Kabanata 3 Muntikan Na

1714 Words
Kung iisiping mabuti, kailangan ko lang makatakas sa nakakatakot na gusaling ito para sa begginer’s quest. Makita kung si Shaina ba ang multo sa labas o malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay niya ay hindi kinakailangan sa plano ko. Ngunit… Paano kung ang pag-alam ng katotohanan ay kailangan para makatakas? Iniling ko ang ulo ko at binalewala ang isiping ito. Kung tutuusin,begginer’s quest lang ito. Hindi ito dapat mahirap. Tinignan ko ang tatlong natitirang papel. May simpleng pinta rito na parang gawa ng mag-aaral sa elementarya. Nakatitig ang dalawang mata sa unang papel, lumang kamera sa pangalawa, at nakabalot na sanggol sa pangatlo. Paulit-ulit kong tinignan ang kada drawing, hindi maisip kung anong ibig sabihin ng mga ito. “Bagong pahiwatig ba ang mga ito? Anong ibig sabihin ng mga ito?” Bulong ko sa sarili. Kahit ilang minuto ko pinag-isipang mabuti, hindi ko pa rin malaman ang sagot. Napagdesisyunan kong hindi muna ito isipin sa ngayon, tinupi ko ang papel at nilagay sa bulsa. Pagkatapos kong halungkatin ang paligid ng dormitory room pambabae, wala na akong nakitang iba pa. Nilipat ko ang mata ko sa bintanang nakasarang maigi. Sorang itim ng labasan. Wala akong makitang kahit ano. Para bang blackhole na sisipsipin ang liwanag. Kakaibang tunay, meron ngang kandado ang bintana. Lumapit ako sa bintana at hinawakan ang malamig na salamin. Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo. Dahil dito, naalala ko ang kasabihang “Kung isinara ng Diyos ang pinto, bubuksan niya ang bintana.” Ito bang bintana ang daan palabas? Kung oo, bakit ito nakakandado? Hinawakan ko ang kandado. Pagkatapos mag-isip sandali, naka isip ako ng dalawang pagpipilian. Ang una ay makipagtaguan kay Shaina, ang multo, o maghanap ng paraan para mabuksan ang bintana. Ang pangalawa ay basagin ang bintana gamit ang lakas. Parang ang bintanang ito lang ang tanging bagay na masisira sa nakakatakot na gusaling ito. Ngunit… Okay lang bang basagin ang bintana? Parang napakadali namang gawin nito. Kung makakatakas ang tao sa pagbasag ng bintana, sinong tanga ang maghahanap ng susi para buksan ito? Nagdalawang isip ako. Sa huli, nagdesisyon akong basagin na lang ang bintana. Ayokong tumagal pa ng ilang segundo sa nakakatakot na gusaling ito. Binuhat ko ang upuan hanggang taas ng ulo ko. Nginitngit ko ang ipin ko at hinampas ito sa bintana. Crash! Nakagawa ako ng malaking butas sa bintana. Pagkatapos gawin ito ng ilang beses, nabasag ko na ang halos buong bintana. Mayroong makapal at maitim na usok sa labas ng bintana. Gumagalaw na para bang may sarili itong buhay. Inabot ko gamit ang isang kamay. Pagkapasok na pagkapasok ng kamay ko sa maitim na usok, nakaramdam ako ng malakas na paghigop sa kamay ko. Pakiramdam ko ako ang pinakamalapot na likido sa buong mundo. “Ahh!” Sigaw ko. Gamit ang sobrang paglaban, nagawa kong palayain ang sarili dito. ‘G*go! Ang maitim na usok ay nasa lahat ng parte doon. Paano ako makakatakas? Masyado nga itong madali. Ang tanging paraan ay hanapin ang susi, ano?’ Pag-iisip ko. Saka, nanginig ang phone ko sa bulsa. Kaagad ko itong kinuha. “Natapos mo ang beginner’s quest. Ang makapal na usok ay mawawala sa dalawang minuto. Ang bilang simula 120 segundo ay mag uumpisa ngayon.” “P*ta! Talaga bang natapos ko?” Hindi ko maiwasang hindi tumawa. Nakakatuwa ito. Para bang ang Grim Reaper game ay may mga elementong madali lang talaga. Ang tanging mahalaga ay lakasan ang loob sa paniniwala. “Grr… Wahh!” Bigla, nakarinig ako ng nakakaawang iyak sa malayo. Nakakatakot. Kaagad tumaas ang balahibo sa buong katawan ko. Kaagad pagtapos n’un, ilang paghapas na tunog ang narinig. Dumalas ang pag-ulit ng tunog. Naririnig ko ito isa o dalawang beses kada segundo. Kung ikukumpara noon na isa kada segundo, ito ang multo na galit na. Bigla kong napagtantong maaga akong nagsaya. Ang huling 120 segundo ang magsasabi kung ako ba ay mabubuhay o mamamatay. ‘Siya’ ay mabilis na lumalapi. Sa isang minuto, nakarating na siya sa pinto. Kaagad akong nakarinig ng malakas na tunog. Binato niya ang sarili niya sa pinto, pero hindi ito natapos doon. Kumatok siya ng ilang beses. Sa lakas nito, ang kinakalawang na pinto ay hindi tatagal ng 30 segundo. Sa oras na mawala ang makapal na usok, masisira na niya ang pinto at pipiraso-pirasuhin ako. “Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?” Tagaktak ang pawis ko habang pinapanood ang pinto na parang masisira sa ilang segundo. ‘Tago! Gamitin ang parehas na taktika. Magtago!’ ‘Pero saan ako magtatago? Paano ako makakasiguradong hindi ‘niya’ ako mahahanap?’ Kaagad kong inisip ang lahat ng impormasyong nakuha ko. “Huwag kang magpapakita sa kanya.” “Hindi makukurba ang joints nito. Ang katawan ay mananatili kung paano ito namatay.” Ang mga zombie sa telebisyon ay tatalon lang paharap dahil hindi nila makurba ang joints nila. Base sa paghampas na tunog na ginawa ng multo noong naglakad siya, siya ay parang zombie. Siya ay monster na hindi makurba ang joints niya, at kaya niya lang tumalon paharap. “Sa ilalim ng kama!” Kumilos na ako. Kung tama ang iniisip ko, siguradong hindi niya ako makikita kung magtago ako sa ilalim ng kama. Ngunit, nang pumwesto ako sa ilalim ng kama, nakaramdam ako ng sobrang panganib. Sinasabihan ako ng instincts ko na mamamatay ako pag doon ako nagtago. “Hindi! May mali rito! May nakaligtaan siguro ako!” Kaagad kong naalala ang mga drawing sa tatlong papel. Hindi ko pa nalalaman ang hint sa mga drawing na iyon. Mata, lumang kamera, at sanggol. Anong ugnayan ng mga ito? Meron ba silang pinagkaparehas? Bang! Bang! Hindi natigil ang pagkatok. Hindi lalampas ng sampung segundo, makakapasok na ito. Kailangan ko nang mag-isip nang mabuti. Mahalaga ang oras na ito, bigla akong kumalma. Sobrang tutok ko sa pag-iisip. “Ahh! Alam ko na! Alam ko na ang ibig sabihin!” Sa realidad, ang lahat ay nakabaliktad sa mata ng tao. Ngunit, ang proseso ng utak ay nakadepende sa pag-unawa ng tao. Ang makalumang kamera ay kumukuha ng imahe na itim at puti lang, pero ang kulay nito ay kabaliktaran. Sa palabas, ang itim ay magiging puti at ang puti ay magiging itim. Ang sanggol ay nakabaliktad, ang paa ang nasa taas. Kailangan paluin ang pwet para umiyak ito. Ito lang ang tanging paraan para ubusin ang amniotic fluid sa lungs nito para makahinga ito sa unang beses. Ang tatlo ay may pagkaparehas, lahat sila ay nakabaliktad. “Ang multo ay mananatili sa paraan kung paano sila namatay.” Ito ang hint ng Grim Reaper game. Tumalon si Shaina ng gusali at namatay. Paano kung malas siya at ulo ang naunang bumagsak? Ibig sabihin nito ang hampas na tunog ay nagagawa kapag humahakbang siya paharap. Ito siguro ang tunog ng ulo niyang bumagsak sa lupa. Ibig sabihin ang ulo niya ay nasa lapag habang ang paa niya ay nasa himpapawid. Naglalakad siya gamit ang ulo niya. Kapag nagtago ako sa kama, sigurado akong mamamatay ako. Pagkatapos maisip ang lahat ng ito, hindi na ako nagdalawang isip. Hinawakan ko ang bed railing at tumalon sa kama. Saka ako humiga at nanatiling malapit sa pader. Isang segundo pagkatapos humiga, ang pinto ay nabuksan. Isang malamig na aura ang kaagad bumalot sa buong dormitory room. Hindi ko naiwasang hindi manginig. Thump! Thump! Ang hampas na tunog ay umalingawngaw sa buong dormitory sa regular na kumpas. Nanatili akong nakapikit at pinigilang huminga. Hindi ako naglakas ng loob na gumalaw. Parang ang tagal ng oras. Sa wakas, umalis na siya sa dormitory room. Habang lumalayo ang paghampas, nagumpisa na ulit akong huminga. Nakakatako ang Grim Reaper game. Ang isang pagkakamali lang at mamamatay ka. Dahan-dahan akong umupo at nakita ang lawa ng pula at putting likido sa lapag. Meron ding hibla ng mahabang itim na buhok. Malamang ay naiwang bakas niya ito habang tumatalon. Marahan akong huminga. Medyo naawa ako kay Shaina. Dapat ba akong manatili rito at ituloy pag-iimbistiga ng katotohanan? “Kalimutan na. Hindi ko nga maprotektahan ang sarili ko. Pagiisipan ko na lang sa susunod kapag kaya ko na.” Umalis ako sa kama at naglakad sa bintana, maingat na iniwasan ang bakas sa lapag. Ang itim na usok ay nawala na. Ngunit, sobrang dilim pa rin, wala akong makita. Inabot ko ang kamay ko sa labas ng bintana… Bigla, ang buong mundo ay parang nanginig. Nataranta ako. Meron bang lindol? Meron bang lindol sa fantasy world na ginawa ng Grim Reaper game? “Azrael, Azrael! Gumising ka!” Bigla akong nagising at umupo ng diretso. “Tanghali na. Bakit tulog ka pa rin? Tara na’t kumain na tayo ng tanghalian.” Tinapik ako ni Freddie Lane. “Nasa… Nasa kwarto na ako?” Luminga ako sa paligid. Sa labas, ang kalangitan ay asul, at merong ulap. Bumalik na ako sa totoong mundo, sa wakas. “Kakagising mo lang? maganda ba ang panaginip mo?” Si Henry Rudd, ang roommate ko, ay tumawa. Wala akong magawa kundi tumawa. Kung ituturing ko itong magandang panaginip, hindi na lang ulit ako matutulog. Kaming tatlo ay magkakasamang nagpunta na sa cafeteria. Bumili kami ng pagkain at nagusap sandali. “Hoy, Henry. Nagbasa ako ng libro tungkol sa human memory kahapon. Gusto mo bang marinig ang tungkol dito?” Tanong ni Freddie. “O? Anong kaakit-akit sa libro?” Tanong ni Henry. “Hmm… karaniwan, ang mga tao ay naaalala lang ang mga bagay na gusto nilang maalala. Pinipili natin ang mga bagay na ayaw nating maalala. Iyon ang sabi ng libro,” Pagpapaliwanag ni Freddie. “Seryoso ka? Kung ganoon, bakit ang dami kong masasamang alaala? Base sa sinabi mo. Dapat nakalimutan ko na lahat ng ‘yon,” sabi ni Henry. “Hehe. Isipin mo. Naaalala mo ba ang detalye ng mga ‘masasamang alaala’? o naaalala mo lang na meron kang masamang alaala, pero hindi ang detalye?” Tanong ni Freddie. Nagisip sandali si Henry. “May punto ka, pero hindi rin lahat tama.” Nang makitang hindi siya pinaniwalaan ni Henry, lumingon si Freddie sa akin. “Azrael, sa tingin mo matuwid kang tao?” Habang iniisip ang panaginip kagabi, sumagot ako nang walang pagaalinlangan. “Oo naman. Simula noon, matuwid na ako.” “Haha. ‘Wag kang magbiro, pwede ba…” Tumatawa kaming natapos sa tanghalian. Kamangha-mangha ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD