KABANATA 1

2254 Words
“I’M HERE!” MASIGLANG sabi ni Yvony nang dumating na siya sa bahay nila. Nagsilabasan ang buong pamilya niya mula sa kuwarto ng mga ito nang marinig ang boses niya. Agad na lumapit ang mga kapatid niya sa kaniya nang makita siya. Nang nasa tapat na niya ang mga ito, kinuha ng mga ito ang dala niyang pizza at donuts. Imbes na hagkan at halikan siya sa pisngi ay tumungo lang ang mga ito sa kusina. Maliban na lamang sa isa na niyakap siya— si Ylo. Si Ylo ay pinsan niyang buo. Anak ito ng tiyuhin niya na kapatid ng ama niya. Sa hirap ng buhay, ipapaampon sana ito sa ampunan. At dahil hindi iyon kaya ng konsensiya ng mga magulang niya ay ang mga ito na lang ang kumupkop dito. Sa pagkakataong iyon, itinuring nilang bunsong kapatid ito. Ipinaramdam nila rito na kapatid talaga nila ito. At isa pa, ito lang ang lalaki sa pamilya nila maliban sa ama niya kaya grabe ang atensiyon na ibinigay nila rito. Hinigpitan niya ang yakap dito. Napagtanto lang niya na simula noong nagbinata ito ay madalang na lang nitong ginagawa iyo. Nang bumuwag ito, hinalikan niya ito sa pisngi. Napataas naman ang kilay niya nang ngumuso ito at parang nandidiri sa ginawa niya. “’Wag mo akong inaartehan diyan at baka mahampas lang kita,” pagbabanta niya rito. Napakamot lang ito sa ulo sabay talikod. Pagkatapos, tumungo na ito sa kusina. “Kumusta, anak? Kaya pa ba?” tanong ng ina niya. Napangiti siya. “Kakayanin. Mukhang sinadya talaga ng Diyos na may mga kapatid ako. Sila ang motivation ko to keep going.” “Salamat, anak. Tatlo na kasi kayong nasa kolehiyo kaya pahirapan na talaga,” sabi ng ama niya. “College na rin ang bunso sa susunod na taon. Kakayanin natin iyan lahat, Pa,” sabi niya. Napalingon si Ylo sa kanila. “Hihinto na lang po ako sa pag-aaral, Ate. Magtatrabaho na lang din ako.” Dinuro niya ito. “At sinong nagsabing pwedeng kang huminto? Magiging teacher at principal ka pa, ’di ba?” “Pero mas lalo kayong mahihirapan ni Papa,” sagot nito. Makikita ang pag-aalala sa mga mukha nito. “At wala ka ng pakialam doon. Kami na ang bahala sa inyo. Magtatapos na rin naman ako. Makakahanap ako ng magandang trabaho. Magiging chemist ako.” Napatango lang ito at ibinaling na ang atensiyon sa pagkain na nasa mesa. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapailing na lang. Kahit mahal siya nito, hindi niya maitatanggi na suplado talaga ito at kailangan ng malaking adjustment sa ugali nito simula noong magbinata. “Hayaan mo na iyang si bunso. Parang hindi mo naman iyan kilala. Suplado lang iyan pero mahal na mahal tayo niyan,” mahinang sabi ng ina niya. “Alam ko. Pero nakaiinis din, e. Gusto ko lang sana lambingin,” aniya. Napatawa ang ama niya sa gilid at inakbayan siya. “Binata na ang kapatid mo. Ganyan talaga kaming mga lalaki. Pili na lang ang nagpapalambing.” “Bakit ba kayo ganyan?” sabi niya. May malaking katanungan talaga sa kaniya iyon. “Parang sa babae lang din iyan. Hindi ba kapag may dalaw kayo ay nagbabago madalas ang ugali ninyo?” Napairap siya. “Wow, ha? So parang araw-araw na rin may regla ang bunso?” Napatawa ang ina niya. “Kaya ang dapat mong gawin ay sanayin ang sarili mo. Hindi na siya iyong dating Ylo na pwedeng lambingin. Ang mahalaga ay mananatiling siya pa rin ang baby boy natin sa pamilya.” Nilingon niya si Ylo. “Baby boy.” Napalingon ito sa kanila at nandidiri itong tiningnan sila. Napatawa na lang silang tatlo sa sala. Hindi kalakihan ang bahay nila kaya nagkikita-kita talaga sila sa loob. “Ylo anak, bumili ka muna ng softdrinks,” utos ng ina niya sa kapatid. Napatayo na ito sa kinauupuan nito at lumapit sa ina nila. Nang naabutan na ito ng pera, agad na itong umalis. Habang tinitingnan niya ito paalis, hindi niya mapigilan na mapangiti. Masaya lang siya na lumaki itong mabuting anak sa mga magulang nila at bunsong kapatid nilang magkakapatid. “Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo. Salamat, anak,” sabi ng ina niya. “Buhay ko ang batang iyan. One of my dreams ay mapagtapos ko siya sa kolehiyo. Saksi ako kung paano niya pinapatunayan ang galing niya para hindi kayo madismaya sa kanya,” aniya. “Kaya nga. Ewan ko ba sa kapatid mong iyan. Hindi naman natin pinipilit na maging ganito siya o ganiyan pero palagi niya iyong ginagawa iyon,” bulalas ng ina niya. Napalingon ang ama niya at napangiti ito. “Grateful lang iyon sa atin, Mahal. Kasi alam niya kung ano ang totoo tungkol sa pagkatao niya pero iba iyong natanggap na pagmamahal niya sa ating lahat.” Nilingon siya ng ama niya. “Ang sabi niya sa akin, gusto niya maging katulad ninyo magkakapatid para walang masabi ang mga tao sa nakapaligid sa kaniya.” Napabuntonghininga siya sa sinabi ng ama niya. “Hindi naman kailangan, e. Siya pa lang sapat na sa atin. Sa totoo lang, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Hindi naman sila ang nagpapakain sa bunso ng pamilya kundi kayo, Ma at Pa.” “Oo, alam namin iyan,” sabi ng ina niya. Napangiti siya. “Mas mabuti pa sigurong magmiryenda na lang tayo roon.” Pagkaupo ni Yvony sa upuan niya sa kusina nila ay hindi niya maipagkakaila na iba talaga sa pakiramdam kapag nasa sariling bahay. Aminado siya na parang sinasakal siya roon sa mansion ng mga Consunji. Hindi siya masyadong makagalaw sapagkat ang bawat sulok ay may CCTV camera. Hindi lang iyon, hindi rin magaganda ang ugali ng mga ito. Mula sa mga amo niya na sina Mrs. Dawn at Mr. Tyler Consunji at ang pinakaamo niya na si Dior Consunji. Ito ang pinakaamo niya sapagkat ito iyong inaalagaan niya—personal maid siya nito. Siya ang tagalinis ng kalat nito at kahit sa pag-aral nito ay tinutulungan niya. Mahirap at stressful ang trabaho niya pero kinakaya niya. Basta ang sigurado siya, kapag nakapagtapos na siya ay agad siyang magpapasa ng resignation letter. Para makapagpokus na rin siya sa profession na pinili niya. Si Yvony ay isang simpleng babae na may kakaibang ganda. Maraming nagkakagusto sa kaniya pero hindi niya iyon pinapansin. Sa isipan niya, iba ang habol ng mga ito sa kaniya. At kung tunay man ang mga ito na nagkakagusto sa kaniya ay mararamdaman niya ang sinsiridad ng mga ito. Pero wala siyang nararamdaman sa mga ito. Kung tutuusin ay nandidiri siya sa kung paano ang mga ito tumitig sa kaniya. Para bang kakainin siya ng mga ito nang buhay. May mga kaklase siyang nagsasabi na para raw siyang si Kendall Jenner ng Pilipinas. Kahit marami siyang naririnig ay mas pinili niyang hindi iyon paniwalaan. Para sa kaniya, bulag ang mga ito para puriin siya nang ganoon. Isa sa pinakamagandang bahagi ng mukha niya ay ang mga mata niya na matapang at matangos na ilong. Iyon ang isa sa mga ipinagmamalaki niya sapagkat sigurado siya na galing talaga iyon sa mga magulang niya. “Ate, hi pala!” sabi ng kapatid niyang si Yassi, ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. “Ako rin pala, Ate. Hi!” sabi ni Ysabel, ang pangatlo. “Thanks for the late realization na nandito na pala ako,” sarkastiko na sabi niya sabay irap sa mga ito. Napatawa lang ang mga ito sa sinabi niya pero agad din napatigil nang dumating na si Ylo. Habang naglalakad ito papunta sa kanila, hindi niya mapigilan na kunan ito ng litrato. Ipinagmamalaki lang niya ang bunso nila na may malakas na karisma. Sa tingin niya, maraming babae ang patay na patay rito. Sa tuwing nakikita niya ito, ang palaging naaalala niya ay kung paano niya ito inaalagaan noon. Pero iba na ang nangyari, mas matangkad na ito sa kaniya. At ang sigurado pa siya, mas tatangkad pa ito sa mga susunod na taon. “Ibura mo iyon, Ate,” sabi ni Ylo nang dumating na ito sa kusina. Umupo na ito sa tabi niya. “Ate, ibura mo na.” Siniko niya ito. “’Wag ka nga maarteng bata ka. Ayaw mo ba ng minamahal ni Ate?” “Yucks,” sagot nito. Nagtawanan ang lahat. Natutuwa lang sila na napipikon ito. Katulad nang sinabi niya, kahit ganoon iyon sumagot ay alam niya kung gaano siya nito kamahal. Ilang beses niya na iyon napatunayan. Sa gitna ng pag-uusap nilang magpamilya, tumunog ang cell phone niya. Pagtingin niya, pangalan ng amo niya ang lumabas. Napabuntonghininga siya sabay irap. Hindi niya lang maitago ang inis niya rito. Para sa kaniya, alam na sana nito na day off niya kaya wala na itong karapatan na disturbuhin siya. “Sagutin mo, Anak,” sabi ng ina niya na nasa tapat niya. “No! It’s Dior. Day off ko ngayon at ayaw kong magpadisturbo,” sagot niya. “Malay mo emergency,” sagot nito. “Oo na.” Kinuha niya ang cell phone niya sa tapat niya at sinagot na ito. “Hello!” “May assignment,” bungad nito. “Then?” “INYH.” Napataas ang kilay niya. “W-What?” “I need your help.” “Hindi mo ba alam kung ano ang araw ngayon?” “Sabado.” “Ipapaalala ko lang po, Mr. Dior Consunji, day off ko pala ngayon at bukas. Kaya please? ’Wag mo akong disturbuhin.” “Maldita ka talaga? Pupuntahan kita diyan bukas sa ayaw at sa gusto mo,” sagot nito sabay baba ng tawag. “T-Tubig. Malamig na tubig,” aniya. Hindi nagtagal, agad siyang inabutan ng malamig na tubig ng bunso nila. Ininom na niya iyon. Nang natapos, nagpakawala na siya ng malalim na hininga. “Ang sarap talaga murahin ng Dior na iyon!” gigil na sabi niya. Imbes na nanginginig siya sa galit ay nawala iyon bigla nang isinandal ni Ylo ang ulo nito sa kaniya. Napangiti siya sabay ngilid ng luha sa mga mata niya. Masaya lang siya sa ginawa nito. Hindi niya maipagkakaila na gumaan ang pakiramdam niya. “Anak, okay ka lang ba? Ano ba ang sabi ng alaga mo?” tanong ng ina niya. “Magpapagawa pa ng assignments. Day off ko po! Minsan na nga lang ako magkaroon ng oras sa inyo ay ipagkakait pa niya iyon? I may shallow right now pero gusto ko lang po ilabas ang inis ko,” aniya. “Mukhang nahihirapan ka nga talaga sa kanila. Huminto ka na lang, Anak,” sabi ng ina niya. “No. Kakayanin ko po. Ilang mga buwan na lang din naman ang titiisin ko. Para ito sa mga kapatid ko,” sagot niya. “Sorry, Ate,” sabi ni Ylo. “Ano ba, Ylo? Bakit ka humihingi ng paumanhin? Umayos ka nga upo. Harapin mo ang Ate.” Umayos ng upo ang bunsong kapatid niya at hinarap siya nito. Tinitigan niya ito nang masama. “Ano na naman ba ang nasa isip mo? Why you are asking for forgiveness?” tanong niya. Napayuko ito. “Kasi dumadagdag lang ako ng gastusin dito sa bahay. Supposed to be—” “Tumahimik ka,” pagbabanta niya. Hinawakan niya ang baba nito at inangat para makita siya nito. “Bakit mo palaging iniisip iyan? Kapatid kita. Kapatid kita. Kapatid kita. Bilang ate ay responsibilidad ko kayong tatlo. Bakit mo palaging iniisip na pabigat ka rito?” Napahagulgol siya sabay punas ng luha sa mga mata niya. Kahit ganoon, walang tigil pa rin siya sa pagtitig dito. “Ilang beses ko bang ulit-ulitin na parte ka ng pamilyang ito. Mama mo si Mama. Papa mo si Papa. At magkakapatid tayo nina Yassi at Ysa. Bunso ka namin. Hindi man sa papel pero sa dugo at puso ay magkapamilya tayo,” litanya niya. “Sorry, Ate,” mahinang sabi ni Ylo. Hinawakan niya ang mukha nito. “Tandaan mo itong sasabihin ko. Mahal kita nang higit pa sa buhay ko. Kaya ’wag ka ng mag-isip nang ganiyan dahil nasasaktan ako. Nagkaroon man tayo ng financial crisis ngayon pero dahil iyon sa nagmahal ang mga bilihin at nagtaas ang matrikula. Hinding-hindi iyon dahil sa iyo.” Napatango ito. “Yes po, Ate. Sorry again.” Umusog siya at niyakap ito. “I love you.” “Okay,” mabilisan na sagot nito. Napataas ang kilay niya sabay buwag mula sa pagkayakap dito. “O-Okay lang?” Napakamot ito sa ulo sabay tingala sa kisame. “I-I l-love you, too.” Napangiti siya. “Ganyan. Bakit ka ba nahihiyang sabihin iyon sa amin? Hindi porque binata ka na ay mahihiya ka ng sabihin iyon sa amin. Pero dahil ugali mo iyan, tatanggapin namin iyan. Basta ang alam namin ay mahal mo kami.” Napatango lang ito at hindi na sumagot. Sa pagkakataong iyon, hinayaan na lang niya ito. Napahawak na siya sa dibdib niya at marahan na hinimas iyon. Masaya lang siya na nailabas niya ang sama ng loob at stress na dulot sa kaniya ng pamilya Consunji. Kahit paano, aminado siya na gumaan ang nararamdaman niya. Nang umilaw ang cell phone niya, sinilip niya iyon. Muling napataas ang kilay niya nang makita ang pangalan ng alaga niya. May mensahe itong ipinadala sa kaniya. Binuksan niya na iyon. [Sir Dior: I got your address, Babe. Expect me to be there tomorrow. Therefore, wash your toy accurately.] “Bwe**t,” ang tanging salita na lumabas sa isipan niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD