Womanizers

1118 Words
Yasmine TAHIMIK AT mag-isa akong kumakain sa cafeteria, until I saw Chennen walking to my directions, nakangiti sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang pagkain kahit may kutob na ako kung saan ang tungo nito at lamesa na pupuntahan. "Hoh! That's a long line." she gracefully wiped her sweats away. Narinig kong pagod niyang saad at umupo sa harap ko. Hindi ko siya binalingan ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain habang nakatingin sa aklat na binabasa ko sa ibabaw ng lamesa. Akmang magsasalita siya para kausapin ako pero umingay bigla ang loob ng cafeteria. Tumigil ako sa pagkain katulad ng ginawa ng iba, Chennen fixed herself. Ang ganitong eksena sa loob ng cafeteria o saan man sa loob ng campus ay hindi na bago. Kapag may isang tumili, yung tili na parang kinikiliti ay ibig sabihin nandiyan na ang kinababaliwan ng mga babae. "Kyaaaaah! This is why I love eating in the cafeteria," kinikilig na saad ni Chennen. Tahimik na pinagpatuloy ko ang pagkain habang pasimpleng sumusulyap sa grupo ng mga kalalakihan na umupo sa table na nasa harap lang namin. Marahan akong napalunok dahil isang table lang ang pagitan namin sa kanila, yung table pa na nasa gitna namin ay walang tao. "That's Tamara diba?" Napaangat ako ng tingin sa grupo ni Stan. I saw Tamara took the wallet from Gray, her brother. "Swerte ng kaibigan ni Tamara, dahil sa kanya napapalapit na din sila sa grupo nina Ethan. I heard Rino and Blake also have sisters. Kaibiganin ko din kaya?" natatawang usal niya, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso sa sinabi niya. Ang magpinsan na sina Rino at Stan ay lihim na nag-uusap. May kung anong pinakita si Rino kay Stan sa cellphone niya dahilan para tumango si Stan ng hindi inaalis ang tingin sa screen ng cellphone ni Rino. "Ano yan? Porn?!" pabulyaw na tanong ni Ethan sa dalawa niyang kaibigan at dumungaw sa tinitignan. He said that intentionally, Ethan Ramirez is known as the attention seeker. Siya yung laging nakikialam na para bang kulang sa atensyon at aruga. Para bang lahat ng tanong sa isip niya gusto lagi ng kasagutan kaya pakialamero. Mabilis na tinago ni Rino ang cellphone niya at binalik sa bulsa nito tsaka masamang tinignan si Ethan na nakangisi lang. Rino Buenavista, Stan's cousin. Kilala siya as the ultimate womanizer in their group, walang pakialam sa mundo basta siya may babae na laging dala. "Two words, dude! f**k you!" mariin na tugon ni Rino at umangat ang gilid ng labi. "Sino ba yung tinitignan niyo?" malamig na tanong ng isang lalaki na nasa dulo ng upuan nakaupo, crossed arms at magkasalubong ang kilay. He is Gray Ortega, the chess king on our campus. Pinakamagaling sa chess, matalino din. Tahihimik lang, tamad yatang magsalita. Siya ang pinakamasungit sa kanila, at balita ko ay wala pa siyang girlfriend, pero hindi ako naniniwala. Impossibli! "Si Hannah, dude. I saw it," ngising usal ni Rhodney sa tabi ni Rino at humalakhak, natigil ito sa pagtawa at napangiwi na hinawakan ang guhit sa gilid ng labi niya na may pasa. He is Rhodney Asuncion, ang nag-iisang troublemaker sa grupo. Kapag napaaway siya, asahan niyo buong grupo ay mapapaaway din dahil sa kanya. "Hannah Montana?" sabat bigla ni Terrence na kumikislap ang mga mata. Napailing na lang ako nung nakatanggap siya ng malakas na batok mula kay Blake. Terrence and Blake, ang magkambal sa kalokohan. Ang kumukompleto sa grupo. Natahimik sila sa pagtatawanan ng biglang dumating ang isang lalaki na matangkad at maganda ang hulma ng katawan, marami siyang dalang folders at nilapag iyun sa kanilang lamesa. He is Nicholas Vargaz, ang masasabi ko na matino sa kanilang grupo. Matured kung mag-isip, matalino, mabait, gentleman at marunong magseryoso sa buhay. Well, still, he is also a womanizer, katulad nila. “Ang gwapo ni Rino diba?” napabaling ako kay Chenen na nasa harapan ko. She is secretly glancing at Rino Buenavista. I heard last year that she likes Stanfield Santiago, anong nangyari at nagdivert siya ng nagugustuhan? “Diba si Stanfield ang crush mo last year?” prangkang tanong ko sa kanya at sumubo ng pagkain. Nakita ko ang pagngiwi niya at pagiging uncomfortable sa tanong ko. Usap-usapan yun at halos lahat ay alam ang bagay na yun, di ko din maipagkakaila na sikat itong si Chennen pagdating sa mga kalalakihan. “Well, people change... Nagbago taste ko, eh,” tanging usal niya at saglit na sumulyap kay Stanfield dahilan para mapatingin din ako sa lalaki. Napansin ko ang pagtapik sa kanya ni Rino at may kung anong binulong dito, Stan lifted his eyes and it automatically stopped to the girl he met a while ago na nakapila para mag-order ng pagkain. Nagbulungan ang dalawang magpinsan, seryoso na nakikinig si Stan habang si Rino ay nakangisi habang nagsasalita. Ginalaw ko ang gulay sa plato ko, kung ganun si Rino ang nagsimula ng bet ngayon? Halos walang pinagkaiba ang magpinsan, parehong marangya, mahilig sa babae at arogante. Kung may isang bagay sila na pinagkaiba, yun ay si Rino hindi kayang mabuhay ng walang babae samantalang si Stan, hindi kayang mabuhay na hindi nachachallenge. At babae ang ginagawa niyang laruan para magkaroon ng exciting na buhay. Sad to say, but I can’t give him the kind of satisfaction he wants. He is the most ruthless among them, for me. At least Rino showers his women's with expensive things, tsaka marunong maging romantic. Samantalang si Stan ay anumang oras kayang ibasura ang babae. “Rino won’t court you,” diretsang paalam ko kay Chennen na nakapangalumbaba habang titig na titig kay sa lalaking gusto niya. Sinimangutan niya ako pero blangko ko lang siyang tinignan. “Of course! Hindi nanliligaw ang isang Buenavista,” she whispered on me. “Hindi din nanliligaw ang isang Santiago. Stan is also part of the Buenavista clan, right?" I asked in a faint voice. Mahina niyang tinapik ang kamay na nasa ibabaw ng lamesa at sumenyas na tumahimik ako. Nang inangat ko ang tingin ko para sulyapan ang lamesa ng mga womanizer, ay halos magwala ang puso ko nung makita na nakatingin sa table namin si Stanfield Santiago. Marahan akong napalunok, akala ko ako ang tinitignan niya pero napasulyap ako kay Chennen na nakaharap sa akin ngayon. Doon ko napagtanto na hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Chennen. Agad ding binalik ni Stan ang mga mata sa mga kaibigan niya na maingay nag-uusap. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapait, never in my entire life I saw him glance at me. Ang unfair, yung tipong nasa tabi ko na siya nakatingin pero hindi niya ako magawang tignan kahit saglit lang. Ganun ba ako kainvisibe at hindi kapansin-pansin?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD