Chapter 1

2936 Words
Chapter 1: Hiling Zephaniah's POV Moving Up... Para sa iba, isang achievement. Isang bagong simula. Pero para sa akin, hindi... Dahil nakalimutan ko nang maging masaya. Ang lahat ng kagaya kong estudyante na naririto sa Auditorium ay masaya, nagpa-pahayag ng pamamaalam sa kapwa estudyante. Sa mga kaibigan, kaklase at kakilala. Samantalang ako, nananatiling malamig kagaya ng pakiramdam ng nandito sa loob ng Auditorium. Kakatapos lang ng Moving Up Ceremony. At malamang, ito na nga ang tamang oras para mag-paalam sa lahat. Hindi man tiyak, pero maaaring ito na ang huling araw na magkikita-kita kaming lahat. Sa huling pagkakataon, nilibot ko ang aking paningin sa buong Auditorium. Kung titignan ang paligid ay parang nag-aagaw ang liwanag at dilim. Tanging mga ilaw lang ang nagsisilbing liwanag namin sa loob ng silid na ito. Kung nandito ka sa loob, hindi mo mararamdaman ang init ng araw mula sa labas dahil sa malamig na hangin na binubuga ng aircon. Sinulyapan ko din ang mga estudyanteng nasa paligid at saka tumingin sa relo na nasa aking kaliwang kamay. Malapit na ding mananghalian kaya kahit alam kong makakaramdam ako ng biglang lagkit at init sa labas ng Auditorium ay naglakad pa rin ako palabas para makauwi na. "Zeeeph!" Lumingon ako sa tumawag sakin. Naningkit ang mata ko. Ito na namang babaeng 'to, mula ng sumapit ang linggo ng paghahanda para sa Moving Up palagi na niya akong kinukulit. Hindi ko alam kung bakit, basta mula no'n lagi niyang sinasabi na gusto niya kong maging kaibigan. Kahit pinaparamdam kong ayaw ko, 'di pa rin tumitigil. Hindi ko alam kung manhid ba siya o tanga dahil 'di niya 'yon ma-realize, maski nga pangalan niya ay wala akong pakialam kung ano. "Ano?" Walang buhay kong tanong sa kanya. Lumapad ang ngiti niya nang huminto siya sa harap ko. "Congats!" Aniya sabay yakap sa akin. Imbis na yumakap ay bumitaw ako at umiwas sa kanya. "Hanggang ngayon ba naman ganyan ka pa din? Bakit ba ayaw mo makipagkaibigan sakin?" Hindi ako sumagot. Nasa tono niya ang lungkot pero hindi ito nagbigay sa akin ng dahilan para lingunin siya. Bakit? Para saan ba talaga ang kaibigan? Para may ka-chismis-an ka kapag walang teacher? Para may kopyahan ka ng homework? Para may kasama kang ki-kiligin kapag nakita mo crush mo? Para may kasama ka lagi? Kung gano'n nga, hindi ko kailangan no'n. Kaya kong mabuhay mag-isa. Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad palayo. "Huy!" Habol niya. Ano pa bang kailangan niya sakin? "Saan ka mag-aaral ng senior high?" Patuloy akong naglalakad habang may babaeng makulit na humahabol sakin. "Hey Zeph!" Isa pang nilalang ang tumawag sa akin na nakapag-painit ng ulo ko. Lalaking maaaring tuluyang sumira ng araw ko. Pero kahit naiinis, huminto ako sa paglalakad dahil sa tawag niya sa akin. "Hi Tyron." Malambing na bati ng babaeng nasa gilid ko nang makalapit sa direksyon namin si Tyron. "Hi." Halata sa mukha ni Tyron na ayaw niyang makita ang babaeng ito ngayon. "Zeph! Tara celebrate tayo." Magiliw na paanyaya sa akin ni Tyron. "Ayoko." Mapitid kong tanggi. Hindi niya ko mapipilit 'pag sinabi kong ayoko. Nagsimula ulit akong maglakad. "Tayo nalang mag-celebrate Tyron!" Masiglang sambit ng babaeng 'yon, hindi ko na pinansin dahil nasa likod ko na sila. Hindi ko nadinig ang sagot ni Tyron. Malamang, hindi niya ito sinagot. "Zeph, hanggang kelan mo ba balak maging ganito? Bakit ba ayaw mong maging masaya?" Pahabol na tanong ni Tyron sa akin paglapit niya kaya natigil ako sa paglalakad. Nakasunod din pala ang babaeng 'to. Matalim ko silang tinitigan dahilan para mapaatras sila. Nasisindak naman pala sila sa akin eh, "Hindi ba talaga kayo titigil sa paglapit at pangungulit sakin?" Nasa boses ko ang irita, pero mahinahon naman. Ayoko silang tuluyang masindak, dahil gusto kong madinig nila ang susunod kong sasabihin. "Gusto lang kitang maging kaibigan." Ani ng babae at hahawakan pa ko. Tinabig ko ang kamay niya. Kung kanina mahinahon pa ko, ngayon hindi na. "Gusto mo kong maging kaibigan? Nagpapatawa ka ba?!" Nagpukol ako ng tingin sa kanya, matalim at nanlilisik. "Zeph, huminahon ka nga—" Binaling ko ang tingin sa lalaking nagsalita, nagulat siya sa pagtingin kong iyon dahilan para maputol ang kung ano mang sasabihin niya. "Magugustuhan mo ang sunod kong sasabihin, Tyron." Sabi ko. "Hoy babae." Panimula ko pagtingin ko sa babaeng kasama namin. "Jazmine. That's my name. Pero tawagin mo nalang akong Jaz." Umirap ako, hindi ko na kasi kayang manatiling walang pakialam sa kanilang dalawa lalo na't patuloy nila kong kinukulit. Ito lang ang paraang alam ko para lubayan na nila ko, ang magalit, "Wala akong pakialam sa kung ano man ang pangalan mo. Gusto mo kong maging kaibigan? Talaga? O gusto mo lang akong gamitin para mapalapit sa lalaking 'to? Heh, para sabihin ko sayo ayaw niya sayo. Kaya pwede? Tigilin mo na siya. Tigilan mo na ko." Malamig kong sambit. Diniin ko pa ang huli kong sinabi. Natahimik sila. Iniwan ko silang dalawa doon. Nagpatuloy ako sa paglalakad para makauwi na. *** "Kakain na." Bati ni Tyron sa akin pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko. "Ge." Hindi ko siya nilingon. Abala ako sa pagbabasa pero saglit kong tinignan ang bintana ng kwarto ko para tignan ang labas. Gabi na pala. "Salamat pala kanina..." Sa pagkakataong ito ay tinignan ko na siya. Nakasandal ang balikat niya sa pintuan at nakahalukipkip. Nakangiti din siya sa akin, "Salamat sa sinabi mo do'n sa babae. Doon kay Jaz? Alam mo kasi tama ka sa sinabi mo na 'di ko naman talaga siya gusto. Di ko lang siya ma-basted kasi s'yempre babae ayoko naman masaktan siya, alam mo problema ko 'yun eh kung pa'no siya iiwasan. Nakakainis kasi lagi niya kong sinusundan kahit saan, alam mo 'yun stalker? Gwapo ko kasi. Ganda kasi ng lahi natin eh 'no? Hahahahahaha. Pero teka, pa'no mo nalamang may gusto sakin 'yun?" Tumayo ako at lumapit sa kanya, "Wag kang magpasalamat. Ginawa ko 'yun hindi para sayo. Para sa sarili ko." Nakita ko ang pag-ngisi niya sa akin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. *** Ilang araw at linggo na din ang lumipas mula noong natapos ang Moving Up Ceremony. "May school ka na bang na-enroll-an?" Napatingin ako kay Tyron. Nandito na naman siya sa kwarto ko. Nakakaasar pala talaga kapag nakikitira ka lang sa ibang bahay ano? Basta-basta nalang silang papasok sa kwarto mo at wala ng katok-katok. Ang totoo, hindi ko akalain na may natitira pa kong kamag-anak. Akala ko talaga mag-isa nalang ako sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na biglang susulpot si Tyron at sasabihin sa akin na pinsan ko siya. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko bakit ako pumayag na tumira dito sa bahay niya. Hindi ko sinagot ang tanong ni Tyron. Abala ako sa pagbabasa. "Wala ka bang balak lumabas ng kwarto mo? Mula nu'ng nag-moving up tayo nandito ka lang, tatlong linggo ka ng nagkukulong dito." Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko pa din siya sinasagot. Hindi ko siya iniimik. Sanay naman na 'yan sa akin. Dahil 'di talaga ko pala-imik mula nu'ng magkakilala kami. Hindi ako pala-kwento. Maski mabasa niya laman ng utak ko, wala siyang malalaman sa akin. Naglibot siya kwarto ko. Hinahayaan ko lang siya, ano magagawa ko? Bahay niya 'to. Nakikitira lang ako, "Alam ko, wala ka pang nae-enroll-an na school para sa grade 11. Kaya, in-enroll na kita." "What are you talking about?" Irita kong tanong sa kanya. Pati ba naman ang school ko pakikialaman niya? Isang school lang naman ang balak kong pasukin eh. At hindi pwedeng mabago 'yon. Matagal akong naghanda para sa pagpasok ko sa university na iyon. Naningkit ang mata ko nang maalala ko ang pangalan ng University na iyon. Ngumisi si Tyron sa akin, "Nag-enroll na ko kanina, in-enroll na din kita. Para kasing wala ka ng balak mag-aral ulit eh. Lagi kang nagkukulong dito. Last enrollment na kanina sa MCU. Dinahilan ko nalang na may sakit ka kaya di ka maka-enroll. Oh 'diba effective? Hahahaha. Enroll ka na." Inirapan ko siya, binalik ko ang tingin sa libro. Hindi na ko nag-reklamo sa pangalan ng School, alam kong ito ang gusto ni ate Tiffany at ngayon maisasakatuparan ko na ang hiling niya. At syempre, magagawa ko na ang plano ko. Palihim akong ngumisi. Monte Claro University, hintayin mo ang pagdating ko... "Kung 'di mo alam kung saan 'yon, sumabay ka nalang sa akin sa pasukan." Muli akong tumingin sa kanya, "Bakit ba napaka-pakialamero mo?" Hindi ko maiwasang hindi itanong 'yon sa kanya. Lumapit siya sa akin. Tinabihan niya ko sa kama ko, "Dahil binilin ka ni ate Tiffany sa akin. Bago siya mawala, sinabi niya sa akin na ingatan kita. 'Wag pababayaan. Kaya, ginagawa ko 'to. Please naman, 'wag ka ng mag-matigas." Nasa boses ni Tyron ang sinseridad sa kanyang sinabi. Bahagyang bumuka ang bibig ko dahil sa pag-banggit ni Tyron sa bagay na iyon. Ayon kasi sa kanya, bago nawala si ate ay binilin niya ako sa kanya thru call at bago kami nagkita. "Pwede mo na kong iwan." Napa-buntong hininga siya. "Ibig sabihin ba niyan payag ka na? Yes! Hahaha. Sige ah? Bye." Tumalikod siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin kahit 'di niya nakikita. "Para siyang babae sa kaartehan niya." Bulong ko pagsara niya ng pinto ng kwarto ko. Lumapit ako sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto at tinignan ang petsa, May 1 na pala bukas. Birthday na ni ate. Bumalik ako sa kama ko at napag-pasyahang matulog na. Pupuntahan ko siya bukas... Kinabukasan, maaga akong bumangon at nag-asikaso. Ngayon na ang araw para puntahan si ate. Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Excited na kong puntahan siya... "Kamusta ka na?" Umupo ako sa tabi niya habang nakangiti sa kanya. Nilapag ko ang hawak kong bulaklak ng yellowbell sa kanyang tabi na sinadya ko pa sa Dangwa para lang ibigay sa kanya. Ito ang paborito niyang bulaklak. Masaya kasi siya kapag nakakakita nito. "Alam mo ba, nakapag-moving up na ko. Ang galing nga eh. Nagawa ko 'yun kahit wala ka. Akala ko kasi 'di ko kaya, buti nalang naisip ko 'yung sinabi mo sa akin na kapag 'di ako nakatapos magagalit ka. Natakot ako du'n promise. Kaya kahit mahirap mag-aral ng wala ka, nag-pursigi pa din ako para sayo. Naalala mo ba no'n? Lagi akong nagpapagawa sayo ng assignment ko. Tamad kasi kong mag-aral. Tapos kapag may exam kami pa-simple kitang tine-text para itanong sayo ang sagot. Kapag may report ako, ikaw ang kumakausap sa teacher ko na hindi ako pwedeng mag-report kasi may sakit ako sa puso, baka atakihin ako sa harap dahil sa sobrang kaba. Sabi mo kasi mabilis akong kabahan." Natawa ako ng mahina nang maalala ang mga 'yon, yung mga panahong kasama ko pa siya... "Happy Birthday ate Tiffany..." Mahina kong sambit. Hinawakan ko ang lapida ni ate. Dito na nagsimulang tumulo ang luha ko, "Alam mo ba... Miss na miss na kita ate Tiffany... Miss na miss ko na 'yung ate ko na dinaig pa si mommy kapag sinesermunan ako. 'Yung ate ko na mas oa pa kay daddy kapag naka-shorts akong lalabas 'pag pupunta tayong mall. Higit sa kanilang lahat, ikaw 'yung pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Tinuring kong ate na parang tunay na kapatid. Kung may higit pa sa pagmamahal ng bunso sa ate niya, ganu'n ang pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal kita ate... Mahal na mahal." Patuloy sa pagbagsak ang luha sa aking mga mata. Yumuko ako at patuloy na humagulgol sa harap niya, "Sorry ate ah? Alam mo naman ako. Sayo ko lang nagagawang mag-sumbong. Sayo ko lang nagagawa 'yung umiyak ng ganito. Ikaw lang nakakakitang umiiyak ako. At hindi magbabago 'yun, sayo pa din ako mag-susumbong at sayo pa din ako lalapit para umiyak. Kahit... Kahit wala ka na... Hindi kita kakalimutan. Hindi kita kayang kalimutan... Ate..." Kasabay ng pag-iyak ko ng malakas, ay ang patuloy na pagbalik ng alaala niya sa isip ko. "Walang araw, oras, minuto, o segundo na hindi kita naisip at naalala. Kung pwede nga lang na nandito lang ako sa tabi mo ginawa ko na eh. Sanay ako na nanjan ka lang, sanay ako na kapag kailangan kita tatawagan lang kita tapos dadating ka na. Pero ngayon iba na, wala ka na. Ang sakit... Ang hirap... Ganito pala 'yun... 'Yung pakiramdam na wala ka na... Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng sumunod sayo... Pero hindi pwede. Kasi sabi mo... Dapat matupad ko ang mga pangarap ko. Dapat maka-graduate ako ng college. Diba sabi mo gusto mo kong makitang nag-aaral na sa Monte Claro University? 'Yung University kung saan ka grumaduate ng College. Gagawin ko 'yun ate... Pangako 'yan. Gagawin ko 'yun para sayo..." 'Yun ang hiling niya sakin bago mangyari ito... Kaya hindi ako mag-dadalawang isip na isakatuparan ang hiling niya sa akin. Lalo na ang ipaghiganti siya. Ilang sandali pa ay tumigil na ako sa pag-iyak. Nanatili akong naka-upo sa harap ng puntod ni ate Tiffany. Nakatulala lang ako sa mga nakaukit sa lapida niya. Tiffany Jane Hernandez Born: May 1, 1995 Died: October 15, 2016 Ate... Mahal kita. Mahal na mahal kita. "Sabi ko na eh. Nandito ka." Agad na naglaho ang lungkot sa aking mukha. Hindi ko na nilingon si Tyron, nakatayo siya sa gilid ko. Tahimik na tumayo ako para harapin ang lalaking dumating. Nasa mukha din niya ang lungkot, siyempre mas dapat siyang malungkot kesa sa akin. Lumuhod siya at nilagay ang bulaklak na dala niya sa katabi ng bulaklak na nilapag ko. Katulad ng dala ko ay yellowbell din ito, "Happy birthday sa pinaka maganda kong ate. Kamusta ka na ate? Ok ka lang ba jan? Ako kasi pogi pa din. Ako pa din ang nag-iisang pogi mong kapatid. At oo nga pala, i-kamusta mo na din ako sa mga bulateng kasama mo jan ha? Ay oo nga pala, di lang bulate ang nanjan. Basta, kung sino man kasama mo jan i-kamusta mo nalang ako. Pati na rin... Kila mommy at daddy." Lalong lumungkot ang boses ni Tyron nang sambitin niya ang huli. Ngumiti siya habang nag-lagay din ng bulaklak sa katabing puntod, "Mom, alam mo ba sa sobrang pogi ko may babaeng baliw na baliw sa akin? Jaz ang pangalan niya, ang hirap ngang basted-in eh. Buti nalang tinulungan ako nitong si Zeph." Tapos no'n ay humarap naman siya sa isa pang puntod, "Dad, 'di na kita binilhan ng bulaklak ha? Eh alam ko naman ayaw mo nu'n kasi gusto mo si mommy lang binibigyan ng bulaklak." Aniya saka hinawakan na lang ang puntod ng daddy niya. Tumayo na siya pagkatapos niyang kausapin ang mga puntod. Tumingin siya sa puntod na nasa gawing taas ng puntod ng kinatatayuan namin, "Huy, bakit 'yung puntod lang ni ate Tiffany ang nilagyan mo ng bulaklak? Pano naman 'yung puntod ng mommy at daddy mo? 'Di kaya magtampo sila niyan sayo? Tsk." Puna niya. 'Di ako umimik o gumalaw manlang sa kinatatayuan ko. Pinanood ko siya sa pagkuha ng dalawang bulaklak sa inilagay niyang bouqet sa puntod ng mommy niya at naglagay ng tig-isa sa dalawang puntod na itinuro niya kanina. Pagkatapos ay tumabi muli siya sakin, hanggang ngayon ay nandito pa din ako nakatayo sa puntod ni ate Tiffany. "Galit ka pa rin sa magulang mo?" Bakit ba sa tuwing kinakausap niya ko umaasa pa siya na sasagot ako? Heh, 'di ako sasagot kung 'di naman dapat sagutin. Ngumisi ito, "Wala silang kasalanan. Walang kahit na sino sa kanila ang may kasalanan." Uminit bigla ang ulo ko. Pakiramdam ko gusto kong sapakin ang katabi ko ngayon. "Wag mong pigilin ang galit mo. Alam ko, tayo ang may kasalanan lalo na ako kung bakit sila namatay. Pero, hindi ba dapat sa halip na magalit sa mga sarili natin ay gamitin natin ang pagkakataon na 'to para harapin ang pumatay sa kanila? Sila ang dapat makatikim ng galit natin." Tumingin ako sa kanya. Tama siya, kaya dapat kaming magpalakas lalo para labanan ang pumatay kay ate Tiffany. Nu'ng araw na mapatay si ate, dumating si Tyron para iligtas ako. Doon ko din siya nakilala, siya din ang nagsabi sa akin kung sino ang grupo na pumatay kay ate at kung saan sila matatagpuan. Tumalikod si Tyron hudyat ng pag-alis niya pero pinigil ko siya, "Anong pina-plano mo?" Kunot noo kong tanong. Muli siyang humarap sa akin, "Tulad ng sabi ko ipapatikim ko sa kanila ang galit ko. Ipaghihiganti ko sila." Nasa boses niya ang galit at diin. "Kung gano'n, sasama ko. Ipaghihiganti ko din si ate Tiffany." Sabi ko ng mayroon ding diin. Ngumiti siya at niyakap ako, "Hindi ikaw ang maghihiganti. Ako. Ako lang. Kailangan lang kita para magkaroon ako ng lakas ng loob. Ikaw nalang ang meron ako Zeph. Kaya kahit kamatayan ko ang kapalit gagawin ko ma-protektahan ka lang. Pangako 'yan." Niyakap ko din siya. Tama, kami nalang ang magkasama ngayon. Siya nalang kakampi ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, "May isa lang akong hiling sayo." Kumunot ang noo ko. "Let us be together in that university. Please Zeph." Mahinahon niyang sambit, nasa mata niya ang pag-pilit sa akin. Nagtaka man ako sa sinabi niya, tumango na lang ako. Kahit papaano, hindi ako nag-iisa. Kasi nandito si Tyron. Tama naman ako 'diba? 'Di niya ko iiwan... 'Di niya ko pababayaan. Hanggang sa huli... Magkasama kami...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD