Chapter 1

961 Words
Chapter one year 2019... "Apo kaya mo yan.. Nandito lang ako" Huminga siya ng malalim at niyakap niya ang kanyang lola. Naka-upo sila sa waiting area ng Joong hospital sa South korea. Narito siya upang ipagawa ang kanyang buong mukha. Nakapag ipon siya ng sapat na pera upang ipagawa ang kanyang mukha dahil sawang sawa na siya sa kanyang buhay. She wants to live a normal life "Kinakabahan ako lola.." Pinunasan ng kanyang lola ang luha niya "Shhh apo. Wag kang kabahan. Ito na ang pinakahihintay mong araw apo. Magiging normal na ang buhay mo simula ngayon. Wag kang mag alala hindi kita pababayaan" Lalo naman siyang napaiyak. Tatlong taon siyang nag ipon para sa operasyon na ito. Mabuti nalang at nakahanap siya ng magandang trabaho pagkatapos niyang mag aral kaya naman mabilis siyang nakapag ipon ng pera. Nag tratrabaho siya sa opisina ni Mayor. Ang kanyang kinikilalang pangalawang Ama. Mabait si Mayor sakanya simula pa noong bata siya pinag aral siya nito at binigyan ng magandang trabaho. Kahit papano naging mabuti padin ang diyos sakanya "Lola natatakot po ako.. Paano kung mas lalo akong pumaget? Paano kung hindi maging tagumpay ang operasyon?" Hinawakan ng kanyang lola ang kanyang kamay. "Apo naniniwala ako na magbabago na ang buhay mo simula ngayon. Mag dasal ka lang apo.." Nagyakapan silang muli nang kanyang lola Nakarinig sila ng mahinang ubo kaya napatingin sila sa korean na nurse sa kanilang likuran "Ms. Ashley the operation room is now ready." Inporma nito sakanya Pakiramdam niya tumalon ang kanyang puso "O..Okay" Huminga siya ng malalim at tahimik siyang nag dasal Lord patawarin niyo po ako kung papalitan ko ang mukhang ipinagkaloob niyo sakin.. Sana po magkaroon nako ng normal na buhay. Kahit hindi po ako maging maganda kahit simple lang po bastat maging normal lang po ang aking mukha.. Paghiga niya sa operation room. Tumulo ang kanyang luha habang abalang abala ang mga doctor sa paghahanda ng kanyang operasyon Full face surgery ang kanyang ipapagawa. Buong mukha niya ay papalitan ng mga ito. Wala siya paki-alam kung ano ang maging resulta ng operasyon. Ang mahalaga sakanya magkaroon na siya ng normal na mukha upang magkaroon siya ng normal na buhay. Sawang sawa na siyang tuksuhin ng mga tao sa paligid niya. Sawang sawa na din siyang pandirian. Sawang sawa na siyang umiyak. Sawang sawa na siyang mag isa. Gusto na niyang magkaroon ng kaibigan. Gusto na niyang mabuhay ng normal.. Maya maya pa nakaramdam na siya ng pagka-antok dahil sa general anesthesia na itinurok sakanya Naging successful ang operasyon ng kanyang mukha. Sabi ng mga doctor ipapahinga niya ang kanyang mukha sa loob ng tatlong buwan bago makita ang tunay na itsura niya. Namamaga pa kasi ang buong mukha niya kaya nakabalot pa iyon ng benda. Mabilis lumipas ang mga araw. Sa loob ng tatlong buwan nagpagaling lamang siya ng kanyang mukha. Palagi lang silang nasa loob ng kanilang nirerentahang bahay ng kanyang lola sa south korea. Malaking pera ang nagastos niya nguniy ayos lang dahil malaking pera din naman ang kanyang naipon. "Apo excited na akong makita ang bagong mukha mo.." Huminga siya ng malalim. Ngayon kasi tatangalin ng mga doctor ang takip sa kanyang mukha. "A..Ako din po lola sobrang excited na po" Hindi niya mapigilan maiyak habang hinihintay niyang tangalin ang takip sa kanyang mukha "Miss Ashley are you ready?" Tanong ng korean doctor sakanya Patuloy lang sa pag agos ang luha niya. Ibat ibang emosyon ang kanyang nararamdaman. "Y..Yes.." Dahan dahan tinatangal ng doctor ang takip sa kanyang mukha. Habang ang lola niya ay nakatingin lang sakanya at nagdadasal ito ng tahimik sa isang tabi. "Oh..Wow i never expected this.." Nanlaki ang mata ng korean doctor pagkatangal nito ng takip sa kanyang mukha Dahan dahan niya minulat ang kanyang mata.. Nakita niya ang kanyang lola na parang naengkanto habang nakatulala ito sakanya nabitawan pa nito ang rosaryong hawak hawak sa sobrang pagkagulat nito sa kanyang itsura Napalunok siya "A..Apo? A...Ang ganda.. Ang ganda ganda mo!" Lumapit ang kanyang lola at niyakap agad siya. Napaiyak agad silang dalawa ng kanyang lola "Talaga po lola?" "Oo apo. Sobrang ganda mo apo.. Masaya ako para sayo" "Salamat po lola." "C..Congratulations. Enjoy your new life" Bati sakanya ng doctor. Maluha luha din ito dahil ikinuwento nila dito ang buong buhay niya bago siya nito operahan. "C..Can i see my face now?" Tanong niya sa korean doctor Mukhang natulala ito sa kanyang mukha. "Y..Yes" Dahan dahan siya nitong inalalayan papunta sa malaking salamin. Napa-atras siya ng makita niya ang isang babaeng napakaganda sa salamin. Nanginginig ang kanyang mga kamay at hinawakan niya ang kanyang mukha. "O...Oh.. Oh my God..." Napahagulgol siya sa labis na tuwa. Hindi niya na makilala ang kanyang sarili. Para bang ibang babae na ang nakikita niya sa salamin. Napakaganda niya! "Ang ganda mo apo.." Tuwang tuwa naman ang mga korean nurse sa paligid nila nagpalakpakan ang mga ito dahil naging successful ang operasyon niya "L..Lola ang ganda ko na.." Para siyang batang iyak ng iyak habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili sa salamin Hindi niya inaasahan na gaganda siya ng sobra. Gusto niya sana average lang ang kanyang ganda ngunit napaganda siya ng sobra ng kanyang doctor "Apo daig mo pa ang isang artista.. Sobrang saya ko para sayo!" Nagyakapan sila ng kanyang lola. "Simula ngayon magbabago na ang buhay ko lola.." "Oo apo. Malaya kana sa mga pang tutukso at pang lalait ng mga tao. Masaya ako para sayo apo.." "Thank you so much doctor. Thank you so much. Thank you so much everybody. gamsahamnida.. gamsahamnida.." Yuko siya ng yuko sa sobrang pagpapasalamat niya sa mga ito Pagbalik niya sa pilipinas aayusin na niya agad ang kanyang mga papeles. Papapalitan niya lahat ng kanyang identification cards. Bagong Ashley na ang babalik sa pilipinas..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD