His Room

2045 Words
Angela's POV "Anak, sinong naghatid sa'yo?" Tanong agad ni Nanay pagkarating ko. "Ah, si Sir Allen po. Nakita niya po kasi akong naglalakad mag-isa kanina kaya pinasabay na niya ako sa sasakyan niya." "Ganun ba. Hindi ba nakakahiya sa kanya at naabala mo pa?" "Yun nga po ang sabi ko kaso mapilit po siya e." "Ganun ba, e sabagay, mabait naman yang si Sir Allen mo kahit noon pa. Pero huwag mong aabusuhim, anak. O, siya, halika at tulungan mo na akong dalhin itong tanghalian ng tatay mo." "Sige po, Nay. Magbibihis lang po ako ng pambahay." Nagsuot ako ng short at t-shirt. Nakapantalon kasi ako kanina kaya sobrang init rin sa pakiramdam. "Ikaw na ang magdala niyang isang basket, akin na itong medyo mabigat." "Sige po." Binuhat ko na ang isang basket na iniwan ni nanay at sumunod na rin ako sa kanya. Excited na ulit akong makita si Tatay dahil nga palagi siyang wala sa bahay at halos sa bukirin na tumira. "Tingnan mo, anak. Parang may kausap yata ang tatay mo roon?" Ani Nanay kaya napatingin rin ako banda roon sa kinaroroonan ni Tatay. Medyo inaninag ko pa dahil malayo pa kami sa pwesto ni Tatay at ng kausap niya. "Parang si Sir Allen po yata?" Hindi siguradong sabi ko kay nanay. Medyo huminto pa si nanay at pinaliit pa ang mga mata para makita lang ng malinaw ang kausap ni Tatay. "Aba, oo nga ano? Parang si Sir Allen mo nga ang kausap niya." "Tayo na po, Inay! Bilisan na po natin!" Nagmadali ako sa paglalakad at inunahan ko na si Nanay. "Magdahan-dahan sa paglalakad, Angela! Baka madapa ka!" Paalala pa sa akin ni Nanay pero nagmadali pa rin ako sa paglalakad. Pilapil ang nilalakaran ko. Pagitan ito ng palayan kaya medyo nag-iingat pa rin ako. Mas malapit kasi ito sa kinaroroonan ni Tatay dahil kung tutuusin ay pwede naman akong doon sa manggahan dumaan. Doon dumaan si Nanay dahil takot siyang mahulog. Bata pa naman ako at maliksi kaya pwedeng-pwede pa akong dumaan rito. "Tay, nandito na po ang tanghalian mo!" Masayang sambit ko kay Tatay kahit medyo malayo pa naman. Naagaw ko naman agad ang atensyon nila at ngayon nga ay sigurado na akong si Sir Allen nga ang kausap niya kanina pa. "Oh, anak? Nasaan ang inay mo?" "Ayun po, oh!" Sabay turo ko kay Nanay na malapit na rin dahil nasa tapat na ito ng malaking puno ng mangga. "Magandang tanghali po, Sir Allen." Bati ko kay Sir Allen pero tila ba natulala na naman siya sa mukha ko at sinuri pa ang katawan ko pababa hanggang sa binti ko. Kitang-kita ko kung gaano naging sunod-sunod ang paggalaw ng adams apple niya sa di ko malaman na dahilan. "Magandang tanghali rin sa'yo, Angela..." balik na bati nito sa akin matapos akong suriin mula ulo hanggang paa. "Halina na kayo at kumain na tayo!" Tawag ni Nanay na sinisimulan na ang paghahain sa dahon ng saging. "Tara na po, Sir Allen. Sumabay na po kayo sa amin sa pagkain. Marami pong niluto si Nanay!" Aya ko at wala namang nagawa si Sir ng hilahin ko na siya sa kanyang braso. "Maupo ka na po dyan. For sure po ay na-miss mo itong luto ni nanay." Inilabas ko ang nasa basket na dala ko. Kakanin ito. Inihain ko ang iba sa gitna at ang isang biko na nakabalot ay ibinigay ko kay Sir Allen. "Tikman mo po. Sobrang sarap po niyan." "Oo nga, Sir. For sure ay na-miss mo rin yan dahil wala niyan sa ibang bansa." Segunda pa ni nanay. Kumagat naman si Sir Allen at napatango-tango pa habang ngumunguya. "Wala pong kupas. Napakasarap nyo pa rin pong magluto," compliment ni Sir Allen na ikinatuwa naman ni Nanay. "Hayaan mo, Sir Allen. Magluluto pa ako niyan at papadalhan kita kay Angela, bukas." "Talaga po?" Natutuwang sambit pa ni Sir Allen kay Nanay. "Opo, Sir. Dadagdagan ko pa para mabigyan mo rin ang mommy at daddy mo." "At si Sir Coby rin po," dagdag ko sa sinabi ni Nanay. "Sige po. May ibibigay rin po kasi talaga ako sa inyo at kay Angela na rin. Hindi ko pa lang po nahahalikwat ang maleta ko." "Naku, Sir Allen, huwag na. Masaya kami na kami ang nagbibigay sa inyo dahil napakalaki na ng utang na loob namin sa inyo dahil sa sakahang ito na siyang bumubuhay sa amin." Pakikisali na ni Tatay sa usapan. "Hindi po. Para sa inyo po talaga yun. Ipapadala ko na lang din kay Angela bukas." Hindi naman na nakaimik pa si Tatay at nagpasalamat na lang din kami ni Nanay. Hindi naman na nag-stay ng matagal si Sir Allen dahil umalis rin siya agad ng may tumawag sa cellphone niya. "Ano pala ang sadya ni Sir Allen sa'yo?" Ani nanay kay Tatay. "Wala naman. Nangumusta lang at nagtanong tungkol dito sa bukirin." Simpleng sagot ni Tatay. Pansin ko nga na hindi pa nakakapagpalit si Sir Allen ng damit kanina dahil kung ano ang suot niya sa university kanina ay yun pa rin ang suot niya. "Napakabilis rin ng panahon. Ang dating binatilyong bata na palaging narito sa bukid ay graduate na at sa ibang bansa pa nag-aral ng pagiging guro," si nanay na tila ba naaalala ang kabataan noon ni Sir Allen. "Si Sir Coby po? Bakit kaya hindi siya sa ibang bansa nag-aral?" Pakikisali ko sa usapan nila. Tapos na rin kaming kumain at tinutulungan ko na lang si Nanay na magligpit. "Magkaiba siguro sila ng gusto. Pansin kong mas gusto ni Sir Coby mo rito sa bukid. Kadalasan ay siya na rin ang namanahala rito e," opinyon naman ni Tatay. "Kung sabagay, iba-iba rin talaga ang gusto ng tao kahit na magkapareho kayo ng estado sa buhay." Napaisip pa ako sa sinabi ni nanay pero hindi na ako nakisali pa sa pinag-uusapan nila. Kinabukasan nga ay maagang nagluto si Nanay ng biko, maja blanca at suman na kamoteng kahoy. May stock kami ng malagkit sa bahay, ang niyog at mais naman ay nagiling na at pino na rin. Ang kamoteng kahoy ay si Tatay ang kumuha ng madaling araw. Wala ka na ngang gagastusin rito. Lahat ng kakailanganin ay meron na lalo at napakasipag ni Tatay magtanim. Ang bibilhin mo na lang sa palengke ay isda at karne kapag napapaibig ka. "Kaya mo ba anak? Tatlong bilao yan?" "Opo naman, nay. Basic na lang ito sa akin. Maliit lang naman ito kaya magagaan lang." Ipinakita ko pa kay nanay kung paano ko buhatin ang mga niluto niya. "Sige na. Lumakad ka na para sumakto yan sa meryenda nila." "Opo, nay!" Binitbit ko na ang mga niluto ni nanay at naglakad na ako. Dun pa rin ako dumaan sa palayan para naman makita ko ulit si Tatay. Sabi kasi ni nanay ay siya na ang bahala sa pagkain ni Tatay at sa palagay ko ay susunod din siya maya-maya. Pagdaan ko sa bukid ay nag-aararo pa si Tatay. Saglit naman akong tumigil sa tapat niya at sinabi ko lang na dadalhin ko na ang mga niluto ni Nanay. May bilin pa nga si Tatay na huwag ko na raw tanggapin ang ibibigay ni Sir Allen pero paano naman ako tatanggi? Hindi ba't mas nakakahiyang tanggihan iyon? Pagdating ko nga sa bulwagan nila ay pinapasok rin kaagad ako ni Manong Guard. Ang sosyal talaga rito dahil may gwardya pa. Kilala na rin naman ako ni Manong kaya hindi na ako nahihirapang magsabi kapag may dadalhin ako o may iuutos si Nanay. "Angela!" Pagkapasok ko pa lang sa may gate ay narinig ko na ang boses ni Sir Allen. Paglingon ko ay nasa swimming pool pala siya. Mukhang naliligo yata siya dahil basa ang buhok niya tapos hubad siya at tanging swimming trunks lang ang suot niya. "Kanina ka pa ba?" Tanong agad niya sa akin pagkalapit. Kinuha rin agad niya ang dala kong kakainin. "Tara! Dun ka muna sa pool. Naliligo pa kasi ako. Kung gusto mo ay samahan mo na rin akong maligo." "Naku, huwag na po, Sir Allen. Ipinahatid lang po talaga ni nanay iyang kakanin." "Sige na, saglit lang. Kukunin ko pa rin kasi sa itaas yung gift ko sa inyo. Hindi naman siguro sila magagalit kung mag-stay ka ng ilang oras dito, diba?" Wika niya habang pinipilit na ako isama papunta sa pool. "Sige po, Sir Allen pero hindi po ako magtatagal, ha? Kakailangan rin kasi ako ni nanay sa pagdadala ng pagkain ni Tatay at sabay rin po kaming kumakain dun-" "Sshh... I know- I know. Don't worry, saglit lang naman tayo. Pagkatapos kong maligo ay kukunin lang natin ang regalo ko sa inyo at makakauwi ka rin agad. "Okay po." Pagpayag ko dahil talagang mapilit si Sir Allen na para bang bawal kang tumanggi sa lahat ng gustuhin niya. "Diyan ka lang. Tapusin ko lang ang paliligo ko." Nag-stay ako sa gilid ng pool gaya ng gusto niya at pinanood siya habang naliligo. Tuwing aahon siya ay inaaya niya akong lumangoy pero mariin akong umiiling. "Try mo lang. Masarap maligo lalo at mainit ang panahon." "E, Sir Allen, wala po akong dalang pamalit na damit. Hindi po talaga pwede. Isa pa po niyan ay hindi talaga ako marunong lumangoy kaya baka malunod lang po ako." Mariing tanggi ko. Sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako nakakaligo sa swimming pool pero hindi ko pinapangrap dahil takot ako sa tubig. "Tuturuan kitang lumangoy." Pangungulit niya pero patuloy ako sa pag-iling ng aking ulo. "Sige na, Angela. Please?" Hindi siya umaalis sa pwesto niya sa gilid ng pool. Hindi ko rin alam ang gagawin ko dahil sobrang kulit talaga ni Sir Allen. "Don't worry, wala sina mommy at daddy, nasa bayan sila dahil may pinuntahan silang birthday party ng amiga nila kaya huwag kang mailang." Lahat yata ay gagawin at sasabihin niya mapapayag lang ako. "Sige na." Napabuntong hininga na lang ako dahil tila ba hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag. "Sige na nga po." Napipilitang sambit ko saka ako tumayo ay lumapit na sa swimming pool. Umupo lang naman ako sa edge nito at inilawit ang paa ko sa tubig. "Ligo na yan, sa'yo? Halika! Dun tayo sa malalim!" "N-naku! Sir Allen! Hindi po talaga ako marunong lumangoy! Ah!" Nagulat na lang ako ng kargahin niya ako papunta sa pinakamalalim kaya napakapit ako sa leeg niya. Manipis lang din ang suot kong bestidang puti kaya alam kong nakikita niya ang kabuuan ko mula roon. Lalo akong nakaramdam ng hiya kaya nayakap ko agad ang sarili ko. "Uhm, Sir Allen. Bumabakat po kasi ang bra ko, e." "No. It's okay. You look so beautiful, Angela. You look like an angel to my eyes..." sambit niya na titig na titig sa akin kaya naguguluhan ako. Nang siguro ay mapagod na siya sa malalim ay dinala na niya ako sa hanggang bewang ko lang ang tubig. Nakayakap pa rin ako sa aking sarili para maitago ang bra kong kulay pula pa naman. "Don't cover your body. It's so beautiful, Angela..." anas niya at siya pa mismo ang nagtanggal ng pagkakayakap ko sa aking sarili at tila nagningning ang mga mata ng mapagmasdan ang kabuuan ko. "E, Sir Allen. Nakakahiya po e. Para na po kasi akong nakahubad rito sa harapan mo." "Natural lang yan. Naliligo ka e. Nakarating ka na ba sa beach? Doon ay naka-undies lang ang mga dalaga." "Hindi pa po. Pero sabi ni nanay at tatay ay dapat daw po ay hindi basta-basta ipinapakita ang katawan sa kung sino-sinong lalake lang." "Bakit? May iba na bang nakakita ng katawan mo bukod sa akin?" Lumapit siya at hinawakan ako sa aking dalawang balikat. "Wala pa po, ngayon lang din po kasi ako nakaligo sa ganitong swimming pool, e." Pagtatapat ko dahil yun naman talaga ang totoo. "That's good! And promise me na wala kang sasamahan na lalake bukod sa akin, okay? Ako na ang unang nakakita ng katawan mo kaya dapat ay wala ng ibang makakakita niyan. Promise me, Angela..." naguguluhan man ako sa mga sinasabi ni Sir Allen ay napatango na lang ako. "Tara sa kwarto. Magbihis ka na at ibibigay ko na rin ang regalo ko sa nanay at tatay mo pati na rin sa iyo, Angela." At walang pagtututol na sumunod naman ako kay Sir Allen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD