Chapter 2

2471 Words
TORN DANGER ROSS __ Pinagmasdan ko ang isang malaking mansion na nasa harap ko habang nakadekwatro at nagbuga ng usok sa ere mula sa sigarilyong nasa bibig ko. "Go." Nagpatuloy ang driver sa pagpasok sa loob ng malaking gate na siyang binuksan ng limang security guard. It was a huge old house. It looked so classic yet wondrous. Para iyong palasyo. Nilapitan agad ako ng mga kasambahay pababa ng sasakyan. Yumuko ang mga ito at nilahad ang kamay sa daang dapat kong tahakin. Sa harap ng malaking pintuan ng bahay, nakatayo nang tuwid ang isang babae at lalaki na nakasuot ng unipormeng pang kasambahay. "Magandang araw nang pagdating, Mr. Pierre," sabay sambit ng mga ito at parehas yumuko sa harapan ko. "Magandang araw," I greeted back. "Ako po si Leonor, ang punong mayordoma ng mga kababaihang kasambahay dito sa Mansion D' Vera," muling sambit ng ginang na sa tingin ko ay nasa higit kwarenta na ang edad. "Ako naman po si Ronaldo, ang punong mayordomo ng mga kalalakihang kasambahay. Nagagalak po kaming makita at makilala kayo." Muli itong yumuko. "Hayaan ninyo po kaming igiya kayo sa loob ng mansion." Tahimik akong sumunod sa mga ito. Inikot ko agad ang tingin ko sa kabuuan ng mansion nang makapasok ako sa loob. Halos lahat ng kagamitan doon ay gawa sa ginto at nakita agad ng mga mata ko ang mga antique. Alam ko ang presyo ng mga iyon sa unang tingin pa lang. Dinala nila ako sa isang mahabang mesa sa dining area. Punong-puno iyon ng iba't-ibang pagkain. Kahit ang mga kubyertos at mga pinggan nila ay may nakaukit na ginto. Pinaghila nila ako ng silya malapit sa dulo pagkatapos ay iniwan na rin ako. I sat there well-behaved. Plano kong hinatayin sina si Don Emmanuel at ang apo nitong si Emmanuella Esther pero halos mag-iisang oras na ako roon ay hindi pa rin dumarating ang mga ito. Naisipan kong umikot na muna sa loob. Pinagmasdan ko ang mamahaling paintings na naka-display sa dingding. Kusang umangat ang dulo ng mga labi ko. Bilang isang magnanakaw, napaka-ganda ng mga iyon sa paningin. I could see a lot of money in it. I wanted to touch the antiques so much pero pinigilan ko ang sarili ko. Halos gawa sa mamahaling kahoy ang bahay pati na rin ang sahig. Ganoon pa man, mukhang bago pa rin iyon dahil sa kintab. Dumudungaw doon ang naglalakihang chandeliers na tila ba mga diamond sa kislap. Nagtataasan din ang mga bintana sa buong mansion na mayroong mahahaba at makakapal na kurtina. Napatingin ako sa likuran ko nang makarinig ako ng mga kaluskos. Wala sa loob na sinundan ko iyon. Para iyong mga yabag. Huminto iyon nang malapit na ako. Pakiramdam ko ay nasa paligid lang ito malapit sa akin. Dahan-dahan akong nagpatuloy habang tinitingnan ang buong paligid ko. It was a huge empty room. Marahil para lang sa daanan papunta sa iba't-ibang silid. Muli kong narinig ang mga yabag at muli ko rin iyong sinundan. I was about to turn right pero napatigil ako nang mabangga ako-- sa isang tao. Nahawakan ko ang maliit na baywang nito at nahapit ko iyon nang mahigpit na nararamdaman ko ang malakas na kabog sa dibdib niya. Pakiramdam ko... sandaling tumigil ang mundo ko nang mapunta ang buong atensyon ko sa mukha nitong bahagyang nakatingala sa akin. I was in a palace, and I was seeing a queen. Hindi ko siya nagawang bitiwan agad at lalong hindi ko nagawang iwaglit ang mga mata ko sa gandang iyon. I wasn't expecting na triple ang ganda niya sa personal. Nagawa niyang palakasin ang kabog ng dibdib ko. Nakita ko ang paglunok nito bago tuluyang magsalita. "Who are you?" Hindi ko rin nagawang makaimik agad and it was humiliating. Her voice... it sounded so sweet and enchanting. "Mag-ingat ka sa susunod, binibini." Marahan kong pinakawalan ang baywang niya. Pakiramdam ko ay dumikit sa suot kong suit ang matamis niyang amoy na para bang mamahaling mansanas. "Ms. Esther, Mr. Pierre, nariyan lang po pala kayo. Naghihintay na po sa hapag si Don Emmanuel." Muli akong sinulpayan ng magandang binibini bago tuluyang sumama sa kasambahay. Inayos ko ang suot kong coat bago ako dumiretso papasok sa loob ng dining area. Tumayo ako sa tabi ni Don Emmanuel. Dinala ko ang palad ko sa tiyan ko at ang isa sa likuran ko bago ako marahang yumukod. "I am very pleased to meet you, Don Emmanuel. I thank you so much for your invitation." "I am also pleased to meet you, Mr. Pierre. Have a seat." Bago ako umupo, muli kong tiningnan ang magandang binibi na nakaupo sa gilid nito. "Pagbati para sa iyo, magandang binibini. Nais ko sanang ipakilala ang sarili ko. Ako si Xatheiur Pierre. Kung iyong nanaisin, maaari mo akong tawaging Xath o Thieur katulad ng tawag sa akin ng mga malalapit kong kaibigan." "It's nice seeing you, Thieur." Muli akong nakaramdam ng kislot sa dibdib ko kung paano nito binigkas ang pangalan ko. Wala sa loob na naupo ako sa silyang hinila ng kasambahay para sa akin. I cleared my throat. "Ano ang gusto mong itawag ko sa iyo, binibini?" "Call me Esther." "Esther..." Pinanuod ko ang mga kasambahay na naghatid sa amin ng pagkain pero tila ba mayroong magnet ang mga mata ko na kusa pa ring bumabalik sa babaeng nasa harapan ko. Kay gandang pagmasdan ng mga mata nitong kulay abo. Bagay na bagay rin sa kaniya ang buhok niyang nakalugay. Mukhang natural iyon na umabot lampas sa.... dibdib niyang may katatamtamang laki. "Hindi ko inaasahang isa kang matipunong ginoo, Mr.Pierre. Ako'y labis na nagagalak na makita ka sa aking tahanan," pormal na sambit ni Don Emmanuel. "Nababakas ko rin ho ang inyong pagiging magandang lalaki sa kabila ng inyong edad. Hindi na ako magtataka..." muli akong bumaling sa magandang dilag na nasa harapanan ko, "kung bakit tila diwata ang nakikita ko sa aking harapan." Kinuha ni Don Emmanuel ang kaniyang mga kubyertos at mahinang tumawa. "Wala ka nang hahanapin pa sa aking magandang apo, Mr. Pierre. Maganda, mabait, matalino... gusto kong makilala mo pa siya nang lubos." Wala sa loob na uminom ako ng wine nang hindi tinatanggal ang tingin rito. I would love to. "Nabalitaan ko ang ilang bagay tungkol sa iyo. Kumusta ang iyong mga negosyo?" Binigay ko rin ang buong atensyon ko kay Don Emmanuel. "Maganda ang takbo ng mga properties namin. Maganda pa rin ang bentahan ng asukal at patuloy pa rin ang kita sa aming mining company sa Romania, Don Emmanuel. Pinag-iisipan ko pang palaguin ang mga negosyong resorts dito sa bansa. Unti-unti na rin akong nasasanay sa buhay rito." Marahan itong tumango. "Masaya akong marinig iyan. Kailangan mo nang masanay na mabuhay rito dahil nandito ang apo kong si Esther. Sa tingin ko ay hindi mo gugustuhing mamili pa." "Huwag kang mag-alala, Don Emmanuel. Sa tingin ko... mahirap pakawalan ang mga binibining katulad ng inyong apo." Muli ko itong sinulyapan. Nagbibigay pa rin ng kabog sa dibdib ko ang atensyon at ang mga mata nito. Akmang muli akong iinom ng wine pero biglang namatay ang ilaw sa buong dining area. Sinubukan kong tumingin sa paligid pero pero wala akong nakitang kahit anong liwanag. Ganoon pa man, narinig ko ang mga yabag ng mga kasambahay na tila nagmamadali. Ilang sandali lang, lumiwanag na ang paligid sa dalang mga kandila at lampara. "Anong nangyari?" tanong ni Don Emmanuel sa lumapit sa kaniyang mayordomo. "Namatay po ang mga ilaw, Don Emmanuel. Sa tingin ko po ay pangmalawakan iyon." "Ipagpaumanhin mo, Mr. Pierre. Hayaan mong tingnan ko ang problema." Marahan akong tumango. "Go ahead, Don Emmanuel. Huwag kang mag-alala. Komportable ako." Inatras nito ang silya at nagsimula nang humakbang kasunod ang mga kasambahay niya. Binaling ko ang tingin ko kay. Esther na noon ay simple pa ring nginunguya ang pagkain niya. "Ayos lang po ba kayo, Ms. Esther?" nag-aalalang tanong ng kasambahay rito. "I'm fine," mahinang sagot nito. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Napaka-pino ng mga kilos niya. Para siyang dilag na nagmula sa matagal nang panahon. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng panga niya at ng mga mapupulang labing iyon. I stiffened a bit nang tuluyan siyang bumaling sa akin. I was already caught off guard. Hindi na ako nakaiwas pa ng tingin. Uminom siya ng wine bago marahang pinunasan ang gilid ng labi niya. "Excuse me," paalam nito sa akin bago inatras ang silya niya. Sinundan ko siya nang tingin. Tinapos ko lang ang iniinom kong wine bago rin ako lumabas ng dining area. Kinuha ko ang dalang lampara ng kasambahay at tahimik akong umikot sa loob ng bahay. Habang papalayo ako, muli akong nakarinig ng mga kaluskos. Sinundan ko iyon hanggang sa makita ko ang hugis taong anino sa sahig. Mabilis din iyong nawala. Hindi iyon kahugis ng mga kasambahay, hindi rin ni Don Emmanuel, lalong hindi ni Esther. Sinundan ko ang direksyon na puwede nitong puntahan. Sa isa pang malawak na lounge, nakita ko si Esther. Nakatayo ito sa harap ng isang vintage drawer na tila ba may hinahanap. Unti-unti akong lumapit sa kaniya pero napatigil ako nang makita ko ang isang taong nakasuot ng itim na itim na damit at nakatakip ang buong mukha maliban sa mga mata niya. Nilabas nito ang isang kutsilyo sa likuran at akmang isasaksak sa kaniya iyon pero mabilis akong sumigaw. "Esther!" Agad itong napatingin sa likuran at nakita ang lalaki. Pilit siyang sinugod nito pero pilit ding pinigilan ni Esther ang kamay niya. Lumapit ako sa kanilang dalawa para pigilan ang taong iyon. Sinugod niya ako ng patalim pero hindi ako nagpasindak sa kaniya. Nanatili si Esther sa isang tabi habang tila malakas ang paghinga. Mahigpit ang pagkakahawak ng kawatan sa kutsilyo at hindi ko nagawang kuhanin iyon agad. Ilang beses ako tinamaan ng matulis na siko nito bago tumama ang tuhod nito sa sikmura ko. Hindi ko nagawang balansehin ang sarili ko. Tinamaan ako nang malakas na suntok sa mukha na siya kong ikinabagsak sa sahig. Pinilit ko pa ring tumayo nang makita kong papalapit siya kay Esther dala pa rin ang hawak niyang kutsilyo. Mabilis kong kinuha ang balikat ng lalaking iyon para ilayo sa kaniya. Marahas ko itong sinuntok pero halos hindi siya natinag. Kinuha ko ang kamay ni Esther para ikubli siya sa likuran ko. Kinuha ko ang mga display sa vintage drawer at hinagis ang mga iyon sa kawatan. Naharang niya agad iyon ng braso niya at tila hindi man lang nasaktan. "Esther, iligtas mo na ang sarili mo," mahinang sambit ko. "Tatawag ako ng tulong," sagot nito at naramdaman ko rin agad ang pag-alis niya. Hinintay kong sugurin ako ng lalaking iyon pero sa halip ay mabilis ang takbo niyang nilapitan ang direksyon ni Esther. "Mierda," mahinang mura ko. Agad ko itong sinundan. Marahas kong kinuha ang braso ni Esther at agad siyang kinulong sa mga bisig ko. Naramdaman ko agad ang pagbaon ng kutsilyo sa balikat ko. Napadaing ako sa sakit. "Magnanakaw!" sigaw ng isang kasambahay. Sa malakas na sigaw na iyon ng kasambahay, mabilis na nataranta ang kawatan. Wala sa loob na dumapo ang palad ko sa pisngi ng binibini sa bisig ko. "Ayos ka lang?" Napalunok ito. "I should be the one asking that." "Manatili ka rito. Hahabulin ko ang magnanakaw." Marahan ko siyang binitiwan at mabilis ang mga hakbang na sinundan ang direksyon nito. Naalerto ang mga kasambahay sa malakas na tunog ng kampana. Marahil senyales ng emergency sa buong mansion. Narinig ko ang kaluskos nito. Bago siya tuluyang makalabas ng pinto nahablot ko ang suot niyang damit. Pinilit niya pang magpumiglas pero agad kong tinanggal ang nakatakip sa mukha niya. Nagtangis agad ang bagang ko. Dumating agad ang mga security at mabilis itong dinampot. "Anong nangyayari rito?" Napatingin ako sa direkyson ni Don Emmanuel na noon ay papalapit sa direksyon namin. "Sino iyan?" tanong nito nang mapatingin sa lalaking hawak ng mga tauhan niya. "Magnanakaw ho siya, Don Emmanuel. Sinadya niyang patayin ang mga ilaw dito sa mansion pagkatapos ay kinuha iyong oportunidad para magnakaw." "Heto po ang sako na pinaglagyan niya ng mga antiques, Don Emmanuel." Pinakita ng isang kasambahay ang dala niyang sako. Nagtangis agad ang bagang ni Don Emmanuel habang nakatingin sa kawatan. "Don Emmanuel, nakita ko rin po na sinugod niya si Ms. Esther, mabuti na lang po at nailigtas siya ni Mr. Pierre. Kaya lang ho, si Mr. Pierre ho ang nasaksak niya." Nakita ko si Esther na siyang kalalapit lang kay Don Emmanuel. Agad itong bumaling sa kaniya nang puno ng pag-aalala. "Apo ko..." Marahan nitong kinuha ang pisngi niya. "Ayos ka lang ba?" "Ayos lang ho ako, ama," sagot nito at binigay ang atensyon sa akin. Wala sa loob na napalunok ako nang magsimula siyang lumapit. Tiningnan niya ang sugat na nasaksak ng kawatan. "I'm sorry, Mr. Pierre. This must be painful." "Don't think of it, Esther. Katulad ng sabi ko, tawagin mo na lang akong Thieur." Nagpatuloy ang koneksyon ng mga mata namin nito hanggang sa maramdaman ko ang paglapit ni Don Emmanuel. "Maraming salamat sa iyong pagtulong, Mr. Pierre. Hindi ako nagkamali sa pag-imbita sa'yo rito. Utang na loob ko sa iyo ang buhay ng mahal kong apo." "Walang ano-man, Don Emmanuel. Gagawin ko po ang lahat... maprotektahan lang... si Esther." Marahan nitong tinapik ang kabilang balikat ko bago bumaling sa magnanakaw. Marahas niya iyong binigyan nang malakas na sampal. "El cabron!" "Call the police," malamig na utos ni Esther. I cleared my throat. "Hayaan n'yo nang ako na ang magparusa sa kaniya. Tuturuan ko siya ng leksyon." Bumaling sa akin ang mga ito. "Sigurado ka, Mr. Pierre? Sa tingin ko ay mas makabubuti kung dumiretso ka sa ospital," ani Don Emmanuel. "My people can handle him, Don Emmanuel. Gusto kong makasiguro na matututruan siya ng tamang asal pagkatapos ng ginawa niya. Hindi ko rin... basta hinahayaan na saktan ako ng ibang tao," nagtatangis ang bagang na sambit ko. "Mabuti pa nga. Gayunpaman, ipagmaumanhin mo ang nangyaring ito. Nakakahiya ngunit hayaan mong bumawi kami sa iyo sa susunod na pagdalaw mo." Marahan akong tumango. "Hanggang sa muli, Don Emmanuel." Wala sa loob na bumaling ako kay Esther. "Labis akong nagagalak na makilala ka, binibini. Mag-iingat ka. Hihintayin ko ang araw nang muli nating pagkikita." Hindi ito sumagot pero malakas pa rin ang kabog sa dibdib ko. Pinahila ko sa mga tauhan ko ang kawatan at dinala sa kabilang sasakyan. Huminto kami sa bakanteng lote kung saan walang kahit sinong tao at wala ring liwanag bukod sa ilaw na nagmumula sa mga sasakyan. Lumapit ito sa akin nang nakayuko. "Patawarin ninyo ho ako, Mr. Pierre. Hindi ko sinasadya ang masyadong malakas na pagsaksak. Nag-alala ho akong nasugatan kayo nang labis." "Where are the antiques?" Lumapit sa akin ang ilang kasamahan niya at pinakita ang ilang sako. Kusang umangat ang sulok ng labi ko at tinapik ang balikat nito. "You did a great job."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD