Chapter 2: The Beginning

1505 Words
Monalya’s POV             “Starsa at Spacia, may napapasin ba kayong kakaiba?” tanong ko sa dalawang kaibigan ko na isa sa mga kasama ko ngayon na nagbabantay sa labas ng kaharian dito sa tirahang naming buwan na tinatawag na Buwana. Kabilin-bilinan kasi sa amin ng mga Zinerships na pagmasdan daw ang himpapawid. Kung mayroong kakaibang pagbabago ay kailangan namin maging alerto. Ito nga at biglaang nag-iba ang ihip ng hangin at tila may nagbabadyang kalaban ang siyang papalusob sa aming kinalalagyan.             “Ayan na ang mga halimaw na sinasabi ng mga Zinerships!” sigaw ni Starsa habang nakatingin sa himpapawid kung saan naroroon ang mga halimaw.             “Sinasabi ko na nga ba! Ito na ang tamang panahon upang gamitin natin ang mga kapangyarihan at lakas na nakuha natin mula sa pagsasanay!” matapang na hayag naman ni Spacia. Mabilis kaming naghanda at buong lakas na sumugod sa mga kalaban na may pag-aasam na iligtas ang aming mamamayan. Kami ang mga mandirigma ng buwan at obligasyon naming i-alay ang aming buhay dahil ito ang aming sinumpaang tungkulin. Marami kami ngayon at tamang tama lang ang aming bilang upang tapatan ang lakas ng mga kalaban.             “Ano ang sadya niyo sa aming mundo?” tanong ko sa kanila. Habang hawak-hawak ko sa leeg ang isang nilalang na malaki ang ulo. Bago ko siya tuluyang puksain ay kailangan ko munang alamin kung ano ang sadya nila. Hindi makita ng maayos ng mga matatanda ang dahilan kung bakit ang puwersa ng kasamaan ay muli na namang nabubuhay.             “Muli naming bubuhayin ang aming panginoon at wala na kayong magagawang lahat kung hindi sambahin ang aming sukdulang lahi!” sagot nito matapos ay tumawa ng sobrang lakas. Sapat na ang impormasyong ito upang tanggalin ang kaniyang hininga. Kaya naman ito ang aking ginawa. Sinaksak ko siya ng aking mahabang sandata at tumurok iyon sa kaniyang puso na naging sanhi upang siya ay mamatay.             Sumugod ulit ako sa iba pang kalaban at buong husay na naki-digma. Napansin ko ang mga kasama ko. May mga ibang nagtamo ng mga ilang galos pero tuloy pa rin na nakikipaglaban.             “Wala rito ang hinahanap nating lunas sa muling pagkabuhay ng ating panginoon!” sigaw ng isa sa mga kalaban namin ngayon. Nang marinig ito ng mga kasama niya ay bigla nalang silang lumisan na parang bula.             Tumakas sila? Ngunit saan naman sila nagpunta?             “Haha! Akala nila ay papatalo tayo sa kanila. Mga katawan nilang marumi. Ano kaya ang balak ng mga nilalang na iyon at naghahasik na naman sila ng lagim?” salita ni Spacia nang muli kaming magsama-sama.             “Palibutan ang hangganan! Baka bumalik na naman ang kalaban. Huwag tayong maging kampante,” sigaw sa amin ng lider ng aming hukbo.  Lumapit ito sa akin at tinapik ako sa braso.             “Monalya, ikaw muna ang mamahala rito sa hangganan. Tutungo ako sa loob ng palasyo upang ibalita sa mga matatanda kung ano ang nangyari at mabigyan nila tayo ng sapat na impormasyon ukol dito. Hindi maganda ang kutob ko sa pangyayaring ito,” bilin nito sa akin.             “Ako na ang bahala rito, lider,” pagsang-ayon ko sa panandaliang obligasyon ipinataw niya sa aking balikat. Lumisan na siya at naiwan kaming tatlong magkakaibigan.             “Ano ulit ang tanong mo, Spacia?” Baling ko kay Spacia dahil may tanong  siya kanina na hindi namin naintidihan ng maayos gawa ng biglaang pagsingit ng aming lider.             “Ano kaya ang dahilan ng paglusob ng mga nilalang na iyon?” ulit niya.             “May hinahanap ata silang lunas upang buhayin ang kanilang panginoon ngunit nang malaman nilang wala rito ang hinahanap nila ay agad nga silang naglaho. Base lang ang pakawaring iyon sa narinig at nasaksihan ko” seryosong saad ko.             “Hmmm… ano naman kaya ang hinahanap nila?” sabat ni Starsa nang naka-kunot ang noo. Mukhang nag-iisip siya ng malalim.             “Hindi ko rin alam kung ano. Ayan ang ating aalamin sa tulong ng mga matatanda,” turan ko sa kaniya.               “Matagal-tagal na rin simula nang huling pakikipaglaban natin. Kung ano man ang idudulot nilang sigalot ay handa akong gawin ang lahat ng nalalaman ko mahadlangan ko lang sila sa madilim nilang plano,” saad ni Spacia na mayroong solidong paninindigan at tapang.             “Argg… hindi pa ata ako handang lumaban muli,” pangamba ni Starsa. Lumapit si Spacia sa kaniya upang patatagin ang loob nito. “Lumaban ka!” saad niya habang winawagayway ang balikat ni Starsa. Ewan ko, pero natutuwa ako sa kanila.             “Tama na iyan! Kailangan na nating magbantay sa hangganan. Kagaya nga  ng sinabi ni lider ay huwag tayong maging kampante!” pagsuway ko sa dalawang kaibigan ko.             “Masyado mo namang siniseryoso ang ganap mo riyan, Monalya! Ang tino ah. Parang hindi mo kinain ang pinagbabawal na prutas noong isang araw. Huwag ka nang tatanggi dahil huling huli ka na namin ni Starsa,” salita sa akin ni Spacia. Tumingin pa siya kay Starsa upang hingin ang suporta nito. “Hindi ba?”             “Oo, nakita ka namin Monalya. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin ipapahamak no. Mga kaibigan mo kami at hindi namin intensyon na sirain ang pagkakaibigan natin” sang-ayon ni Starsa.             Patay! Alam na nga talaga nila! Hindi ko naman sinasadya na ma-kain iyon. Sadyang nagutom lang talaga ako.             “Nakita niyo talaga? Seryoso kayo? Walang pambibiro? For real na?” paninigurado ko sa kanila. Kinakabahan ako. Alam kong kaibigan ko sila pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.             “Oo nga. Kitang kita namin kung paano mo pungasin ang prutas na iyon. Buti at walang nagbagong kakaiba sa iyo. Ano ba kasing masamang enerhiya ang pumasok sa isip mo na siyang nagtulak upang kainin mo ang prutas na iyon?” si Starsa.             “Gusto mo bang ilabas ko pa ang larawan sa aking palad upang maniwala ka?” bulong pa ni Spacia sa akin. Mahina lang ang boses niya dahil baka may maka-rinig na naman sa amin. Wala na. Totoong totoo na nga talaga.             “Oo sige na’t naniniwala na ako pero, huwag mo nang ilabas baka may makakita pang iba. Syaka hindi ko sinasadyang makain iyon. Nagutom lang talaga ako that time. Ayon lang ang nakita kong prutas sa lugar na iyon kaya ayon ang kinain. Isa pa, hindi ko rin alam na pinagbabawal pala iyon, huli na ng nalaman ko,” paliwanag ko sa kanila. Maiintindihan naman nila akong dalawa at sigurado ako rito.             “Naiintindihan ka namin. Sa amin ay nakaka-sigurado ka na walang makaka-alam nito pero sa mga kapangyarihan ng mga matatanda ay hindi, Monalya. Kaya ihanda mo na ang sarili mo dahil alam na alam mo na may ka-akibat na parusa ang ginawa mo,” paalala ni Spacia. Nagsasabi lang sila ng totoo. Hindi nila ako nais na pakabahin. Natahimik nalang ako at nag-isip.             “Ang lahat ay pinapatawag ng mga matatanda sa himpilan! Magmabilis” Mensahe sa isip namin. Galing iyon kay lider.             “Narinig niyo iyon?” tanong ko sa mga kasama ko.             “Oo, pinapatawag tayo sa loob ng himpilan. Bakit na naman kaya?” sagot ni Starsa.             “Wala kong ideya pero magmadali na tayo,” wika ko sa kanila. Mabilis kaming naglaho upang pumunta sa himpilan ng mga matatanda. Sasabihin na siguro nila ang tunay na pakay ng kampon ng kadiliman. Frederick’s POV             “Mom, I’ll be back here before dinner.” I kissed mom on her lips before I leave her office as I have some f*****g important thing to accomplish. This is another day to train and get my desired body build. She did not want me to go to the military academy as she wants me to enter politics.             “Oh, such a sweet son. It seems that I cannot stop you. Just Take care of yourself, my future mayor.” She always reminds me of the position of being a mayor someday. I know what I want to do in my life and that’s to be a good soldier that’s why I am studying for it.             “Okay, mom.” I agreed. I did not tell her that I do not want to become a mayor and follow in the footsteps of my dad. I hate public noises hence I preferred serving people in my own ways. I want a normal and peaceful life with lots of sexy and alluring women to fling.  I went straight to my car and drove along the way to camp. The location of the camp is kinda near to our home that’s why I easily get there. When arrived, I suddenly felt a lively vibe and I saw my captains drinking and partying. Hmmm… is there any occasion or accomplishments? “Mr. Harake, samahan mo kaming mga captains mo rito. Halika’t maupo ka.” Napansin ako ni sir Camiguin at agad akong inalok nito na sumalo sa kanila. Arg! I can’t say no to them and swear, I love drinking bunches.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD