La Sorellanza #4 : Calithea Diore.
Miyembro ng isang banda si Calithea Diore. Galing sa pamilya ng mga abogado pero katulad nang madalas na sinasabi sakaniya ng nakatatandang kapatid niyang si Arcelli— ampon yata talaga siya. Alam niya sa sarili niyang kailanman ay hindi niya maiibigan ang pag-aabogasya. Kahit pa nang ilang beses siyang pagbantaan ng mga magulang niya. Pakiramdam niya, ipinanganak lang siya para sa musika.
Kailanman ay hindi niya kinainggitan ang kung anong meron si Arcelli, hanggang sa makilala niya si Jeus. Ang boyfriend ng ate niya.
At sadyang mapaglaro yata talaga ang tadhana, dahil sa lahat ng lalaking maiibigan, doon pa sa pag-mamay ari na ng kapatid niya.