Kabanata 3

1272 Words
Pagkatapos mabayaran sa counter, sabay na silang lumabas sa toy store. "Sir, puwede na ho ba akong umuwi?" paalam ni Zyren. "Hindi ka pa ba nagugutom? Lunch time na," tanong ni Lorrenze kay Zyren na hindi man lang ito sinulyapan. "Sa bahay na ako kakain, Sir. Naghihintay din kasi ang kapatid ko," tugon ni Zyren. "Mag-take out ka nalang para hindi ka na magluto pagdating mo," wika nito. "Hindi na ho, Sir. Nakapagluto na ho 'yong kapatid ko." Bakit kasi masyadong mapilit ang lalaking ito, feeling close pa! Kahit guwapo ka hindi ako magpapadala sa pinapakita mong kabaitan, noh? Napakibit-balikat na lang si Lorrenze. "Okay, ihahatid na lang kita sa inyo total sinamahan mo ko mamili ng regalo," wika nito. "Hindi na ho, Sir. Magta-taxi na lang ho ako," agad na tanggi ni Zyren. Pakipot naman ang babeng ito! Siya na nga ang ihahahatid, siya pa itong ayaw. "No, I insist." Hindi na nakaimik si Zyren nang makitang biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng boss niya. Sumunod na lang siya hanggang sa parking lot. Hindi niya maintindihan bakit ginagawa ito ng boss niya. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang tanong nito kanina habang ini-interview siya nito. "Bakit diyan ka? Ano tingin mo sa akin driver?" agad na puna ni Lorrenze nang akmang papasok sa likurang pinto ng kotse si Zyren. May balak pa ata siyang gawin akong driver! Sa guwapo kong ‘to, gagawin lang niyang driver? Hindi na sumagot si Zyren, agad niyang binuksan ang pinto ng kotse sa harapan at naupo. Kanina pa siya naiinis, bakit ba kasi pilit siyang ihahatid ng kumag na ito. "Fasten your seatbelt," utos nito. Napaismid si Zyren. Kung hindi lang kita magiging boss hindi mo talaga ako mapapasunod na tukmol ka! Pero kahit naiinis, ikinabit pa rin ni Zyren ang seatbelt. "Saan kita ihahatid?" tanong ni Lorrenze habang ini-start ang makina ng sasakyan. "San Diego Street, malapit sa may Petron gasoline station," tugon ni Zyren. Hindi na ito sumagot, agad na nito minaneho ang kotse palabas ng parking lot ng mall. Habang sana biyahe, wala silang imikan. Ni walang naglakas-loob magsalita. Bakit kaya siya malungkot noong makita ko siya? Broken din ba siya that time? Kaya pala pamilyar siya sa mukha ni Zyren dahil nakita na niya ito. Kahapon lang niya naalala noong binuksan niya ang lumang phone niya. May picture ito sa phone niya dahil sa kinuhanan niya ito ng litrato habang naglalakad sa tabing dagat two years ago. Dumalo siya sa party ng kaibigan niya noon at isa ito sa naging guest sa resort kung saan dinaos ang party. While looking at her from a far, ramdam niyang malungkot ito dahil sa laglag nitong mga balikat. Gusto niyang lapitan at kausapin ngunit hindi niya ginawa. During that time, nasa healing period pa lang siya dahil kahihiwalay lang din niya sa girlfriend niya. Ayaw naman niyang i-comfort ang isang taong malungkot dahil kahit siya ay hindi rin naman okay. Isa pa, umiiwas rin siya sa babae. "Sir, diyan na lang ho ako sa may kanto," wika ni Zyren nang makitang malapit na siya sa kanto papasok sa street nila. "Maglalakad ka pa ba papasok?" tanong ni Lorrenze nang inihinto ang sasakyan sa kanto. "Opo, Sir. Pero kunting lakad na lang ho mula rito," tugon ni Zyren habang binubuksan ang pinto ng kotse. "Okay, take care.” "Ikaw rin ho, Sir. Ingat po sa pagmamaneho, salamat po ulit sa paghatid.” Pilit niya itong nginitiin pero kanina pa siya naiinis. Kung hindi lang talaga niya magiging boss ito, hinding-hindi talaga siya magpapahatid. "Thank you rin. See you tomorrow." Hindi na tumugon si Zyren, agad na siyang tumalikod at naglakad papunta sa inuupahan nilang apartment. Ang hindi alam ni Zyren hindi agad umalis si Lorrenze. Pinarada lang niya ang kotse sa di-kalayuan at lumabas upang sundan siya. "Sino iyong sumalubong sa kanya? May boyfriend na siya?" nakakunot noong bulong ni Lorrenze nang makitang may lalaking sumalubong kay Zyren. Pero sabi niya, wala siyang boyfriend. Hindi kaya, nagsinungaling lang siya? Hindi na rin siya nagtagal doon. Laglag ang balikat at mabigat ang hakbang na bumalik si Lorrenze sa kotse niya. Hindi niya maintindihan ang sarili bakit bigla siyang nakaramdam ng lungko. At saka naiinis rin siya, gusto niyang sugurin ang lalaking iyon. Nagseselos ba ako? Anong nangyayari sa akin? f**k! Nasisiraan na ba ako ng bait? Nang makapasok sa sasakyan, agad na pinaharurot ni Lorrenze ang kotse pabalik ng opisina. Pagka-park ng kotse sa parking lot, pumasok na agad siya ng building na may malalaking hakbang. "Good afternoon po sir," bati ng guard kay Lorrenze. Tinanguan lang niya ito at dire-diretso na sa elevator. ***** "Ate, kumusta ang interview?" bungad na tanong ng kapatid si Zyren. "Ano sa tingin mo?" nakangiting tugon ni Zyren. “Base sa ngiti at ningning ng mga mata mo, tingin natanggaa ka.” “Tama ang hula mo. May trabaho na ako…” tugon niya na masayang masaya. "Talaga ate? Congratulations! Ang galing mo talaga ate," masayang sabi ni Eric. "Ano pala niluto mong tanghalian natin?" Pagkapasok ng apartment, inilapag lang ni Zyren ang bag at ang hinubad na blazer sa sofa saka dumiretso na sa kusina. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura niya. Kung hindi sana siya inabala ng tukmol niyang boss, kanina pa sana siya nakauwi. "Pork sinigang, Ate. Alam kong pagod ka kaya pinagluto talaga kita ng masarap," tugon ni Eric. "O siya, kumain na tayo at kanina pa talaga ako nagugutom.” Pagkatapos sabihin iyon, hinila na niya ang upuan at umupo. Mabuti na lang at maasahan na rin ang kapatid niya. Marunong ito sa gawaing bahay at marunong na rin magluto. Bata pa lang kasi sila ay sinanay na sila ng mga magulang kaya kahit papaano, hindi sila hirap noong mawala ang mga ito. Nineteen na ang kapatid niya at isang taon na lang ay ga-graduate na ito sa kursong business management. “Wait, Ate. Relax ka lang diyan at ipaghahain kita.” Napangiti na lang si Zyren. Suwerte talaga niya sa kapatid. Bukod sa maasahan ito ay napakaalalahin at maasikaso rin. "Ate, kumusta naman ang interview mo? Mabait ba ang magiging Boss mo?" tanong ni Eric habang sumasandok ng kanin at ulam para sa kapatid. "Hindi ko nga alam kung mabait ba talaga iyon o nagbabait-baitan lang. Alam mo bang ang tanong lang niya sa akin ay kung single ba daw ako o hindi?” "Ano naman ang sagot mo, Ate?" curious na tanong ni Eric. "Sinabi ko lang na yes ayun, tanggap na daw ako. Ang weird, ano naman ang konek niyon sa trabahong in-apply-an ko?" Hanggang sa pag-uwi hindi parin talaga maintindihan ni Zyren bakit gano’n lang ang tanong sa kanya sa interview. "Baka naman hindi talaga assistant secretary hanap niya ate. Baka naghahanap ng syota," pabirong wika ng kapatid. "Malay ko! At kahit mayaman siya, hindi ako papatol sa kanya, noh! Baka malagay lang sa panganib ang buhay ko dahil sa mga babaeng nagkakandarapa sa taong iyon. Baka mamaya, bigla na lang ako ipa-salvage at itapon sa dagat. Saka sa mukhang ‘yon? Alam ko babaerong tao iyon." Ang mga kagaya ni Lorrenze Fernandez, for sure kaliwa't kanan ang mga babae. At hindi siya kabilang sa mga babaeng kulang na lang mahulog ang panty kapag nakakakita ng gUwapo lalo na at mayaman. "Masyado ka namang judgemental ate. Malay mo, siya na pala ‘yong prince charming mo," nakangising turan ni Eric. "Ay naku, Eric. Tigilan mo ako, wala akong panahon sa mga ganIyan." Ang mahalaga kasi kay Zyren ay kumita ng pera para makapag-ipon para sa pag-aaral ng kapatid. Isa pa, galit siya sa mga lalaking paasa at manloloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD