Chapter 1

1144 Words
DAHLIA Tangan ko ang isang bouquet ng kulay pulang rosas habang naka-hawak sa matigas na braso ng aking partner at sobrang guwapo na si Billy suot ko ang infinity dress na hangang talampakan ang haba at ramdam na ramdam ko ang galak sa mga ngiti ng taong nakatingin sa amin. Feel na feel ko ang paglalakad sa gitna ng altar. Kahit hindi naman talaga ako ang bride. “Bestie! Bagay kayo!” kinikilig na pahabol ni Flora nang dumaan kami sa upuan niya. Bahagya ko siyang hinampas ng bouquet ko. “Yeah! I know right!” Kinikilig din na sagot ko sabay baling sa katabi kong hindi lang guwapo sobrang bango pa! Ngumiti siya sa akin kaya para akong bulateng inaasinan habang papalapit na kami sa upuan namin. Nang maghiwalay kami ni Billy ay pasimple akong kumaway sa kanya. “Kung ganyan ka lumandi matatakot sa’yo ang matinong lalaking pangarap mo. Eh malayo pa lang para kang may kikiyo sa puwet kung maglakad.” Litanya naman sa akin ni Trish, nakataas na naman ang kilay nitong pinaglihi sa sama ng loob. Isa din siya sa mga besties ko na kasalungat ko ng ugali ngunit loyal pa rin kami sa isa’t-isa. “Ano kaba? Alam mo naman hindi ako expert sa bagay na yan.” Simangot na sagot ko sa kanya. Natahimik lang kami nang si Lanie na ang nasa bridal march. Kinuha ko ang phone ko at kinunan ko siya ng video. “Napakaganda ni Lanie ano?” nangingilid ang luhang sambit ko. Ito ang apat na beses na umiyak ako sa wedding ng mga kaibigan ko. Paano ba naman kasi, kinasal na silang lahat at ako na lamang ang hindi pa. Na-iingit ako ngunit anong magagawa ko? Hindi ko pa rin nakikilala ang lalaking bibihag sa aking puso. Hindi naman ako pihikan at marami din naman akong manliligaw ngunit ewan ko ba! Kahit gaano pa sila kapogi at kayaman parang may kulang! Sa isang garden resort napili ni Lanie at George na ganapin ang kanilang wedding reception. Nandito na kaming lahat at sila na lamang ang hinihintay namin dahil magre-retouch pa si Lanie. Pagdating nilang dalawa ay nagkaroon muna ng intermission number sa couple na pinalakpakan naman naming lahat. Pagkatapos ay kumain na kami. Kaunti lang ang kinain ko dahil nasarapan ako sa white wine na kanina pa inililibot ng waiter. “Balak ata tayong lasingin ng bride at groom.” wika ni Trish na panay naman din ang kuha ng wine sa tray ng waiter. “Oo nga, umuulan ng alak.” segunda naman ni Flora. Habang ako naman ay nakatingin lang sa couple na sweet na nagsasayaw sa gitna ng maliit na stage. “Mukhang inggit na naman ang beshy natin, ayaw pa kasing mag-asawa nang sa ganun matikman naman niya ang luto ng diyos!” Simangot na napunta kay Flora ang tingin ko dahil ako na naman ang ginawang pulutan nila. Nanahimik na nga ako dito eh. “Alam mo Dahlia, ang lalaki okay lang sa kanila forty’s magkaroon ng asawa pero ang babae kapag ganun kang edad mag-aasawa baka may sapot na yang matress mo at hindi na makagawa ng bata. Hindi lang yun baka magkaroon pa ng deperensya ang magiging anak mo. Huwag naman sana.” pananakot na naman ni Trish. “Ano na naman ang pinag-uusapan niyo dito?” tanong ni Lanie na hindi ko namamalayang nakalapit na pala sa amin. Na kay billy kasi ang attensyon ko na kanina pa lumalandi. Hindi sa babae kundi sa groom’s men. Kahit kailan talaga hindi ako binibigo ng pang-amoy ko. Sayang ang lahi teh! “Ito kasing friend natin, kanina pa tulaley sa inyong dalawa ni George.” Napabuntong hininga ako at inubos ang isang baso ng alak. Kung ganun lang ba kadali na humanap ng matinong lalaki eh kaya lang palaging may kulang talaga. Siguro nasa akin talaga ang problema. Ilang beses na rin nila akong binigyan ng ka-blindate kaya lang kung hindi tamad na tambay na palamunin ng magulang, guwapong saksakan ng angas at playboy, bookworm guy na puro libro ang laman ng isip ang pinapadate nila sa akin. “Besty, bigyan kita ng tips. Try mo kayang lumandi.” Wika ni Lanie na ikinatingin naming tatlo sa kanya. Paano ba naman kasi sa aming magkakaibigan siya lang naman ang pinaka-conservative tapos sa kanya pa namin maririnig ang bagay na yun. “Ikaw ba talaga yan Lanie?” Nakangising tanong ko sa kanya. “At sino naman ang lalandiin ko? Yung pinsan mong si Billy na lalaki din pala ang hanap?” nguso ko sa kanyang pinsan na ngayon ay nakatitig na sa lalaking kausap at may paghawi pa ng kanyang patilya. “Alam niyo kahit ganyan yan si Dahlia, hindi niya kayang lumandi ng lalaki kaya tangapin na lang natin na mag-isa sa buhay ang kaibigan natin sa pagtanda.” Naiiling na sabi ni Trish. “Enough! Sino bang may sabi sa inyo na single ako ha?” may pagyayabang kong sabi na ikina-awang ng labi nilang tatlo. Naibuga pa ni Flora ang iniinom niyang wine dahil sa sinabi kong kasinungalingan lang naman talaga. “May boyfriend ka na?” hindi makapaniwalang tanong ni Lanie. Mayabang akong tumango sa kanya. “Oo naman! Makikilala niyo siya sa birthday ko. Huwag muna ngayon, it’s a surprise.” Nakangising sabi ko sa kanila. May dalawang lingo pa bago ang birthday ko. Gagawan ko na lamang ng paraan para tumigil na sila sa pangungulit sa akin. “You mean you found the one?” ulit ni Trish. Alam kasi nilang ang gusto ko kung sino ang una kong maging boyfriend yun na ang makakasama ko habang buhay. “Secret…basta…abangan niyo na lang.” pambibitin ko sa kanila. Nagtinginan silang tatlo na parang nag-uusap ang mga mata nila at parang ayaw nilang maniwala sa sinabi ko. Bahala na sila. Kailangan kong makahanap ng ihaharap sa kanila sa 30th birthday ko. Pagkatapos ng reception namin ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Sinundo si Trish ng asawa niya at si Flora naman ay kasama niya ang kanyang asawa na umalis na din. Naiwan ako sa parking lot na mag-isa. Malalim na ang gabi kaya minabuti ko ding umuwi na lamang sa condo. At bukas ko na iisipin ang kasinungalingan na sinabi ko sa kanila. Ngunit saan naman kaya ako makakakita ng matinong lalaki sa panahon ngayon? Eh kung umupa na lamang kaya ako at pagpangapin? Napasubo ata ako, malakas pa naman ang pang-amoy ng tatlong yun. Kapag fake boyfriend ang hinarap ko sa kanila siguradong makakatikim ako ng sabunot sa tatlong yun. Ako ang pinakamatanda sa aming apat kaya talagang minamadali na nila akong mag-asawa. Lalo pa ngayon malapit na akong lumampas sa kalendaryo. Kaya bahala na si batman! Pogi, mayaman, mabait, at mestizo yun ang alam nilang gusto ko sa lalaki. Kaya yun ang ihaharap ko sa kanila sa birthday ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD