Tagaktak na ang pawis ko nang marating ang last na building na pag-a-apply-an ko ng trabaho. Tamang secretary s***h personal alalay iyon kasi ang hiring eh.
Pakiramdam ko mawawalan na ako ng lakas habang nakatingin sa malaking building. Ito na ang last destination ko. Kung hindi ako matatanggap dito ay babalik na lang ako sa probinsiya.
"Matatanggap kaya ako rito? Hindi nga ako natanggap doon sa maliit na company ito pa kaya?"
Isa pa 'tong utak ko kung anu-ano na lang pinagdidikta sa akin. Ito ang last na tawag na natanggap ko kagabi para sa final interview. Bahala na nga. Pumasok na ako sa loob at sumakay sa lift. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Nasa second floor pa kasi ang interview room.
Gumilid ako at ginawang pamaypay ang hawak kong folder. T'saka ko lang napansin ang lalaking nakasuot ng suit ay naka-specs. Nginitian ko naman siya at ngumiti rin naman siya pabalik.
"Mag-a-apply ka rin ba rito?" tanong ko. Siyempre magpe-feeling close ako. Tumango lamang siya bilang sagot. Nakatingin lang siya sa 'kin kaya nahiwagaan ako.
"Bakit?"
"May butas ang likod ng damit mo," sagot niya. Kaagad na napatingin ako sa likod ko at napapikit sa labis na inis.
"Anak ng putcha naman oh! Ngayon pa talaga."
Nahihiyang tiningnan ko lang siya at nginitian nang tipid. Paano ba 'to? Wala akong dalang extra. Ilang saglit pa nga ay bumukas na ang elevator. Nauna na ring lumabas ang lalaki kaya nagmamadaling lumabas na rin ako.
"Bahala na nga."
May nakita akong upuan sa gilid at halos lahat ay sobrang ayos ng mga suot. Pinagtitinginan pa nila ako. Napatingin ako sa butas na damit ko at napailing. Babawi na lang ako sa interview.
"Dela Cruz Menchie," wika ng babae.
"A-Ako po," sagot ko at mabilis na iniwan ang dala kong bag sa upuan at pumasok sa loob. Yumuko ako at umupo sa nag-iisang bangko sa harap ng limang tao. May apat na lalaki at isang babae na sa tingin ko'y nasa mid twenties na. Bata pa pero sobrang ganda at sopistikada. Nagulat pa ako nang makita ang lalaking nakasabay ko sa elevator kanina. Nakagat ko ang aking labi nang mapagtantong hindi siya aplikante rito.
"Uy!" tawag ko sa kaniya. Hindi naman siya umimik.
"Do you know her?" tanong ng babae sa kaniya.
"No, I don't even know why she's in the VIP lift," malamig niyang sagot. Kaagad na napakurap ako nang marinig ang sinabi niya.
Ilang sandali pa nga ay pumasok ang isang matangkad na lalaki at nakasuot ng maroon na suit. Sobrang guwapo nito at umupo na sa gitna kung saan ay may bakanteng upuan.
"Let's start," aniya at nginitian ako.
"Introduce yourself," wika ng babae kanina.
"H-Hello sa inyo. Ako po si, Menchie Dela Cruz at twenty-three years old. I am here to apply for the position of personal assistant," umpisa ko.
Tiningnan ko sila at umayos dahil halatang bored na bored na.
"Kahit na wala akong work experience ay alam ko po sa sarili ko na efficient at hardworking po ako. Hindi niyo po malalaman ang totoo dahil hindi niyo pa po ako nakikitang magtrabaho. Huwag na po kayong magdalawang isip na i-hire ako at willing na willing po akong gawin lahat ng iuutos niyo sa 'kin. Sisiguraduhin ko pong hindi niyo pagsisisihan kapag ako ang hinire niyo," confident kong wika.
Nakangiti lamang iyong naka-maroon at tiningnan ang mga kasamahan niyang sobrang seryoso ng mukha maliban sa babae na nakangiti rin.
"Ano ang mga weaknesses mo?" tanong nu'ng lalaking nakasabay ko kanina.
"Ahm, wala po. Lahat kinakaya ko. Mahirap lang po ako pero hindi naman masiyado. Pero lumaki po akong walang choice kung hindi ang lumaban. Kung magpapadaig po ako sa kahinaan ko wala akong mararating kaya iyong kahinaan ko na lang po ang nahihiya sa akin," sagot ko.
"Hindi ko alam kung papaniwalaan ba kita. You have a very flowery words," komento nu'ng isa.
"What Aidan said is true. Masiyadong mabulaklak kang magsalita. Paano namin malalaman na competent kang maging personal assistant ni, Landon? Look at your poor credentials. You don't even have any experience related to this work. Do you think you can cope up with this kind of work? You are wasting our time. Mahihirapan ka talagang maghanap ng trabaho dahil kahit tindera ng sari-sari store wala kang experience," sambit nu'ng lalaki.
Kaagad na nagpanting ang tenga ko sa narinig sa kaniya.
"Hoy! Diyan ka nagkakamali. Lahat na yata ng pagtitinda napasukan ko na. Makapagsalita ka akala mo naman sobrang tanga ko na. Isa pa kaya nga ako nag-a-apply rito dahil wala akong experience. Paano ba magkakaroon ng experience kung hindi niyo ako iha-hire. Doon sa probinsiya namin gamit na gamit itong fats ko. Lahat ng pagtitinda nagawa ko na. Sa ukay, sa mga frozen goods, sa mga RTW at kung ano-ano pa. Huwag kang magsalita na parang alam na alam mo ang background ko. Hindi porket wala akong nilagay na experience riyan ay wala na akong alam. Hindi ka yata naturuan ng nanay mong ang kasipagan ng tao ay hindi nasusukat sa kung ilang trabaho ang napagtrabahuan niya. Nasusukat iyon sa sipag, tiyaga, at loyalty. Hindi rin batayan ang mga school credentials ng isang tao para malaman mong qualified at hardworking siya. Bakit? Sa trabaho ba may exam per sem?" inis kong sambit. Kita ko pa ang panlalaki ng mata niya sa sinagot ko.
Kung mamatahin lang din naman ako ng mga kulugong 'to 'di bale na lang. Uuwi na lang ako sa probinsiya namin. Inis na tumayo ako at inagaw ang folder na hawak niya. Pinandilatan ko pa siya bago ako tumalikod papuntang pintuan.
"Nag-a-apply ako bilang personal assistant. In short alalay, pinasosyal niyo lang naman ang term. Kung ipahiya mo ako para namang CEO ang ina-apply-an kong trabaho. Babaan niyo standards niyo," bilin ko pa at ibinagsak ang pinto. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas ng kompanya at baka kaladkarin ako ng mga guwardiya palabas nakakahiya iyon.
Sa sobrang bilis ng lakad ko ay kamuntik pa akong mapatid. Nang makasakay nga sa jeep ay sobrang nakahinga ako nang maluwag. Ngayon ko lang naramdaman ang nginig at takot sa dibdib ko. Nawala ako sa huwisyo dahil sa tatlong ulopong na 'yon. Ayun tuloy lumabas ang taray ko. Anak ng putcha naman kasi. Ang tataas ng standards.
Napahawak ako sa noo ko at napailing. Maling-mali ang ginawa mo Menchie. Hindi mo dapat ginawa iyon nakakahiya ka. Kinurot ko ang sarili ko at nang makita ang mukha ng lalaki kanina ay natawa ako. Sobrang worth it talaga kapag minamaliit ka ng isang tao tapos nabalikan mo. Hindi bale na kung hindi tanggap sa trabaho ang importante ay nakabawi naman.
"Akala siguro ng mga kulugong iyon hindi ako sasagot hahahaha!"
Napatingin ako sa mga katabi ko at may kumukuha pa ng video sa 'kin. Kaagad na napayuko ako sa sobrang hiya. Nagmukha siguro akong pasmadong magandang dalaga.
Pag-uwi ko nga sa bahay ay nagutom kaagad ako. Nakita ko naman si Mama na nakikipagtsismisan kay Aling Susan. Hindi mabubuhay ang mama ko kung walang tsismis. Kung hindi niyo kasi alam may GC sila at suki ng barangay hall namin.
"Kumusta ang lakad mo, Menchie?" tanong niya. Napabuga ako ng hangin at napailing.
"Naku! Sinasabi ko naman kasi sa 'yong magpapayat ka muna para madaan mo sa kaseksihan at kagandahan mo ang ibang employer," wika ni mama.
"Mang-hunting ka na lang ng porener Menchie. Pasok na pasok ka sa banga. Bata ka pa at maganda. Marunong ka rin naman mag-ingles mas maganda 'yon. Alam mo ba Mariana iyong anak ni Aling Lusing na ulikba nakapag-asawa ng porener. Aba ngayon pakape-kape na lang. Panay post sa sosyal medya. Kaya ikaw, Menchie huwag kang papatalo," wika ni Aling Susan.
Napangiwi naman ako.
"Ay totoo 'yan Susan. Nakita ko nga roon sa selpon ni, Angelie. Nasa abroad na nga 'di pa rin pumuputi," sabat ni mama.
"Alam mo ba na nagpatira raw iyon sa ex niya bago sumama sa kano?" sambit ni Aling Susan.
"Talaga? Nahuli yata ako sa balita ah. Tatahi-tahimik lang nasa loob din pala ang kulo. Kakaiba rin ang babaeng 'yon ah."
"Sinabi mo pa, isa pa wala namang pera 'yong kanong 'yon. Ipapaputol ko ang daliri ko kung magtatagal sila. Ang kanong 'yon may asawa na noon kaya panugurado maghihiwalay rin," komento naman ni Aling Susan.
"Ay! Hindi pala suwerte. Ganoon talaga kapag ambisyosa," sagot ni mama. Inis na tinampal ko naman ang balikat niya.
"Mama, huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. Hayaan niyo 'yong taong masayang namumuhay. Kaya kayo laging nabibigyan ng summon eh. Ang hilig niyo sa tsismis na wala namang batayan. May mga anak ka ring babae. Kung sa mga anak mo kaya mangyari 'yan gusto mo?" asik ko.
"Menchie masakit ha. Pumasok ka na nga roon panira ka talaga ng araw. Hayaan mo na kami," aniya.
"Tsk."
Pumasok na ako sa loob at dumeritso sa kusina. May nakita akong pagkain sa ref kaya kinuha ko na at nilantakan.
Kaya siguro ako hindi suwerte sa buhay. Ang mama ko marites ang papa ko naman sugarol.