TWME 2-Leaving

2049 Words
"Paano, Joaquin. Kayo na muna ni Nanay Remi ang bahala sa inay ko ha. Magpapadala agad ako ng pera para sa lalo't madaling panahon para maoperahan agad si Inay." Habilin ko kay Joaquin. Tumango lang siya sa akin na may lungkot sa mga mata. I had no choice. Wala akong ibang maaasahan kundi sila lang dalawa ni Nanay Remi. Wala na ang itay ko. Iniwan na kami ni nanay. Ngayon ay wala akong ideya kung saan na siya naroroon kasama ang kabit niya. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" Tanong ni Joaquin sa malungkot pa rin na tinig. Napa buntong hininga ako bago ko nagawang sumagot. Tumitig muna ako kay inay na hanggang ngayon ay natutulog pa bago ko ibinalik ang tingin kay Joaquin. "Hindi na Joaquin, buo na ang desisyon ko. Para sa akin ay wala ng ibang paraan kung hindi pa ako kikilos ngayon ay baka buhay pa ni nanay ang maging kapalit." Hinawakan ko ang kamay ni nanay. Si Joaquin naman ang narinig ko ang buntong hininga. Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang palad ko. "Pasensya kana, Iska, wala akong magawa para matulungan ka. Hamak na tricycle driver lang kasi ako–" tinampal ko ang isang kamay niya na nakahawak sa palad ko kaya natigil siya sa iba pa niyang sasabihin. "Ano kaba Joaquin! Wag mo ngang nilala-lang iyang pagiging tricycle driver mo! Marangal na trabaho iyan. Isa pa malaki na ang nagawa mong tulong sa akin at hindi iyon matatawaran. Sapat na sa akin na palagi kayong nandiyan ni Nanay Remi sa amin ni Nanay." pampalubag loob ko sa kanya. Kung wala sila baka hindi ko na alam ang gagawin ko. Malayo rin naman ang mga kamag-anak ni nanay at may mga sari-sarili ng mga buhay. Ayoko rin na guluhin pa sila at pag-isipin pa. Nagpaalam ako kay nanay kahit hindi ko alam kung naririnig ba niya ako. Maingat ko itong niyakap at hinalikan sa kanyang noo. Dumaloy ang munting luha sa mga mata ko pero agad ko din na pinalis iyon. Marahang ngumiti at ipinangako ko na maooperahan siya at mabubuhay ng masigla kagaya ng dati. Iniwan ko kay Joaquin ang ibang halaga ng pera na hiniram ko kay Aling Purita. Kailangan ni inay iyon bilang pang-maintenance niya habang hindi pa nao-operahan ang kanyang puso. Lulan ng taxi ay hinatid ako ni Joaquin sa NAIA. "Paano mag-ingat ka doon ha? Huwag mong pababayaan ang sarili mo dahil wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka," ani Joaquin. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oo na, at saka salamat din dahil lagi kang nandyan para sakin. Mag-iingat din kayo ni inay Remi. Iparating mo sa kanya ang taos puso kong pasasalamat sa pag-aalaga niya sa inay ko. Kayo na ang bahala kay inay Perla ha." Nahabag ako at muli na namang tumulo ang luha ko. "Huwag kang mag-alala. Aalagan namin ng mabuti si inay Perla. Umasa kang hindi namin siya pababayaan. Sige na. Huwag ka ng umiyak. Baka sabihin nila pinapaiyak pa kita," nakakatawang biro pa ni Joaquin saka kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi ko. Bago tuluyang umalis ay yumakap muna ako kay Joaquin. Bitbit ang maleta ay pumasok na ako sa loob ng airport. Muli akong lumingon sa paligid, inaasam ko na sana bago ako umalis ay makita ko man lang siya pero bigo ako. At ang nakita ko lang ay ang kumakaway na si Joaquin. Muli akong kumaway sa kanya. At hanggang makalipad na ang eroplanong sinakyan ko ay hindi ko siya nakita o nakausap man lang. Masakit sa loob ko na iwan siya pero ito lang din ang alam kong paraan. Bukod sa pagiging Yaya ng tatlong batang makukulit ay may part time job din ako sa gabi. At dahil nakapag-aral naman ako ng kolehiyo ay nag-apply din akong tutor para sa ibang lahi na gustong matuto ng salitang Ingles. Sa una, nangangapa pa ako pero kalaunan ay unti-unti na akong nasanay hanggang sa nagamay ko na ang bansang Singapore. Nakaipon na din ako ng malaking pera galing sa sahod ko sa pagiging Yaya at sa mga part time Job ko pero alam kong hindi pa sapat iyon para maoperahan ang inay ko. Hanggang sa makilala ko si Lola Madrid na nakatira lang malapit sa bahay ng Amo ko. Kapag ipapasyal ko ang mga alaga kong bata sa labas ay lagi niya akong tinatawag. Madalas din kaming magkwentuhan sa mga bagay bagay lalo na tungkol sa namimiss na niyang pamilya sa Pilipinas. Bihira na daw siyang dalawin ng mga ito. Isang araw nag day-off ko ay naisipan kong lutuan siya ng paborito niyang Pasta. At naikwento ko rin sa kanya ang dahilan kung bakit ako nag-abroad. "Matutulungan kita sa bagay na iyan hija, maaari kitang pahiramin ng pera para maoperahan na kaagad ang iyong inay." Sabi niya sabay pinaikot ang pasta sa tinidor at isinubo. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala. Hinawakan ko ang isang kamay niya nakapatong sa table niya. Hindi ko na naisip ang hiya dahil kailangan ko talaga ng malaking halaga. "Talaga po? Hindi po kayo nagbibiro, Lola Madrid?" Hindi makapaniwala na tanong ko. "Sa tanda ko ng ito hija, hindi ko na magawang magbiro. Wala ng halaga sa akin ang pera dahil na-fulfil ko na ang lahat. Mas gusto ko na lang ang makatulong sa mga taong nangangailangan. Isa sa mga binibigyan ko ng tulong ay ang Trinity Children's Foundation, ang mga naandun ay pawang may sakit na nangangailangan din ng malaking halaga para matustusan ang pangangailangan ng batang may malubhang sakit," ani Lola Madrid. Tunay pa lang napakayaman ng matanda. "Naku, Lola Madrid. Hindi ko po kayang tanggihan ang alok mong iyan. Dahil kailangan ko po talaga ng malaking halaga ng pera ngayon pero huwag po kayong mag-alala dahil sa tuwing sa sahod po ako ay magbibigay din po ako sa inyo ng paunang bayad." Pagbibigay assurance ko pa pero hinawakan niya ang kamay ko at sinabi na... "Huwag ka ng mag-abala hija, trabaho ko na ang pagtulong na hindi humihingi ng kapalit o kabayaran. Maluwag sa puso kong ibigay ang pera na kailangan mo," inabot niya ang munting bag niya. Binuklat iyon sa harapan ko at nakita kong cheque ang laman niyon. Mga blankong cheque na lalagyan na lang niya ng presyo. At nanlaki ang mga mata ko sa numerong isinulat niya doon. Inabot niya iyon sa akin ng nakangiti. "Magsabi ka lang sa akin kung kukulangin pa iyan. Ako na ang bahala sa iba pang gastusin ng inay mo. Batid kong mahirap ang buhay dito sa ibang bansa. Kaya naiintindihan kita, hija." Hindi ko na napigilan ang luha ko at sa sobrang tuwa ay tumayo ako at lumapit sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit. Natawa siya sa naging reaksyon ko pero ibinalik niya ang yakap na binigay ko sa kanya. Mahigpit at may kasama pang haplos sa likuran ko. Hilam ang mga mata ko ng magpaalam ako kay Lola Madrid. Ngunit malawak naman ang pagkakangiti ko na umabot na sa aking mga mata. Agad akong dumiretso sa banko upang ipapalit iyon. Tinawagan ko kaagad si Joaquin upang sabihin na pwede ng magpaopera si Nanay. "Hello, Joaquin! Good news! Pwede ng simulan ang operasyon ni Nanay!" Tuwang tuwa kong balita. "Talaga? Kung ganun ay nakaipon ka na kaagad ng ganyan kalaking pera?" Gulat na tanong ni Joaquin sa akin. Napalis man ang ngiti ko sa tanong ni Joaquin at hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero ipinangako ko rin na masusuklian ko rin ang kabutihan ni Lola Madrid. Hindi ko na sinagot ang tanong niya, sinabi ko na lang na naipadala ko na ang perang kailangan ni inay sa operasyon. After a month ay naging matagumpay ang operasyon ni Nanay kaya naman pumunta ako sa bahay ni Lola Madrid para makapagpasalamat na rin sa kabutihang loob niya. Ngunit pagdating ko sa bahay niya, ang nakausap ko lang ay si Ate Aileen–ang maid niya na naging kaibigan ko na rin. "Naku! Hindi na kayo nagpang-abot! Umuwi siya kahapon dahil ikakasal daw ang paborito niyang apo, masayang masaya nga at sa wakas daw ay makakapag asawa na rin ito." Kwento pa ni Ate Aileen. "Ganun ba? Sayang naman hindi na ako nakapag paalam sa kanya. Iba Balita ko sana sa kanya na successful ang naging operasyon ni Nanay." Sabi ko. Nalulungkot man ngunit may tuwa pa rin sa puso ko. "Wag kang mag-alala. Babalitaan kita kapag nakabalik na si Lola Madrid! Hindi rin naman iyon magtatagal sa Pilipinas dahil nandito na ang buhay nun." Dagdag na kwento pa ni Ate Aileen. "Kung ganun ay mauna na ako ha. Baka inaantay na din ako ng mga alaga ko doon. Aalis daw kasi si Madam. Sumaglit lang ako dito." Nakangiting paalam ko. Pagbalik ko sa bahay ng amo ko ay napansin kong umiilaw ang cellphone ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay naiwan ko pala iyon sa ibabaw ng refrigerator kanina. Kukunin ko na sana iyon ng magsalita si Madam Eunice–ang amo ko dito sa Singapore. "Franchesca, you take care of this first. I will leave for a few days and it may take me one week on my business trip. The children… don't leave them alone, okay?" Bilin Madam Eunice. "Okay, madam. Don't worry. I will take good care of your children. Please be careful on your business trip." Nakangiting paalam ko. Ako ang humila sa maleta nito at inihatid sa labas patungo sa sasakyan niya. Binuksan ko ang compartment nito saka binuhat ang maleta nito at nilagay ng maayos doon. In-open ko ang gate, saka yumuko sa amo ko habang palabas ang sasakyan nito. Pagkawala nito ay muli kong isinarado ang gate at bumalik na sa loob. At hindi ko inaasahan na makikita kong nag-aaway ang mga alaga ko. Nag agawan na naman pala sa mga laruan. "Hey, stop that. Yuki!" Saway ko sa pinakamatanda sa alaga kanila. Tumingin naman ito sa akin saka ibinaba ang hawak nitong pigurin. "What did Ate Iska say to you?" Malumanay na tanong ko. "Don't hit the brother and we must love each other." Sagot nito. Napangiti ako. Mabait naman sila lalo at kakausapin ng maayos at hindi pagagalitan. "Ate Iska! Inno hit me!" Sumbong ni Yumi– ang pinaka bunso sa magkakapatid. "Inno? Is that true?" Malumanay na tanong ko sa pang gitna sa magkakapatid. Umiling ito. Sa kanilang tatlo ito ang pinaka sensitive kaya hindi ako nagtataas ng boses sa kanya kapag kinakausap ko ito. "No, Ate Iska. My toy just hit him but I didn't mean to…" paliwanag naman Inno. Nakalabi pa ito at tila nagpapaawa pa sa akin. Ngumiti ako sa kanilang tatlo at pinag tabi-tabi silang lahat sa gitna ng bilog na carpet na kulay brown. "Oh Yumi, Kuya Inno didn't mean it so don't be angry, okay? Apologize to each other so that Ate Iska won't be angry anymore, hmm?" Nakangiti kong payo sa kanila. Napangiti naman ako ng sumunod sila sa sinabi ko. Nagyakapan silang tatlo. Pinaupo ko sila sa hapag kainan at binigyan ang bawat isa ng tig-isang scoop ng Ice-cream. Masaya silang kumakain ng muli akong napatingin sa tumunog na cellphone ko. Sumulyap muna ako sa mga bata bago ko sagutin ang tawag. Napakunot ang noo ko ng makita kong galing sa Pilipinas ang numero ngunit hindi nakarehistro sa phonebook list ko. Nag aalangan akong sagutin ngunit kalaunan ay sinagot ko na rin ang tawag. "Hello? Sino 'to?" Bungad kong tanong. "Thanks God! Nakontak din kita! Kanina pa kita tinatawagan.. hindi mo ba nabalitaan? Wala bang nagsabi sayo–" "Ano ba kasi yun, Lorraine? Diretsuhin mo na nga ako! Kinakabahan naman ako sayo eh!" "Naku! Hindi lang basta kaba ang mararamdaman mo sa sasabihin ko–" I cut her again. "Ano nga kasi yun–" "Ikinasal na si Enzo! Nakabuntis–" Natigilan ako sa sinabi niya. Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko kabilang na ang puso ko. "Hello.. andyan ka pa ba? Franchesca–" dinampot ko ang cellphone ko at pinutol na ang tawag niya. Sunod-sunod ang naging pagtulo ng luha ko. Hindi ko malaman kung tatawa ba ako o iiyak dahil ako naman ang may kasalanan kaya nangyari ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD