Arrogant

1853 Words
Yasmine LUMIPAS ANG araw na lagi kong kasama si Chennen, siya lang ang unang tao na natagalan ang presensya ko. Dahil sa kanya ay unti-unti nang nabi-build ang confidence ko dahil hindi na ako mag-isa. Nilapag ni Chennen sa ibabaw ng lamesa ko ang mga papel na kinolekta niya mula sa mga kaklase namin. Tipid na nginitian ko siya at nagpasalamat tsaka ko sinimulan na icheck at lagyan ng scores ang bawat papel nila. “Isusubmit mo ba ngayon kay Ma’am Roxas yung result ng quiz?” tanong ni Chennen at umupo sa tabi ko. Bilang na lang ang tao sa loob ng silid dahil uwian na din naman. “Kailangan na daw niya ngayon,” sagot ko habang nasa papel ang buong atensyon. “Sasamahan pa ba kita?” Pasimple siyang tumingin sa wristwatch nito, gusto na yatang umuwi kanina pa kung hindi lang dahil sa akin. “Mauna kana. Darating na din naman yung sundo ko,” usal ko at bumaling sa kanya. She pouted her lips before she finally nodded. “Sabi mo yan, ah! I’ll go now,” paalam niya habang nagmamadaling nilalagay ang mga gamit niya sa bag. Tumango lang ako at tipid na ngumiti sa kanya tsaka na siya nagpaalam sa akin. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko tsaka inayos ang mga gamit ko. Yakap ko ang malapad na papel na resulta ng quiz namin kay Ma’am Roxas habang mag-isa na naglalakad sa hallway papunta sa office niya. Walang estudyante na dumadaan ngayon, sanay na din naman ako sa ganito tuwing may mga pinapagawa sa akin ang mga teachers. Nang lumiko ay may isang matangkad na lalaki akong nakita malayo sa akin. Sigurado ako na estudyante ito, hindi ko lang makita ng maayos kung sino dahil malayo siya pero naglalakad ito pasalubong sa akin. Inayos ko ang malaking eyeglasses ko. Ilang hakbang pa bago ko nakilala ang lalaki. Halos atakihin ako sa puso nang makita si Stanfield na naglalakad pasalubong sa akin sa hallway, mukhang galing siya sa music room. Kumalabog ng husto ang puso ko lalo na dahil malapit na siya sa gawi ko. Naging mabagal ang lakad ko at hindi gumawa ng kahit anumang ingay. Humigpit ang yakap ko sa mga papel na sigurado akong nagusot na dahil sa higpit ng pagkakayakap ko. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa madaanan niya ako. Mabilis ko siyang sinulyapan at tila bumagal ang oras, diretso lang ang tingin niya sa daan na tila hindi ako napansin. Nang tuluyan na siyang lumampas sa akin ay napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at dire-diretso lang ito. Hindi niya ako nagawang sulyapan kahit saglit, kahit kami lang dalawa ang tao sa hallway ay hindi niya ako nakayanan na balingan kahit katiting na atensyon. Bumagsak ang balikat ko at tila isang kirot sa dibdib ko ang nangyari. Mas pinatuyan lamang ng tadhana kung gaano siya kahirap abutin, na kailanman ako ang babae na hindi niya kayang mapansin. Para bang kahit kaming dalawa na lang sa mundo ay wala pa ding tsansa para sa aming dalawa. Matapos kong ibigay kay Ma’am Roxas ang papel ay lumabas na ako at agad nagtungo sa parking lot dahil siguradong naroon na ang sundo ko. Habang naglalakad ako ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang driver namin. I was about to dial the number of our driver when someone bumped me. Nahulog sa sahig ang cellphone ko at binalingan ang grupo ng mga kalalakihan na bumangga sa akin, nakatalikod na sila at malakas ang tawanan. Tanging likod na lamang ng grupo nina Stan ang nakita ko, at si Stan mismo ang bumangga sa akin. Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone na nasa sahig. Hindi man lang nila ako napansin? Kahit sorry wala man lang. Nang muli ko silang sulyapan ay naabutan ko ang saglit na pagbaling ni Ethan sa akin. KINAUMAGAHAN ay abala ang classmates namin sa nalalapit na foundation day, kasalukuyan akong nakatayo sa gitna ng klase at may hawak na chalk. “Kissing booth!” sigaw ni Chennen at kinindatan ako. Lihim na lang akong napangiti sa suggestion niya. “Mayroon na, eh! Yung grade 11 may pakissing booth,” our classmate Wilma informed. Napasimangot sila, lalo na si Chennen. “Ahww,” my classmates said in chorus, kanya-kanyang reaksyon. “Kissing booth ba kamo sa grade 11?! Kyaaaaaaah! Sila Rino at Stan!” kinikilig na sigaw ng isa kong classmate na babae. “Tsaka bawal ang kissing booth sa junior high,” usal ko sa kanila. “How about photo booth?” suggestion ng vice-president namin. I’m the president of our classroom, kaya ako ang narito sa harapan. “Boring yun,” I heard somewhere from my classmate. “How about a marriage booth?” Chennen suggested again. Nakita ko ang pagtango at pagsang-ayun ng iba. “Then, marriage booth,” I announced. Narinig ko na lang ang hiyaw nila sa saya, sumunod na pinag-usapan namin ay ang gaganaping ball sa last night ng foundation day. “Miss Oclarez, tinatawag ang officers ng campus,” si ma’am na kakarating lang. “Take over vice-president.” Tumango ako kay ma’am at mabilis na kinuha ang maliit na notebook ko tsaka ballpen at lumabas na ng room para pumunta sa Campus Officers’ office. Nasa hallway pa lang ako nang makasalubong ko ang president ng campus namin, mag-isa lang siya at walang kasama. “Anong meron?” I asked Ryan, he is our campus president. Napakamot siya sa ulo niya. “Wala pa yung treasurer natin. Tayo na muna ang magcocollect ng pera,” he said pertaining to the collection of money for the event on the foundation day. Tumango lang ako at sumunod sa kanya, buti na lang ay dala ko ang maliit na notebook ko. Unang pinasukan namin ay Grade 12, hanggang sa natapos at sunod na room kaming pumasok ay sa room ng grade 11 naman. Setion nina Stan ito, kung hindi ako nagkakamali. Agad akong napaatras sa gulo ng room at iingay ng mga students, mas humigpit ang hawak ko sa notebook ko lalo na nang makita si Stanfield na pinapalibutan ng mga kaibigan niya, Rino was with a girl, Ethan was holding a ball, while Gray was playing chess with his classmate, the rest of his friends ay hindi nila kasama. Nicholas is a grade 12 student, siya lang ang nahiwalay sa grupo. Nahihirapan akong lumunok, hanggang sa narinig ko na kumatok sa blackboard si Ryan para kunin ang atensyon nilang lahat. Although hindi siya pinansin ng grupo ni Stan at iilang students. Napayuko ako sa hiya, gusto kong magtago bigla. I glanced at Stan, he lifted his gazed, saglit na sumulyap kay Ryan at binalik ang atensyon sa phone nito na parang tinatamad. “Sino treasurer dito?” Ryan asked. Saglit silang tumahimik at luminga-linga. “Wala yung treasurer at hindi pa nagcollect,” sambit ng isang babae na hindi ko kilala. “Magcocollect kami,” Ryan announced. Biglang namilog ang mga mata ko. Kami?! Kasama ako? Malamang Yasmine! Kaya ka nga andito diba? Inisa-isa namin ang grade 11 students, pinagpapawisan na ako dahil malapit na kami sa grupo nila Stan. I sighed deeply, kinalma ang sarili ko. Unang hinintuan namin sa kanila ay si Rino katabi ang classmate niyang babae. Nilista ko ang pangalan ng babae, si Rino naman ay tinanggal ang kamay na nasa likod ng upuan ng katabi niya at dumukot sa bulsa tsaka nilabas ang mamahaling wallet nito. I saw how the woman beside him glanced at Rino’s wallet. “Keep the change,” Rino said arrogantly. Napataas ako ng isang kilay at ngumiwi. Anong tingin niya sa amin? Tindahan? Nang humarap ako kay Stan ay nakalapag na ang pera nila sa table, kahit kay Gray at Ethan ay nandun na din. I can’t stop myself from staring at Stan’s perfect face, his pinky lips, messy hair, arrogant face, and cold eyes. He’s way too perfect na ang hirap kausapin, kahit lapitan. Nakakapanghina ng tuhod lalo na sa malapitan. O baka perfect siya sa paningin ko dahil attracted ako sa kanya? “Name?” Ryan asked. Lahat ng students ay tinatanong niya para malista ko ang pangalan. Bigla akong natigilan dahil nalista ko na ang pangalan ni Stan kahit hindi pa niya sinasabi ang pangalan sa amin, nakita ko ang pagsulyap ni Ryan sa papel ko at nakita ang sinulat ko. Gusto kong pukpukin ang sarili ko sa hiya, kay Stan pa lang ang naisusulat kong pangalan at mas nakakahiya dahil full name pa iyun. Umangat ang tingin ni Stan kay Ryan, his stares filled of power and mocking. “Why don’t you ask your treasurer instead? Mukhang alam naman niya ang pangalan namin,” he grinned. I’m not a treasurer! I’m the vice-president! Tsaka pano niya napansin na may sinulat na akong pangalan? Tinignan niya ba ako? Pinigilan kong mapangiti, although hindi nagtama ang mga mata namin. Hindi ko pa siya nahuhuling tumingin kahit saglit sa akin. But what he said is the fact that he glanced at me, kahit saglit man yun. “Wooooooaaah!” narinig kong panunuya ni Ethan habang nakatingin kay Ryan na mukhang iritado na. Ethan is dribbling the ball on the floor while staring at us. “Woaah,” tamad na pahabol ni Gray at ngumisi kahit nasa chess lang ang atensyon pero mukhang nakikinig naman. Napahawak si Ryan sa batok niya sa panunuya ng grupo ni Stan. Kahit ako ay hindi ko maiwasan na maoffend, lalo na yung mga expression ng mukha nila na akala mo mga hari. “Impossibling hindi mo kami kilala,” Stan whispered, ngayon ay pinaglalaruan na ang ballpen sa daliri niya. “Lahat ng students ay kilala kami dito.” I heard Rino and Ethan’s laughed in a mocking way. Nakukuha na din namin ang atensyon ng ibang students. Humigpit ang hawak ko sa ballpen ko at mas napayuko. Hindi nagustuhan ang magaspang na pakikitungo ni Stan, kahit respeto man lang sana sa president namin. “Hindi ata tayo kilala, pre,” gatong pa ni Ethan. “Nalista mo na ba ang pangalan nila?” tanong sa akin ni Ryan. Mabilis kong sinulat ang pangalan nina Ethan at Gray tsaka ako tumango, ngumiti siya at sumenyas na lumabas na kami. Stan smirked in victory before we turned our back at them. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makalabas ngunit rinig ko ang mabigat niyang paghinga. Alam kong hindi lang ako napahiya kundi pati na din siya. “Kaya ayaw ko sa section na yan! Natipon ang grupo ng mga mayayabang.” I heard him hissed. Napaatras ako nang humarap siya sa akin. “You know them, right?” he asked. “Oo… sinong hindi makakakilala sa kanila. Sikat sila, hindi lang sa school natin,” pag-amin ko. “Sila ang mga students na dapat mong iiwasan, walang magandang maidudulot ang mga yun. Ang yayabang pa.” Napanguso ako at biglang napaisip sa sinabi niya. Hindi ko naman sila dapat iwasan dahil sa simula pa lang ay wala naman silang plano na humarang sa daan ko, I’m not the type of girl para pag-aaksayahan ng oras ng mga yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD