TWME 3-First Day Of Being Nanny

2008 Words
"Sige po Lola Madrid, tinatanggap ko po ang alok n'yo na maging yaya ng anak ng apo mo." Malugod na balita ko kay Lola Madrid. Tila nagulat naman ito sa tinuran ko. "Talaga, Hija? Naku! Maraming salamat naman kung ganun… hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa pasya mong yan," maluha-luha ng sambit ni Lola. Pakiramdam ko tuloy napakalaking pabor ng ginawa kong desisyon para sa kanya. "Sa laki po ng utang na loob ko sayo Lola Madrid. Kulang pa po itong kabayaran. Kahit nga po yata walang sweldo ay tatanggapin ko pa rin ang alok mong ito." Pabirong sabi ko kay Lola Madrid. "Naku! Ikaw talagang bata ka. Wag mo ng isipin iyon. Sinabi ko naman sayo diba? Buhay ko na ang pagtulong. Dito na ako tumanda. Dito na rin siguro ako mamamatay," masayang sabi ni Lola Madrid. Nakangiti at talaga namang umabot na sa kanyang mga mata. Hinawakan ko naman ang kamay ni lola Madrid. "Lola, walang mamamatay, for life na po tayong mabubuhay." pinisil ko ang kamay niya. Ngayon ay siya naman ang humawak sa kamay ko. "Anak, ako'y matanda na. Kaya tanggap ko na ang bagay na iyan." nahimigan ko ng lungkot ang sinabi ni Lola Madrid. Ngumiti lang ako ng tipid at tuluyan ko na siyang niyakap ng mahigpit. Saglit lang din ang naging pag uusap namin ni Lola Madrid. Pagkatapos nitong bayaran ang mga pagkain na inorder namin sa restaurant ay nagpaalam na rin ito at sinabing ipapasundo daw niya ako sa driver niya bukas. Wala rin naman akong nararamdaman na pagsisisi sa pagpayag ko. Ipinatake-out ko ang mga pagkain na hindi man lang nabawasan. Sayang din iyon. Mahal pa naman ang binayad ni Lola Madrid. Naglibot pa ako saglit sa mall na kung saan kami nagkita ni Lola Madrid. Namili ako ng mga bagong underwear. Medyo may kalumaan na rin kasi ang mga undies ko. Pati si Nanay ay binilhan ko na rin. Tiyak na matutuwa iyon kapag nakita niya ito. Nang ma-satisfied na ako sa pamamasyal ay nagpasya na akong umuwi. Sumakay ako ng jeep at bumaba sa tapat ng paradahan ng tricycle. Pasakay na sana ako sa tricycle ni Mang Tonio ng may pumigil sa braso ko. Napatingin ako sa brasong kulay brown na may ugat ugat. At alam ko na kaagad kung sino iyon. Nag angat ako ng tingin at nakita kong si Joaquin nga iyon na abot tenga ang ngiti. "Saken kana sumakay, Iska," alok niya. Mariin ko siyang inilingan. "Naku huwan na, Joaquin. Kapag diyan ako sa tricycle mo sumakay tiyak na hindi ka na naman magpapabayad." Sita ko. Napakamot siya sa ulo. "Sige na, Iska. Kay Joaquin ka na lang sumakay. Alam mo naman na kaligayahan na ni Joaquin ang pagsakay mo sa tricycle niya kahit walang bayad," Tudyo pa ni Mang Tonio. "Mang Tonio naman… nilalaglag niyo naman po ako kay Iska eh," nahihiyang sambit ni Joaquin na hindi na ata natapos-tapos ang pagkakamot sa batok. Nang may dumating na pasahero ay pinasakay na ni Mang Tonio. Kaya napilitan akong sa tricycle na lang ni Joaquin sumakay. "Oh eto, Joaquin bayad ko," sabay abot ko ng one hundred pesos. Alam kong sobra ang binibigay kong pera pero pakunswelo ko na iyon. "Bente pesos nga ayaw kitang pagbayarin, iyan pa kayang isang daan? Kaligayahan ko na ito, Iska. Hayaan mo na ako sa gusto kong gawin." Napa-buntong hininga ako. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Sumusuko na sambit ko. "Sige na Joaquin, mag-iimpake pa kasi ako." Paalam ko pa. Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Bakit? Saan na naman ang punta mo? Kakauwi mo pa nga lang tapos aalis ka na kaagad?" Nagtataka na tanong niya. "Tinanggap ko kasi ang pakiusap ni Lola Madrid sa akin sa pag aalala ng anak ng apo niya. Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko doon dahil siya ang tumulong sa akin sa pagpapagamot sa inay ko." Paliwanag ko kay Joaquin kahit hindi naman na kailangan. Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Ginaya niya ang sinabi ko kanina pati tono ng pananalita ko. "Sisikapin kong umuwi kada buwan para dalawin si Inay, syempre… pati na ikaw." Natigilan naman siya sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ko sa reaksyon niya. Tumikhim siya at tila tinanggal ang naka bikig sa lalamunan. "Sana nga, Iska. Sige na. Ipagpapatuloy ko na muna ang pamamasada ko. Anong oras ba ang alis mo bukas? Ihahatid kita sa terminal ng bus," pahabol na sabi pa ni Joaquin. "Naku, huwag ka ng mag-abala, Joaquin. Susunduin ako dito ng driver ni Lola Madrid. Para daw hindi na ako mahirapan mag biyahe." Tanggi ko. Kita ko naman ang pagtango niya. Saka tuluyan ng nagpaalam. Sumakay na sa tricycle at pinaandar na iyon palayo. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naabutan ko si Nanay na naglalaba ng manu-mano. "Nay, bakit hindi niyo po ginagamit ang washing machine na binili ko? Diba sabi ko naman po sa inyo para hindi po kayo masyadong mapagod. Gamitin mo na po ito." Sermon ko kay nanay. Itinuro ko na ito sa kanya kung paano gamitin pero ayaw naman niya. "Naku, Iska. Mas nahihirapan ako kapag iyan ang gamit ko. Matagal bago matapos ang labahan ko, pakiramdam ko pa ay hindi masyadong malinis ang damit. Saka mas gusto ko na ito. Nae-exercise din ako kahit papano." Pangangatwiran pa ni nanay. Hindi ko na nagawang ipagpilitan kay nanay ang paggamit ng washing machine. Nagpaalam na rin ako kay nanay para sa pag-alis ko bukas. Wala naman akong narinig na pagtutol sa kanya bukod sa ipahinga ko rin daw ang katawang lupa ko. Dumiretso ako sa kwarto. Inilagay ko na sa kabinet ni nanay ang panty na binili ko para sa kanya. Dumiretso ako sa kusina para ihain ang mga pagkain na dala ko. Tinakpan ko muna saka ko sinabi kay nanay na nakahanda na ang pagkain sa mesa. Alam ko na ang isasagot ni nanay na busog pa siya kaya tinungo ko na ang kwarto ko para maihanda na ang mga dadalhin ko para bukas. Madaling araw pa lang ay naka-ready na ako. Nagawa ko pang lutuan si nanay ng kanyang agahan. Sakto naman alas siete y media ay dumating na ang driver ni Lola Madrid. Inalok ko itong kumain pero tumanggi at sinabing tapos na raw siyang mag-agahan. Hindi na rin kami nagtagal. Nag-paalam na ako kay nanay na aalis na kami dahil baka abutan pa kami ng traffic sa daan. "Mag-ingat ka doon anak ha, tawagan mo ako lagi. Huwag mong kakalimutan na umuwi kapag may time ka," paalala ni nanay. "Opo nay, kayo din po mag-iingat po kayo dito sa bahay." Yumakap ako kay Nanay bago ako sumakay sa kotse. Kumaway pa ako habang papalayo. Isinarado ko na lang ang bintana ng nakarating na kami sa highway. Hindi ko na namalayan na natutulog pala ako sa byahe. Ginising lang ako ni Manong na nasa tapat na kami ng malaking gate ng mansyon. "Nandito na po tayo, Ma'am Franchesca," ani ng driver. Nahiya naman ako dahil nakanganga pa ata ako habang natutulog kanina. Hindi ko man lang nagawang kausapin si Manong habang nasa byahe. Umayos na ako ng pwesto. Kinuha ko ang salamin sa pouch ko at tiningnan ang sarili. Thank God! Hindi ako nag mukhang haggard. Umangat ang tingin ko sa mataas na gate ng bumukas iyon. Pinaandar na ulit ni Manong Driver ang kotse papasok. Nang nasa loob na kami ng malawak na harapan ng maisipan kong tanungin ang pangalan ni Manong bago ako bumaba. "Menard ho ang pangalan ko, mam–" Naku, huwag mo na po akong tawagin na ma'am. Pareho lang po tayo dito, Manong Menard. Magiging Yaya po ako ng anak ng apo ni Lola Madrid." Nakangiting imporma ko. Bumaba na ako sa kotse at nakita ko agad si Lola Madrid na lumabas sa malaking pintuan ng bahay nila. Hindi lang basta bahay dahil malaki din at malawak ang kabuuan. Yumakap agad sa akin si Lola Madrid. "Good to see you again hija, halika ka sa loob," ani Lola Madrid. Hindi ako makapagsalita dahil sa ganda ng nakikita ko. Bawat gamit ay pawang elegante. Hindi naman na bago sa akin ang ganitong kasangkapan dahil sa pinagtatrabahuhan ko sa ibang bansa pero mas mukhang elegante ang mga gamit dito. Halatang marangya talaga ang buhay ni Lola Madrid. "Kurdapya, dalhin mo na muna itong maleta at mga gamit ni Franchesca sa magiging kwarto niya," Tawag ni Lola Madrid, sa tingin ko ay isa sa mga maid nila. "Opo, Lola…" agad naman itong tumalima at sumunod. Hila-hila ang maleta ko at iba pang mga gamit ko. "Halika hija, mag-tanghalian ka na muna. Batid kong pagod ka sa byahe mo," ani Lola Madrid. Ang ngiti ko ay naging ngiwi. Kung alam mo lang po Lola Madrid na puro tulog lang ang ginawa buong durasyon ng biyahe ko. Asikasong-asikaso ako ni Lola Madrid. Pakiramdam ko tuloy ay bisita niya ako at hindi magiging yaya ng apo niya sa tuhod. "Nasaan po pala, Lola ang batang aalagaan ko?" Pagkuwan ay tanong ko nang matapos na kaming kumain dahil sinabayan ako ni Lola Madrid. "Mukhang natutulog pa ang batang iyon hija, pero kung gusto mo siyang makita ay pwede mong puntahan doon sa kwarto niya. Pasasamahan kita kay Manay Lorna," Ani Lola Madrid. Tinawag nito si Manay Lorna. "Manay. Pakisamahan mo nga itong si Franchesca sa kwarto ni Joshua." Agad namang tumalima si Manay Lorna. Uminom muna ako ng tubig. Malawak ang pagkakangiti ni Manay ng lumapit sa akin para igiya ako papunta sa kwarto ni Joshua. "Anak, mag-iingat ka dyan sa batang iyan. Mahilig mantrip iyan," paalala pa ni Manay Lorna bago ako iwan sa tapat ng kwarto ni Joshua. Napalunok naman ako. Ang sabi naman ni Lola Madrid ay natutulog daw. Kaya hindi muna ako nag-isip ng kung anu-ano. Itinapat ko muna ang tainga ko para marinig ang taong nasa loob. Napangiti ako ng marinig kong tahimik. Wala akong kahit na anong ingay ang narinig. Pinihit ko ang seradura ng pinto. Hindi naka-lock iyon. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan. Ganun na lang ang naging gulat ko ng paghakbang ko ay dumulas ang paa ko kaya naman napapikit na lang ako at napaiyak dahil sa sakit ng pagbagsak ko. Napahawak ako sa aking balakang. "A-aray!" Tanging nasambit ko. Tila namamanhid ang katawan ko. Isang malakas na tawa naman ang narinig ko. Tila tuwang tuwa sa naging pagbagsak ko sa semento. "Oh anong nangyari hija!" Dumating si Manay Lorna. Humahangos at hinihingal. Tinakbo ata ang hagdan paitaas. "Is that my new yaya? Wala naman pala siyang binatbat sa mga naging yaya ko, Manay Lorna!" Nang uuyam na sabi ng batang lalaki na panay pa rin ang tawa. "Joshua. Hindi maganda ang ginawa mo. Tingnan mo nasaktan mo si Yaya Iska mo," malumanay na sabi ni Manay Lorna habang tinutulungan akong makatayo. Unang araw ko pa lang ito na kaagad ang inabot ko. "Joshua! Ano na naman ba itong ginawa mo?" Napatingin naman ako kay Lola Madrid. "Wala po, Lola… Sinusubukan ko lang naman po kung tatagal siya," tila nagtatampong tugon ni Joshua. Nakatayo na ako sa tulong ni Manay Lorna. Ngunit masakit pa rin ang balakang ko. Nang makaya ko ng tumayo ay umalis na ako sa pagkaka-alalay ni Manay Lorna. "Ayos lang po ako, Lola Madrid." Ngumiti ako kay Lola Madrid. Kita ko ang pag halukipkip ng bata. Nagmistula itong masungit but I find him cute. Chubby kasi siya. Mataba ang pisngi. Maputi din at mamula-mula pa. Parang ang sarap pisilin at panggigilan. Kita ko naman ang paglambot ng mukha ni Lola Madrid pagkasabi ko niyon. Bumaling ulit ako sa batang cute na cute na si Joshua. "Hi! I'm your Ate Franchesca. Your new yaya! But I can be your playmate too." Nakangiting pakilala ko. Pero hindi niya ako pinansin at lalong pinalobo ang pisngi. Kaya lalo kong pinipigilan ang tawa ko. Sanay na ako sa ganitong bata. Yun nga lang hindi ko naranasan kailanman ang lumagapak ang balakang ko sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD