2nd Lie

1562 Words
M Y R T L E Patapos na ang event. Paalis na ang mga magulang namin habang naghahanda naman ang mga kaklase ko para sa mangyayaring celebration namin sa malapit na pizzeria sa university. “Myrtle, nasaan na si Akihiro?” “Aba, ewan ko.” “’Di ba kayo laging magkasama? Tawagin mo,” utos sa akin ni Amber na napag-utusan din na mag-organized ng celebration namin. Hindi na ako nagreklamo at sinunod na lang siya. Sakto rin naman na nahagilap ng mata ko si Aki at Amihan na patungo sa parking lot ng university. Noong una ay nagdalawang-isip ako dahil kasama ni Aki ang girlfriend niya but then I also thought what if he forgot about the pizzeria at pauwi na. Iniisip ko pa lang ang bugnutin niyang mukha ay naiinis na ako… at natatawa. Kaya naman sinundan ko sila, which was a mistake. “You want me to go without you?” “Yes, is there anything wrong with that? I already told you about our meal after the event.” “You can just not, Aki. Who’s more important to you, your friends or me?” “Hey, that’s a dirty trick, Ami.” “No, it’s not. This is an important question…” Aalis na sana ako. Mukhang pribado ang pinag-uusapan nila, but then, Amihan said, “Myrtle. I heard you are pretty close to her. Ash told me about you guys, and how much you favor her. Will she also attend that after-event meal?” “What? Myrtle… Myrtle is…” Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Aki. O mas mabuti kung sabihin na hindi niya natapos ang nais niyang ipahiwatig. “Aki, I know you because that's how you used to treat me…” Hindi ko na tinapos pa ang usapan nila. Hearing those things are already heavy to me. Ang malaman lang na pati si Amihan ay pinag-sususpetsahan na rin ako ay nakakatakot na. What if I become too full of myself and eventually confess to Aki? What if his feelings are only temporary? What if he is just confused? At ano na lang ang sasabihin ng iba? The person Amihan mentioned was Ashley, ang kaklase namin na kaibigan din ni Aki at Amihan. Sigurado ako na hindi komportable si Ashley na makita ako na laging nakadikit kay Aki. Bumalik ako sa mga kaklase namin na walang bitbit na Aki. Ang mas malala pa ay pinasama lang nito ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako ng maaga at hindi na sumama sa kanila. This was when I did the second lie with Aki in mind. “Darating nga pala sila Lolo at Lola, minsan lang sila kung bumisita kaya maaga akong uuwi ngayon…” wika ko kahit na matagal na silang wala sa mundo. Four months later after the summer break and just when another school year began, I had to move to the province with my family. Nakahanap kasi ng trabaho si Papa doon kaya kailangan namin na lumipat. Mabuti naman ang naging relasyon namin ni Aki sa dalawang buwan na magkasama kami sa grade 12. Pero dahil sa hindi na kami seatmate ay hindi na rin kami ganun kadalas mag-usap. Although he still attempted to have me in his groups whenever there were collaborative projects. But in the end, we parted ways… and carried our own lives separately. Four Years Later To be honest, what happened back then was not as painful as I thought about it as a 16 years old girl. I’m 20 now, and I don’t feel really heartbroken about it now. “So, what happened to that guy?” tanong sa akin ni ate Paula. “That guy? I don’t know. He is smart, the last news I heard about him was that he's a guest on a commentator’s radio channel.” “Woah, ganyan siya katalino?” Proud na proud akong tumango. “Oo, Ate. Kaya nga hindi na ako sumubok pa kahit na kung ano-ano na ang mga iniisip ng iba tungkol sa aming dalawa.” “Mm? Pero malay mo totoo.” “Eh? Imposible, Ate.” “Ito naman, oh. Ang nega mo, kaya tuloy wala kang boyfriend kasi hindi ka naniniwala sa sarili mo.” “Excuse me? Single ako by choice,” tanggi ko. “Single by choice? May ganun ba? If I know sinasabi mo lang ‘yan kasi ayaw mo—” “Oy. Oy, oy, kayong dalawa diyan, bilisan niyo na ang paggamit sa treadmill at may darating na bisita si Tatay niyo,” saway sa amin ng head ng mga katulong sa bahay ni Tatay. Napag-usapan kasi namin ni Ate Paula ang mga ex niya. Ewan ko kung paano pero biglang napunta sa akin ang usapan. I had my own fair share of misery since I graduate from basic education. I’m 20, and still in my first year in college. And when I said a fair share of misery, ang late na pagtungtong ko sa college ang isa sa naging bunga nito. Umalis na kami ni Ate Paula sa treadmill na nasa munting extension ng sala ng bahay ni Tatay nakalagay. Gawa sa salamin ang pinto at walls nito kaya kitang-kita kami sa living room area. Dito nakalagay ang exercise equipment ng pamilya nila kagaya ng maliit na barbel, electric bike, treadmill, at iba pa. “Buti nga at maaga tayo today,” sabi ni Ate Paula bago kami naghiwalay para pumasok sa kanya-kanya naming kwarto. It might seem that I belong to this place pero sa totoo lang ay hindi naman talaga. Nandito lang ako dahil bakasyon, wala akong matitirhan sa syudad kay kailangan kong umuwi sa probinsya. When I am here, I have two places I can stay, either sa bahay ni Tatay Gabby o sa bahay ni Papa Natnat. Sila ang mga kapatid ni Papa na pareho akong inihabilin. My family are close, halata naman siguro. Pero kahit ganun ay hindi pa rin maitatanggi na hindi ako nabibilang sa kanila. “Ang sarap mag-exercise!” bulalas ko habang nagste-stretching. “Nadala mo talaga sa hobby mo si Paula, no?” sambit ni Ate Christine, ang nakakatandang kapatid ni Ate Paula. “Wala pa naman siyang duty kaya why not spend it in a healthy and fun way,” ani ko bago pumasok ng banyo para magpunas at magbihis. Dahil extra baggage lang ako sa mansyon na ito, wala rin akong maayos na silid. May kwarto naman sila para sa mga bisita kaso halos kada buwan silang may bisita kaya kada buwan ko rin kailangan na maglipat ng gamit. I got tired of it so I decided to stay with Ate Christine. Isang pastry chef si Ate, may shop siya sa Davao at madalas na wala rito kaya hinahayaan niya akong maki-share ng silid niya. Isa pa, tuwing bakasyon lang din naman ako dito kaya ayos lang sa akin ang set-up na mayroon ako ngayon. “Sino ba ang darating ngayon, Ate? Kilala mo ba?” I said while fixing my hair. “Hm, I’m not sure. Kaibigan daw ni Dad, nakilala niya sa isa sa mga summit sinalihan niya.” Tumango-tango lang ako. It’s not like I’m really interested. Nagtanong ako para lang may pag-usapan kami. Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko pa kasi naliligpit ang mga kalat namin sa mini gym nila Tatay. “Anong oras darating ang bisita, Manang?” sambit ko sa katulong nila na si Manang Inday na hindi pa pala tapos sa paglilinis sa sala. “Malapit na po. Nasa palengke na po raw.” “Talaga?” aligaga kong wika saka nagmadali na rin sa pagkuha ng basang tuwalya sa sahig at pagligpit ng mini barbel na nagkalat sa gilid ng treadmill. “Ako na po d’yan, ma’am.” “No, it’s fine. Hindi naman po mahirap ‘to.” Nang matapos ay hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa at lumabas na ng bahay. “Saan ka, girl?” tanong sa akin ni Ate Paula na sakto naman na kalalabas lang ng guest room. Mukhang dito rin ata matutulog ang bisita ni Tatay. She must be checking the room if it’s properly kept. “Kina Papa Natnat,” paalam ko. “Makikikain ka, no?” Nahihiya akong ngumiti. Hindi ko na kailangan magsalita para malaman ni Ate ang sagot ko. “Ay! Gusto ko ‘yan. Wait for me.” May negosyong restaurant kasi sila Papa Natnat. It is along the highway kaya maraming tumatangkilik. Maliban pa sa lokasyon na swak para sa mga byahero ay masarap din magluto ang asawa ni Papa Natnat na si Mama Rose. Nasa labas na kami ng gate nang may sumalubong sa amin na puting van. Lumiko ito sa direksyon ng bahay. Mabilis naman na tumakbo patungo ng gate si Mang Tino na tauhan ni Tatay sa kanyang small transportation business para buksan ito. They just went in and we continued to cross the road to Papa Natnat’s house na nasa kabilang kalsada lang. Apat na lanes ang highway dito kaya kailangan na mag-ingat ng husto sa pagtawid. “Sino naman kaya ‘yun?” tanong ni Ate Paula. Hindi ako sumagot dahil maliban sa hindi ko alam kung sino ay wala naman talaga akong pakialam kung sino ang dumating. But, for some reason, I got the feeling that this is not my luckiest day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD