SIMULA

1035 Words
In the Arms of Mr. Coleman SIMULA I am here now in my bedroom, dumbfounded and trembling with fear. I do not know what to do. I am afraid that my parents will find out what is happening to me right now. I can’t believe I’m going to reach this point. I thought I would be able to get rid of him, but I haven’t. I quickly picked up my cellphone and called my only friend, Bonnie. She quickly answered my call. "Hello, Bonnie?" I called out my friend’s name while sobbing. "Rachel? Umiiyak ka ba? Anong nangyari sa’yo?!" sigaw niya. Napahilamos ako sa aking mukha sa frustration at sa mga nangyayari sa aking buhay ngayon. "Bonnie, buntis ako," mahina kong sabi at muling umiyak. Narinig ko ang kanyang pagsigaw sa kabilang linya. "H-Huh?! Sandali lang! Hindi pa ma proseso sa aking utak ang sinabi mo. Bakit? Sino ang ama niyan?! Si Geoff ba?" Napasapo ako sa aking noo at muling umiyak. "No…" mahina kong sabi. "H-Huh?! Sino?! Rachel, may hindi ka ba sinasabi sa akin, ah?" tanong niya. I know Bonnie was hurt by what she found out about me. She’s my best friend, and I trust her, and she does the same for me. But there’s one thing I can’t tell her, and it’s the result of what happened to me today. "Rachel, pupunta ako sa mansion niyo. Kailangan nating mag-usap, kailangan mong sabihin sa akin ang lahat," sabi ni Bonnie at binaba na ang tawag. Muli akong napayuko at umiyak nang umiyak. Ayaw kong lumabas ngayon sa aking kwarto dahil baka makapansin si Mommy sa nangyayari sa akin ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko muna ito binuksan at pinakiramdaman muna kung sino ang nasa labas. Muli itong kumatok at may nagsalita na. "Rachel, si Bonnie ito," sabi nito. Nang marinig ko ang boses ni Bonnie ay dali-dali akong tumayo sa aking pagkakaupo sa kama at binuksan ang pintuan. Nang makapasok siya sa loob ng aking kwarto ay agad ko rin na ni lock ang pintuan. Napaharap ako sa kanya. Nakita kong parang nagulat siya habang nakatingin sa akin ngayon. "Rachel, what happened to you?!" sabi ni Bonnie habang hindi makapaniwala sa kanyang nakita. Muli akong napaiyak at niyakap si Bonnie. Niyakap niya naman ako pabalik at hinagod ang aking likuran. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari sa’yo, Rachel? Bakit mo sinarili ang problemang ito," rinig kong sabi ng aking kaibigan habang umiiyak. Pagkatapos naming umiyak ay umupo na kami sa may gilid ng aking kama. Dinalhan din ako ng tubig ni Bonnie at pinainom muna bago ako magsalita. "Bakit ang putla mo na, Rachel? Para ka nang patay sa ayos mo ngayon!" singhal na sabi ni Bonnie. Napayuko ako at napakagat sa aking labi. Isang buwan na noong nalaman ko na buntis pala ako. Nang malaman ko iyon ay wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Wala rin akong masabihan dahil wala namang nakakaalam sa mga ginagawa ko sa aking buhay, kahit si Bonnie pa na matalik ko na kaibigan. "Rachel, please, sabihin mo na sa akin kung ano ang nangyari. Tell me who the father of the child you're carrying now," she said. Napatingin ako nang seryoso kay Bonnie. Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Si Louis ang ama ng anak ko," I said. Napakunot ang kanyang noo. "Louis? Sinong Louis, Rachel? Wala akong kilalang Louis na malapit sa iyo," sabi ni Bonnie. Maliit akong ngumiti at nagsimula na ulit lumabas ang mga luha sa aking mata. "S-Si Louis Anderson Coleman ang ama ng anak ko, Bonnie. Siya ang lalaking nakabuntis sa akin," mahina kong sabi at muling napaiyak. Natigilan si Bonnie sa aking sinabi at nakita ko ang luhang pumatak sa kanyang mata. Umiling siya. "H-How? Rachel, magkalaban ang pamilya niyo! Alam mo naman diba na muntik nang ipakulong ng mga Coleman ang daddy mo?!’’ sigaw niya. Napahilamos ako sa aking mukha at napatango. "I know, Bonnie. I know! Pero mahal ko si Louis. Hindi ko sinadya na mapamahal ako sa kanya. Iniwan ko naman siya noong mapagtanto ko na hindi tama itong ginagawa namin. Pero hindi ko akalain na magbubunga pala ang kataksilan na ginawa namin, Bonnie. Isang buwan na akong ganito at natatakot ako na baka malaman nila Mommy ang nangyari sa akin. Lumalaki na ang tiyan ko, Bonnie. Hindi habangbuhay ay maitatago ko ito," umiiyak kong sabi at napayuko. Hinagod niya ang aking likuran at pinahan ako. "Magiging maayos din ang lahat, Rachel. Hindi kita pababayaan," sabi ng aking kaibigan at niyakap ako. Bonnie helped me with my pregnancy, and she also helped hide my situation right now from my parents. We also had a checkup with the OB to check out my baby’s condition. I breathed a sigh of relief when I found out that my baby was in good health. May kunting umbok na rin akong nararamdaman sa aking tiyan pero hindi pa naman malaki at halatado ng lahat. Para lang siyang tiyan ko kapag busog, pero hindi na ako nagsusuot ng mga fit na damit para na rin sa aking safety. "Mag-ingat ka palagi, Rachel!" sabi ni Bonnie nang makababa ako sa kanyang kotse. Galing kaming mall ng aking kaibigan upang makapag unwind naman ako. Naging masaya naman ang pamamasyal naming dalawa ni Bonnie at malaki talaga ang naging tulong niya sa akin. "Thanks, Bonbon! Bye," sabi ko at kumaway sa kanya. Pinaandar niya na rin ang kanyang kotse at umalis. Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa loob ng mansion. Nang makarating ako sa may living room ay nakita kong nakabukas ang malaking TV namin kahit wala namang nanonood. Lumapit ako dito at kinuha ang remote at aakmang papatayin na ang TV nang may biglang lumabas na balita na nagpatigil sa akin. "Nag-iisang anak ng isa sa pinakamayamang negosyante dito sa Pilipinas na si Louis Anderson Coleman ay ikakasal na sa modelong instek na si Jennifer Uy bukas! Saksikan ang wedding of the century!" Natulala ako at nabitawan ko ang aking hawak-hawak na remote ngayon. Hina akong napaupo sa couch na nasa aking likuran at muling napaiyak. Wala na talaga akong pag-asa. Ikakasal na ang ama ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD