Chapter 2

1391 Words
Tinanggalan ko na agad ng ulo at nilinis ang mga palakang nahuli pagkarating na pagkarating ng bahay. Hahabol pa ito sa tanghalian dahil hindi pa bawas ang sinaing nang silipin ko iyon. Mukhang ganado na naman si Tatay sa pagsusuyod sa bukid. Pinasuka ko muna iyong mga nakuhang kuhol para maalis ang mga lupa. Mamayang hapon ko na lang iyon gagataan. Tamang-tama, may pakunswelo akong masarap na ulam sa pananghalian at hapunan para sa sarili. Deserve ko talaga 'yon dahil broken hearted ako. "Oh, bakit nakasimangot ang dalaga ko?" tanong ni tatay pagdating niya. Basa siya ng ulan kaya kinuha ko agad iyong mga palakang bukid niyang nahuli. Dalawang araw pa lang masarap ang aming ulam. "Hindi po kasi ako, Tatay natanggap dahil requirements po na dapat tapos ko iyong isang pre-requisite major subject para makapag-ojt. Eh, 'diba po kailangan kong i-drop iyon dahil hindi po kaya ng schedule ko last sem," malungkot kong sabi. "Pero kakausapin ko po bukas si Misis Herrera, iyong head professor po namin kung magagawan po ng paraan. Matataas naman po ang grades ko," palusot ko na lang para hindi na siya masyadong mag-isip. Wala akong narinig na reaksyon mula sa kanya. Nakatingin lang siya sa parang, malalim ang iniisip. "H'wag mo nang isipin 'Tay. Gagawan ko po ng paraan. Maligo na po kayo at nang makakain na tayo. Nanghuli na po ako ng palaka kanina. Mamaya ko na lang po hihinaingan iyong iba pagkakain." I tried to lighten up his mood ngunit nabigo ako. Sumilip ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. "Tatay naman, ayan ka na naman po. Umupo ako sa kanyang tabi at niyakap ang kanyang braso. Hindi ko ininda ang amoy ng pinaghalong pawis at tubig ulan sa kanyang katawan. Pinagmamalaki ko siya dahil kahit na hirap na siya sa paglalakad ay hindi siya tumitigil sa pagtataguyod sa akin. Nagmula na talaga sa angkan ng mga magsasaka rito sa aming bayan si tatay kaya iyon lang talaga ang alam niyang trabaho. Pero kahit na ganoon ay never akong nakaramdam ng gutom. Patunay ang malalaki kong hita at braso dahil sagana kami sa bigas. Alagang-alaga ako ng tatay ko. Salat man kami sa pinansiyal ay punong-puno naman kami ng pagmamahal para sa isa't-isa. "Pasensya na, anak kung kailangan mong magtrabaho. Nalulungkot lang ako dahil hindi ko maibigay ang lahat ng kailangan mo sa eskwelahan," madamdamin niyang pahayag. Hinalikan ko siya sa pisngi at nginitian. "Hindi naman kailangan na kayo po ang lahat ang gagawa ng paraan. 'Diba tag team tayo?" Tinaas-baba ko ang kilay sabay ngiti sa kanya. Pinindot niya ang ilong ko na siyang ikinahalakhak ko. "Binobola mo na naman ako. Siya hala, tara na ngang kumain. Paiga ba iyang adobo mo?" "Aba'y opo naman. Pero 'wag mo akong daanin sa kwento, Tatay, maligo muna kayo. Ang tamad-tamad niyo talagang maligo." "Magpupunas na lamang at biyernes, bawal maligo!" angil niya. Mortal sin kasi talaga sa kanya ang pagligo. Napakamot na lang ako ng kilay sa kanyang sinabi. Pamahiin kasi ng matatanda sa aming probinsya na bawal raw maligo kung biyernes. Hindi naman niya mapaliwanag sa akin nang maayos kung bakit. Masaya kaming kumain nang sabay. Pagkakain ay tinulungan na niya akong maghinaing ng palaka. Naputol ang masaya naming kwentuhan ni tatay nang may biglang kumatok. "Saglit lang po, 'Tay may tao." "Sige, anak. Ako na rito, ako na ang tatapos." Mabilis akong naghugas ng kamay at tinungo ang pinto upang buksan iyon. Si Kate ang nabungaran ko na naka-formal attire pa. Inirapan niya ako kaya nanlaki ang mga mata ko. Ano na naman kaya ang topak nito? "Bakit naman ganyan ang hapdi ng irap?" gulat kong tanong. "Nilayasan mo lang naman ako...wait. Ano 'yon? Palaka ba 'yan? Adobo?" turo niya roon sa tirang ulam sa mesa. "Hmmm." Tumango ako. "Gusto mo? May kanin pa naman." "Tamang-tama hindi pa ako nag-lunch pakain. Tatay Apen, pakain po!" Muntik na akong matumba nang hawiin niya ako para mabilis na marating ang kusina. Naulinigan ko pa silang nag-usap sandali ni tatay. Sanay naman na siya rito sa bahay kaya hinayaan ko na siya. Walang hiya siyang sumandok ng kanin at ulam. Mukha siyang gutom na gutom. "So, bakit nga namamaga ang mukha mo kanina? Ano na namang nagawa ko?" tanong ko. Mabilis siyang ngumuya at lumunok. "Eh, paano naman kasi iniwanan mo ako tapos hinanap ka ni Mrs. Cruz sa akin at hindi kita mahagilap. Kakausapin ka raw niya." Si Mrs. Cruz ang teacher namin sa major subject na hindi ko na-take. Ano kaya ang problema? "B-Bakit daw?" kinakabahan kong tanong. Napangiwi ako nang magkandalaglag ang kanin mula sa kanyang bibig. Ang laki-laki kasi ng kanyang subo. Binigyan ko siya ng tubig para 'di mahirinan. "Hindi ka na naman nag-almusal ano?" "Oo," natatawang sagot niya. "Excited kasi ako sa interview. Anyway, iyon nga, kung kaya mo raw pagsabayin ang major subject sa pag-ojt." Saglit ako natigilan ang kanyang sinabi, pino-proseso ang mga narinig. "Eh, 'diba hindi pwede 'yon?" "Eh, iyon ang offer, eh. Tiwala naman siguro si Ma'am na maipapasa mo ang subject niya dahil consistent naman na mataas ang grades mo so..." She shrugged. "Grab mo na, bes. Para sabay tayo mag-graduate." Unti-unting nag-init ang mga mata ko. Tuluyan na akong napahikbi nang lumabas ang tatay mula sa kusina. "A-Anong? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong. Mabilis akong tumayo at niyakap siya. Napahagulhol na ako. "'Tay, makakapag-ojt na po ako. Makaka-graduate ako sa oras. Maaga po akong makakatapos at maaga ko na rin kayong matutulungan," umiiyak kong wika. Niyakap niya ako pabalik at hinimas ang likod. "Gawin mo 'yan para sa sarili mo, anak. Palagi kang susuportahan ng tatay." "Salamt, Tatay, para sa atin po ito. Mahal ko po kayo." PAGKAKAIN ni Kate ay sinama niya ako sa kanilang bahay para mapahiram ng damit. Inayusan niya rin ako nang mabuti para magmukhang presentable. "'Yan nakakainis ka ang ganda-ganda mo talaga," sabi niya matapos lagyan ng blush-on ang aking pisngi. Hindi ko talaga minsan alam kung pinupuri niya ako o masama ang loob niya sa akin, eh. Umikot ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili. I looked like a professional manager at a hotel. Ang galing talagang pumili ng damit ng best friend ko. Saka sadyang magaganda naman talaga ang mga damit niya. Buti nga at nagkasya sa akin kahit ang lalaki ng mga hita at braso ko. "Ano? Bagay 'diba? Galingan mo sa screening. Mag-model ka kung kinakailangan. Grabe mitikulosa noong hr representative sa screening kanina." "Hindi mo naman masisisi dahil wordclass talaga ang ABEV. Sobrang strict nila sa appearance lalo na sa height." "Sabagay. Nakakaawa nga iyong mga bumagsak screening pa lang." Nag-volunteer si Kate na ihatid ako gamit ang kanyang kotse pero mariin akong tumanggi. Baka kasi imbis na sa school ako bumaba ay morge ang kabagsakan namin. Kakasimula pa lang kasi niya sa pag-aaral magmaneho at ilang paso na ang nabubunggo niya sa pagpa-park pa lang. Paano pa kung nasa kalsada kami? "Grabe naman sa morge! Hindi ba pwedeng emergency room muna?" ingos niya na ikinatawa ko. "H'wag ka nang magtampo. Sige na aalis na ako. Salamat sa pagpapahiram ng damit." "Palit gatang kuhol 'yan, damihin mo siling haba!" sigaw niya bago ako tuluyang makalabas ng gate nila. Ang takaw talaga. Hindi kinakaya ng payong ko ang init ng araw dahil tumatagos pa rin ito papunta sa aking bunbunan. Limang minuto na yata akong nag-aabang ng tricycle ay wala pa ring dumadaan. Two-forty five na sa aking relos, fifteen minutes before two. Ano bang klaseng panahon ito? Kanina halos magtalsikan ang mga dahon sa sobrang lakas ng hangin at ulan, ngayon naman ay sobrang init. Napagpasyahan kong maglakad na lang papuntang eskwelahan. Kung may dumaan na lang ay saka na ako sasakay. Malapit na ako sa tulay ng Saluysoy nang biglang may bumusina. Tatlong beses iyon na sunod-sunod kaya tumilapon ang dala kong platic envelope na may lamang resume sa lupa. Anak ng tokwa naman. Take two na 'to, ah! "Hop in," sabi ng baritong tinig. Iyon na naman iyong lalaking isinadlak ako sa putikan kanina. Maiinis na sana ako ngunit parang tumatanggi ang sarili ko. Nakakahipnotismo talaga ang natural na malamlam at inaantok niyang mga mata. "O-Okay lang ba?" nahihiya kong tanong. Kinunutan niya lang ako ng noo. Bakas ang inis sa mukha. "Don't make me ask twice." Walang salita akong sumunod at sumakay na lamang. Napakasungit naman talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD