bc

Beautiful Soul

book_age18+
36.9K
FOLLOW
296.7K
READ
billionaire
possessive
playboy
others
goodgirl
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Bata palang si Ashley alam na niyang hindi siya biniyayaan ng kagandahan. She's very ugly. Palagi siyang tinutukso ng mga kaklase niya sa kanilang skwelahan. Tinatawag pa siya nang mga ito na isang bakulaw. She's not a typical average girl, she's not even normal! Alam niya iyon sa kanyang sarili. She never enjoyed her life because of her ugly face.

Kaya naman nagpursigi siyang makapag tapos ng pag-aaral upang magkaroon ng maraming pera. She went to south korea to change everything about her face. Her successful operation makes her beautiful! Sa wakas naging maganda siya!

May bonus pa. Nagbalik ang kanyang childhood crush! Everything went well. Ngunit, Paano niya ipagtatapat dito na isa siyang retokada?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue... year 2009 "Bakulaw! Bakulaw!" Napayuko nalang ng husto si Ashley habang tinutukso siya ng kanyang mga kaklase. "Ashley bakulaw! Bakulaw!" She's Grade eight student. Thirteen years old. Ulila na siya ng kanyang mga magulang. Sabi ng kanyang lola namatay ang kanyang mga magulang noong bata pa siya. Ngunit ang balibalita sa kanilang lugar ay iniwanan siya ng kanyang mga magulang sa kanyang lola dahil hindi matangap ng mga ito ang kanyang itsura. Isa daw siyang sumpa. Kahit siya hindi niya din matangap ang kanyang mukha. Sa tuwing haharap siya sa salamin para bang isang sumpa talaga ang nakikita niya. Natatakot siya sa sarili niyang mukha. "Ashley kung ako sayo magtatago nalang ako sa loob ng bahay namin kaysa ipakita ko yung mukha ko sa mga tao.. Nakakatakot oh.." "Nakakadiri talaga yang mukha mo Ashley. Panay tigyawat!" "And her nose is so big. Kapag nagkasipon siguro si Ashley masisingot niya tayo" Nagtawanan ang mga ito. "Yung mata mo parang mata ng gold fish namin sa bahay" Lalong lumakas ang tawa ng mga ito Hindi niya pinansin ang kanyang mga kaklase. Sa kanyang murang edad nasanay na siyang tuksuhin ng mga tao sa kanyang paligid. Yumuko nalang siya at itinago niya ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang itim at mahabang buhok. Itinakip niya iyon sa kanyang mukha habang nakayuko siya. Hindi niya mapigilan maluha. Mas lalo pang lumakas ang pagtatawanan ng kanyang mga kaklase Naalala niya ang sinabi ng kanyang lola. Bago siya pumasok sa skwelahan kanina sinabihan na siya nito na magpakatatag at balewalain niya ang mga masamang tao s paligid niya Apo tandaan mo maganda ka. Hindi man nila nakikita ang tunay mong ganda palagi mong tatandaan na ikaw ang pinakamagandang babae para sakin apo... Tatagan mo lang ang loob mo at wag mo silang papansinin... Wag mong sasayangin ang pagpapaaral sayo ni mayor.. "Bakulaw hindi bagay sayo ang pink bag mo!" Nagulat siya ng hablutin ng kanyang kaklase ang kanyang pink bag. Mahalaga ang kanyang pink bag dahil binigay iyon sakanya ng kanyang lola. Nakaramdam siya ng takot ng hablotin ito ng kanyang kaklase Palibhasa mayayaman ang kanyang mga kaklase. Siya lang ang mahirap sa skwelahan na ito dahil scholar lamang siya ng kanilang city mayor. Dahil siya ang napiling pag aralin nito. Naawa ito sakanya ng malaman nitong ulila na siya. "I..Ibalik mo sakin yan!" Sigaw niya kay Richard. Ito ang pinakabully sa lahat ng kanyang mga kaklase "Ayoko nga!" Todo ngiti ito habang hawak hawak nito ang kanyang pink bag. Binuksan nito ang loob ng kanyang bag Nakayuko lang siya at walang magawa kundi umiyak nalang "Parang awa mo na ibalik mo sakin yan.." "Ayoko nga---" "Ibabalik mo ba yan o babalian kita ng buto? Ang ingay ingay niyo natutulog ako" Maya maya pa narinig niya ang sigaw ng isang lalake. Agad na tumahimik ang kanilang mga kaklase dahil sa sigaw nito She slowly look at him. Pakiramdam niya huminto ang kanyang mundo ng makita niya kung ano ang itsura ng lalakeng ito. Nakasuot ito ng school uniform nila. Makinis ang balat nito at halatang galing ito sa mayaman na pamilya. He looks neat and kind Para bang ang linis linis nito dahil sa sobrang puting uniform nito at pagkakasuklay ng buhok nito. Para itong anghel na bumaba sa lupa. Ngayon lang siya nakakita ng kasing gwapo nito. He's face is perfect. Napakakinis ng mukha nito. Namumula ang labi nito at matangos ang ilong. Kakaiba din ang dating nito. Para bang sasambahin ito ng kahit sinong babaeng makakakita dito. Hindi niya din maintindihan kung bakit parang huminto ang kanyang mundo at bumilis ang t***k ng kanyang puso. S..Sino siya..... Lumapit ito kay Richard at kinuha nito ang kanyang pink bag. Wala naman magawa si richard dahil takot ito kay Joshua. Napatingala siya sa lalaking ito. Napakagwapo talaga nito. Ito ang unang beses na nakita niya ito dahil palagi lang siyang nakayuko. Hindi niya mapigilan ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Para bang tinatambol iyon ng malakas lalo na ng titigan nito ang kanyang mukha "Ikaw panget ka na nga iyakin ka pa. Lumaban ka kapag inaapi ka. Tss Kaya ka nabubully eh" Inabot nito sakanya ang kanyang pink bag at tumalikod na ito "S..Salamat" Napahikbi siya dahil sa unang pagkakataon may taong nagtangol sakanya. Buong buhay niya ang kanyang lola lamang ang kakampi niya ngunit ngayon nakaramdam siya ng bagong kakampi. Hindi maalis ang kanyang paningin sa lalakeng palayo sakanya. Kahit sinabi nitong panget siya pinatatag naman nito ang kanyang pagkatao. Pinunasan niya ang kanyang luha Maya maya pa nagbulungan ang kanilang mga kaklase. Hindi nalang niya pinansin ang mga ito. "Why would Joshua protect her? Grrr nakakainis." "Sobrang nakakainis! Anong nakain ni Joshua para ipagtangol si bakulaw?" bulong pa ng isa Simple siyang napangiti at napayuko J..Joshua pala ang pangalan niya... Pasimple niyang tinignan si Joshua. Nakaupo ito sa dulo at mag isa lang ito. Mukhang inaantok ito. Hindi mapigilan ng kanyang batang puso ang tumibok para sa taong unang beses na nag tangol sakanya Nag-iwas agad siya ng kanyang tingin dahil napatingin ito sakanya Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil dumoble ang bilis ng t***k nito B..Bakit niya ako tinignan.. Ngayon niya lang nakilala ito. Kahit kaklase niya ito dahil wala naman siyang paki-alam sa mga kaklase niya. Wala siyang kaibigan. Wala siyang kinikilala at wala din naman nakikipagkaibigan sakanya. M..May gwapo pala akong kaklase.. M..Mabait pa... Sinubukan niya uling limingon kay Joshua ngunit nanlaki ang kanyang mata dahil nakatingin padin ito sakanya Nag iwas uli siya ng kanyang tingin. Pakiramdam niya pinagpawisan agad siya. Napakagat siya ng kanyang labi. Hindi niya maiwasan kiligin. Mabuti nalang dumating na ang kanilang teacher. Habang nagtuturo ang kanilang teacher hindi niya iyon lubos na maunawaan. Dahil ang kanyang diwa ay naglalakbay patungkol kay Joshua. Tumunog ang bell ng kanilang skwelahan kaya naman ibig sabihin nito ay break time na nila. Habang nakayuko siya hinihintay niya munang makaalis lahat ng kanyang mga kaklase. Nasanay na siyang mag isa at palaging nahuhuling lumabas ng kanilang classroom. Nang maramdaman niyang naglabasan na ang kanyang mga kaklase doon palang siya kumilos upang ilabas ang kanyang lunch box. Dito na niya naka-ugalian kumain ng lunch niya dahil pinandidirian siya ng mga kaklase niya sa tuwing dadaan siya ng canteen nila. Kaya naman dito nalang siya sa classroom kumakain ng lunch habang wala ang mga ito. Inilabas niya ang kanyang lunch box. Tahimik siyang nag umpisang kumain. Rice ball iyon na ginawa ng kanyang lola. Ito ang pinakamasarap na rice ball sa buong mundo para sakanya "Can i have some?" Muntik na siyang mabila-ukan ng marinig niya ang boses ni Joshua sa kanyang likuran. Daig niya pa ang nakarinig ng multo. Nakayuko padin siya at hindi makaharap dito Naramdaman niyang umupo ito sa katabi niyang upuan "Ang damot mo naman. Pinagtangol na nga kita kanina." She slowly look at him. Nakakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya maunawaan. "K..Kinakausap mo ako?" Tanong niya Ngumiti ito "Yeah" "B..Baka makita ka ng mga kaklase natin. Tutuksuhin ka din nila--" "Subukan lang nila. Anyway can i have some? Mukhang masarap yang kinakain mo eh" "G..Gusto mo nito? H..Hindi ka ba nandidiri sakin?" Napayuko siya dahil hindi niya maintindihan kung humihingi ba talaga ito ng rice balls niya o ginogood time lamang siya "I really want it. Mahilig din gumawa ng ganyan ang lola ko that's why i want it" Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso. Nakayuko lang siya at hindi makagalaw. Hindi siya makapaniwala na mayroong lalakeng lalapitan siya at hihingi ng rice balls niya "S..Sige ikaw ang bahala" Ngumiti ito at kumuha ng isang rice ball na luto ng lola niya. Mas lalo itong napangiti ng makain na nito ang rice balls niya "Hmm masarap ha?" Napatingin siya agad dito at hindi siya makapaniwalang kinaen nito ang baon niya. "H..Hindi ka ba nandiri?" Umiling ito at kumuha pa ng isang rice balls. Kinaen nito iyon at halatang nasasarapan ito sa luto ng kanyang lola. Amoy na amoy niya din ang mabangong perfume nito. "Wala ka namang sakit bakit ako mandidiri sayo? Malinis naman yung pagkain mo and you also look neat.. " Napalunok siya. Tinignan nito ang kanyang itsura. Kahit panget siya malinis siya sa kanyang katawan. Alagang alaga ng kanyang lola ang kanyang itim na buhok. Plansado din at malinis ang kanyang uniform. Higit sa lahat palaging malinis ang kanyang mga kuko at tenga. Mahilig kasi siyang maligo at maglinis ng kanyang sarili. Syempre panget na nga siya kaya ayaw niyang bumaho siya. Alam niyang malinis siya sa katawan ngunit hindi niya inaasahan na napapansin pala ito ni Joshua. "S..Salamat" Hindi niya mapigilan maluha. Tinatago niya padin ang kanyang mukha sa kanyang buhok habang kausap niya si Joshua. "Sorry for what i said earlier." "H..Ha?" "Hmm Sabi ko kasi kanina panget ka. I didn't mean it. Naiinis lang kasi ako sayo palagi ka nalang umiiyak." Napalunok siya "A..Ayos lang yun. P..Panget naman talaga ako" "Iba-iba naman ang pagtingin ng mga tao. Mas lalo kang papanget kung pati sarili mo ida-down mo. Wag mo din papansinin ang mga sinasabi sayo ng ibang tao. Maybe if you try to smile gaganda ka." Napangiti tuloy siya sa sinabi nito "S..Salamat" "See? Pahingi pa" Kumuha uli ito ng rice balls niya "Sige kahit ubusin mo na.. Pinagtangol mo naman ako kanina" "Great" Napatabingi ang kanyang ngiti dahil inubos talaga nito ang rice balls niya. Hindi ito nahiya sakanya "Sorry ang sarap kasi.. Anyway babawi nalang ako sayo bukas magbabaon din ako at bibigyan kita." Napalunok siya sa sinabi nito "S..Sige" Napayuko siya. Hindi niya kasi matitigan ito ng matagal dahil parang natutunaw ang puso niya "Babe!" Sabay silang napalingon sa babaeng kakapasok lang ng classroom. Napakaganda nito at napakasexy "Babe" Ngumiti naman si Joshua "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala babe! Let's eat na nagugutom nako" Reklamo nito kay Joshua "Sure babe.. sorry nag-uusap lang kami ng classmate ko" Napatingin ito sakanya at napataas ang kilay nito "Sino yan?" "She's Ashley" "Ashley? Bakit nagtatago siya sa buhok niya. Kayong dalawa lang dito?" "She's a bit shy.." "Halika na kasi babe. Gutom na kasi ako" Hinila na nito si Joshua palayo sakanya "Ashley bawi na lang ako sayo bukas" pahabol pa nito Nang makalabas ang mga ito para bang biniyak ang kanyang puso. May nobya na pala ito. Nakikipag kaibigan lang talaga ito sakanya. Luka luka sa tingin mo ba magkakagusto sayo yun? Ano ka nananaginip ng gising? Nakalimutan mo na ba ikaw si bakulaw.. Ashley bakulaw.. --Paalala niya sa kanyang sarili. Kinabukasan hindi na nakabawi si Joshua sakanya dahil bigla nalang itong hindi pumasok sa kanilang skwelahan. Nabalitaan niyang sa America na ito nag aral. Nalungkot siya ng husto ng umalis ito. Isang araw lang niya ito nakausap at nakasama. simula ng mawala si Joshua wala ng nagtangkang ipagtangol siya. Halos lahat binubully siya. Pakiramdam niya hindi siya nagkaroon ng normal na buhay habang nag aaral siya. Kaliwat-kanan ang nanunukso sakanya. Umiiyak lang siya sa tuwing nakakaranas ng pang bubully sa mga ito. Minsan itulak siya sa hagdanan ng kanyang mga kaklase. mabuti nalang hindi siya nabalian ng buto. Minsan ninanakaw ng mga ito ang kanyang pag kain at tinatapon iyon sa bintana ng classroom nila. Tiniis niya lahat iyon dahil gusto niyang makapag tapos ng pag aaral kahit naging impyerno ang kanyang pagkabata dahil sa kanyang mukha. Nang mag high school siya nabawasan na ang mga nangtutukso sakanya ngunit palagi naman niyang nararamdamang panget siya. Halos lahat ng mga kaklase niya mayroon nang mga nobyo. Siya nalang ang wala. Kahit kaibigan wala siya. Kahit isa.. Titiisin ko lahat.. Kapag nakapag tapos nako ng pag aaral mag iipon ako ng madaming pera upang ipabago ang mukha ko!!! Ayoko nang mabuhay sa impyerno dahil sa mukhang ito.. Ayoko na. ..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

The Young Master's Maid

read
748.1K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
402.6K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
506.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
325.6K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
555.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook