bc

Kiss Me, Liar

book_age16+
78
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
goodgirl
sweet
bxg
lighthearted
brilliant
small town
coming of age
lies
classmates
like
intro-logo
Blurb

Matalino at gwapo, cliché man pero iyan si Akihiro. Ang dating classmate ni Myrtle na naging seatmate at kaibigan niya noong high school. May gusto siya kay Akihiro ngunit hindi niya ito masabi dahil sa layo ng agwat nila sa isa't isa, ang mas malala pa ay may girlfriend na ang binata.

Lumipas ang ilang taon at nagkita ulit sila, ngunit imbes na umamin at sabihin ang tunay na nararamdaman sa dating kaklase ay pinili ni Myrtle na bitawan ang mga katagang, "Sino po sila?"

Ito ang kwentong magtuturo sa lahat kung ano ang kayang gawin ng isang simpleng kasinungalingan. Kahit na ilang taon na ang lumipas simula noong ginawa mo ito.

chap-preview
Free preview
1st Lie
M Y R T L E It all began a few years ago before college. Senior high school pa lang ako noon. It was my golden years kaya hindi ko masasabi na hindi naging maganda ang mga taon na iyon para sa akin. Grade 11 and I was just 16 years old, ang pinakabata sa klase dahil nakalusot ako nung elementary. Some people say na advance ako, but for me it was just pure luck. Ang klase na ata namin ang best class ng school namin. Paano ba kasing hindi kung honor’s class kami. Lahat ng mga kaklase ko ay matatalino at lahat ay may maibubuga. Pero hindi kami nag-aaway-away. We have this thing called friendly rivalry inside the class and we enjoyed it so much that everything we do becomes comedic. Magagaling ang lahat kaya naman nagmistulan na lang akong ordinaryo sa klase namin. Sa singkwentang mga estudyante na lahat ay may talento na maipapakita, paano nga ba ako mangingibabaw? I don’t know. I never intended to be. Pero may isang tao, isang lalaki, na alam ko na alam niya ang sagot. It was a few years ago, on the first day of school. Lumipat ako ng university para mag senior high school. Mula sa isang simpleng national high school, ay lumipat ako sa University of Millan. Isang university na kumpleto ang lahat ng academic level mula kinder hanggang college. I got a scholarship kaya tinuloy-tuloy ko na lang. Maganda rin naman ang academic services nila. They are one of the top universities in the country… basta. Marami akong masasabing maganda tungkol sa university na ‘yun. Isa na rito ay ang top student nila na si Akihiro Lacsamana. Dahil transferee ako, hindi ko siya kilala. Wala rin akong kilala. Mabuti na lang at madaldal ang katabi ko, si Keisha. Because everyone was too early, I had to sit in the first row. Malapit sa pinto at ikalawa bago ang panghuling upuan. “Honor’s class nga ito,” I thought. Wala pang alas otso pero halos mapuno na ang mga upuan sa aga nilang dumating. “Hey, transferee ka?” sabi sa akin ni Keisha na kauna-unahan din na kumausap sa akin, “Ako nga pala si Keisha, at ikaw ay si…?” Inabot ni Kiesha ang kamay niya sa akin para makipag-kamay. “I’m Myrtle… Myrtle Sanchez.” “Woah, ang ganda ng name mo. Hi, Myrtle. Welcome sa UM,” bati niya. Mabilis kaming nag-click ni Keisha. Siguro dahil sa madaldal din ako ata pala-kaibigan din kagaya niya. Hindi nagtagal ay ipinakilala na rin niya ako sa iba pa niyang mga kaibigan. I met Jeremy, Daisy, and Amber for the first time. Katabi lang ni Keisha si Daisy habang nasa likod naman namin sina Amber at Jeremy since wala ng bakante sa harap nung dumating silang dalawa. I am quite good in socializing kaya hindi na nakapagtataka kung mabilis kong nakuha ang loob nilang apat. Ilang minuto rin ang lumipas at bigla na lang na tumahimik ang lahat. “Dumating na ba ang prof?” I asked, clueless of the possible source of the silence. Lumingon ako sa pinto, only to see a man with an ectomorph body type. Ibig sabihin ay may kapayatan siya na lalaki. He was quite tall, making him look a little more like a stick with a little bit of body mass. May labanos din siya na kulay na balat, and his lips was pinkish. Mas pinkish pa sa labi kong may guhit na brown sa gilid. “Ano pong kailangan nila?” tanong ko sa kanya sa mabait na tono ng boses. Nakasilip kasi siya sa pinto at malayo ang tingin sa loob na para bang may hinahanap. Noong una ay inakala ko na may kaibigan siya sa loob pero bigla na lang siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko at sinabi na, “Nothing.” Tapos ay ngumiti ng naiilang. Doon ko napagtanto na kaklase ko pala siya. He stayed and sat to that chair for about a few minutes bago ulit siya tumingin-tingin sa loob ng classroom. Bigla na lang siyang tumayo bitbit ang bag niya at lumipat sa kabilang column kung saan bakante rin and dulong upuan ng first row nila. “Hm, ang tahimik niyo ata?” tanong ko kay Keisha at Daisy na kani-kanina lang ay maiingay. Ganun din si Jeremy na although siya na lang ang nagsasalita ay medyo awkward na rin ang upo. They become so formal. “May problema ba?” Hindi ko na natiis at tinanong na ito. Hindi rin naman ako nabigo dahil mabilis akong sinagot ni Daisy. “Crush kasi ‘yun ni Keisha.” “Huy, hindi, ah,” pagtanggi niya, “Hindi naman sa crush ko siya, bilib lang ako sa talino niya,” paglilinaw ni Keisha. “Matalino naman ata tayong lahat dito, ah.” “No. No, no, no. Ibahin mo si Akihiro,” sabi ni Kiesha. “Akihiro? Japanese ba siya?” Ito kaagad ang unang tanong ko tungkol sa kanya kahit na hindi naman siya mukhang Hapon. “Hindi naman. It’s just his name,” sagot ni Daisy. “Sayang, Myrtle. Magkatabi na sana kayo.” Noong araw na ‘yun ay hindi ko pa gaanong gets kung bakit ganoon na lang sila makapag-salita tungkol kay Akihiro. They talked about him as if he is an idol. Someone who is far away reach na kung tutuusin ay nasa loob lang naman siya ng classroom namin. The teachers also favor him. Naalala ko pa kung gaano kasaya ang unang teacher namin nung pagpasok niya ay sumalubong sa kanya si Akihiro. Sa unang araw rin na ‘yun ay bumalik sa tabi ko si Akihiro. And since that day, we became seatmates. And I became the lady beside the batch’s top student. Halos hindi kami nag-uusap noong una. Although we tried to communicate, may mga sandali na nanghihingi siya ng papel o kaya ay nagtatanong. Nakakausap niya rin ang mga tao sa likod na naging classmates niya na pala during junior years. He was nothing but a classmate to me. Lumipas ang tatlong buwan. Mas naging kilala ko si Akihiro. Akihito Lacsamana. Besides being the smartest kid in the honor students’ class, he was also an awkward person. Hindi siya masyadong magaling makipag-usap sa mga kagaya kong kakikilala niya lang dahil masyadong malayo sa mga hilig ng normal na kabataan ang mga gusto niya. Gusto niya ang mga classical songs kaysa makinig sa pop songs. Masyadong pang-matalino ang mga libro niya kumpara sa mga libro kong puro teenage love lang ang tinatalakay. Matalino nga siya… pero hanggang doon na lang. It took us three months bago maging close. Kabaliktaran ng pagkakaibigan namin ni Kiesha na tatlong minuto lang ang ginugol upang mabuo. Mula sa simpleng paghingi ng papel hanggang sa paghingi ng ulam tuwing lunch. Nag-upgrade ng todo-todo ang pagkakaibigan namin ni Akihiro. Oh. I also passed the complete name phase and from Akihiro, I started calling him Aki. Pero kahit ganun ay hindi pa rin niya ako pinapakopya tuwing quizzes. “My father used to lock me up in my room with history books. He said he wanted a smart son,” sabi ni Aki sa amin noong minsan na hindi pumasok ang professor namin sa hapon at naisipan nila Daisy na tanungin si Aki kung bakit siya matalino. Pabirong tanong lang naman, pero sineryoso niya ang sagot. “But I’m already smart so I don’t think I have to read those bunch of books.” Maliban sa sabay kaming mag-luch ay dumating na rin kami sa punto na sabay na rin kaming bumili ng ulam sa tuwing wala akong baon. We were not really alone, we had Keisha and Daisy with us. But since we both were closer, madalas na ako ang una niyang nahihila palabas. We started to become even closer when a trendy word game became popular in the class. Dahil nga matatalino ang lahat ng nasa klase ay nagkaroon kami ng unintended rivalry sa laro kung saan nagpapataasan kami ng rank. Nagkataon naman na magaling ako sa word games. I was the second among the highest-ranking individual sa classroom namin. Second lang kasi medyo tamad akong maglaro and I am not the competitive type… pero competitive si Aki. Sometimes he would borrow my phone to play the game himself. Minsan pa nga ay pinagtutulungan namin. “Uy, iba na ‘yan!” “Myrtle, lumayo ka raw ng konti kay Akihiro. Masadyo raw malapit sabi ni Keisha.” “Ngiii! Si Aki may favoritism!” Iilan lamang ito sa mga naririnig kong tukso ng mga kaklase namin sa tuwing nasosobrahan kami sa paglalaro. Cellphone ko lang naman ang gamit namin kaya hindi maiwasan na lumapit siya sa akin o kaya ako ang lumapit sa kanya para makita ang screen. Kikiligin na sana ako sa mga panunukso nila. I mean, Aki is handsome and smart. Ano pa ang hahanapin at iaarte ko… maliban sa parte na may girlfriend na siya. But since she’s from another school, hindi sila madalas na nagkikita. Our closeness even began to deepen when he lent me his Pride and Prejudice classic book. Nabanggit ko kasi sa kanya ang mga tipo kong libro. Hindi ko alam na he was paying too much attention about it na pagkatapos ng Christmas break ay may dala na siyang libro para sa akin. Binasa ko naman, at nagustuhan ko. Simula nun ay hindi na siya nahinto sa pagpapahiram sa akin. My book preference evolved from simple pop fiction romance to classic books romance. Naging generous din sa akin si Aki. Napansin ko ito nung isang beses na dumating ako ng late sa klase at nagkataon na may oral recitation. I was not totally prepared and Aki whispered the answer to me kaya nakasagot ako ng maayos. Madalas din na ako ang nagsusulat ng script sa klase namin. Kaya nung nagka theatre project kami, ako na kaagad ang pinili nilang writer. And coincidently, Aki was the actor for the main character. “Paano mo ‘to naisip? I thought you don’t like aristocracy,” banggit niya sa akin noong unang beses kong pinabasa sa kanya ang script. “May isa kasi dyan na napapadalas ang pagpapahiram ng mga libro niya,” pagpaparinig ko. Aki chuckled. “I don’t know but I started imagining you wearing these fancy clothes na binabanggit mo dito sa script. I bet you’ll look good on them.” Simpleng mga salita lang naman ito. Pero iba ang simoy ng hangin na pumapalibot sa aming dalawa sa sandaling iyon. Siguro dahil mag-isa lang kami sa classroom, at magkaiba kami ng kasarian. A man and woman alone in a room while reading a romance story together… bakit nga ba sumagi sa isip ko na ang ganda ng mga salitang binitawan ni Aki? Hindi ko alam. Naisip ko lang na nag-iilusyon lang ako… or so I thought. Because after we won the theatre play Aki seemed to change his attitude towards me. He became more… possessive. Sa tuwing may groupings ay una niya akong kinukuha. Pero naisip ko na baka dahil ako ang madalas na tagasulat ng storya sa amin, everyone would want me as their member during Contemporary class and Aki knew about that kaya inuunahan na niya ang iba. At magkatabi lang naman kami kaya madali lang niya akong naiimbitahan. Magaling din pala akong gumuhit kaya pati sa Arts ay isa ako sa pinag-aagawan. “You’re supposed to be mine,” sabi niya sa akin nung isang beses na sumama ako sa grupo ni Jeremy imbes na sa grupo niya. Parang iba ata ang naging tono nito para sa akin noon. He wanted me around him almost all the time. Mapa-lunch break, sa klase, o uwian man ‘yan. Noong una ay akala ko na natural lang ‘yun. Seatmate kami at magkaibigan din. Pero isang araw Daisy talked to me while we were on the way to his boarding house for our research project. “Close kayo ni Akihiro, no?” “Close ba? Parang sakto lang naman.” “No, sa tingin ko close kayo. Mas close pa kaysa sa iba niyang mga naging kaklase.” She insisted. “Isn’t that natural since magkatabi kami?” “Siguro,” she shrugged, “but he is too attached to you. Believe me, Keisha even has seen through it.” Lumipas ang ilang minutong katahimikan nang magsalita ulit si Daisy. “Akala mo ba nagbibiro lang kami sa tuwing sinasabi namin na gusto ni Keisha si Akihiro?” I f*cked up. I was blindly enjoying Aki’s antics na hindi ko na namamalayan na may nasasaktan na pala ako. “S-Sorry.” “Psh. Don’t be sorry. Ayos lang naman kay Keisha. Lalo na at wala ka ring laban sa girlfriend ni Akihiro. I mean, sino ba ang mangangahas na umagaw kay Akihiro? His standards are so high, at ang girlfriend niya ang magpapatunay.” At nagising ako bigla sa katotohanan… may girlfriend nga pala si Aki. That’s when I made my first lie. “Naku! Buti na lang hindi ko type si Aki, kung nagkataon napuno na ako ng insecurities sa laki ng agwat namin ng girlfriend niya.” Kung may world record siguro sa fastest brokenhearted person, ako na ang mananalo. For a second, I was happy na iba ang trato sa akin ni Aki. Masaya ako na malaman na espesyal ako sa kanya hindi lang sa isipan ko, o ilusyon ko kung hindi pati na rin sa mga mata ng ibang tao. But then, reminding me about his girlfriend broke my heart instantly. Alam ko. Ang lakas ng loob kong masaktan kung alam ko naman na may girlfriend siya. But since Aki never talked about it at nagpatuloy lang siya sa pagiging mabait sa akin. Kinalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya. I treated him as a friend kagaya ng pagtrato niya sa akin. I guess I was just a little sister material para ganun na lang niya ako bantayan noon. But of course, it was hard. Mahirap lumimot kung araw-araw ko siyang nakikita at katabi. I even tried to widen my circle of friends. Nagmistulan akong supervisor na napupunta sa likod ng classroom para doon makipag-usap sa iba ko pang mga kaklase makalayo lang kay Aki. Ipinagpatuloy ko lang ‘yun hanggang sa dumating ang recognition day namin. At bumisita ang girlfriend niya na si Amihan. She’s half Russian kaya ang ganda, at matalino rin siya. I was devoured with my insecurity. But then something happened after the recognition that I unintentionally witnessed.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
95.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
237.4K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook