bc

Seducing My Bodyguard

book_age18+
38.3K
FOLLOW
234.1K
READ
billionaire
possessive
sex
CEO
drama
bxg
first love
bodyguard
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Coleman Series #1 - Alexander Oren Coleman

WARNING: MATURE CONTENT (R18+)

Si Naime Jean Villa ang nag-iisang anak ng isang senador ng Pilipinas na si Raoul Villa. Dahil sa trabaho ng kanyang ama, laging nasa kapahamakan ang kanyang buhay at kailangan niya ng bantay. Simula pa noong bata ay nasanay na siya na may kasama siyang mga bodyguards, pero nang mag dalaga na siya ay hindi na niya ito nagugustuhan.

She want freedom. Hindi siya nakakapag-enjoy dahil may kasama siyang mga bodyguards kaya para matupad ang kanyang gusto, tinakasan niya ang mga ito.

Nalaman ng kanyang ama ang ginawa niya kaya nag hired ito ng isang bodyguard na hindi niya mahihindian at matatakasan... Si Alexander “Alec” Oren Coleman, ang kanyang first love.

Simula pa noong bata pa si Naime ay may crush na siya kay Alec, pero malayo ang agwat nila sa edad at masyado rin itong seryoso sa buhay. Dahil may pagkakataon na siyang mapalapit sa lalaki, gagawin niya ang lahat para lang mapasakanya ito.

She will seduce her bodyguard.

Kakagat kaya si Alexander Oren sa pang-aakit ng isang spoiled brat na si Naime Jean Villa?

chap-preview
Free preview
Episode 1
Episode 1 Naime's POV. “Naime Jean Villa!” Napapikit ako at napakagat sa aking labi nang marinig ko ang malakas pagsigaw ni Daddy. Galing akong party sa favorite club ko at 1 A.M na ako nakauwi dito sa bahay. Akala ko hindi uuwi si daddy kaya ako nagpalate ng uwi. Nilingon ko si Daddy at pinakita ang pinakamaganda kong ngiti. “Hi, dad!” Bati ko rito kahit kinakabahan na ako. Tinignan niya ako ng masama habang nakapameywang sa aking harapan. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na ‘wag na ‘wag kang aalis ng bahay nang walang dala na bodyguards?!” sigaw niya. “Dad! Nakakairita na kasi sila. Sabi ko naman na ‘wag masyadong dumikit sa akin, hindi naman nakikinig!” nakanguso kong sabi. Naintindihan ko naman kung bakit kailangan akong may kasamang bodyguards everytime na umaalis ako. My dad is the former mayor and governor in our place. At ngayon, isa na siya sa paboritong senator ng mamamayang Pilipino. Plano na rin ni Dad na tumakbo bilang bise presidente sa susunod na elekson. Kaya mas lalong pinapahigpit ni Daddy ang siguridad ko kasi marami siyang kalaban sa politika. Bata pa lang ako ay may nakabuntot na sa aking mga bodyguards at maids. “Don't wait me to ground you Naime!” galit na sabi ni Daddy. Napanguso ako at napakapit sa braso ni Dad. “I’m sorry na po, daddy. I promise po na hindi na mauulit.” Pagpapacute kong sabi. Ako lang ang kaisa-isang anak ni Daddy at sobrang spoiled talaga ako sa kanya. Kami na lang kasi ang magkasama kasi matagal ng patay si Mommy. Nakita ko siyang napabuntong hininga at napatango. “Fine! Basta ‘wag ka na maging pasaway next time. Matulog ka na.” Napangiti ako at mabilis na hinalikan si daddy sa pisngi. “You are the best, daddy! I love you!” sabi ko at patakbong pumunta sa aking kwarto at nagpahinga na. Nagising ako sa ingay ng aking cellphone. Mabilis ko itong kinuha at sinagot kahit inaantok pa ako. “Girl, punta ka rito sa Royal night club mamayang 10 PM ng gabi!” Rinig kong sabi ng aking kaibigan na si Isabelle. Napakusot ako sa aking mata at napatingin sa orasan. 12 PM na ng tanghali. “Ano bang meron, Isabelle?” tanong ko sa kaibigan ko sa kabilang linya. “Balita ko nandito mamaya sila Gelo! Kailangan mong pumunta para magkita kayong dalawa!” Bigla akong nabuhayan sa sinabi ng aking kaibigan. Si Gelo ay dati kong ka fling at bigla nalang akong ginost. Galit na galit ako sa kanya kasi natapakan niya ‘yung pride ko. Dapat ako ‘yung unang mang-iwan eh! Bakit niya ako pinangunahan? Nalaman namin ni Isabelle na may girlfriend na pala ito kaya tinigil na ang paglandi sa akin. Pero mamaya ay babawi ako at maghihiganti. Tignan lang natin kung maging masaya pa sila sa gagawin ko mamaya. “Okay, girl. Pupunta ako mamaya diyan. Pwede bang sunduin mo ako sa labas ng subdivision? Tatakas ako.” Hindi pwedeng malaman ni Daddy na aalis ako mamaya. Kailangan kong mag-ingat at baka pagbawalan na talaga ako ni daddy gumala forever! Hindi rin ako magdadala ng bodyguard. Sakit sila sa ulo at dahil din sa kanila napapahamak ako at hindi ako nakakapag enjoy ng sobra! Masaya akong lumabas sa aking kwarto pagkatapos kong makapagligo at makapag-ayos. Nakita ko agad si daddy sa may living room na may binabasang papers. Napanguso ako. Wala ba siyang trabaho ngayon sa senate? “Daddy!” Tawag ko sa kanya ng makalapit ako. Mabilis ko siyang hinalikan at umupo sa kanyang tabi. Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin habang nakangiti. “Gising ka na pala, Naime. How was your sleep?” tanong niya. Maliit akong ngumiti. “Okay lang po, dad. Medyo masakit ang ulo ko ngayon pero maayos naman po ako.” “Inom ka kasi nang inom. Alam mo naman na hindi maganda ‘yan sa katawan mo pero ginagawa mo pa rin.” Pangaral ulit ni daddy sa akin. Napanguso ako at napakapit sa braso niya. “Daddy naman! Hindi naman lagi, eh. Matanda na po ako at kaya ko na ang sarili ko.” Nakangiti kong sabi. Napailing nalang siya at muling binalik ang atensyon sa pagbabasa. Akala mo talaga hindi rin pala inom noong kabataan niya, eh! Kwento kaya sa akin ni Tita Rachel na palagi raw nasa bar noon si Daddy kasama si Tito Anderson. Sa kaniya ko lang naman namana ito. “Daddy, wala ka bang trabaho ngayon?” tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin at sinagot ang aking tanong. “Meron. Mamaya akong hapon pupunta sa office. May kailangan din akong puntahan mamaya sa senate kaya magiging busy ako at hindi makakauwi mamaya.” Para akong nanalo sa lotto sa aking narinig. Pero hindi ko pinakita sa kanya na masaya ako. Baka kasi magtaka si Daddy at baka hindi ako makatakas mamaya. “Ganun po ba…” Napatingin siya sa akin. “Huwag kang tatakas, Naime. Mapaparusahan na talaga kita!” Napanguso ako ulit at napasandal sa balikat ni daddy. “Oo na po! Hindi na nga.” Pero joke lang, Dad. Naghintay ako bago makaalis si daddy sa bahay. Sinabi ko rin sa yaya ko at sa guard ko na hindi ako magpapaistorbo sa kwarto kasi maaga akong matutulog kasi masakit pa rin ang ulo ko. Sa may bintana ako dumaan at sa likod ng bahay ako dumaan palabas sa amin. Patakbo akong lumabas sa subdivision at nakita ko kaagad ang sasakyan ni Isabelle. “Omg! Finally! Mag sa-start na ang party, girl!” sabi niya at nagmadaling pinaandar ang kotse. Sumakay na rin ako at pumunta na kami sa club. Pagkapasok ng pagkapasok namin sa loob ay narinig ko kaagad ang maingay na hiyawan ng mga tao at ang malakas na ingay ng music na pinapatugtog ng Dj. “Party! Party!” sigaw ni Isabelle at kumuha ng maiinom naming dalawa. Pagkatapos niyang makakuha ay binigyan niya ako at sabay naming ininom ito. Naghiyawan kaming dalawa at napaindak na rin kagaya ng ibang tao. “Girl, si Gelo!” Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin kay Gelo na malapit lang sa kinatatayuan namin ni Isabelle. Napangisi ako nang makita ko lang itong mag-isa. “It’s showtime!” sabi ko at lumapit kay Gelo. “Hi, Gelo!” Bati ko ng makalapit ako sa kanya. Natigilan siya sa pag-inom ng alak nang makita ako. Nakita kong bahagya siyang nagulat sa presensya ko. Nakasuot ako ngayon ng fitted backless red dress at tinernohan ng red high heels at red lipstick. “N-Naime?” Ngumiti ako ng nakakaakit at tinabihan siya. “Bakit ka mag-isa, Babe?” mapang-akit kong tanong sa kaniya. Nakita ko siya na napainom agad sa kanyang alak. Lihim akong napangisi. Magsasalita na sana ako nang may bigla akong narinig na putok ng baril. Natigilan ang lahat at napasigaw. “Naime!” nakita ko kaagad ang kaibigan kong si Isabelle na patakbong papalapit sa akin. “W-What happened?” “L-Let’s get out of here! Ikaw ang pakay nila!” natatarantang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo. Patakbo kaming pumunta sa emergency exit ng club at dumiretso sa parking lot. “Isabelle, Go! Go! Go!” sigaw ko nang may makitang dalawang lalaki sa likuran ng sasakyan namin. Pinaandar naman ito ni Isabelle at mabilis na pinatakbo. Napatingin ako sa likod at laking gulat ko nang may makitang kotse na humahabol sa amin. “Tang ina! Isabelle, bilisan mo!” taranta at naiiyak kong sabi. “f**k! f**k!” sigaw ni Isabelle. “Isabelle, focus!” Mas binilisan pa ni Isabelle ang pagpapatakbo sa kotse at nag over take na. Marami kaming naririnig na bosena pero wala na kaming pakialam. Ang nasa isipan lang namin ngayon ay matakasan ang sumusunod sa amin. Muli akong napatingin sa likuran at nakitang papalapit na ito sa amin. “Isabelle!” “What?!” sigaw niya at tumingin rin sa likuran. Napatingin ako sa harapan at laking gulat ko nang may papalapit na truck sa amin sasakyan. “Isabelle!” Sinubukan na umiwas ni Isabelle pero masyado na itong malapit sa amin. “AHHH!” Naramdaman ko ang malakas na impact nang pagbangga sa amin. Duguan si Isabelle ngayon at nakapikit na ang mga mata nito at hindi na gumagalaw. Maraming dugo na nakakalat ngayon sa kanyang mukha. Gusto ko siyang lapitan pero may nakadagan sa akin na mabigat na bagay at naramdaman ko rin na may matulis na bagay na nakatusok sa may hita ko. Hina akong napapikit at napadaing hanggang sa nawalan na ako ng malay. “Hijo de puta! Gawin niyo ang lahat mahanap lang ang nagtangkang pumatay sa anak ko!” Nagising ako sa ingay na aking naririnig. Napahawak din ako sa aking ulo nang maramdaman ang sakit nito. Hinay-hinay akong napamulat sa aking mga mata at bahagyang nagtaka nang makitang nasa isang unfamiliar room ako. Napagtanto kong nasa isang hospital pala ako at nandito kami sa isang private room. “A-Anak?” Nakita ko si Daddy na nasa aking tabi. Gusto kong galawin ang aking katawan at maupo pero hindi ko kaya. Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking katawan. “W-Where am I?” hina kong tanong. Hinawakan ni Dad ang aking kamay at tinignan ako. “You’re in hospital. Wala bang masakit, anak?” Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko ang huling nangyari sa akin, sa amin ng kaibigan ko. “Where’s Isabelle?” “She’s recovering, don’t worry.” Nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Nakita ko si daddy na napahawak sa kanyang noo. “Hindi muna kita pagagalitan ngayon kasi bago ka pang gising. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na may bago ka ng bodyguard.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Daddy, kaya napakunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya ngayon. “W-What? Who?” “Alec,” sabi ni Daddy at napatingin sa kanyang likuran. Napakunot naman ang noo ko at sinundan ang kanyang tingin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang lalaking pumasok ngayon sa aking kwarto dito sa hospital. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Tulala lang ako habang nakatingin sa kanya na papalapit sa amin ni Daddy. Hindi ako makapaniwala! It’s Alexander Oren Coleman! My long time crush! “This is Mr. Alexander Oren Coleman, your new bodyguard.” Napatingin sa akin si Alec. “Nice to meet you, Miss Naime. I’m your new bodyguard.” Malamig na sabi nito. “From now on, hindi ka na pwedeng lumabas ng bahay na walang bodyguard, understand?” matigas na sabi ni Daddy. Tulala akong napatango at hindi pa rin makapaniwala sa aking nakita. Alec is my new bodyguard!!! TO BE CONTINUED...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.1K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
429.4K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
196.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook