Prologue

530 Words
PROLOGUE Venus Sebastian “Take this!” Nanginginig kong kinuha ang inabot ng asawa ko. A cheque. “That’s twenty million! Sapat na ba ‘yan para ‘wag kang magpakita sa akin habang buhay!?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Doon lang ako nakatingin sa tseke na hawak ko. Sobrang pagpipigil sa pag-iyak ang ginawa ko. Ayaw ng asawa ko sa babaeng iyakin kaya hangga’t maaari ay pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Pero isang masakit na salita na lang siguro ang marinig ko ay siguradong papatak na ang luha ko dahil nararamdaman ko na ang pamamasa ng mata ko. “Don’t’ever come back to my life… kung ayaw mong maging mala-impyerno ang buhay mo!” Nang marinig ko iyon ay awtomatikong tumulo ang luha ko na napatak pa sa hawak kong cheque. Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at nagtama ang tingin naming mag-asawa. “Ace… please makinig ka muna sa akin. Hindi ko talaga alam kung paano nangya—” “D*mnit!” sigaw ni Ace. Napapitlag pa ako at iniwas ang tingin at ibinalik doon sa cheque na basa na dahil sa mga tulo ng luha ko. “Don’t fool me, Venus! Ginawa mo na sa akin ‘yun… hindi ka pa nakuntento. Bakit? Dahil mas bata siya?! F*ck you!” dumadagundong na sigaw sa akin ng lalaki. Tinalikuran ako ng asawa ko at nagpunta doon sa table na nasa sulok ng kwarto namin. Tiningnan ko lang ang likod niya habang humahagulgol na nakaupo dito sa kama. Hanggang sa napatingin na lang ako sa mukha ni Ace nang muli siyang bumalik papunta sa akin na may hawak na envelope. “Sign this.” Pagkasabi ni Ace ay inabot niya sa akin ang envelope. Kinuha ko ‘yun at napatitig. Parang ayokong tingnan ang laman no’n. Matapos kong tingnan ang envelope ay naglakas loob akong iangat ang ulo at tiningnan ang gwapong mukha ng asawa ko. Puno ng pagtatanong ang mga luhaan kong mata. “Annulment papers yan. Sign that at ipa-iwan mo na lang kay manang. Don’t forget to sign that bago ka umalis ng mansion. Dahil kung hindi ay ipapahanap kita saang sulok man ng impyerno. Hinding-hindi na ako papayag na dalhin mo pa ang apelyido ko! Kapag balik ko dito mamayang gabi… Ni anino mo ay ayaw ko nang makita… Ikaw at isama mo na ang lola mo!” “Please, Ace… ‘Wag mo ng idamay si Lola… Wala na siyang mapupuntahan!” pagmamakaawa ko dahil wala naman akong balak na kunin ang cheque. “I don’t care kahit tumira pa kayo sa lansangan. Sign the annulment papers! Ako na ang bahalang mag-asikaso para mapadali ang hiwalayan natin. With my money and powers, kahit wala ang appearance mo ay maa-annul ang kasal natin! Just do what I say. Don’t. Ever. Come. Back!” Sobrang diin ng pagkakasabi ni Ace. Bawat salitang binitawan niya ay tumarak sa puso ko. Ang sakit! “Please, Ace!” tanging nasabi ko. Sobrang hina no’n at hindi ko alam kung narinig niya. “Nagsisisi akong pumayag na pakasalan ka!” Pagkasabi no’n ay tinalikuran na ako ni Ace at lumabas ng kwarto… iniwan na niya akong luhaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD