EPISODE 2
THE PLAN
ALESSANDRA’S POINT OF VIEW.
“Oh my gosh! Louis Vuitton bag?! YSL Perfume?! Gucci Dresses?! OMG!” bulalas ng aking best friend na si Phoebe.
Binigay ko kasi sa kanya ngayon ang mga pasalubong ko sa kanya. Naipon na lahat ng mga pinamili ko para kay Phoebe at ngayon ko lang ito nabigay dahil ngayon lang din naman ako nakauwi galing sa Pilipinas. Wala akong ibang pagbibigyan ng mga regalo kundi siya lang dahil siya lang naman ang nag iisa kong kaibigan simula noong high school kami. Siya lang kasi ang nakakatiis sa ugali ko at kinukulit din niya ako palagi kaya naging best friend ko na siya.
“Seryoso ba itong lahat, Alessandra Marie?! Ang dami naman nito!” muli niyang sabi habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malaking box na may lamang iba’t ibang gamit galing sa iba’t ibang sikat na designers brand.
Hindi ko kasi mapigilan na mapabili habang nasa mission kami noon dahil naiisip ko si Phoebe at gusto ko rin naman siyang mapasaya dahil ilang taon din kaming hindi nagkita.
“Sa ‘yo lahat ‘yan,” malamig kong sabi at muling napasandal sa inuupuan kong coach.
Dinalaw ko siya ngayon sa kanyang condo unit dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na inalis ako ni Daddy sa pagiging leader sa Jaguar Team. Alam kong malungkot din ang Jaguar dahil ako na ang nakasanayan nilang Leader at ilang taon ko na rin silang nakasama at alam ko kung gaano sila ka dedicated sa kanilang trabaho.
“Ang dami nito, Alex! Parang… parang hindi ko kaya itong tanggapin,” naiiyak niyang sabi.
Nag angat ako ng tingin kay Phoebe at tinaasan siya ng kilay.
“Bakit ayaw mong tanggapin? Gusto mo bang ipamigay ko ‘yan sa iba?” tanong ko.
Napasimangot siya at niyakap ang box na puno ng pasalubong ko sa kanya.
“Ayoko nga! Akin lang lahat ng ito,” sambit niya.
Napangisi ako at muling napapikit sa aking mga mata.
Alam kong nagpapabebe lang si Phoebe at tatanggapin niya pa rin ang mga bigay ko sa kanya dahil alam niyang pinag effort-an kong bilhin ang mga ito. Wala rin kasi akong ibang pagbibigyan dahil hindi naman mahilig sa mga pasalubong ang pamilya ko at wala akong ibang kaibigan kaya spoiled na spoiled sa akin itong si Phoebe.
“Bakit tahimik ka diyan? Simula nang pumasok ka rito sa loob ng unit ko parang ang bigat ng problemang dinadala mo, girl,” rinig kong sabi ni Phoebe.
Bumuntong hininga ako at umupo ng maayos. Humarap ako kay Phoebe at tinignan siya ng seryoso.
“I have a big problem,” wika ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
“Gaano ba kalaki ‘yan? Kasing laki ba ng Kuya Niklaus mo?” tanong niya.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Phoebe!”
Tumawa siya ng malakas at nag peace sign sa akin. “Joke lang! ‘to naman, hindi ma biro. Ano ba iyang problema mo?”
Napahilamos ako sa aking mukha at muling tumingin kay Phoebe.
“Inalis ako ni Daddy sa Jaguar Team,” mahina kong sabi. Napakagat ako sa aking labi upang maiwasan na hindi mapaiyak.
Nanlaki ang kanyang mga mata. “H-Huh?! W-What?!” bulalas niya.
Napayuko ako at tumango. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na mapaiyak. Kay Phoebe ko lang nailalabas itong ibang side ng aking pagkatao, ang pagiging mahina at iyakin. Hindi ko kayang ipakita ito sa pamilya ko pati na rin sa mga pinsan ko dahil ayokong sabihan na mahina akong tao. Mas kilala nila ako bilang matapang at walang kinatatakutan, hindi marunong masaktan at hindi alam ang salitang iyak. Pero hindi nila alam na iyakin talaga ako at madaling masaktan, hindi ko nga lang ito pinapakita sa ibang tao maliban dito sa best friend kong si Phoebe.
Naramdaman ko ang paglapit ni Phoebe sa akin at tinapik niya ang aking balikat. Napasandal ako sa kanya at tuloy-tuloy pa rin sa aking pag-iyak.
“Bakit ka inalis?” muli niyang tanong sa akin.
“F-For my safety raw. Safety?! For God’s sake! Bago ako naging secret agent ay sumabak muna ako sa army at muntik pa akong ma-ambush noon. Ngayon pa nila sasabihin na nag-aalala lang sila sa safety ko?! I’m not a child anymore, Phoebe! 28 years old na ako at kaya kong ipagtanggol ang aking sarili!” galit kong sabi.
Hinagod niya ang aking likuran.
“Sino ba iyang ipinalit sa ‘yo? Kilala mo ba?” tanong ni Phoebe sa akin.
Umayos ako sa aking pag-upo at humarap sa kanya. Muli ko na namang naalala ang mukha ng Alonzo Altimari na iyon. Mukhang tuwang-tuwa pa siya na inalis ako ni Daddy sa posisyon ko at siya ang pinalit. Hindi talaga ako naniniwala na wala siyang masamang intensyon sa agency namin. Hangga’t hindi ko siya nakikilala nang lubosan, hinding-hindi ko siya pagkakatiwalaan.
“Alonzo Altimari,” sagot ko sa tanong ni Phoebe.
Napakunot ang kanyang noo.
“Sino ‘yan? Parang ngayon ko lang ‘yan narinig na pangalan,” sambit niya.
Napairap ako. “That’s the point, Phoebe! I don’t know kung ano ang tumatakbo sa utak ni Daddy at binigay niya ang pinaka importanteng posisyon sa secret organization ng agency namin sa lalaking hindi naman namin kilala nang lubosan! What if kalaban siya? What if may dark agenda siya sa agency namin and he’s a spy?! Kaya galit na galit ako ngayon!” galit kong sigaw.
Tumango si Phoebe habang seryosong nakatingin sa akin.
“Then, what’s your plan? Inalis ka na ng Daddy mo sa Jaguar team, so saan ka na magta-trabaho?” she asked.
Bumuntong hinunga ako at napakagat sa aking labi.
“Sa agency pa rin, pero sa office na lang ako mag ta-trabaho. Hindi na ako pinapayagan ni Daddy na sumama sa field,” malamig kong sabi.
Muling nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip siya sa kanyang bibig.
“Gosh! That’s torture, Alessandra Marie!”
Napairap ako at umismid.
“I know, Phoebe.”
Alam niya kasing hindi ko kaya na manatili lang sa isang lugar. Hindi ko kaya nang hindi ako nakakahawak ng baril at wala akong mission sa field. Kaya noong hindi ako pinayagan ni Daddy na pumasok sa secret organization ng agency namin ay napilitan kong sumali na muna sa Philippine Army to gain experience and extra training na rin para sa akin. Simula noon ay napagtanto kong hindi kompleto ang buong araw ko kung hindi ako makahawak ng baril at magkaroon ng mission. I love my job at hindi ako makakapayag na kunin lang ito nang biglaan ng isang lalaking ngayon ko lang naman nakita, si Alonzo Altimari.
“So, what’s your plan, Alex?” seryosong tanong ng aking kaibigan.
Napangisi ako sa kanya. “I’ll seduce him.”
Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi. “H-Huh? Why?!”
“I’m beautiful, and I’m seductive, Phoebe. No man can say no to me, and I’ll use my charm to control that freak. Hindi ko man siya mapaalis nang sapilitan sa pwesto niya ngayon, mapapaalis ko siya nang kusa lalo na kapag nahulog na siya sa bitag ko,” seryoso kong sabi at muling ngumisi sa aking kaibigan.
Napakurap siya sa kanyang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
“You’re unbelievable!”
I chuckled.
“I know, Phoebe.”
Tignan lang natin kung hindi ko maakit ang lalaking iyon.
I’m Alessandra Marie Villa Coleman at hindi lang ako kilala bilang magaling na secret agent. Kilala rin ako ng ibang tao bilang Seduction Queen at madali ko lang magagawa ang pag akit kay Alonzo Altimari. Patay ka sa aking lalaki ka!