CHAPTER 1

2101 Words
MAVERICK took a deep breath as soon as he came out of prison. The police gave him a bag and guided him to the toilet. Pinalitan niya ang pang-preso niyang damit at nagpalit siya ng maayos na damit. Pagkatapos niyang magpalit ay lumabas siya. Dinala siya ng pulis na kasama niya sa Warden’s office at doon nakita niya si Mateo. Agad na tumayo si Mateo nang makita siya. “Boss.” Tinanguan niya si Mateo. “Mr. Salazar, don’t come back here again.” Sabi ng Warden. Ngumiti si Maverick. “As long as no one frames me again, I won’t come here, Warden.” The Warden just sighed and let him sign the paper before they would release him. “Dad believed that I killed that person and he didn’t believe that they only framed me.” Ani Maverick nang makasakay siya ng sasakyan. “Hindi man lang niya ako binisita sa kulungan.” “Boss, isang taon ka ring nakulong. Hindi ko na tatanungin kung ano ang naging buhay mo sa loob ng kulungan.” Sabi ni Mateo at pinaandar ang makina ng sasakyan saka ito pinaharurot. Si Mateo ay ang kanang-kamay ni Maverick. Ito ang lahat ng gumagawa ng mga ipinag-uutos ni Maverick. At ito rin ang nag-imbistiga tungkol sa totoong nangyari kung bakit nakulong si Maverick. Maverick was framed by his father’s business competitor. Now that he’s out of jail, he will make those people who framed him suffer. More than what he suffered in the jail. “Anong plano mo, Boss?” tanong ni Mateo. “What did the old man say?” Maverick asked. “Gusto ka niyang umuwi sa mansyon niyo.” Maverick rolled his eyes. “Now he remembered me.” Naiiling niyang saad. Ever since his mother died when he was in grade school, his father has paid less attention to him. Mas lalo na ng mag-asawa itong muli at magkaroon ng anak sa bago nitong asawa. He was like, he became a sore in his father’s eyes. Ramdam niya na wala itong pakialam sa kaniya at hindi niya maintindihan kung bakit. “Actually, Boss, gusto kang bisitahin ni Young Master Marius pero ayaw siyang payagan ng ama mo. Ilang beses ring tumakas ang kapatid niyo pero lagi siyang nahuhuli ng mga tauhan ng ama mo.” Sabi ni Mateo. Mas lalong napailing si Maverick. “Malapit sa akin ni Marius kahit pa ganun ang pakikitungo sa akin ng sarili kong ama.” “It seems that Young Master Marius is closer to you than to your father.” Bumuntong hininga si Maverick. “Huwag mong sasabihin ‘yan sa harapan ng ama ko.” Tumango si Mateo. Pagdating ni Maverick sa mansyon. Hindi niya inaasahan si Marius na tatakbo patungo sa kaniya. “Kuya!” Marius hugged Maverick. Hindi na nagulat si Maverick dahil sanay na siya sa half-brother niya. Marius is so clingy to him. “Marius, alam mo naman na ayaw na ayaw ng ama mo na lumalapit ka sa akin. He will scold you again or ground you.” “It’s okay, Kuya. At least, nandito ka na ulit. Dad never lets me visit you in jail.” Lumungkot ang mukha ni Marius. Tinapik ni Maverick ang balikat ng kapatid niya. Aakyat na sana si Maverick sa hagdan para magtungo sa kaniyang kwarto nang marinig niya ang boses ng kaniyang ama. “You’re here.” Hindi lumingon si Maverick. “Talaga ka bang hindi ka haharap sa akin, Maverick? Kinakausap kita. You’re already old enough to know what respect is.” “Respect?” Maverick scoffed. “Okay, I’ll respect you since you are my father.” Diniinan niya ang huling salitang binitawan niya. Humarap siya sa ama niya at nakita niyang nakaupo na ito sa sofa. “Come and sit with me.” Maverick obeyed and sat down on the long sofa. “It’s a good thing that you are now out of jail.” “Yeah, your loser son is now out of jail, daddy.” “Maverick.” His father warned him. “What? Iyon naman ang sinasabi ng lahat hindi ba?” Sabi ni Maverick. “And I already accepted it. I don’t care anymore what they call me.” Walang emosyong niyang saad. “What do you want to tell me? I’m tired and I want to rest.” Marshall shook his head while looking at Maverick. “Hindi ka talaga nagbago, Maverick. You are still the loser son I know,” he said. Ngumisi lang si Maverick at hinintay ang sasabihin ng kaniyang ama. “I arranged a marriage for you.” Agad na napatingin si Maverick sa ama. “What?” “In this way sana magbago ka.” Seryosong saad ni Marshall sa anak. “Magbago?” tanong ni Maverick. “Anong babaguhin ko?” “Iyang mga ugali mo. You are not hardworking enough to earn on your own. Umaasa ka lang sa akin. Matanda ka na, Maverick. Huwag kang umasa sa akin. Kung hindi lang kita anak matagal na kitang pinabayaan.” Biglang tumayo si Maverick. “As for the arranged marriage, okay, I agree. Pero sa mga huling sinabi mo, ito lang ang masasabi ko, hindi ako umasa sa ‘yo. Simula ng mamatay si mommy pinabayaan mo na ako. It was my grandfather who raised me up. It’s not you.” Aniya. “Ikaw…” dinuro siya ng kaniyang ama. Tumaas ang sulok ng labi ni Maverick. “Huwag kang mag-aalala dahil simula ng pinabayaan mo ako, inisip ko na lang na hindi niyo ako anak ni mommy.” Aniya at iniwan ang ama sa sofa. “Maverick!” Hindi niya pinansin ang ama na tinawag ang pangalan niya. Nilagpasan rin niya si Marius na nasa paanan ng hagdan. “Kuya…” Dire-diretso lang si Maverick. Nang makarating siya sa sarili niyang kwarto, ini-lock niya ang pinto. Napabuga siya ng hangin. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka tinagawan si Mateo. “Let’s go somewhere later.” “Yes, Boss.” EVELYN just got off from her day job and now she’s going to her night job. In the day, she works at the Finance Company, while at night she works as a waitress at the restaurant. This is her daily routine. Though she was born from a rich family, she’s not rich at all. Compare it to her elder sister who enjoys all the luxury, while she has got nothing. Kailangan niyang magtrabaho para sa sarili niya. Hindi nga niya alam kung bakit walang pakialam sa kaniya ang pamilya niya. Minsan inisip na rin niya na hindi siya anak ng magulang niya dahil magkaiba silang itrato ng kapatid niya. She sighed after getting off of the bus. “Great…” she murmured when it suddenly rained. Mabuti na lang at lagi siyang may dalang payong. Nagpayong na lang siya patungo sa restaurant na pinagtatrabahuan niya. Pagdating niya doon agad siyang nagpalit ng uniform ng isang waitress at nagsimula sa kaniyang trabaho. Kung tutuusin kasya naman ang sweldo niya galing sa Finance Company na pinagtatrabahuan niya pero kailangan niyang magdoble kayod. Gusto niya kasing makaipon ng pera para makapagpatayo ng maliit lamang na negosyo. Wala na siya sa poder ng kaniyang magulang dahil pagka-graduate niya ay agad siyang umalis. Nakatira siya sa isang maasyos na apartment. Umalis siya dahil hindi niya kaya ang ginagawa ng kaniyang ina at kapatid sa kaniya. Sobra pa sa katulong ang pinapagawa ng dalawa sa kaniya. Her father says nothing at all. Hinahayaan nito ang ina at kapatid na tratuhin siya mas malala pa kaysa sa isang katulong. Hindi siya nakatiis kaya naman umalis siya dahil hindi na niya talaga kaya. Her family doesn’t care about her at all. To make it to college, she needed to work on her own just to provide money for her studies. Dahil walang binibigay na pera ang pamilya para panustos niya sa kaniyang pag-aaral. Lahat ng luho ay ibinigay ng mga ito sa kapatid niya. Fortunately, after the hardships, she graduated. “Evelyn, pakibigay sa table 3.” Tumango si Evelyn saka itinulak ang trolley patungo sa table 3. “Here’s your order, sir.” Aniya saka inilagay ang mga pagkain sa lamesa. Hindi niya masyadong binigyang-atensiyon ang dalawang customer na lalaki. Basta inilagay niya ang order ng mga ito saka siya umalis. At table 3, Maverick and Mateo are sitting. Maverick couldn’t help himself from smiling while looking at the waitress named ‘Evelyn’. Hindi man lang ito tumingin sa kaniya. Basta inilagay nito ang mga orders sa lamesa at umalis na ito. “Interesting.” Aniya. Maganda ang babae pero halata na parang may malalim itong iniisip habang nasa trabaho ito. “Boss, sinong tinitignan mo?” tanong sa kaniya ni Mateo. He looked at the woman named ‘Evelyn’. “She’s indeed beautiful.” Ani Mateo. Sinamaan ni Maverick ng tingin si Mateo. Tumikhim naman si Mateo saka nag-iwas ng tingin nang makita ang masamang tingin sa kaniya ng Boss niya. “But too bad, I agreed to my father’s arrangement.” Ani Maverick saka napabuntong hininga. “You agree, Boss?” Maverick nodded. “Kaya ako nagpasama sa ‘yo na kumain. Wala akong gana kapag kumakain ako sa bahay ng ama ko.” “Boss, you have your own house.” Sabi ni Mateo. “Even so.” Nagkibit ng balikat si Maverick. “It’s still lonely when I’m alone. Yeah, maybe it's time for me to have my own family.” Aniya saka nagsimulang kumain. Maverick glanced at the waitress who caught his attention. For the first time since his mother died, he smiled genuinely. Napailing naman si Mateo sa nakikita niya sa Boss niya. Hindi na siya magtataka kung isang araw, baliw na ito. Nakangiti ng mag-isa, eh. After Evelyn was done to her work, nagpaalam na siya sa mga katrabaho niya at sa Boss niya na mauuna na siya. Medyo may kalayuan kasi ang apartment niya sa restaurant na pinagtatrabahuan niya. Naglakad siya patungo sa hintayan ng sasakyan. Tumila na ang ulan kaya naman bumalik sigla ang paligid. Puno ng mga ilaw ang paligid kaya naman kahit gabi na hindi nakakatakot ang maglakad ng mag-isa. Mag-isa lang siya sa may hintayan ng sasakyan nang may dumating na isang lalaki. Medyo lumayo siya. Ayaw niyang napapalapit sa mga lalaki. They’re dangerous. Pero pasimpleng pinagmasdan ni Evelyn ang lalaki, mukha naman itong hindi ito gagawa ng masama pero sa ganitong oras ng gabi, kailangan niyang mag-ingat lalo at uso ngayon ang k********g. Maraming mga babae ang nawawala. Wala namang masama kung mag-ingat siya. Biglang tumingin sa kaniya ang lalaki kaya naman agad siyang nag-iwas ng tingin. At nagkunwaring may tinitignan sa cellphone. Nang may paparating na bus at tumigil, agad siyang sumakay. Sunod na sumakay ang lalaki. Punuan na ang bus at tanging sa tabi na lang niya ang bakante kaya doon umupo ang lalaki. Nasa tabing bintana siya at nasa tabi naman niya ang lalaki. “You know that it’s dangerous for girls to be alone at night.” Biglang sabi ng lalaki. Itinuro ni Evelyn ang sarili. “Ako ba ang kinakausap mo, sir?” “Malamang. Ikaw lang naman ang katabi ko.” Tugon sa kaniya ng lalaki. “Oh. Alam kong delikado pero kailangan kong magtrabaho.” Sabi ni Evelyn. “Bakit ba kita kinakausap?” Bulong niya sa sarili. “Hindi ko naman siya kilala.” Tila narinig naman ng lalaki ang sinabi niya dahil bigla nitong inilahad ang kamay at nagpakilala. “Maverick. And you are?” Tinignan lang ni Evelyn ang kamay ng lalaki. “Ayaw kong sabihin ang pangalan ko. Hindi naman kita kilala.” Natawa ng mahina si Maverick saka ibinaba ang nakalahad na kamay. “Okay. I won’t force you to tell your name.” Aniya. Kumunot ag nuo ni Evelyn saka tinignan ang lalaki. Gwapo ito at naaamoy niya ang mabango nitong amoy. Tumikhim si Evelyn. Even so, hindi naman masasabi na mabait siyang tao. Sabi niya sa sarili niya saka tumango. Nang makarating siya sa babaan, nagbayad siya at bumaba. Tumingin siya sa pwesto kung saan siya nakaupo kanina at doon nakaupo na ngayon ang lalaki. Kumaway pa ito sa kaniya na para bang close sila. Evelyn just shook her head and headed to her apartment. She locked the door after she got in. Agad siyang dumeretso ng kwarto at hindi na siya nag-abalang kumain ng dinner. Marami naman siyang kinain kaninang lunch. Nasanay na siyang hindi kumakain ng dinner dahil sa trabaho niya. Evelyn yawned and threw herself on the bed. And fell asleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD