang buhay ko, siya lang ang kukumpleto sa'kin, si Calvin lang. Sumasakit ang ulo ko, lalong-lalo na ang puso ko. Gusto kong alisin yung sakit at pait na nararamdaman ko. Pero paano? Kung yung taong nanakit sa'kin, ay siya ring kayang maghilom ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Naisipan kong lumabas para magpahangin. Isa lang ang nasa isip kong pupuntahan. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Nana Rosa at Anna na batang kasambahay namin na mukhang kakatok na sana sa kwarto bitbit ang tray ng pagkain. "Oh Yna anak, saan ka pupunta? Eto nagluto ako ng Caldereta, hindi ba't paborito mo 'to? Kumain ka kahit konti at baka bigla kang mag collapse iha sa gutom," mahabang litanya ni Nana Rosa. Ngumiti ako ng maliit at tinitigan si Nana Rosa, sa katauhan ni Nana Rosa ay para siyang nagkaroon ng ina. Palagi siyang inaalagaan nito katulad ng pag-aalaga niya kay Calvin. "May pupuntahan lang ho ako Nana, magpapahangin... Babalik din po ako agad dahil aayusin ko pa ang gamit ko. P-pinapa-" kapagkuwa'y pinutol ni Nana Rosa ang sasabihin ko. "Anak hindi niyo na ba talaga kayang ayusin 'to? Hindi kaya nabubulag lang ang alaga ko? Baka kung anu-ano ang sinasabi ng Angela na yan kaya-" pinutol ko na ang sasabihin ni Nana Rosa. "Hindi na po maaayos 'to Nana Rosa. Pinaprocess na ang annulment n-namin," halos di ko mabanggit ang 'annulment'. Iba yung sakit na nakita ko siyang may kasamang ibang babae, pero mas masakit na tinapos niya ng gano'n kadali ang pagsasama namin... Na parang matagal na niyang gustong gawin dahil 'di siya nag-atubiling papirmahan sa'kin ang annulment papers... Hindi ko na rin ginawang isiksik pa ang sarili ko, para saan pa? Itinaboy niya 'ko na parang aso palabas ng buhay niya. Sabi nga sa nabasa ko, kung para kami sa isa't isa ay babalik sa dati ang lahat. Kaya naisip ko, if we're meant to be, babalik siya. Na sa dulo ng biyaheng ito, ay magtatagpo kami ulit. Pero kung hindi kami para sa isa't isa, kahit siguro ilang beses akong sumakay ng biyaheng balic-balic ay hindi kami magkikita. Calvin what happened to us? 'Di na nila ako napigilan sa paglabas ng mansyon. Naglakad ako sa daang kabisado ko na. Hindi ko hilig ang maglakad-lakad lalo na sa tanghali dahil mabilis mamula ang balat ko kapag naaarawan. Pero hindi ko alintana ang init at hapdi ng balat ko sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Habang naglalakad ay nagfa-flashback sa'kin lahat. Kung paano kami nagkakilala. Yung palagi ko siyang sinusundan ng tingin sa school at kunwaring may hinahanap sa building nila. Hanggang sa mga pagsunod-sunod ko sa kung saan sila magpunta. Hanggang sa naging magkaibigan kami dahil kina Kuya Mace at Kuya Max. Hanggang sa nanligaw siya... Sinagot ko siya... Sa maka-graduate kami at hawakan ang mga negosyong pinasa sa'min... Hanggang sa ikasal kami na pinakamasayang araw sa buhay namin... At hanggang sa dumating na ngayon... Ngayon na kulang na lang ay laitin ako ng lalaking mahal ko. Nang dahil lang sa tumaba ako. Nang dahil sa hindi ko siya mabigyan ng anak... Ang sakit... Ni hindi niya inisip na baka nalulungkot din ako kasi hindi kami magka-anak? Na baka bumaba na yung self esteem ko dahil sa katabaan ko? Akala niya ba hindi ko sinusubukan? Masyado siyang naging makasarili. Siya na sa lahat ng oras iniisip at iniintindi ko. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko ngayon... Nakarating ako sa Holly Bridge nang nakatungo lang at tulala. Patuloy na nagpe-play ang kantang Hallucinations sa ear pods ko. Walang gaanong dumadaan dito dahil shortcut lang ito ng Makati at Taguig. Tumanaw ako sa Dale River, dito ako madalas pumupunta noong bata pa ako kapag nalulungkot at nasi-stress ako. Dito kami dinadala ng mga magulang namin para manood ng sunset. Kitang-kita kasi dito ang sunset kahit na nasa gitna ng city. Parang sinadyang hindi lagyan ng building ang part na to para kahit papano, kapag stress ang mga nagttrabaho sa parte na 'to ng city, may matatakbuhan sila para isigaw lahat ng frustrations nila... Naiyak na lang ako habang nakatanaw sa Dale River. Naalala ko nung nag-propose sa'kin si Calvin dito. Ipinasara niya ang buong bridge para sa suprise niya. At dahil mahal ko siya, um-oo agad ako dahil hindi na ako makapaghintay na makasama habang-buhay yung lalaking pinangarap ko lang noon. Pero mukhang dito ko rin wawakasan lahat ng alaala naming dalawa. Sa nanlalabong mga mata ay parang nakita ko ang mga magulang ko. Nakangiti silang dalawa sa'kin, si Mommy ay nakalahad ang mga kamay, parang may sariling isip ang mga paa ko na biglang sumampa sa railings. Hindi ko na alintana na maaari akong mahulog sa tubig dahil parang sabik akong lumapit kay Mommy at maramdaman muli ang yakap niya. Gusto kong isumbong sa kanila ni Dad lahat ng sakit na nararamdaman ko. Iniisip ko, kung maabot ko ang kamay ni Mommy, sasama na ba ako? Baka kasi sa pagsama ko sa kanila, 'di na 'ko makaramdam ng sakit. "M-mommy... D-daddy... huwag niyo na po akong iwan... Isama niyo na 'ko Mom... Dad... please..." at muli ay sinubukan kong abutin ang kamay ni Mommy na unti-unting nawawala sa paningin ko at parang hinihipan ng malakas na hangin... 'Di ko na namalayan, tumalon na pala ako. I am sinking. Deeper. And deeper... to oblivion. Ipinikit ko ang aking mga mata, at inalala ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Sina Mom, Dad, Lola at Lolo... Si Selene at ang mga pamangkin ko, at sa huli ay nakita ko si Calvin. 'Eto na ba? Lord, kukunin Nyo na po ba ako? Pero kung ito po ang nakatadhana sa'kin ayos lang. . Atleast naramdaman ko kahit papaano na minahal niya 'ko... Kahit sa sandaling panahon lang... minahal ako ni Calvin...' Napapikit na 'ko, hindi ako makahinga, nararamdaman kong napupuno na ng tubig ang dibdib ko. Hindi ko na sinubukang magkampay dahil naisip kong baka hanggang dito na lang talaga ang miserableng buhay ko. Naramdaman kong may humatak sa kamay ko, bumibigat ang talukap ng mga mata ko kaya hindi ko magawang dumilat. Parang bumigat din ang dibdib ko... Hindi ako makahinga. Mukhang wala na ako. Mukhang naiwanan ko na si Selene mag-isa. Sa naisip ay nalungkot ako... Bigla akong napabuga ng tubig. At sinubukan kong idilat ang mga mata ko... "F*ck! Thank God you're okay Serena! Oh gosh you're alive!" Pamilyar sa'kin ang boses... pero 'di ko siya mamukhaan dahil nanlalabo talaga ang mga mata ko, sinubukan kong itaas ang mga kamay ko at haplusin ang mukha niya. Siya ba ang nagligtas sa'kin? Hindj ko makita... ang bigat ng mga mata ko. Parang inaantok ako... "C-calvin..." "H-hey Serena don't sleep yet... Help! HELP! Kuya! Patulong po!" naririnig kong sigaw niya. Kilala ko ang boses pero 'di ko alam kung sino... Tinatawag ko si Calvin... Baka siya 'to.. Baka sa huli, gusto niya kong bumalik. Baka siya ang nagligtas sa'kin... Unti-unting bumababa ang kamay kong nakahawak sa pisngi ng nagligtas sa,'kin... "Oh f*ck Sena don't die on me!" At tuluyan na akong nagpahila sa tawag ng karimlan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD