SIMULA

1396 Words
CHASING MY PROFESSOR SIMULA “Lucianna, marry me.” Nanlaki ang aking mga mata at atomatikong napatingin kay Gabriel nang bigla niyang sabihin iyon sa akin. “What the hell, Gabriel?! Lasing ka ba?” tanong ko sa kanya. Kakauwi niya lang kasi galing Singapore dahil sa isang business trip at kaagad siyang pumunta rito sa aking condo unit dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkita. Pinagluto ko siya ng dinner at pagkatapos naming kumain ay nag usap na muna kami at bigla niya na lang sinabi ito sa akin na labis kong ikinagulat. Kaga-graduate ko lang ngayong taon at nag a-adjust pa ako sa aking buhay pero ngayon ay maayos na rin ako at pati na rin ang aking trabaho bilang interior designer. Si Gabriel naman ay agad na ring sumabak sa trabaho at siya na ang namamahala sa negosyo ng kanilang pamilya at masyado na rin siyang busy ngayon. Mahal ko si Gabriel at marami pa rin akong pangarap sa aking buhay. Mahal na mahal ko siya pero hindi pa ako handang magpakasal dahil masyado pa kaming bata. “I’m serious, Lucianna Lei. Let’s get married,” muli niyang sabi. Napahilot ako sa aking sentido at huminga ng malalim bago muling tumingin sa kanya ng seryoso. “Gabriel, marriage is not a joke,” I said. Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Yes, I know.” “Then, why are you asking me to marry you?! Yes, we are madly in love with each other, but it is not the time to get married, Gabriel!” sambit ko sa kanya. Gosh! Nakaka-stress si Gabriel Nathan Generoso! “Lucianna Lei Coleman, habang iniisip ko na hindi kita asawa parang hindi ako mapakali,” wika niya. Napasapo ako sa aking noo. God, paano ko ba ipapa-intindi kay Gabriel na hindi pa ako handang magpakasal? “Ayaw mo bang makasal sa akin, Lucianna?” Atomatiko akong nag angat ng tingin sa kanya at mabilis na umiling. “No! I mean I want to marry you, but not now, Gabriel. We’re still young and we can still enjoy our lives as girlfriend and boyfriend. Darating din naman tayo diyan sa kasalan eh, hindi nga muna ngayon,” seryoso kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga siya at hindi nag salita. Buo na ang aking desisyon, kung mag po-propose man si Gabriel ulit sa akin para pakasalan ako, hindi ko muna ito tatanggapin dahil hindi pa ako handa. “You may now kiss your bride!” Unti-unting inalis ni Gabriel ang belong nakatakip sa aking mukha at narinig ko rin ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga tao rito sa simbahan sa kasal namin ni Gabriel. Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko na naman ulit napigilan ang sarili kong mapaiyak. Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. “Don’t cry,” malambing niyang sabi. Huminga ako ng malalim at nginitian siya kahit tuloy-tuloy pa rin ang aking pag-iyak. “A-Ang rupok ko talaga sa ‘yo, Mr. Generoso. Parang noong nakaraang buwan lang galit na galit ako sa ‘yo dahil bigla kang nag-aaya na magpakasal sa akin, pero ngayon kasal na ako sa ‘yo. Ano bang gayuma ang ginamit mo para maging ganito ako karupok sa ‘yo?” humihikbi kong sabi habang nakatingin sa kanya. Mahina siyang tumawa at pinagdikit ang aming mga noo. “I will be a good loving husband to you, Mrs. Generoso,” malambing niyang sabi. Napapikit ako sa aking mga mata at tumango. “I love you,” Gabriel said. “I love you more.” He kissed me on my lips. Kasal na ako kay Gabriel Nathan Generoso, my first love and my forever love. Bago naman kami kinasal dalawa ay humingi na muna kami ng permiso sa aming mga magulang dahil ayoko rin na magka-problema kami sa aming mga pamilya lalo na sa aking Mommy at Daddy. Noong una ay tutol si Daddy sa plano naming pagpapakasal ni Gabriel dahil masyado pa akong bata. 19 years old pa lang ako samantalang si Gabriel naman ay 21 years old. Pero sa huli ay napapayag din namin ang aming mga magulang at pinapangako rin naming maging responsable kami ni Gabriel sa aming buhay at bawal na muna akong mag buntis dahil masyado pa akong bata at marami pa rin akong pangarap. Nire-respeto naman ni Gabriel ang desisyon ko at suportado rin siya sa akin. Naging maganda ang isang taon na pagiging mag asawa namin ni Gabriel. Minsan lang kaming nag-aaway at hindi ito tungkol sa ibang babae at never din akong nakarinig na may kasamang ibang babae si Gabriel at hindi niya hinahayaan na mag selos ako. He’s a sweet and caring husband to me and I’m so lucky to marry a man like him. Akala ko sunod-sunod na ang saya sa buhay namin ni Gabriel at walang problema na darating sa aming buhay, pero doon pala ako nagkakamali. “Mommy, na-contact mo na bas sila Tita Gabriella? Wala pa rin ba silang balita tungkol kay Gabriel?” muli kong tanong sa aking ina. Nandito ako sa kanilang bahay ni Daddy kinakabahan na ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakauwi si Gabriel. Galing si Gabriel sa New York at tumawag siya sa akin kanina na nasa Pilipinas na siya at papauwi na siya sa condo unit namin pero alas diez na ng gabi ay wala pa rin si Gabriel kaya sumugod na ako rito sa bahay nila Mommy upang makahingi ng tulong dahil para na akong mababaliw sa labis na pag-aalala sa aking asawa. Lumapit sa akin si Daddy at tinapik ang aking balikat. “Mahahanap natin ang asawa mo, Cianna, magtiwala ka lang. Pinahanap na rin namin sa may airport si Gabriel kung nandoon pa ba siya, o kasama ba siya sa sakay sa eroplano,” malumanay na sabi ni Daddy. Tumango ako sa sinabi ni Daddy at pinakalma ang aking sarili. “Oh, God!” bulalas ni Mommy at napatayo habang nakatakit ang kamay sa kanyang bibig. Hindi ko mapigilan na kabahan sa naging reaksyon ngayon ni Mommy. “M-Mommy, what’s wrong?” Tumayo si Daddy at lumapit kay Mommy. “Isabelle, what’s wrong?” tanong ni Daddy. Tumingin si Mommy kay Daddy at binigay ang cellphone nito. May binasa naman si Daddy sa phone at nakita ko ang gulat sa mukha ni Daddy. Tumingin siya sa akin at napalunok sa kanyang laway. Mas lalo akong kinabahan. “D-Daddy, what is it? Tell me!” Napapikit siya sa kanyang mga mata bago sinabi sa akin ang nagpaguho sa aking buhay. “Anak, na-aksidente si Gabriel at nasa hospital siya ngayon, kritikal ang kanyang kalagayan.” My husband is lying in the hospital bed, and he’s unconscious. He’s in the ICU, and Gabriel’s in a coma. Kanina pa ako umiiyak at pinapatahan ng mga magulang ko. Nandito na rin ang dalawa kong kapatid upang damayan ako. Kasalukuyan na nasa byahe ngayon ang mga magulang ni Gabriel at papunta na sila rito para sa kanilang anak. Ang pamilya ni Gabriel na nandito ay ang kanyang Tita Sabrina kasama ang asawa nitong si Tito Maverick. “Magiging maayos din si Gabriel, anak,” malambing na sabi ni Mommy at hinalikan ako sa aking noo. Muling tumulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang aking asawa sa loob ng ICU habang may iba’t ibang mga tubo na nakakabit sa kanya at may mga makina sa kanyang tabi. God, hindi ko ata kakayanin na mawala sa akin ang asawa ko. “Gising na si Gabriel!” Akala ko ay magiging maayos na ang lahat kapag nagising na ang asawa ko, pero iyon pala ang aking malaking pagkakamali. Hindi niya ako maalala… hindi ako maalala ng asawa ko. “Gabriel, ako ‘to, ako si Lucianna na asawa mo,” umiiyak kong sabi habang nasa kanyang tabi. Tinitigan niya ako at hindi siya nagsalita. Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang siyang napahawak sa kanyang ulo at malakas na sumigaw na para bang nasasaktan siya nang sobra. Para akong binibiyak habang pinapanood na nasasaktan ang asawa ko. At dito nagsimula ng masira ang buhay ko at ang buhay mag-asawa namin ni Gabriel. Kailangan kong lumayo para sa kanyang kalagayan. Kailangan kong magsakripisyo para maging maayos ulit siya. Masakit, pero kailangan kong gawin ito. Mahal na mahal kita, Gabriel Nathan Generoso. I will always be your wife, no matter what.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD