02

1293 Words
Chapter 02 3rd Person's POV "Hayop kang bata ka! Wala kang utang na loob!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng matandang Difabio habang nasa labas ng morgue. Napaupo si Victor sa lakas 'non at tila namanhid ang kalahati ng mukha niya. Iyak ng iyak ang ina ni Victor habang nakaupo sa bench at sapo ang mukha. Lahat ay nagulantang sa nangyari lalo na ng malaman ng mga ito na nagdadalang tao si Phineas. "Ano kang klaseng asawa Victor? Hindi mo 'man lang alam na buntis ang asawa mo at may depression siya!" sigaw ng ginang at mabilis na tumayo— sinugod nito ang anak. Pinagsasampal nito si Victor hanggang sa mapaluhod ito at hinablot ang kwelyo ng anak. Hindi makapagsalita si Victor dahil hindi pa din sa kaniya lahat nagsi-sink in ang nangyari. Lahat ng litrato na nasa sahig ay picture lamang ng movie nila ni Peregrine. Wala doon ang totoo mula sa kiss at bed scene. Nakita lahat iyon sa unit nila ni Phineas. Wala din siyang alam na may depression ang asawa niya at trauma. Gulong-gulo ang isip niya hindi niya alam kung sa paanong para mapo-proseso lahat iyon sa isip niya. "Hindi kita pinalaking ganito Victor! Kung alam ko lang na ganito ka at pati anak mo papatayin mo— sana nasa sinapupunan pa lang kita pinatay na kita! Paano mo lahat ito nagawa sa asawa mo! Si Phineas— Victor!" humagulhol ng iyak ang ginang. Pakiramdam ng ginang mababaliw siya dahil doon. Hindi nila alam ngayon kung paano haharapin ang mga Lawson dahil sa nangyari sa isa sa mga anak nila. Nangako sila sa mga ito na aalagaan nila si Phineas. "Vanice!" Nahimatay ang ginang. Agad na dumating ang mga doctor at dinaluhan ang ginang. Hindi na nagawang umalis doon ni Victor. Hindi niya magawang tumayo at kahit magsalita. Ni hindi niya maramdaman ang sakit sa pisngi niya dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman niya sa buong sistema niya. Tiningnan niya ang mga kamay na puno ng dugo. Ang mga dugong iyon ay galing kay Phineas at sa magiging anak nila. Sinolo lahat ni Phineas ang sakit, pagkabahala at stressed nito. Noong mga panahon ay wala siya 'non at nagawa pang makipag-celebrate sa mga katrabaho niya. "Bakit malabo ang lahat? Hindi ko makita ang mukha ni Phineas," ani Victor at sinabunutan ang buhok. Ang walang laman na condo, malamig na kwarto. Ang silid kung nasaan si Phineas. Ni wala siyang maalalang nagsalita ito. — Nahila ni Victor ang hininga at pawisan na napabangon. Nilibot niya ang paningin sa paligid. "Phineas!" sigaw ni Victor at bumaba ng kama. Natumba siya at napaluhod sa sahig. Nanginginig ang katawan niya. Hindi siya makahinga. "Vi-victor." Napatigil si Victor matapos may mga pares ng paa ang tumayo sa harapan niya. Lumuhod si Phineas at hinawakan ang braso ni Victor. Napaangat ng tingin si Victor— nakita niya si Phineas na agad niya ito niyakap. Ramdam na ramdam ni Phineas ang panginginig ni Victor kaya hindi na naiwasan ng babae mag-alala. "A-Anong problema?" tanong ni Phineas. Hindi bumitaw si Victor kaya hinayaan niya lang itong nakayakap sa kaniya. Lahat na yata ng santo binigyan ng pasasalamat ni Victor. Lahat ng iyon ay panaginip. "I-I'm sorry, may— may nagawa ba ako?" tanong ni Phineas. Wala siyang idea kung bakit nagkakaganoon si Victor. "Nanaginip ako ng masama. Iniwan mo ako," ani ni Victor. Napatigil si Phineas matapos marinig iyon. Biglang nalungkot si Phineas. "Hin-hindi ako aalis. I-ito ang bahay ko at na-nandito ka," bulong ni Phineas. Mas lalong hinigpitan ni Victor ang yakap kay Phineas. Hinayaan lang ni Phineas si Victor at niyakap din ito pabalik. Nang medyo kumalma na si Victor bahagya ng lumayo ang lalaki. Parang may kung anong kiliting naramdaman si Phineas sa puso matapos makitang nagkaganoon si Victor dahil lang sa panaginip nito na iniwan siya ng dalaga. "Gus-gusto mo ng ays-ice cream?" ani ni Phineas. Napatingin si Victor. "I-Iyon ang kinakain mo kapag nai-stressed ka o may iniisip ka," ani ni Phineas na medyo kinakabahan dahil tinititigan siya ni Victor. Tumawa bahagya ang binata. Alam na alam ni Phineas ang hobby niya na iyon. Paanong alam iyon ni Phineas tapos siya walang kaalam-alam tungkol sa asawa. Ngumiti si Victor. "Pero hindi ko feel ngayon kumain ng ice cream. Ikaw may iba ka bang ire-recommend?" tanong ni Victor. Humawak si Phineas sa baba at parang nag-isip ng malalim. "Sa-sa mga nabasa kong books— chocolates and sweets ang effective na is-stressed reliever," ani ni Phineas. Sa isip ni Phineas teen fiction iyon. Hindi niya naman alam kung effective. Hindi kasi iyon gumagana sa kaniya. Hindi pa din siya masaya kahit marami siyang kainin na sweets. Hindi siya nagiging okay sa pagkain lang. Tumingin si Victor na nakatitig sa mukha niya. Bigla siyang naalarma dahil doon. "Ba-bakit ka nakatingin?" tanong ni Phineas. Ngumiti si Victor at sumandal sa gilid ng kama. "Nothing, ang cute mo lang. Ayos lang naman ako. Huwag mo masyado i-preassure ang sarili mo," ani ni Victor. Kitang-kita ni Phineas na hindi okay si Victor. Ayaw niyang nakikita na ganoon ang asawa. Hindi siya komportable sa naiisip niyang way para i-comfort si Victor dahil sa puso niya. Natatakot siya na marinig iyon ni Victor— ngunit hindi maikukumpara ang takot niya na iyon sa kirot sa puso niya tuwing nakikita niya na ganoon si Victor. Napatigil si Victor matapos siya biglang yakapin ni Phineas at sumubsob sa dibdib niya. Nasa pagitan ng mga hita niya si Phineas at nakayakap sa katawan niya. "Ka-kapag hindi ako okay at nalulungkot. Gus-gusto ko palagi ng hug," bulong ni Phineas. Tinago niya ang mukha niya sa dibdib ni Victor para itago ang namumula niya na mukha. Akala niya tatawanan siya ni Victor ngunit hindi. Hinawakan ni Victor ang bewang niya at nagulat si Phineas matapos siya iupo ni Victor sa ibabang bahagi ng katawan niya at sumiksik sa leeg niya. Napasinghap si Phineas dahil doon. Mas niyakap ni Victor ang katawan ni Phineas at binulong na mas effective nga iyon. Umakyat lahat ng dugo ni Phineas sa mukha dahil sa posisyon nila ngunit hindi magawa ni Phineas itulak ang asawa. Dahan-dahan na inangat ni Phineas ang mga braso at niyakap ang leeg ng asawa. Napapikit si Victor at bahagyang ngumiti— yakap ang gusto ni Phineas kapag malungkot ito. Paulit-ulit na sinambit iyon ni Victor sa isip niya habang yakap ang asawa. Hinihiling ni Victor na sana sa yakap na iyon mapawi ng konti ang nararamdaman ni Phineas na lungkot at mga pag-aalala— katulad niya. — "Excited ka na?" nakangiti na tanong ni Victor matapos makitang maliwanag ang mukhang nag-iimpake si Phineas ng mga gamit nila. Matapos ang hugging session nila sa kwarto— paglabas ni Victor ay nakaimpake na si Phineas. Balak niya talaga ay umidlip lang sandali dahil medyo mahaba ang biyahe nilang dalawa papuntang villa. Hindi niya akalain na paggising niya ay tapos na si Phineas sa paghahanda. Halatadong excited ang asawa sa first road trip nila magkasama. "Ako na magdadala 'nan. Magsuot ka ng medyo makapal na damit at jacket. Baka lamigin ka mamaya," ani ni Victor bago humakbang palapit kay Phineas at hawiin ang ilang hibla ng buhok na nasa leeg nito. "Tara na?" ani ni Victor. Tumango-tango si Phineas. Kinuha ni Victor ang mga bagahe nila. Naunang lumabas si Phineas— pagkalapit ni Victor sa pintuan. Lumingon si Victor at tiningnan ang kabuuan ng condo. Tiningnan ni Victor si Phineas na nasa labas at nakatingin sa kaniya. Ngumiti si Victor at sinara na ang pinto. Unang hakbang pa lang iyon para alisin si Phineas sa masamang ilusyon na iyon. Hinawakan ni Victor ang kamay ni Phineas na kinatigil ng dalaga. Ngunit maya-maya ay hinawakan niya pabalik ang kamay ni Victor at sabay nilang tinungo ang elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD