Kabanata 2: Nagsimula na ang Laro

1862 Words
Ibinaba ko ang tingin ko sa siwang sa hagdanan, nakita ko lang na may tila walang katapusang spiral ng hagdan. Dahil ang palapag na ito ay -1, ang mga palapag sa ibaba ay natural na magiging -2, -3, at iba pa... Pumasok sa isip ko ang mito ng labingwalong palapag ng impiyerno. Ang ibabang palapag kaya ay -18? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy ako sa paglalakad pababa. Ang -1 palapag ay hindi masyadong naiiba sa mga palapag sa itaas. Mayroon itong madilim na mga ilaw at isang makitid na pasilyo na may mga naka-lock na silid na nakahanay sa magkabilang gilid nito. Pati ang mga hawakan ng pinto ay kinakalawang. Ang pagkakaiba lang ay negatibo lahat nang mga numero sa pinto. '-101, -102, -103…' Maingat akong naglakad papunta sa Room -101 at idinikit ang tenga ko sa pinto. Agad akong nakarinig ng malakas na hangin mula sa loob. Ipinaalala nito sa akin ang pagsakay sa isang motorsiklo nang walang helmet. Ito ang tunog na maririnig habang nagmamadali sa freeway. Ang tunog ay tila isang maliit na bagyo. The moment I pulled away from the door, hindi na marinig ang simoy ng hangin. Nagkaroon ng katahimikan sa paligid ko. Imposibleng mangyari ang ganoong kalakas na hangin sa isang saradong silid. Iniisip ko kung ano ang nangyayari sa likod ng pinto. Idiniin ko ang aking kamay sa siwang ng pinto, ngunit hindi ko naramdaman ang kahit katiting na simoy ng hangin. Matapos huminga ng malalim, inabot ko ang kinakalawang na hawakan ng pinto at pilit itong pinihit, pero hindi ito natinag. Hindi man mabuksan ang pinto, pero gumaan pa din pakiramdam ko. Natatakot akong bumukas ang pinto, at may bigla akong makitang kakaiba. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at pumunta sa katabing kwarto, Room -103. Inulit ko lang ang ginawa ko; idiniin ko ang isang tenga sa pintuan, at agad kong narinig ang lagaslas ng tubig mula sa loob. Parang may tumutulo sa likod ng pinto. Napaatras ako ng dalawang hakbang. Hindi talaga ako makapaniwala. Sa puntong ito, hindi ako makapaniwala na ang tunog ay nagmula sa isang tumatakbong gripo na naiwan sa silid. Nagpatuloy ako sa pag-explore, pero hindi ko pa rin mabuksan ang alinman sa mga pinto. Gayunpaman, napakatahimik sa likod ng lahat ng iba pang mga pinto. Wala na akong narinig na kakaibang ingay. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mahinang kalabog na parang may nahulog sa sahig. Sa sobrang tahimik nang kapaligirang ito, nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang tunog. Makalipas ang dalawang segundo, nakarinig ako ng panibagong kalabog. Sa pagkakataong ito, malinaw kong nasabi na galing ito sa hagdanan. Agad akong tumakbo papunta sa entrance ng hagdan at tumingin sa may siwang. Wala akong makita. Ang tunog ay may regular na pattern. Maririnig ito kada dalawang segundo. Tumayo ako sa entrance ng hagdan at nakinig ng mabuti. Habang tumatagal, palakas ng palakas ang tunog. Matapos akong tumayo doon ng isa o dalawang minuto, sigurado akong may papaakyat. Sa bawat hakbang nito, gagawa ito ng mahinang kalabog. Tiyak na hindi ito tunog ng yapak ng tao. Pero saan galing yung tunog na ‘to? Ano kaya ‘ito?' Ito ba ang babaeng multo na binanggit ng Grim Reaper game? Batay sa aking pagtatantya, humigit-kumulang sampung minuto ang lumipas mula nang magsimula ang laro. Nakaramdam ako ng goosebumps sa buong katawan ko. Baka multo talaga? Nakupo. “Sh*t!” Napamura ako ng malakas at tumakbo paakyat sa hagdan. Gusto kong bumalik sa itaas, preo na-realize kong nawala na ang daan pataas. Tulad ng pangunahing pinto, ang hagdanan patungo sa sahig sa itaas ay naging isang makatotohanang painting. Sa totoo lang, isa lamang itong makapal na pader. Bigla akong kinabahan. 'Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?' Wala nang daan paakyat. 'Anong gawin ko?' Parang ang choice ko nalang ay magtago sa isang silid. Tumalikod ako at tumakbo sa isa sa mga kwarto, pero hindi talaga mabuksan ang pinto. Sinubukan ko ang isa pa. Sinubukan kong buksan ang bawat pinto sa kahabaan ng hallway, ngunit wala ni isa sa kanila ang mabuksan. Habang tumatagal, papalapit ng papalapit ang mga kalabog... "Meron dapat paraan para makatakas! Kung ito’y isang laro, dapat mayroong way upang malagpasan ito!" Pinilit kong kumalma, at sinimulan kong pagmasdan ang aking paligid. Maya-maya, may napansin akong kakaiba. Ang pinto sa tabi ko ay may malaking kalawang na tila kasing lapad ng dalawang palad ko. Ang iba pang mga pinto ay may maliliit na kalawang. Ang pinakamaliit sa mga ito kasing laki lang ng isang daliri. "May sikreto ba sa likod ng pintong ito?" Sa puntong ito, wala na akong choice kundi subukan ito kahit gaano pa ‘to ka-ridiculous. Agad kong inilabas ang aking susi at sinimulang kuskusin ng malakas ang kalawang. Hindi nagtagal, natanggal ko ang isang malaking tipak ng kalawang. Unti-unting lumitaw ang isang linya ng text sa pinto. “Sumama ka sa hangin. Tatlong hakbang sa timog, sampung hakbang sa kanluran, dalawang hakbang sa hilaga, at isang hakbang sa silangan." Sure enough, may hint sa pinto. Nagulat ako, pero agad akong nadismaya matapos basahin ang mga salita. Hindi ako makapaniwala na kailangan ko pang harapin ang isang bugtong sa ganitong oras. Joke ba ‘to? Ako ay hindi magaling sa direksyon. Hindi ko nga mapag-kaiba ang silangan, kanluran, timog, at hilaga, lalo pa sa isang ganap na saradong kapaligiran tulad nito. Paano ko mahahanap ang tamang direksyon? Gayunpaman, ang mahinang kalabog ay nagpapaalala sa akin na hindi ngayon ang oras para mabigo. Kung hindi ko masasagot agad ang bugtong... “Kalma, kalma, kalma. Siguradong may isa pang hint sa isang lugar." Dahan-dahan kong inayos ang impormasyon sa utak ko. “Sumama ka sa hangin. Sumabay sa hangin... Narinig ko ang tunog ng hangin sa Room -101. Ayun! Paano naman ang tunog ng tubig na narinig ko sa Room -103? Baka hint din?" Saglit akong nag-isip ng mabuti at bigla kong na-realize. “Oo nga! Alam ko na!" Agad akong naglakad papunta sa Room -101 at tumalikod sa pinto. Naglakad ako ng tatlong hakbang pasulong at sampung hakbang pakanan. Lumiko ako sa kanan at umabante ng dalawang hakbang. Sa wakas, lumiko ulit ako sa kanan at umabante ng isang hakbang. "Ito na iyon." Tumingin ako sa paligid. Sa wakas, dumapo ang tingin ko sa tile na kinatatayuan ko. Tumingkayad ako at kumatok sa tile. “Hollow ang tile na ‘to! Tama ako!" Agad kong ginamit ang susi para iangat ang tile mula sa gilid nito. Ito ay mas madali kaysa sa inaasahan ko. Hindi nagtagal ay naiangat ko nang buo ang tile. May nakita akong ilang papel sa loob. Matapos tanggalin ang mga papel, may nakita akong susi. Habang hawak ko ito, halos hindi ko mailarawan kung gaano ako ka-excited. Maya-maya, muli kong narinig ang mga kalabog na nagmumula sa isang lugar na malapit sa kinaroroonan ko. Sa loob ng ilang segundo, lilitaw na 'siya' sa sahig na ito. Ang hint mula sa Grim Reaper game ay nagbanggit na hindi dapat ako magpakita sa 'kaniya'. Agad akong tumayo at tumakbo sa pinto na may nakaukit na mga salita. Ipinasok ko ang susi sa lock. Click. Bumukas ang pinto! Dali-dali akong pumasok at isinara ang pinto sa likod ko. Nag-ingat ako at siniguradong huwag gumawa ng ingay habang ginagawa ko iyon. Pagkatapos kong i-lock ang pinto, mahina akong umupo sa sahig at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Thump! Thump! Narinig ko ang tunog ng isang bagay na papalapit sa siwang ng pinto. 'Siya' ay papunta dito. Nagsimula na namang tumibok ang puso ko. Sumandal ako ng mariin sa pinto at hindi ako naglakas loob na gumalaw. Sa wakas, tumigil ang tunog sa harap ng pinto. Nasa labas lang 'siya' ng pinto. Isang pinto lang ang pagitan namin. Hindi pa ako natakot ng ganito sa buhay ko. Nanigas ang buong katawan ko, at nablangko ang isip ko. Sa totoo lang, huminto pa ako sa paghinga. Parang isang siglo ang lumipas bago ko narinig ulit ang mga kalabog. Sa wakas, 'siya' ay umalis na. Napahinga ako ng malalim. Halos masuffocate ako kanina. Makalipas ang mahabang panahon, sa wakas ay kumalma na rin ako. Tama ang aking ama. Ang pagbabasa ay mabuti para sa akin! Ang pinaka-hobby ng tatay ko ay ang pagbabasa. Mayroon siyang study na may malaking koleksyon ng mga libro. Lahat ng uri ng kakaibang mga pamagat doon. Noong bata pa ako, doon ako nananatili at nagbabasa buong araw. Hindi ako mapiling reader. Sa paglipas ng ilang taon, natapos kong basahin ang karamihan sa mga aklat sa study. Gayunpaman, pagkatapos lumaki, naadik ako sa paglalaro at bihira na akong magbasa. Sa kulturang kanluranin, mayroong limang kilalang elemento. Ang mga elementong ito ay tubig, metal, kahoy, apoy, at lupa—lahat ay tumutugma sa kanluran, silangan, hilaga, timog, at gitna. Ang tubig ay tumutugma sa hilaga. Nakuha ko lang ang susi na nagligtas sa aking buhay dahil naisip ko ito. Anong kaya ang itsura ng babaeng multo sa labas ng pinto? Wala talaga akong lakas ng loob na alamin. Walang magandang maaaring umiral sa isang kakaibang lugar na tulad nito. Ngayon, sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas upang pagmasdan ang aking paligid. Pagkatingin ko sa paligid, napansin kong dormitory room pa ito. Kung ikukumpara sa mga maruruming kwarto naming lalaki, mas malinis ang isang ito. Parang isang female dormitory room. Naglakad ako ng ilang hakbang at tumingin sa paligid. Hindi nagtagal, isang pulang diary sa mesa ang nakakuha ng atensyon ko. Maganda ang pagkakasulat ng mga salita sa diary. Ang diary ay kay Shaina Wallace. Malamang siya ang nakatira sa room na ito. Mabilis kong binasa ang diary. Ito ay isang talaan ng mga makamundong bagay sa buhay. Parang in-love Shaina. Sumulat siya tungkol sa lahat ng mga walang muwang na pantasya ng isang batang babae. Gayunpaman, sa ikalawang kalahati diary, ang mga bagay ay biglang nagbago. Napuno ng sama ng loob si Shaina. Ayon sa diary, ang kanyang nobyo ay may lumalandi sa ibang babae. Gusto pa niyang ilihim ito sa kanya habang nagt-two-timing sa kanya. Sa totoo lang, matagal na itong alam ni Shaina. Ang huling tala sa diary ay ganito, “Luke, tama na ang mga kasinungalingan mo. Kailangan kitang makausap ngayong gabi. Linawin natin ang lahat…” Tinignan ko yung date. Ang entry na ito ay isinulat noong ika-10 ng Marso. Blangko ang natitirang mga pahina ng diary. Hindi na muling nagsulat ng isa pang entry si Shaina. Bumuntong hininga ako at ibinaba ang diary. Bigla kong naalala na may nakita din akong ilang sheet ng papel nang makuha ko ang susi. Malubha ang sitwasyon noong panahong iyon, at inilagay ko ang mga papel sa aking bulsa nang hindi binabasa ang alinman dito. Kinuha ko ang mga papel sa bulsa ko. Ang unang papel ay isang clipping ng pahayagan. Iniulat nito na isang babae sa kolehiyo ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali dahil sa relationship problems. Nagkataon na ang petsa ay ika-10 ng Marso. “Hindi naman pwedeng nagkataon lang, di ba? Si Shaina kaya ang babaeng nagpakamatay?" Kung ganoon, siya kaya ang multong gumagala sa dormitoryong ito? Ngunit, kung siya nga ay pagpapakamatay, paano siya naging multo? Nagpakamatay ba talaga si Shaina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD