bc

Love Me Back

book_age18+
4.4K
FOLLOW
27.0K
READ
dark
pregnant
self-improved
drama
bxg
heavy
friends
naive
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

"Marry me. Kung ginagamit ka ni papa para sa sariling kapakanan nito, then gamitin mo rin ako. Ipinapangako kong gagawin ko ang lahat. Gagawin ko ang lahat para matutunan mo akong mahalin,"umiiyak na pakiusap ni Lalaine kay Adrian. Hawak ang lalaki sa kamay at nagsusumamong huwag siyang iiwanan.

"Pareho lang kayong mag-ama, makasarili. Hindi nabibili ang pagmamahal Lalaine. Kusang nararamdaman ito. Hindi ipinipilit, hindi idinidikta ng isip!" mariing sambit naman ni Adrian sa dalaga. Pilit inalis ang kamay nito sa kanyang braso at naglakad palayo.

Hindi nga ba kayang magmahal ng puso sa taong ipinagpipilitan ang sarili para mahalin ito?

Hanggang kailan naman magpapakatanga ang puso sa taong hindi ka naman kayang mahalin ng buo?

Si Lalaine simula't sapol minahal na si Adrian. Pikit matang minahal niya ang lalaki kahit harap-harapan na siya nitong sinasaktan. Nagbibingihan at nagbubulagan siya.

Si Adrian, hindi niya ba kayang mahalin ang isang Lalaine na walang ginawa kundi ang mahalin siya, na pati sarili ng babae ay kinalimutang mahalin para lamang sa kanya.

Pagmamahal bang matatawag ang isang pagsasama? Kung ang lahat ay nag-umpisa sa pagmamanipula ng iba.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Huwag kang lumapit! Tatalon talaga ako kaya huwag mo akong lalapitan!" malakas niyang sigaw sa lalaking dahan-dahan na naglalakad para malapitan siya. Lalaking ayaw na sana niyang makita pa sapagkat bumabalik lamang ang sakit at kirot sa puso niya. Ang mapait na karanasan mula sa nakaraan ay ipinapaalala nito. Ang pag-ibig niyang hindi man lamang nasuklian ng kahit katiting man lamang na pagtingin at pag-aalaga. "Ang tanging ginawa ko lamang ay ang magmahal, ang mahalin ka, Adrian. Pero bakit? Bakit hindi mo kayang suklian! Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Ano ang wala ako na nakita mo sa iba? Ano ang hindi ko maibigay na kaya nilang ibigay sa iyo? Ano'ng kailangan kong gawin para mahalin mo ako?" Muli siyang umatras kaya mas lalong nataranta si Adrian at tumigil sa paglapit. Kinakabahan si Adrian at muling nagsumamo kay Lalaine. "Please Lalaine, bumaba ka riyan. Mag-usap tayo," pakiusap niya sa babaeng nasa halos dulo na ng rooftop ng ika-limang palapag na gusali. Wala sa sarili, gulo ang buhok at walang saplot sa paa. Halatang wala ito sa wastong isip. "Lalaine, please halika na. Umuwi na tayo at mag-uusap tayo," muli niyang pakiusap. Tuliro ang babaeng hilam ng luha ang mga mata. Parang hindi alam ang tama at mali. Kasalanan niya. Kasalanan niya kaya nagkaganoon ang babae. Kung sana pinakinggan niya ang mga taong nakapansin at pinaniwalaan ang mga ito. Hindi sila aabot sa ganito. Hindi niya gugustuhing pagdaan ng babae ang pagkakulong sa sariling mundo. Kung alam niya lang, sana natulong niya ang babae iahon ang sarili sa kumunoy na iyon na siyang lumamon na dito ng buo. kasalanan niya for not noticing at all. Binulag niya ang sarili sa galit at hindi sa anumang sumisibol na damdamin sa kanyang pagkatao. Umiling si Lalaine at muling umatras. Napaluhod siya sa kaba at takot na maaring tumalon ang babae anumang oras nito gustuhin. Wala sa hustong pag-iisip si Lalaine. Kinain na ito ng selos at depresiyon na siya ang may dala. "Magiging masaya ka na ba kung wala na ako, Adrian? Maligaya ka bang makita akong patay na at hindi ka na muling gagambalain pa?" Usal niti g tila bumubulong sa hangin. "Kung magiging maligaya ka, palalayain na kita! Iyon lang naman ang gusto kong makita, ang maging masaya ka!" mahinang sambit nito habang patuloy ang pagluha kasabay ng mahinang pagtawa. Umiling si Adrian. Marahas niyang iniling ang ulo para ipakita rito na ayaw niya iyong mangyari. Hindi niya gusto iyon kahit kailan. Hindi niya hiniling na makulong si Lalaine sa ganoong sitwasyon. Mapait na ngumiti si Lalaine. Tumingala sa bughaw na langit. Napakapayapa nito, hindi katulad noong nakaraang gabi na madilim, ingay ng galit na kulog at ang matalim na kidlat ang makikita at maririnig. Ngayon ay payapang nakatunghay sa kanya. "Kasi ako, gusto ko ng tapusin ang lahat ng ito. Gusto ko ng magpahinga sa lahat ng pasakit na dulot ng pagmamahal ko sa iyo. Sumusuko na ako, Adrian. Pagod na kasi akong magmahal at maghintay. Pagod na akong umiyak sa tuwing nasasaktan. Pagod na akong umintindi at umasa na mapapasaakin rin ang puso mo. Pagod na pagod na ako, Adrian," muling palahaw ni Lalaine. Tumitig ang wala ng buhay na mga mata nito sa kanya. Biglang bumuhos ang luha ni Adrian sa narinig. Mabigat ang kanyang dibdib habang napagmamasdan ang babaeng hirap na hirap na sa sitwasyong siya ang may gawa. Siya ang may sala. Kung nalaman niya lamang sana agad na may sakit si Lalaine. Sana, sana hindi na niya ginustong maghiganti pa at gamitin ito. Sana pinakinggan na lamang niya ang kanyang puso. Sana naging alalay siya nito. Pero huli na ang lahat. Sinusukuan na siya nito. Ang tanging gusto nito ay ang mawala na. Nalaman niya na sa tuwing may ginagawa pala siyang kabalbalan. Sa tuwing nasasaktan niya ang damdamin ng babae. Sinasaktan nito ang sarili. Ito ang pamamaraan ng babae para makacope-up sa sakit na binibigay niya rito. Na nagsimula sa pang-aabusong pisikal sa kanya ng ama nito. Nakaluhod pa rin siyang tumingin kay Lalaine. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi na mauulit pa, Lalaine. Bumaba ka na riyan, halika na, magbabagong buhay tayo. Halika na, umuwi na tayo," pagsusumamo niyang hindi mapigipan ang paggaralgal ng kanyang boses. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot. Takot na maaaring mawala na ng tuluyan ang babae. Sukuan na siya katulad ng pagsuko nito sa buhay. Muli itong umiling at muling umatras. Halos manghina si Adrian sa nasasaksihan. Hindi siya halos makahinga. "Laine!" Naisigaw niya ang pangalan nito nang malapit na talaga ito sa dulo. Pumihit ito patalikod sa kanya at humarap kung saan tanaw na tanaw nito ang tanawin sa taas at mga tao sa baba na pawang mga nakatingala sa kanya. Nagsisigawan sa takot. Pawang mga empleyado ng kompanyang iyon. "I'm sorry baby, kailangan na nating iwan si Daddy. Kailangan na natin siyang bigyan ng panahon at pagkakataon para naman lumigaya. Hindi bale, magkasama naman tayong dalawa sa pupuntahan natin!" Anas ni Lalaine na hinaplos ang impis pang tiyan. "Magiging masaya rin tayo anak. Magiging maligaya tayo kahit dalawa lang tayo na magkasama. Tapusin na natin ang pagpapahirap sa Daddy mo," usal niyang pumikit. Dinama ang pulso ng kanyang tiyan. Pinakinggan ang pintig ng kanyang puso. Hinayaang tangayin ng hangin ang lahat. Sinubukan niyang lumaban. Sinubukan naman ni Lalaine na huwag magpatalo sa buyo ng demonyo sa kanyang isip. Ilang beses niyang nilabanan ang sariling demonyo sa pagkatao. Ngunit, hindi na niya kayang panindigan na maging matino. Talong-talo na siya ng sakit at pait na binibigay ng buhay sa kanya. Aminado na siyang isa siyang mahinang nilalang. Napakahina at duwag dahil mas pinipili niyang kitilin ang buhay niya at buhay na nasa sinapupunan niya para lamang makatakas. Ayaw na niya. Gusto na niyang ipahinga ang sarili sa lahat ng bagay. "Maging masaya ka, Adrian. Huwag mong isiping kasalanan mo ito. Ako! Ako ang pumipili ng kahihinatnan ko. Ako ang sisihin mo sa lahat!" Kinilabutan si Adrian sa narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata at marahas na napatayo. Halos magkandapa-dapa na siya para habulin ang papatalon na dalaga. Habang tumatakbo ay nag-flashback lahat sa kanya. Kung paano niya balewalain ang dalaga. Kung paano niya lantarang niloloko ito. Kung paano niya ignorahin kahit umiiyak at nasasaktan na ito sa harap niya. Kalakip ng pagsisisi ang luhang masaganang dumadaloy sa kanyang mukha. Habang ang kaba at takot sa dibdib ang lumalamon sa kanya. "No! No!" sigaw niya habang tumatakbo upang mahabol si Lalaine Ang isang paa nito ay nakalutang na sa hangin. Habang muli siya nitong nilingon ng tingin at isang mabining ngiti ang nakapagkit sa labi nito. "Mahal kita, hanggang sa kabilang buhay!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook