Chapter 1

2967 Words
“Ikakasal ka na?!” Muntik ko nang masagi ‘yong baso ng tubig sa lamesa dahil sa bigla kong pagtukod ng siko. Mabuti na lang at agad itong nahawakan ni Kyle. Napapikit nga lang siya sandali, halatang medyo nainis sa pagiging clumsy ko. Binigkas ko ang ‘sorry’ sa kanya ng walang tunog bago binalik ang atensyon sa cellphone. “Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na! Parang kailan lang noong gumraduate tayo ah,” sabi ko pa sa kabilang linya. Nasa fast food restaurant kami ni Kyle malapit sa simbahan kung saan kami galing. Tuwing Linggo ay nakagawian na kasi naming magsimba. Pagkatapos ay kumakain kami sa labas. May trabaho kami ng weekdays kaya Linggo lang talaga kami nakakapagkita. Salitan kami ng pinupuntahan kapag hindi namamasyal, kung hindi sa bahay namin ay doon kami naglalagi sa condo niya sa Maynila. At dahil noong nakaraang Linggo ay galing na kami sa kanya, ngayon ay sa bahay na kami nito didiretso pagkatapos kumain. “Ano ka ba, Wendy? It’s been four years since we graduated! Karamihan nga sa mga batchmates natin may isa o dalawang anak na,” sagot ni Elle na nagpatawa sa ‘ming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwalang twenty-five years old na kami ngayon. Parang kaka-twenty ko lang tapos pagkurap ko, limang taon na ang lumipas. Magkaklase kami ni Elle noong kolehiyo. Kaming dalawa ang palaging magkasama noon simula unang taon hanggang sa makapagtapos. Ngunit dahil mas pinili kong manatili sa probinsya imbes na magtrabaho sa Maynila katulad niya, nabawasan ang komunikasyon namin hanggang sa nauwi na lang kami sa minsanang kumustahan. Noong nakaraang taon nga ay talagang wala na kaming paramdam sa isa’t isa. Pero ang maganda naman kay Elle, siya ‘yong tipo ng kaibigang hindi nagbabago kahit matagal kayong hindi magkausap. Kaya nga kahit bigla na lang siyang napatawag ngayon para sabihing ikakasal na siya, kasing ligalig pa rin siya ng dati. “So, given that I’m getting married…” sabi ni Elle na may mapaglarong tono. “Would you do me the honor of being my maid of honor? Alam mo namang pareho tayong only child, and you’re my bestie! So, it would really mean the world to me." Bumilog ang bibig ko. Kakaibang saya ang naramdaman ko. Napatingin ako kay Kyle na seryoso lang ang tingin sa ‘kin. “Oo naman!” sigaw ko. Agad tinapat ni Kyle ang hintuturo niya sa ibabaw ng kanyang labi. Pinagdikit ko naman ang labi ko. Naka-angat pa rin ang magkabilang dulo nito habang sinusubukang kumalma. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa saya. “Kailan ba ang kasal?” tanong ko naman. “Actually, that’s the thing. Ngayong weekend na,” napahagikgik si Elle. Medyo nadismaya ako sa nalaman at napatingin kay Kyle na mas lalong naging seryoso ang mukha. Sa kanila kasi kami ngayong darating na Linggo. May pelikula kaming napag-usapang panunuorin ng sabay. Mabilis pa naman siyang magtampo kapag may lakad kaming hindi natutuloy. “Available ka ba? I’m sorry ngayon ko lang nasabi sa ‘yo. Ang dami kasing nangyayari. Nakisabay pa ‘yung family business namin na ako na ang pinaghahawak ngayon,” sabi pa ni Elle nang matahimik ako. Siguro naman ay maiintindihan ni Kyle ang sitwasyon. Minsan lang ang kasal. Marami pa kaming pagkakataon para manuod ng pelikula sa lugar niya. “Oo, pwede ako. Syempre hindi ako pwedeng mawawala sa kasal mo. Pero wait, ano palang dapat kong isuot? Tsaka saan ako didiretso?” Napatingin ako kay Kyle na mukhang nababagot na. “Kahit send mo na lang sa ‘kin lahat ng detalye. Nasa labas kasi kami ngayon eh.” “Yey! Don’t worry, I got you! I’ll send you the official wedding invitation later. Wala kang dapat ipag-alala dahil ang kailangan ko lang talaga ay presence mo. May damit at sapatos ka na rito. Magkasabay na rin tayong aayusan. Actually, mas maganda kung day before the wedding nandito ka na sa bahay. Para naman makapag-bonding pa tayo habang single pa ‘ko,” sunod-sunod ang pagsasalita ni Elle, ramdam ang excitement sa kanyang boses. Lalo tuloy lumawak ang ngiti sa labi ko. Wala naman kasi akong ibang malapit na kaibigan bukod sa kanya kaya talagang natuwa ako sa oportunidad na makasama siya sa importanteng yugto ng kanyang buhay. Kung tutuusin ay sawang-sawa na rin kasi ako sa araw-araw na nangyayari sa buhay ko. Attending her wedding would be a breath of fresh air. “Sige! Game ako dyan! Chat na lang tayo mamaya ah,” sabi ko kay Elle pero may pahabol pa siya. “Oo nga pala, Wendy. Bago ko makalimutan. May mga job openings kasi kami ngayon. I will make sure to prioritize your application if ever you’re interested. Magpasa ka lang ng resume sa ‘kin. Akong bahala sa ‘yo. Sayang naman kasi ang potential mo kung dyan ka lang sa probinsya buong buhay mo.” Parang nagliwanag ang mundo ko sa sinabi ni Elle. “Totoo ba? Hulog ka talaga ng langit! Tamang-tama. Naghahanap din talaga ‘ko ngayon ng trabaho. Thank you, Elle!” Ilang sandali pa’t dito na namin binaba ang tawag. “Tapos na? Akala ko hanggang gabi pa kayo mag-uusap eh,” sarkastikong komento ni Kyle nang itabi ko sa bag ang phone ko. “Dapat pala hinatid na kita sa inyo para naman mas kumportable kang nakipag-usap sa kanya,” dagdag pa niya na nagpapait ng panlasa ko. “Minsan lang naman magparamdam si Elle. Hindi ko rin inasahang tatawag siya ngayon. Pasensya na.” Maayos na pagkakasabi ko pero bakas ang lungkot. “Oo nga. May sinabi ba ‘kong may mali sa pagtawag niya? Kaya nga dapat kinausap mo pa. Mukhang nabitin pa kayo dahil sa ‘kin,” depensa pa ni Kyle na kahit kailan ay ayaw magpatalo. Makikita ang pag-igting ng kanyang panga at lalong paniningkit ng mga mata dahil chinito siya. Mabuti na lang at maganda ang mood ko ngayon kaya hindi ako nagpaapekto sa mga hirit niya. “Hindi ah. Tapos na kaming mag-usap. Syempre sa ‘yo ako naka-focus ngayon,” malambing kong balik. Hinawakan ko ang braso niya at ihinilig ang ulo ko sa kanyang balikat. “Kaya ‘wag ka nang magtampo, please?” Tumingin ako sa kanya at ganuon din siya. Binukas-sara ko ang mga mata ko para magpa-cute. “Mainit. Tara na nga. Hatid na kita sa inyo tapos kausapin mo na siya ulit. Mukhang marami pa kayong dapat pag-usapan,” sabi ni Kyle sabay tayo. Sa paghabol ko sa kanya ay dito ko tuluyang natabig ‘yong baso ng tubig sa lamesa. Tuloy marahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Hindi ka kasi nag-iingat eh. Sabi ko sa ‘yo kapag nasa labas tayo, always be mindful,” pangaral niya sa ‘kin gamit ang may katigasang Ingles. Tahimik lang akong tumango habang pinupunasan niya ng tissue ‘yong lamesa. Tutulungan ko sana siya kaya lang iniharang niya ang isang kamay sa ‘kin. “Dyan ka lang sa tabi. ‘Wag kang kikilos. Baka lalo pang magkadisgrasya,” sabi pa niya. Tuloy ay ‘yong kaninang sayang naramdaman ko ay mabilis na naglaho. Pagkatapos niyang linisin ‘yong natapon ko ay magkasabay na kaming lumabas ng resto. Ayon nga lang ay nagsimula nang pumatak ang ulan. “May dala kang payong?” tanong niya sa ‘kin at umiling naman ako. Dito niya nilabas ang payong na dala niya. “Sabi ko sa ‘yo, magdadala ka. Ano na lang ang gagawin mo kung hindi mo ‘ko kasama?” sabi pa niya at naglakad na kaming dalawa palabas nang tuluyang bumuhos ang ulan. Naalala ko tuloy ‘yong nabasa kong isang post online. Ang title ay ‘red umbrella’. Malalaman mo raw kung gaano ka kamahal ng isang lalaki sa paraan kung paano niya hawakan ang payong kapag magkasama kayo sa ilalim ng ulan. In matters of love, an umbrella can reveal all. A man who truly loves you will tilt it towards you, sacrificing his own shoulder to the rain, while a man whose love is shallow will keep it close, leaving you to soak alone. Remember, dear heart, the direction of the umbrella speaks volumes about the depth of love. - Red Umbrella “Buti na lang mahal kita. Walang ibang iintindi sa ‘yo, bukod sa ‘kin,” sabi ni Kyle habang naglalakad kami sa ilalim ng ulan. Pagtingin ko sa balikat ko, nakita kong basang-basa na ito. *** Pitong taon na kaming magkarelasyon ni Kyle – childhood sweethearts, ika nga ng iba. Kinaiinggitan kami ng lahat kasi kami na lang daw ang matibay sa highschool batchmates namin. Kasal na lang daw ang kulang at papasa na kaming mag-asawa. Pero sa pitong taong ito, kung ako ang tatanungin… pakiramdam ko habang tumatagal ay mas lalo ko siyang hindi nakikilala. Iyon siguro ang mahirap kapag matagal na kayo, nakikita mong magbago ang isang tao. And sometimes the person you fell in love with changes so much that you no longer recognize them. “Babe, hindi ko pa nasasabi kina mama’t papa na natanggal ako sa trabaho. Gusto ko sanang sabihin sa kanila kapag may mapapasukan na ‘ko,” sabi ko kay Kyle. Nandito kami sa kwarto ko sa bahay, nakahiga sa kama habang nakabukas ang TV na hindi naman namin binibigyang pansin. “Babe,” tawag ko dahil panay lang ang paghalik niya sa leeg ko. Humiga naman siya ng maayos, pinatong ang ulo sa isang braso at tumitig sa kisame nang magsalita. “Sabihin mo na sa kanila. Maiintindihan naman ‘yan ng parents mo. Masyado ka lang nago-overthink.” Huminga ako ng malalim. Alam ko namang tama siya. “Mababaw na problema lang pinapalaki mo,” sabi pa niya. Naalala ko naman ang sinabi ni Elle kanina sa ‘kin kaya nagkaroon ako ng pag-asa. “Ang sabi ni Elle, may opening sa kanila. Tingin mo subukan ko? Mukhang may posisyon naman daw na pwede sa ‘kin!” Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Kyle. “Hindi ba’t malaking financial institution ang kumpanyang pagmamay-ari nila? Kaya mo bang makipagsabayan sa ibang mas may experience nang magtrabaho sa Maynila kumpara sa ‘yo? Baka mahirapan ka lang.” “Tingin mo ba hindi ko kaya?” nakakunot-noong tanong ko. Sa lahat ng tao, siya ang inaasahan kong magiging kakampi ko at susuporta sa ‘kin. “It’s not like that, babe. I didn’t mean to offend you. Ang point ko lang, ayaw kong ma-burn out ka ulit sa trabaho o ‘di kaya matanggal,” puno ng pagmamalasakit ang kanyang boses. Umikot ang tyan ko. Mistulang bumalik sa ‘kin ang bigat ng dibdib ko noong matanggap ko pa lang ang email na nag-layoff ang kumpanyang huli kong pinasukan. “Alam kong graduate ka with honors, babe. Pero sa edad mo ngayon, experience na ang labanan sa trabaho. Kung nakinig ka sa ‘kin noon, eh ‘di sana hindi ka nahihirapang maghanap ng trabaho ngayon. Pinasama na kasi kita noong naghahanap pa lang ako ng trabaho sa Maynila pagka-graduate natin. Pero anong sinabi mo? Ayaw mong iwan ang mga magulang mo.” Nanatiling tikom ang bibig ko. Wala akong nasabi pabalik dahil alam kong totoo naman ang mga sinabi niya. Nag-iisang anak lang kasi ako kaya hindi ko talaga maiwan ang mga magulang ko rito sa probinsya. Kaya kahit nakapagtapos ako with honors sa kursong pinasukan ko sa Maynila, mas pinili kong maghanap ng trabaho sa probinsya para makasama ko pa rin ang mga magulang ko. Naging assistant ako sa munisipyo namin. Simple at payapa naman ang buhay ko. May maayos akong trabaho, long-time boyfriend, nakakakain ng tama tatlong beses sa isang araw kasama ang mga magulang ko. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko may kulang. Para akong kantang naka-loop, paulit-ulit lang na tumutugtog – kung noong una ay magandang pakinggan, ngayon ay nakakasawa na. Naramdaman ko ang muling paghalik ni Kyle sa leeg ko. Hindi pa kami natatapos mag-usap pero mukhang tinapos na niya ito nang dilaan niya ang leeg ko hanggang sa tainga ko. Nakikiliti lang ako pero akala siguro niya ay nasasarapan ako kaya hinigop niya ito. Napapikit ako nang marinig ang tunog nito sa tainga kong parang vacuum cleaner. Sunod niyang hinawakan ang isang dibdib ko at pinaglaruan. Napapikit ako dahil mas sensitibo ito ngayon. Dahil dinatnan na ‘ko ay may kalakihan din ito. “F*ck, babe. Ang sarap mo.” Napapikit pa ‘ko ng mariin sa bulong ni Kyle malapit sa tainga ko. Hindi pa rin ako sanay na ‘yong lalaking nakilala kong maka-Diyos at animo hindi makabasag pinggan sa mga mata ng lahat ay ganito pala kapusok sa likod ng pinto. Goal-getter si Kyle. Kaya naman imbes na daanan pa ang ibang bahagi ng katawan ko’y dumiretso ang isang kamay niya sa loob ng panty ko. Naalarma naman ako at agad hinawakan ang braso niya para pigilan siya. “Babe, mayroon ako,” paalala ko sa kanya. Kagabi pa lang ay sinabi ko na ito sa chat. Umasa pa naman akong wala na kaming ganitong gagawin. Dito naman niya ‘ko hinalikan sa labi. Kuntento na ako sa paghalik kaya tumugon ako sa paraang alam ko. Kaya nga lang, tumagal lang ‘yong pagiging wholesome nito ng ilang segundo dahil bigla niyang pinasok ang dila niya sa bibig ko. Pagkatapos ay bumalik din siya sa tainga ko. “Can you just suck it, babe?” bulong niya na nagpataas ng buhok ko sa batok. “Please? Kahit isang beses lang.” Talaga, Kyle? Isang beses lang? The last time I checked, you almost choked me a few times with your d*ck. Oo’t nagawa ko na ng ilang beses ang hinihiling niya ngayon dahil sa paulit-ulit niyang pakiusap sa ‘kin na kapag hindi napagbibigyan ay nagtatampo. “I’m sorry, hindi talaga okay sa ‘kin,” nag-aalangang saad ko, takot na maulit ang madalas mangyari noon. Pagkatapos ko kasi siyang kainin ay agad akong sumusuka. Nakakailang toothbrush at mouthwash din ako at kapag nakikita ko ang mukha sa salamin ay nandidiri ako sa sarili. “Dapa ka na lang,” sabi naman niya, para bang nakahanap agad ng solusyon. “Babe—” “’Di ba mahal mo ‘ko?” Nanlamig ako sa tanong niya. Napabuntong-hininga at imbes na tanggihan ulit siya, ginawa ko na lang ang gusto niya. Sinabi ko naman na sa kanyang hindi ako kumportable sa mga ganitong ginagawa namin lalo na’t bukod sa nasa kabilang pinto lang ang mga magulang ko, hindi pa kami kasal. Pero kapag magkasama kami, palagi na lang siyang nakakalimot. Kabisado ko na nga ang sasabihin niya pagkatapos nito. Sorry. Sabi ko naman sa ‘yo magsabi ka kapag hindi ka kumportable. I just want to show you how much I love you. Naramdaman ko na lang nang pumatong siya sa likuran ko. He started grinding his manhood against my butt in a rhythm only him understood. “Tuwad ka pa,” sabi niya at para akong robot na sumunod sa kanya. Nagbibilang na lang ako sa isip ko, naghihintay hanggang sa matapos siya. Hindi ko alam pero ang dami kong reservations pagdating kay Kyle kahit ilang taon na kaming magkasama. I don't feel right about doing these things with him. Alam ni Kyle na isa ako sa mga babaeng gustong maghintay ng kasal bago makipag-s*x. Para sa ‘kin ay sagradong bagay kasi ito na dapat ay sa asawa mo lang ginagawa, sa taong makakasama mo habambuhay. Pumayag naman siya at natuwa noong nalaman niyang ganitong klase akong babae. Bihira na lang daw kasi ang tulad ko kaya maswerte siya. Nagpatuloy siya sa panliligaw sa ‘kin pati sa mga magulang ko. Kaya nga kahit highschool pa lang kami, dahil may tiwala ako sa kanya, ay sinagot ko siya. First boyfriend ko siya, at first girlfriend din niya ‘ko. Sobrang gentleman niya noon. Pero nagbago siya sa pagdaan ng bawat taon. Mula sa simpleng paghawak ng kamay, napunta kami sa paghalik sa pisngi at labi. Hindi ko na rin maalala kung paano kami napunta sa paghawak ng mga pribadong parte ng katawan namin. And then we even reached a point wherein we started experimenting things without actually doing it. Parang lahat na yata ay nagawa namin bukod sa penetration dahil hindi talaga ako pumapayag. Naramdaman ko ang paghampas ni Kyle sa pisngi ng pwet ko, I let out a soft moan just to give him the satisfaction. Binaba niya ng bahagya ang suot kong shorts sa likod, tinaas din niya ang t-shirt ko. Lalo niya ‘kong pinatuwad at mas bumilis at lumakas ang pagbayo niya sa likuran ko. Mukhang patapos na siya kaya naghahanda siya ng pwede niyang putukan. At ilang sandali lang, naramdaman ko ang malamig na likido sa likuran ko bago siya bumagsak sa tabi ko. “Sorry, babe. I just want you to feel how much I love you,” may lambing ang tono niya. Mukhang umayos na ulit ang mood niya. “Ikaw naman,” dagdag pa niya. “Okay na ‘ko,” sabi ko at hindi naman na siya nakipagtalo pa tulad noon. Kumuha lang siya ng wet wipes sa cabinet ko, pinunasan ang likuran ko na naging protocol na namin. Tumayo siya pagkatapos at lumabas ng kwarto para dumiretso sa banyo. Inayos ko naman ang sarili maging ang kama ko dahil baka biglang sumilip sina mama’t papa at maabutan itong gulo-gulo, ano pa ang isipin. Ayon lang ay nalaglag ko ‘yong wallet ni Kyle nang pagpagin ko ang kumot. Mabilis ko itong pinulot kaya lang may nalaglag mula rito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung ano ito. It’s a condom. Hindi ako nagulat dahil nakakita ako ng condom. Nagulat ako dahil balot na lang ito – wala ng laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD