Chapter 2

1489 Words
She just wanted to live a normal life.. Iyon lang naman ang pangarap ni Ashley para sa kanyang sarili. She wants to be normal. She wants to live happily. After a successful operation her life changed. Mula sa pagiging bakulaw naging isang napakagandang babae na niya ngayon. Bata pa lamang siya gusto na niyang papalitan ang kanyang mukha. She hated her face because she lived like a monster. She's a monster in everybody's eyes. She's a disgusting species to everyone except from her lola. Ngunit ngayon anim na buwan na niyang naeenjoy ang kanyang magandang mukha. But still she's a bit shy. Palagi padin siyang nakayuko. "Apo madadapa ka sa ginagawa mo" Ngumiti lang siya ng tipid sa sinabi ng kanyang lola. Nasa mall kasi sila ngayon ng kanyang lola. Araw ngayon ng kanyang sweldo kaya naisipan niyang ipasyal ang kanyang lola. Nagtatrabaho padin siya kay mayor bilang sekretarya nito. Malaki ang sweldo niya at malaki din ang utang na loob niya dito. Huminto sa paglalakad ang lola niya at humarap sakanya. Hinawi nito ang kanyang buhok na tumaatabing sa kanyang mukha "Apo bakit ba nakayuko ka parin palagi? Ang ganda ganda mo na ngayon apo kaya huwag kana mahiya" "H..Hindi padin po kasi ako sanay lola.." "Apo be confident.. Para saan pa at nagpabago ka ng mukha kung itatago mo lang? Sayang ang bayad apo.." Tumawa ng kaunti ang kanyang lola upang mapagaan ang kanyang pakiramdam "S..Sige po lola susubukan ko" Sa loob kasi ng anim na buwan hindi pa siya lumalabas ng kanilang bahay. Pagkabalik niya sa pilipinas nag trabaho agad siya kay mayor ngunit home base lang naman palagi ang trabaho niya. Pinandidirian kasi ako sa opisina ni Mayor.. Kaya mula ng graduation ko nag trabaho ako sa bahay lang.. Ayos lang nakakatipid naman ako.. Napabuntong hininga si Ashley. Hindi padin kasi buo ang loob niya upang harapin ang bagong mundo niya. Natatakot siyang mareject nanaman ng mundo. "That's good apo.. Oh heto suotin mo ito" Napatingin siya sa kulay pink na supot na nasa loob ng bag ng kanyang lola. Inilabas nito ang isang head band na kulay itim. Simple lang iyon ngunit napakaganda. "H..Head band?" "Oo apo. Suotin mo ito para hindi natatakpan ng buhok ang mukha mo" Napalunok siya. Napatingin siya sa paligid. Maraming tao ang namamasyal sa mall "H..Hindi ko kayang isuot yan lola---" "Anong hindi? Gusto mo ba ng palo sa pwet?" Napangiti siya dahil favorite line iyon ng kanyang lola "Tignan mo apo ang ganda ganda mo talagang ngumiti.." She have perfect set of teeth.. Mula bata pa lang siya napansin na niyang maganda ang kanyang mga ngipin. Inalagaan niya kasi iyon dahil iyon lang ang maganda sakanya. "S..Salamat po lola. Mahal mo talaga ako" Niyakap niya ang kanyang lola "Asus.. Sige na apo isuot mo na itong head band dahil naa-alidbadbaran ako sa buhok mo. Pakiramdam ko kasama ko si sadako eh" Biro ng lola niya kaya napangiti siyang muli "Sige na nga po lola. Nakakatakot po kasi" "Saan ka naman natatakot?" "S..Sa reaksyon po ng mga tao sa paligid.. A..Ayoko na po kasing makakita ng taong nandidiri sa mukha ko--" "Apo wag mong iisipin palagi ang iniisip ng mga tao sa paligid mo.." Tumango siya. Isinuot niya ang head band na binigay ng kanyang lola.. Napatulala ito sa kanyang mukha "L..Lola?" "A..Apo ko.. Nag mana ka talaga saakin. Ang ganda ganda mo apo.." Napalunok siya "S..Salamat po lola.." Napatingin sila sa babaeng sumisigaw ng tulong. "Tulungan niyo po kami!!" Sigaw nito Nanlaki ang mata ni Ashley at ng kanyang lola ng makita ang isang batang lalake na nakasabit sa escalator ng mall. Mukhang malalaglag na ito habang hawak hawak ito ng babaeng naka-uniporme na pang house maid. Hindi nagdalawang isip si Ashley na tumakbo agad papunta sa batang lalake. "Apo bumalik ka dito!" Mabilis ang kanyang pagtakbo upang tulungan agad ang batang malapit ng mahulog Ang ibang mga tao hindi man lang tinulungan ang bata. Pinanuod lang ng mga ito ang bata at ang iba pa sa mga tao nag labas ng cellphone upang videohan ang kaganapan. Bago pa ito tuluyan malaglag ang bata naunahan na ni ashley hawakan ang kamay nito. Maraming tili ang kanyang narinig dahil muntikan na din siyang malaglag mabuti na lang may isang lalakeng mabilis na humila sa kanyang kamay. Napasalampak silang tatlo sa escalator Nagpalakpakan ang mga tao dahil naisalba nila ang buhay ng batang lalake Nanginginig padin ang kanyang katawan. Kung hindi siya hinila ng lalake panigurado dalawa silang patay ngayon ng bata. "Miss pwede ka nang tumayo?" Parang nagising naman siya sa realidad ng marinig ang boses ng lalake. Doon niya lang napansin na nakapatong pala siya sa harapan nito! Namula ang kanyang pisngi Agad siyang tumayo. Kinabahan siya ng husto dahil baka magalit ito sakanya kung sino man ito. "N..Naku pasensya na po!" "That's okay." Tumayo na din ang lalake at pinagpag nito ang sariling pantalon Hindi siya makatingin sa lalake dahil nahihiya padin siya "Ma'am Ser. maraming salamat po talaga sa pag sagip sa alaga ko.. Pagpalain kayo ng diyos" Lumapit ito sakanilang dalawa ng estranherong lalake "T..Thank you po. You saved my life!" Yumakap naman agad ang batang lalake sa bewang niya. Napangiti siya at niyakap ang batang lalake habang umiiyak ito. Pakiramdam niya may humaplos ng kanyang puso "M..Mag iingat ka na palagi ha" Niyakap niya ang batang lalake. Madaming tao ang nakapalibot sakanila ngayon. Lahat halos ng mga ito may hawak hawak na cell phone upang picturan sila at videohan "Opo.. Sayo din po thank you din po" Yumakap yung bata sa lalakeng katabi niya. Hangang ngayon hindi padin niya tinitignan ang mukha nito. Matangkad kasi ito at nahihiya din siyang tignan ito. Lalo na naupuan niya ang pagkalalake nito kanina. Jusko nakakahiya. Napisa ko yata.. "Welcome kiddo. Next time be careful okay?" Ginulo nito ang buhok ng batang lalake. "Opo promise po" "Mauna na po kami sainyo ma'am ser dahil panigurado hinahanap na kami ng parents ng alaga ko" Umalis na yung babae at yung batang lalake kaya naman aalis na din sana siya upang hanapin ang lola niya Ngunit pinigilan siya ng lalake sa kanyang braso. "Miss wait.." Napalunok siya. Wala siyang magawa kundi tignan ito Muntik na siyang matunaw sa kanyang kinakatayuan ng makita niya kung gaano kagwapo ang lalakeng nasa harapan niya ngayon. Kulang ang salitang gwapo upang idescribe ang kagwapuhan nito. He's tall dark and drop dead gorgeously handsome! Para itong modelo sa mga magazine na palagi niyang nababasa! Pakiramdam niya huminto ang kanyang mundo ng ngumiti ito "Thanks for saving the kid" "B..Bakit?" Wala sa sariling tanong niya. napapatitig kasi siya sa mukha nito. "Nasa forth floor kasi ako nung makita ko yung bata. Kung wala ka hindi ko na maabutan tulungan yung bata. Thank God malakas ang loob mo" Tipid siyang ngumiti at yumuko. "I..Iyon naman talaga ang dapat kaya ginawa ko iyon.. Salamat din sa pag sagip mo samin.. S..Sige mauna na ako sayo--" "Hmm wait.." Muli siyang pinigilan nito "B..Bakit?" "What's your name?" Tanong nito Tinitigan niya lang ang kamay nito. "Miss?" Napalunok siya. "H..Hindi ako nakikipag kilala kung kani-kanino lang. Pasensya kana" Nagmadali na siyang tumakbo palayo sa lalakeng gwapo. Ang gwapo. Pero hindi na niya kailangan malaman pa ang pangalan ko dahil masasaktan lang ako. "Apo! Jusko hindi ako makasingit sa mga tao. Ayos ka lang ba apo? May masakit ba sayo? Sobrang nag-alala ako" "Ayos lang po ako lola. Tara na po lola. " Lumingon siya sa lalakeng sumagip sakanya. Kahit sa malayuan napakagwapo padin nito. Nakatingin lang ito sakanya. Nag iwas nalang siya ng kanyang paningin. Siguro naman hindi na muling magtatagpo ang landas nila. Pag uwi niya sa kanilang bahay nag trending sa social media ang ginawa niyang pagsagip sa batang lalake Kasalukuyan silang nanunuod ng TV patrol ng kaniyang lola dahil inaabangan talaga nila ang balita tungkol sa insidente sa mall "Nagkaroon ng isang real-life hero ang batang muntik nang mahulog sa escalator ng mall ng sagipin ito ng dalawang tao. Halos mahulog na ang batang lalake sa escalator ng subukan nitong tumalon mabuti nalang may dalawang tao ang sumagip dito. Nakilala ng mga netizen ang lalakeng sumagip sa batang ito na si Joshua hoffman. Isa sa mga pinakasikat at pinakamayaman na bachelor sa ating bansa. Samantalang wala naman pagkilanlan ang babaeng unknown padin ngayon kung sino ito.." Joshua Hoffman.. Tama ba ang narinig niya? J..Joshua Hoffman... Napatayo siya sa kanyang kina-uupuan. "Bakit apo?" "L..Lola yung lalake kanina.. Kilala ko siya!" Napahawak siya sa kanyang puso ng maalala niya ang nakaraan. Hinding hindi niya makakalimutan ang pangalan ni Joshua dahil buong buhay niya ito lamang ang nag tangol sa kanya sa pang bubully ng mga tao sa kanyang paligid "Talaga apo?" "O..Opo lola. Siya po yung kinukwento ko sayong nagtangol sakin noon" Napangiti ang kanyang lola. "Biruin mo small world talaga apo.." Napangiti siya. Gusto niyang puntahan ito. Matagal na niyang gustong hanapin ito ngunit alam niyang nasa america ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD