3rd Lie

2719 Words
M Y R T L E “Sakto ang dating niyo!” banggit ni Mama Rose sa sandaling tumuntong kami sa kusina ng restaurant nila. “Busy masyado ngayon, short kami ng staffs,” sabi niya habang naglilipat ng mga pinggan na binabalik ng isa sa mga trabahante niya galing sa lamesa ng mga kustomer. “Uh… so,” kinalabit ako ni Ate Paula, “wrong timing tayo.” She obviously doesn’t want to help in the restaurant. Hindi talaga gaanong sanay sa mga gawaing bahay si Ate Paula dahil nga lumaki silang may kasambahay. Although she can cook and clean her room by herself, she despises household chores that can make her sweat too much and move around. “Anong nga pala sadya niyo rito?” “Mamamasya— hmp!” “Wala lang po, Tita. B-Bibili lang po ng merienda,” mabilis na sabad ni Ate Paula. Hinawi ko naman ang kamay ko habang sinasamaan siya ng tingin. “Ah, akala ko pinapunta kayo rito ng daddy mo. May pinaluto kasi siyang ulam para raw sa bisita niyo… Kent! Luto na ‘yung kay Tito mo?” sigaw ni Mama Rose sa kusina. “Oo, ma!” tugon naman ni Kuya Kent na nasa kusina. Siya kasi minsan ang cook dito tuwing bakasyon. “Osiya. Pagkatapos niyong mamili ng merienda, dalhin niyo na rin ‘yung roasted chicken, at beefsteak ng daddy mo, Paula.” “S-Sure, tita,” awkward na sagot ni Ate Paula. “At least hindi tayo pinatulong sa pag-serve,” pasaring ko sa kanya sa mahinang boses. Napansin ko kasi ang pagsimangot niya. Saglit lang din ay lumabas ng kusina si Kuya Kent na may dalang dalawang aluminum tray. “Ipapadala mo sa kanila, ma?” tanong niya kay Mama Rose na nasa counter at inaasikaso ang binili ni Ate Paula na tart na merienda kuno namin. ‘Yan kasi, hindi pa nagsabi ng totoo. Napa-gastos pa tuloy. “Sige po, tita. Kami na po ang bahala,” ani ni Ate Paula na bitbit na ngayon ang aluminum tray na may manok. Nasa akin naman ang beefsteak at ang binili na tart ni Ate. “Balik na lang po ako mamaya, Ma.” Pagbalik namin ng bahay nila Ate Paula ay napuno na ng sasakyan ang grahe nila. Mukhang maliban sa puting van ay may dalawang sasakyan pa na dumating at isa roon ang kotse ni Tatay Gabby. “They seems busy,” sambit ni Ate Paula bago kami pumasok ng bahay. When we get inside ay ibinigay na namin sa mga kasambahay ang dalawang tray. “Kami na po ang bahala dito, ma’am,” Ate Kim assured to us as she grabbed the tray I am carrying. Sumaglit naman ako sa water dispenser para uminom ng tubig at sumilip na rin sa mga dumating. Mukhang yamanin din itong mga bisita ni Tatay. Lalo na at may sariling Toyota HiAce at pang Don Fecundo ang pormahan dahil sa suit at mamahalin na gintong relo na abot hanggang dito ang kinang. “Hm, buong pamilya ba niya ang kasama niya?” biglaang sambit ni Ate Paula na nasa likod ko lang pala. “’Yung anak niya lang po, ma’am,” sagot ni Ate Kim. “Ooh~. Akala ko ginawa ng guest house ni Dad ang bahay natin. Buwan-buwan na ata ang pangingimbita niya sa mga kaibigan niya. And here, I am. I can’t even invite my friends over because his friends are much more important persons.” Huminto si Ate sa pagsasalita. Napansin niya kasi ang pag-ikot ng mga mata ko. “Bakit? Totoo naman, ah.” Depensa niya. “Wala naman akong sinasabi, ate.” “His friends are barangay officials. Alangan naman papuntahin ko ‘yung mga kaibigan kong partygoer na nandito ‘yang mga ‘yan. Edi mas lalo akong pagbabawalan ni Daddy na makipagkaibigan sa mga ‘yun,” pagdadahilan niya, which is unnecessary dahil hindi naman ako nakikipag-debate sa kanya. Pagkatapos ng saglit namin na usapan ay pumasok na ako sa kwarto ni Ate Christine. Nadatnan ko siya na naglilista ng kung anuman kaya dumiretso lang din ako sa kama at doon na humiga. I was about to take a nap since wala na rin naman akong ibang gagawin nang magsalita si Ate Christine. “What are your plans this summer?” Hindi ako kaagad na nakasagot since I don’t know if she’s referring to me. Lalo na at nang lumingon ako ay nasa computer at notebook pa rin ang kanyang mga tingin. She is not looking at me. I checked her ears to see kung my suot siyang airpods, and found out na wala. That’s why I immediately replied saying, “Wala pa po. I’m not sure.” Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito kaluwag ang oras ng isang first year college student kaya hindi na ako nag-isip pa ng mga gagawin ko ngayong summer dahil akala ko ay mapupuno ako ng mg schoolworks. May nagbanggit kasi sa akin na magiging busy ang college life, pero walang nagsabi sa akin na sa second semester pa pala ng 3rd year ng college magsisimula ang busy days ko. So, I did all the things that can hinder my studies. Hindi na rin ako naghanap ng part time job. “Really? If wala ka pa rin maisip na gawin, can I ask you for a favor?” “Ano po ‘yun?” Para bang may napindot akong button somewhere else dahil bigla na lang siyang lumingon sa akin na may suot na maliwanag na ngiti. “I need an assistant! May balak kasi ako na mag-stay na muna dito during vacation since I have enough staff in Davao. So, I need someone to help me in the pastry room. Don’t worry, I’ll pay you. Consider this as your part time summer job.” Woah! What great timing. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. “Sure, ate. I don’t mind.” Pera na ‘to. Aarte pa ba ako? “Great! Let’s start now,” she said. Bigla na lang atang bumilis ang pangyayari. “Ha? E-Excuse me?” sambit ko. Baka kasi nabingi lang ako dahil sa lakas ng buga ng aircon sa kwarto. “Your part time job will start today. Napag-utusan kasi ako ni Daddy na gumawa ng snack para sa bisita niya.” At kagaya nga ng sinabi ni Ate Christine ay nagtungo na nga kami sa pastry room niya. Ito ang dating storage room ng dirty kitchen nila. Kaya naman maliban sa katabi nito ang dirty kitchen ay nasa labas rin ito ng main house. Their place is like a compound. May malawak na espasyo sa pagitan ng entrance door at gate. Habang ang backdoor naman ay papunta sa garage nila na parang hindi naman talaga garage. May malaking open space kasi dito na madalas na tinatambayan ng mga katulong nila sa bahay at mga trabahador sa bukid nila imbes na paradahan ng mga sasakyan. May detached house din sa harap ng main house kung saan nakatira ang pamilya ng nakakatandang kapatid nila Ate Christine at Ate Paula na si Kuya EJ. Katabi nito ang isa na namang bahay para sa mga kasambahay nila. At sunod ang malaking silid na masasabi ko na tunay nilang garage. Doon kasi naka-park ang mga sasakyan nila, mula sa motor ni Kuya EJ hanggang sa service van ni Tatay sa tuwing nagbabakasyon kami sa probinsya namin sa Visayas. Sa dulo naman ng compound ay ang mga alaga nilang manok at baboy. Tapos katapat ng garage ay ang dirty kitchen then balik naman sa pastry room ni Ate Christine. It's one wide place for a family na lima lang talaga ang miyembro. Kaya kung wala sila Ate Paula o Ate Christine ay doon ako kina Mama Rose pumupunta. I might have been staying here for a long time pero sa totoo lang ay hindi pa rin ako komportable na utusan ang mga kasambahay nila. Sa tuwing wala kasi ang tatlo, sina Ate at si Tatay, ay ako na lang ang naiiwan sa main house, at ibig sabihin nun ay ako ang magiging parang head ng bahay. But I don’t want that kasi nga ang awkward. Andyan naman si Manang Inday, ang pinakamatagal at pinakamatandang kasambahay nila dito. She’s more like a family here rather than me who was sent here just three years ago. “Paki-kuha na lang ng mga cupcakes sa oven. They are ready na so, I only have to put icing on them. Then after ilagay mo sila dito sa lamesa, at i-dip mo sa chocolate itong mga popsicle cakes na ito. Okay?” utos sa akin ni Ate Christine the moment we entered her pastry room. Hindi na rin naman ako nag-reklamo at sinunod na ang mga utos niya. She’s my new boss after all. Gosh! Ang bilis lang talaga ng mga pangyayari. Habang inaasikaso ko ang popsicle cakes ay amoy na amoy ko ang masarap na aroma sa loob ng pastry room. Marahil ay dahil sa maraming mga matatamis na ingredients sa loob pero amoy vanilla at chocolate ang silid. Hindi na nila kailangan pa ng air freshener dahil sa bango ng mga ito. Lalo na at de aircon din dito. Puno ng mga baking equipment ang counter at ang mga cabinet sa taas nito. May refrigerator din siya na lalagyan ng mga natapos na niyang cakes and snacks, na pagkasarap-sarap din namang tingnan. The oven is at the left side of the room kung saan ay may separate cubicle para dito since malaki ito at mainit. At sa gitna naman ay ang long table ni Ate kung saan siya nagde-design. “Ang cute, ate,” sabi ko nang makita ang finish product ng cupcake niya. It’s a chocolate cupcake with white icing and tiny chocolate kisses on top. Simple lang, but its minimal approach is enough for me to see it as cute. “Kukulayan ko sana pero baka hindi magustuhan ng bisita,” banggit pa ni Ate, “Oh!” bulalas niya nang may marinig kaming matinis na pagpitik. “Tapos na ata ‘yung coffee. Pakikuha nga, Myrtle. Ise-serve na natin ‘yan ngayon,” utos niya. Nagmistulan kaming staff ng isang café sa pagmamadali namin. Since malayo ang pastry room ni Ate sa main house ay kailangan kong mag-double time sa pagkilos. Inilagay ko muna sa dining table nila ang mga cupcakes at saka kinuha ang hot drinks. Sumunod naman sa akin si Ate Christine na may dalang nachos. I think sa tamis ng mga hinanda niya kakailanganin talaga ng konting pampaalat. “Oh. Sino naman itong mga magandang dalagang ‘to?” Tatay’s visitor asked as soon as we entered the living room to serve the snacks. “Ah. This is Christine, my eldest daughter. ‘Yung sumunod kay EJ,” paliwanag ni Tatay. “Yeah. Yes, yes. I remember, she’s the pastry chef who has business in Davao and Cebu?” Tatay nodded with proud smile on his face. Ngumiti at yumuko din naman si Ate Christine sa bisita. “How about this lady here?” Turo sa akin ng matanda. Ngumiti rin si Tatay sabay sabi ng, “She’s my late brother’s daughter, Myrtle. She’s a university student and stays with us during summer. Minsan nasa bahay siya ng bunso kong kapatid, si Nathaniel, if you haven’t forgotten about him.” “Oh. I see.” “She’s really polite and diligent, kaya hindi naman siya mahirap bantayan. She’s even more behave than my daughters.” “Ah. That’s great. She must be graduating now then. She looks the same age as my son.” “No. Not yet. She had to hold back a year due to the accident.” “Hmm.” An awkward silence suddenly took place. Nakakainis, ha. They are making it sounds like my life story is boring and sa para magkaroon ng nakakabitin na katahimikan pagkatapos nila akong pag-usapan. “Uhm…” pag-imik ni Ate Christine, “who wants some drinks? I prepared coffee, hot chocolate, and tea.” Muling nabuhay ang living room nila Tatay nang nagsalita si Ate Christine. “I want coffee, dear. Mine and for my son,” sabi ng bisita. Tumango lang din naman si Tatay sa akin. “Myrtle,” tawag ni Ate Christine sa akin. With that, alam ko na kaagad kung ano ang gagawin ko. Pumunta ako ng kusina at inihanda na ang kape nila. Nagbuhos na rin ako ng tsaa para kay Ate Christine na komportable na rin na nakaupo sa living room. Mukhang sasali na rin siya sa usapan nila. “Gosh. Ang awkward.” Kaya nga hindi ako lumalabas tuwing may bisita si Tatay dahil tiyak na magtatanong din sila tungkol sa akin. Kung sino ako at kung ano ang ginagawa ko rito. Since I don’t dress the same as their maids hindi ko pwedeng ipakilala ang sarili ko as katulong nila. “Ate Kim, next time pahiram ng uniform niyo, ha,” saad ko kay Ate Kim na naghuhugas ng pinggan. Brown na slacks at puting polo shirt lang naman kasi ang uniform nila. “Ay naku, Ma’am Myrtle. Tumigil ka na d’yan at ihatid mo na ‘yan doon.” Isa si Ate Kim sa ilang kasambahay nila Tatay na naging ka-close ko. Although may boundary pa rin at tinatawag nila akong ma’am pero at least nakakausap ko sila. Pagbalik ko sa sala ay masaya nang nag-uusap si Ate Christine at ang dalawang matanda. They are talking about business kaya hindi ako interesado na makinig. I really want to leave. Katatapos ko lang na ilapag ang lahat ng inumin nang tumunog ang chimes na nakasabit sa taas ng pinto ng front door. “Ah! Here’s my son, the one who is around Myrtle’s age,” sambit ng bisita. “Kumusta ang mga gamit?” “Everything’s inside the room now... And Sir, naka-park nga pala sa gitna ng garage ‘yung van namin.” “It’s okay. It’s okay. Utusan mo na lang mamaya ‘yung driver namin na ayusin ang pagka-park. Hindi pa kasi dumating si EJ galing sa trabaho kaya hindi namin matabi-tabi iyang sasakyan niya.” Woah. This person has a familiar voice. Nakatalikod pa rin ako kaya hindi ko pa nakikita ang mukha ng anak ng bisita. I am not really interested kaya hindi na ako nagpakilala at nagpatuloy lang sa trabaho ko. Aba, bayad kaya ako dapat lang na seryosohin ko ito, no. Kinuha ko ang mga wala ng laman na mga plato para mag-refill. “Excuse me,” pasintabi ko sa bisita na masasagi ko habang kinukuha ang mga plato. “Hey…” Rinig kong sambit ng kararating lang na lalaki pero syempre dahil hindi ko siya kilala ay hindi ko na rin siya pinansin. But then, he unexpectedly uttered, “Myrtle?” Huminto ako at lumingon. “Yes po,” I replied. Oh, please. Don’t tell me isa na naman itong pag-uusap tungkol sa akin na mauuwi na naman sa awkwardness? “Oh God! It is you!” Luminga-linga ako sa tatlong nakaupo sa living room area. Just like me they all look confused and surprised as well. Tiningnan ko ang lalaki. Nakangiti siya sa akin na para bang inaasahan niya na tutugon ako sa kanya sa parehong galak na ipinapakita niya. But he… he doesn’t look— ah. Anak ng— it’s him! Although, I know what’s going on. Hindi pa rin ako nagsalita at nagpakita ng kahit anuman na reaksyon. Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin at masaya akong binati. “Myrtle! Hey, how are you?” I stepped back, and I don’t know why but my mind was surely not functioning well then asked him, “Uh, sino po sila?” as I look for Ate Christine to call for help. Nang makita akong natataranta at gulat na gulat, agad na tumayo si Ate Christine saka ako hinawakan sa balikat. “Oh no. I’m sorry about her.” “Huh? What’s wrong?” tanong ng bisita. Umiling-iling si Tatay at sumagot ng, “I’m sorry. This happens sometimes. It’s because of the accident.” Hinarap niya ang anak ng kaibigan. “Nawala ang mga alaala ni Myrtle pagkatapos ng aksidente, kaya nahihirapan siyang kilalanin ang mga tao from four years ago.” Tatay explained without knowing my secret.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD