Chapter 3: CEO

2195 Words
Panaka-naka kong nililingon ang lalaki habang nagmamaneho. Sino ba namang hindi? Talaga naman kasing mapapalingon ang kahit sino sa kanya. Gwapo at mabango. Pinaglihi nga lang sa sama ng loob. "We're here," aniya, nanatiling nakatingin ang mga mata sa daan. "Salamat po. Uh...Ano nga po pa lang pangalan niyo?" Ilang segundo ang lumipas pero wala akong nahita na sagot. Napakamot na lang ako ng ulo at napagpasyahang bumaba na at baka abutin kami ng siyam-siyam kung hihintayin ko pa ang sagot niya. "Ingat po. Salamat ulit." Napailing na lang ako habang papalayo ang kanyang sasakyan. Weird talaga ng lalaking iyon. Iyong siya na ang nag-offer ng tulong pero susungitan ka pa rin. Hay. I heaved a sigh before going inside the faculty room. Nilibot ko ang mga mata at hinanap si Mrs. Cruz. Agad ko siyang tinungo at magalang na binati. "Good afternoon, Mrs. Cruz, hinahanap niyo raw po ako?" nakangiti kong tanong. "Pasensya na po kung maaga akong umalis kanina. Sa step one pa lang po kasi ng requirements ay bagsak na ako." Kahit paano ay nahiya ako sa propesor dahil hindi ko na-take iyon subject niya last year pero siya pa itong madaling kausap para makapag-ojt ako. "Iyon nga ang gusto kong sabihin sa'yo. The management seems very fond of you dahil sa grades mo. Sila mismo ang may gustong mag-ojt ka na roon. The hospitality management didn't agree at first because it will be unfair to others. Pero, dahil alam naming ginagawa mo ang lahat makatapos lang at ma-maintain ang matataas na grado ay maraming nag-agree. Even the dean." "P-Po?" Sa rami ng sinabi niya ay iyon lang ang naisagot ko. I was overwhelmed and beyond thankful for the faculty. "Salamat, Ma'am. Gusto ko po talagang maka-graduate on time para matulungan ko po si tatay at hindi na siya magtrabaho pa sa bukid." Napahikbi ako. "Pangako po na pagbubutihan ko." "I know, you do, and good luck, Keira." She smiled at me. May binigay din siya sa aking papel. "Here's the recommendation letter from the heads. Give this to the hr personnel. You may proceed to the function hall for the hiring process." Hindi napigilan ng mga luha ko ang umagos habang binabasa ang recommendation letter. Kinalma ko muna ang sarili bago tinguhin ang hiring site. Marami pa ring mga aplikante sa function hall. Naging maagap ang hr nang ibigay ko ang letter, cv, at copy ng class cards ko. Parang gustong maghimagsik ng mga schoolmate ko noong ako iyong unang inestima ng hr personnel kahit na kakarating ko lang. "Daya naman. Bakit ikaw agad, eh kararating mo lang?" mainit ang ulo na tanong ng isang estudyante. Napalabi ako at nag-iwas na lang ng tingin. Hindi kasi valid kung sasabihin ko na kanina pa ako rito at bumalik lang sa pila. Paniguradong kilala nila iyong nasa harap at likod nila dahil sila iyong mas matagal na. Bakit nga ba ako ang inuna? Nakaka-guilty tuloy. "Guys, nakita ko iyong CEO kanina, grabe ang gwapo!" Napalingon ako sa kaharap na upuan. Kinikilig ang babae habang nagku-kwento. "Weh? Paano mo namang nalamang siya iyong ceo?" Tanong naman noong isa. "Ano ka ba? Hindi ka siguro nagbabasa ng business magazine ano? Sana siya iyong mag-interview sa atin. Gusto ko siyang makita ng malapitan." Entertaining din pa lang makinig ng tsismis lalo na iyong may kinalaman sa trabaho. Gwapo nga kaya iyong ceo? Makapagbasa nga ng business magazine na sinasabi niya. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganoon at hindi ko na kinilala pa iyong ceo. Well, kapag naroon na ay natural na kailangang alamin at kilalanin. Ang importante lang sa akin sa ngayon ay makapasok sa ABEV Royal Hotel at pagbutihin ang magiging trabaho. Pero sana nga gwapo siya ano? Para may insipirasyon ako tuwing nasa trabaho. Naalala ko tuloy iyong si poging masungit. Ganoon kaya ka-gwapo? Naipilig ko ang ulo sa naiisip at tinapik-tapik ang pisngi. Maaga pa para lumandi. Focus tayo sa pangarap, Keira. Naputol ang pangangarap ko ng gising nang bigla akong tawagin ng hr. Okay naman iyong screening. Kaunting ikot lang tapos sinukat ang height. Kailangan kasi talaga ay pasok sa height requirements. Pati ngipin ko ay tiningnan at tinanong kung may visible tattoo. Pagkatapos noon ay initial interview. Okay naman. Common questions like telling about myself and working experience since I was a working student. Mabusisi rin sila pagdating sa grades. She even asked me situational questions about restaurant operations, attending to guests' complaints and requests. Tingin ko naman ay nairaos ko at nasagot ng tama. Iyon ang masasabi kong advantage ko bilang working student. Alam ko iyong totoong nangyayari sa operation. Hindi naman kasi laging by the book ang rules. Mas importante ang diskarte para mabigyan ng excellent customer service ang guest. "Impressive," the interviewer praised me. Napangiti ako. Parang lahat ng daga sa dibdib ko ay nawala. "Hindi na ako magtataka kung bakit gusto ka ni Sir Avery." Napakunot ang noo ako. Sinong Sir Avery? "I hope that you have time tomorrow because the CEO wants to meet you, Keira. Are you available? It's fine if you have classes. Willing kaming mag-adjust. Naintindihan naming may subjects ka rin na kailangang unahin. Just let me know kung kailan ka pwede Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. CEO, as in the owner? Bakit? I mean, sure it would be a pleasure pero 'di ba dapat hanggang manager lang? Receptionist lang naman ang in-apply-an ko. Ceo talaga agad? Saktong wala akong klase kinabukasan kaya um-oo na ako. Ayoko na rin patagalin pa. Good luck na talaga talaga sa akin bukas. Dinamba ko ng yakap ang aking tatay nang makauwi. "'Tay, natanggap na po ako. Bukas ay may interview na ako sa hotel mismo!" masaya kong balita sa ama. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at saka ako sinayaw-sayaw habang umiikot. Ang saya-saya ni tatay, ang sarap tingnan. "Kagaling naman talaga ng aking dalaga. Manang-mana kay nanay at tatay," masaya niyang tugon sabay halik sa tuktok ng aking ulo. "Eh, pano 'yon? Sa Maynila iyon 'di ba? Marunong ka na bang pumunta roon? Ay, teka hindi. Sasamahan kita bukas at baka maligaw ka pa." Maagang gumising si tatay para magluto ng aming babauning pagkain. Wala kaming ideya sa kainan doon kung meron ba. Siguradong mahal din kung sakali kaya magbabaon na lang kami. Kung ano iyong suot ko sa unang beses na nag-apply ay iyon muli ang susuotin ko. Nalabhan ko naman agad pagkaligo at ni-dryer din kaya madaling natuyo. Kate offered us a ride, si Kuya Janus iyong driver namin - ang panganay niyang kapatid. Sobrang protective rin kasi sa kapatid kaya hindi pumayag na mag-commute. Hihintayin din kami ni Kuya Janus hanggang sa matapos namin ni Kate ang mga dapat na gawin. Si tatay iyong nasa unahan ng kotse at si Kuya Janus. Kami ni Kate ang nasa back seat. Hindi pa tuluyang nakakalabas ng Naic ay nahihilo na ako at bumabaliktad na unti-unti ang sikmura. "Sabihin mo kapag nasusuka ka para titigil tayo, anak." Nilingon ako ni tatay, bakas ang pag-aalala. "Doc, pasensya na at hindi ho kasi sanay magbyahe," hinging paumanhin ni tatay kay Kuya Janus. "Okay lang ho iyon, 'Tay. Basta kung nasusuka ay titigil tayo. Subukan kaya nating buksan ang binatana? Baka sakaling mabawasan ang hilo." Sa awa ng Diyos ay nakatulong iyong pagbubukas ng bintana. Pero pagdating ng coastal road ay sinara nang muli dahil masyado nang mausok. Kinaya ko namang hindi sumuka mula roon hanggang Makati dahil mabilis lang ang byahe. Sa condo nila Kate muna kami tumuloy dahil maaga kaming nakarating. Three hours before the interview pa kaya makakapagpahinga pa kami. "Bes, ito 'yong sinasabi kong condo ni Kuya Junnie. Dito tayo kapag nag-ojt. Grabe, excited na ako." "Buti na lang at dalawa kayo. Hindi ka mag-isa rito sa condo," nakangiting wika ni Kuya Janus. Pagkarating pa lang ay hindi ko na maiwasang mamangha dahil maganda iyong condo. Two-bedroom siya kaya may sarili rin akong kwarto. Nakakagulat na ito na pala iyong tutuluyan namin. Maganda ang unit at komportable kang makakapahinga galing sa trabaho. "T-Talaga? Akala ko ay simpleng apartment lang. Ang ganda nito, Bes. Salamat." "Salamat, Kate, at dinamay mo na itong si Keira sa bahay mo. Salamat din sa inyo, Doc," sinserong wika ni Tatay sa magkapatid. "Wala po 'yon, Tatay Apen. Pamilya tayo. At saka mas mapapanatag tayo roon sa atin kung magkasama itong dalawa. Hindi ho iyong makikisama pa sila sa ibang tao." "Ay siya nga," sang-ayon naman ni Tatay. "Hindi na ako mag-aalala kay Keira at nakita ko namang may guwardiya rito." Dahil sa pagod mula sa byahe ay nakatulog ako. Ginising na lang ako ni Tatay sa sinabi kong oras. Handa na iyong mga damit ko nang magising, nailabas na niya maging ang panty at bra ko. Napangiwi ako nang makitang nakatiwangwang lang ang mga iyon iyon sa may sala. Malapit kung saan natutulog si Kuya Janus. Nakakahiya! Ito talagang si tatay minsan patawa rin. Akala niya yata nasa bahay namin kami. Buti na lang at tulog si Kuya Janus dahil galing sa graveyard duty. Hindi niya nakita iyong sponge bob kong panty. Hindi na kami nagpahatid kay Kuya Janus dahil malapit lang naman ang hotel at nadaanan na namin iyon kanina. Nagpilit pa si tatay na sumama dahil baka raw maligaw kami. Sabi ko ay kaya na namin at narating na iyon ni Keira. Nakapag-check in na kasi siya minsan doon dahil abay siya noon ng kinasal na pinsan at doon ginanap. Baka siya pa nga ang maligaw kung ihahatid kami. Makakalimutin pa naman iyon pagdating sa direksyon. "Bes, weird pa rin na gusto kang ma-interview ng ceo. Parang nakakakaba lalo iyon," biglang sabi ni Keira habang naglalakad kami. "Sinabi mo pa. Ano kayang meron? Baka sa ibang department ako ilalagay? Back office?" Hindi ko siguradong sagot. Nabanggit ng hr na possible na mailagay kami sa ibang department. "M-Maybe." Napatango siya. "Hindi ba sinabi ng hr kung anong position mo? Kasi ako sa isang outlet restaurant kaya iyong food and beverage head ang mag-i-interview sa akin." "Hindi, eh." Umiling ako. "Sa final interview ko pa raw malalaman." Pagpasok namin sa may employees entrance ay nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. May nakita kaming ilang schoolmates. Sa rami ng nag-apply kahapon ay twenty lang ang natanggap. At maari pang mabawasan ngayon dahil heads na talaga ang final interviewers. Kung iyong mga kasamahan ko na general manager ang interviewer ay grabe na ang kaba. Ako pa kayang ceo ang haharapin? Diyos ko! Dumoble pa ang nerbyos ko nang kinailangan naming maghiwalay ni Keira dahil sa mismong outlet store ang interview niya. Ako ay naiwan sa applicant's area. "Miss Keira Jomarie?" Biglang usal ng hr personnel. I smiled at her. Tumayo ako at tinungo siya. "Yes, Ma'am?" "Male-late lang ng kaunti si Sir Avery dahil kakain pa siya," nakangiti niyang saad. "Wala naman pong problema. Thank you. Pero, tanong ko na rin po kung saan ang comfort room?" magalang kong tanong. "Straight ahead lang then kanan." "Thank you." Lakad takbo ang ginawa ko dahil naiihi na talaga ako. Para akong nabunutan ng tinik nang sa wakas ay makaupo ng inidoro, kinikilig-kilig pa. Napakalamig naman kasi sa may waiting area kaya nakakawala ng pantog. Ayos lang din naman na medyo matatagalan ang ceo. Tamang-tama at makakapag-ayos pa ako dahil oily na ang face ko. Grabe iyong init sa labas. Maaga pa naman pero tirik na tirik na ang araw. Pumwesto ako sa harap ng salamin at nag-retouch ng kaunti. Naglagay ng kaunting pulbo at liptint. "'Yan, ganda mo na, Keira. Mapapangiti mo na ang CEO," nakangiti kong kausap sa sarili habang nakaharap sa salamin. "Ay kabayo!" Napahawak ako sa dibdib nang may biglang lumabas na lalaki sa isa sa mga cubicle. Maging siya ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko naisip na muling magku-krus ang landas namin at dito pa talaga. "You got the wrong comfort room, woman," malalim na boses na sabi niya. Lumipad ang tingin ko sa logo na nakadikit sa may pinto ng cr at doon ko napagtanto na tama nga ang nasambit niya. Walang salita akong lumabas at hiyang-hiya sa nangyari. Kasunod ko na siya agad. Yumukod ako at humingi ng tawad. "Pasensiya na, hindi ko napansin dahil ihing-ihi na ako kanina." Iyong ladies area ay nasa tapat lang ng sa men's. Nakakahiya talaga! Napailing ang huli at iniwan na ako. Siguro ay sa opisina iyon nagta-trabaho dahil naka-long sleeve button down shirt siya na itim, itim na pants at itim din na leather shoes. Parang lalo siyang gumwapo sa paningin ko ngayon. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa kawalan. Naging ngiwi tuloy iyon nang dumapo ang mata sa akin ng hr personnel. Ilang sandali pa ay tinawag na akong muli ng hr personnel. Napalunok ako nang sabihin niyang naghihintay na raw sa loob ang CEO. At ganoon na lang ang gulat ko nang ang lalaking kaninang nakasalubong ko sa cr at naghatid sa akin sa eskwelahan kahapon ay iisa. Parang gusto kong magpakain na lang sa sahig. "K-Kayo po ang ceo?" Hindi ko siguradong tanong. He made a frown and leaned his back on the swivel chair. "Yes," he answered. "I'm Avery Blake Villaroel. Have a seat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD