Chapter 2

1299 Words
NAGPARESERBA ng silid si Rana sa Cristobal Crystal line hotel kung saan niya huling nakita ang lalaki. Kasama iyon sa mga plano niya upang maging madali para sa kanya ang pagpaslang dito. Umayon pa sa kanya ang magandang magkakataon dahil nalaman niyang mag-isa lamang itong sasakay ng yate. Good thing as well, dahil walang makakasaksi sa anumang gagawin niya. Gagamit siya ng lantsa upang sundan ito at doon isasakatuparan ang kanyang misyon. Napangiti si Rana sa bahaging iyon. Alas, mangyayayari na ang pinakaaantabayanan niya. Nakita rin niya ang pagsakay ng target niya sa yate. Mabilis siyang kumilos at kaagad na tinungo kung saan nakahalera ang mga lansa. Ipinagpapasalamat niya at kahit paano ay natuto siyang gumamit niyon. "Kuya, gagamitin ko na po ang lansa," nakangiting aniya sa may edad na lalaki. " Rana Zamora po," pagpapakilala niya sa lalaki nang hindi ito kaagad nagsalita Batid niyang nahalina sa pagmamasid sa kanyang alindog ang lalaki kaya't mistula itong nabato balani sa pagkakatitig sa kanya. "Matandang hitad!" aniya sa sarili binigyan ng matamis na ngiti ang panot na lalaki. "Naku pasensiya na ho Ma'am, akala ko kasi si Angel Locsin na ang kaharap ko," nahihiyang napakamot ng batok na wika nito. Rana pasted the sweet smile in her lips, "Palabiro po pala kayo kuya." lalo pa niyang ginandahan ang pagkakangiti kahit ang totoo'y gusto na niya itong tuodan sa klase ng mga titig nito sa katawan niya. m******s! Nakasuot lamang kasi siya ng summer swim suit na pinatungang ng life vest isinilit niya roon ang baril na gagamitin niya. Lutang na lutang ang maputi at makinis niyang hita. Hindi niya ito masisisi kung makuha man niya ang atensiyon lalaki hahayaan na lamang niya itong busugin ang mga mata sa pagkakatitig sa kanyang katawan hindi naman niya ito muling makikita. "Sumunod po kayo sa akin, Ma'am." magalang na anito. Nagpatianod naman na sumunod dito si Rana. Her heart beats so fast inside her chest, kaya nga ba niyang dungisan ang sariling mga kamay para maipaghiganti ang kapatid? Makakaya ba niyang kitilin ang buhay ng lalaking nanakit sa puso ng ate niya? She took a deep breath as she walk towards the boat. Hindi siya puwedeng umatras gayong abot kamay na niya ito. Anuman ang mangyari ay kailangan niyang magtagumpay. Pagdaka'y magkasunod na putok ng baril kasunod ng palahaw na sigaw ng isang parak. Hinahabol ng mga ito ang dalawang lalaking may hawak-hawak na itim na bag. Halatang mga tulisan. Kinutuban siya ng hindi maganda nang mabatid na patungo sa direksyon nila ang mga ito. "s**t!" Akmang sasakay siya ng lantsa ng biglang magpaputok ang isa sa mga kawatan. "Tigil! Tumigil ka!" malakas na sigaw ng lalaki habang tinututukan siya ng baril. "Baba!"mariing utos pa nito sa kanya. "Damn it!"lihim na napamurang ani Rana na mabilis na tumalima sa utos nito. "Lumapit ka rito! Bilisan mo!" Hindi nakahuma ang dalaga sa bilis ng mga pangyayari. "Huwag kayong magpapaputok kung ayaw niyong basagin ko ang sentido ng babaeng ito!" panakot na sabi ng lalaking may hawak-hawak sa kaniya. Nagkatinginan naman ang tatlong pulis. "Itapon niyo sa tubig ang baril niyo?" utos ng isang magnanakaw. Galit man ay walang nagawa ang mga pulis kung hindi ang sumunod sa mga ito. Mahalaga para sa kanila ang buhay ninumang sebilyan. Seninyasan ng lalaking may hawak sa kanya ang kasama nito na paandarin ang speed both. "Sakay ka na pare," tawag dito ng isa. Hinagod muna ng lalaki ang kabuuan niya bago nagsalita. "Sa isang lansa ka sumakay," sagot nito sa kasama. "Isama natin si Ms. beautiful pampainit sa malamig na simoy ng hangin." nakangising wika nito. Nagimbal siya sa sinabing iyon ng lalaki, nagpupumiglas siya ngunit malaki ang pangangatawan ng lalaki at higit na malakas kumpara sa kanya. "Kahit kailan talaga aktibo ang kamanyakan mo," segunda ng kasama nito pero wala ring nagawa ng huli. "Sakay! Utos ng lalaki sa kanya. "Ikaw ang magmaneho," marahas na ulit nito. Itinutok pa ang dulo ng baril sa ulo niya. Malikot ang mga matang tumalima na lamang siya. Maingat na kinapa ang baril sa life guard jacket. Maaga yatang madudungisan ng dugo ang kamay niya. Naisasaloob na aniya bago pinaandar ang speed boat. "Saan kita ihahatid," panatag na tanong niya sa lalaki. Bagamat nasisindak siya sa maaaring gawin nito sa kanya ay sinikap niyang maging pormal at huwag magpahalata ng pagkatakot dito. Sa halip na sumagot ang nalilibog na lalaki ay dinilaan nito ang batok niya. Diring-diri naman siya sa ginawang iyon ng kriminal na magnanakaw. "Sundan mo lang ang kasama ko," anitong hinihipo pa ang nakatambad na hita ng dalaga. "Baka gusto mong itabi muna tayo at magparaos?" suhestiyon niya dito. Kailangan niyang pakisamahan ang lalaki kahit halos pati bituka niya'y ninais nang lumabas sa baho ng hininga nito. Nangingislap naman ang mga matang ngumisi ang tulisan. Gusto-gusto nito ang sinabi niyang iyon. "Pagsinusuwerte nga naman oh, bukod sa maganda, mabango at malambot mapagbigay pa," takam na takam na lintaniya ng lalaki. Hindi nakapagtimpi at hinipo ang kabilang dibdib niya. Ngitngit at naningkit ang mga mata niya sa ginawang iyon ng lalaki. Tampalasan! Siya na never been touch ay basta na lamang hihipuan ng damuhong hudyong hublong na ito? Hindi na siya nakapagtimpi at binigyan ng ubod lakas na siko ang panga ng lalaki. Naging dahilan iyon upang mapahiyaw ito sa sakit dahil sa tinamomg sugat mula sa babaeng bihag. Tumilapon pati na rin ang pusteso nito sa tubig. Mas lalo siyang nandiri ni pakatitigan ang magaspang na mukha ng lalaki ay hindi niya magawa ang magpaangking pa kaya dito? "Letse ka!" sigaw nito sa kanya na hinila ang buhok niya at tinutukan siya ng baril. "Easy boy, nabigla lang ako, may kiliti ako sa parteng hinawakan mo eh," aniyang pinalambot ang boses kahit pa man diring-diri na siya. Kailang niyang utakan ang lalaking gutom sa makamundong ligaya para sa kanyang kaligtasan. Hindi siya makakapayag na madungisan ang kaniyang dangal at mas lalong hindi siya puwedeng masawi. Kailangan siya ni Hercules at kailangan pa niyang isakatuparan ang kanyang misyon. Alam niyang hindi siya pababayaan ng mga pulis. Kaagad namang lumambot ang mukha ng lalaki na halatang kumbinsedo. Nadala sa malambing na tinig niya. "Sige ikanan mo sa parteng iyon, " muling utos nito sa kanya. Tumalima naman siya na palihim na dinoble check sa dibdib ang baril niya. Pero nanlumo siya nang mapagtantong may mga kasama ang dalawang magnanakaw mula sa likod ng resort. Ang ipinagtataka pa niya ay sakay ng mamahaling yate ang mga ito. Posible kayang hindi lang basta magnanakaw ang mga ito? Namumukhaan rin niya ang isang lalaking prenteng nakaupo sa harapan. Ito ang nakabunggo niya sa lobby kaninang umaga. At sa hilatsa ng pagmumukha nito ay marahil ay pinuno ito ng mga kriminal. Pinanlakihan ng mga mata at dinagsa ng kaba ang dibdib niya. Nanganganib ang buhay niya sa kamay ng mga ito. Among gagawin niya? Paano na ang pamangkin niya kapag nawala siya? Paano na ang paghihigante niya kay Arnold Cristobal? Karma ba ito sa kaniya? Ang aga naman? Sari-saring emosyon ang sumasagi sa kaniyang diwa nang mga sandaling iyon. Subalit isa lang ang alam niyang kasagutan sa mga iyon. Hindi siya puwedeng masawi. ****** PAYAPANG pinagmamasdan ni Arnold ang resort na pag-aari ng kanilang angkan sakay ng sarili niyang yate. Alam niyang may parating na bagyo sa gabing iyon subalit hindi siya nagpaawat kahit tutol ang kanyang ina. He took a deep breath, habang sinasariwa ang masasayang alaalang magkasama sila ng dating nobya. Naroon pa rin ang sakit na inukit nito sa puso niya at sa buo niyang pagkatao. Ngunit kaagad din siyang napatiimbagang nang maalala ang pagtataksil ng dating kasintahan. Maliban sa poot sa nararamdaman niya sa loob ng kanyang dibdib ay wala na siyang makapang damdamin para sa dating katipan. Wala na rin siyang tiwala pa sa sinumang babaeng makikilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD