Prologue

566 Words
Jelaica's point of view ****** "Uy! Jelai, naniniwala ka ba sa mga multo?" tanong ng bestfriend kong si Alice habang naglalakad kami ngayon pauwi galing sa school. "Oo," tipid na sagot ko. "Talaga? Tsk, ako, hindi ako naniniwala," sabi niya habang napapangisi pa. "Oh? Eh paano kung sabihin ko sa'yo na may kasama tayong naglalakad ngayon at nasa tabi mo?" saad kong pananakot sa kanya, dahilan para mapatingin siya sa'kin ng namumutla. "Maria Jelaica floresca! 'Wag ka ngang ganyan uy!!!" bulyaw nito sa'kin, tinitigan ko muna siya ng seryoso bago ako tuluyang humagalpak ng tawa. "Hahaha! Ang akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga multo? Eh bakit namumutla kana riyan?" pang-aasar ko dahilan para irapan ako nito. "Tsk, hindi ah!" pagtanggi niya bago ito nag-iwas ng tingin sa akin. "Kunwari kapa eh, halatang natatakot kana haha!" pang- aasar ko pa. "Blah, blahh, blahhh," sagot lang nito na para bang naiinis na. Palihim na lamang akong ngumiti, dahil kahit hindi niya aminin ay halata naman talaga sa pagmumukha niyang natakot siya. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at hindi ko na lamang siya inasar dahil baka kumaripas pa ito ng takbo at iwanan pa ako. Ngunit sa bawat hakbang na aming ginagawa ay kaakibat din nito ang bawat pagsulyap na ginagawa ko sa babaeng tahimik na sumasabay sa amin ngayon sa paglalakad. Mahaba ang itim niyang buhok at bagsak na bagsak ito, kulay puti ang mahaba niyang bestida at kitang-kita rin ang naaagnas niyang balat. Sa muling pagsulyap ko sa kanya ay bigla na lamang itong tumingin sa akin at ngumisi nang nakakaloko. Kinabahan ako at medyo natakot kaya naman hindi ko na lamang siya tinignan pa. "Uy bessy, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Alice, dahilan para mabaling sa kanya ang atensiyon ko. "Ah wala, may iniisip lang ako," sagot ko at tipid na ngumiti. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa hindi ko na namalayan pa na wala na ang babaeng nakikisabay sa amin. Malapit na rin ang bahay namin kaya naman binilisan na lang namin ang paglalakad. Kung tatanungin niyo kung wala bang trycicle dito? Actually, meron naman, naglakad lang talaga kami para makatipid sa pamasahe. "Sige bessy, bye na!" paalam ni Alice. "Sige," sagot ko naman sabay ngiti sa kanya, hanggang sa tuluyan na nga itong umalis. ************ Ako nga pala si Maria Jelaica Floresca, in short Jelai. Isang Probinsyana na may simpleng pamumuhay kasama ang ate at nanay ko. 19 years old pa lang ako at 2nd year college sa kursong Education. Hindi kami mayaman kung kaya't umaasa lang ako sa libreng scholarship na ibinigay sa akin ng University. Maraming nagsasabi na maganda nga raw ako, matalino at mabait, 'yan din ang laging sinasabi ng nanay ko maliban na lang sa ate ko na pilingera tsk. Hindi ko alam kung paano ko nakuha ang kakayahan kong makakita ng multo, pero nagsimula ang lahat ng ito noong 10 years old pa lang ako. Nakikita ko ang mga bagay na hindi na nakikita ng iba, kung minsan pa nga ay nakakausap ko pa sila. Totoong nakakatakot at nakakakilabot ito, pero sa paglipas ng mga taon ay natutuhan ko na rin itong tanggapin. ************ "Jelai! Ano pa bang ginagawa mo riyan? Halika na at magsasaing kapa!" Napairap na lang ako no'ng marinig ko ang malakas na bulyaw sa'kin ni Ate Emerald. Umiral nanaman ang katamaran niya, sarap talagang batukan! Argghh... "Oo na! " sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD