Chapter 2

2603 Words
NAPABALING ang tingin ko mula sa panonood ng TV dahil sa biglang pagtunog ng doorbell. Akmang tatayo na ako pero nakita ko na ang paglabas ni Yaya Poling mula sa kusina. "Naku hija, manood ka lang diyan. Ako na ang titingin kung sinong tao sa labas," she kindly offered. I nodded in agreement and returned my attention to what I was watching. Today is Sunday, and there are no classes. I assured it might be Amie ringing the doorbell. She mentioned she'd be coming over so we could work on our homework together, but I knew she was mostly eager to see my brothers. “Kierra sweetheart, did you see my phone?" Kuya Renz called out as he descended the stairs, dressed in just a bathrobe with water dripping from his wet hair. It was clear he had just finished taking a shower, yet he was already searching for his phone. "Hindi ko po nakita, kuya," I replied casually, still focused on the TV. "Ugh! Where did I put it? Naka-silent mode pa naman 'yon, kaya useless din kahit tawagan ko pa." "Just buy a new one then," balewala kong suhestiyon at nahiga na sa sofa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV. “Hindi puwede, sweethert. Sa girlfriend ko ang cell phone na 'yun at talagang malilintikan ako kapag nawala 'yun. Hays! Kinuha ko pa naman 'yun sa kanya nang hindi niya namamalayan.” Hindi na ako sumagot pa kay kuya at hinayaan nalang siya sa paghahanap sa kanyang cell phone. Nag-fucos na lang ako sa aking pinapanood. Ang sabi ni Amie ay maganda daw ang movie na 'to at subrang nakakauhaw panoorin, kaya pinahiram niya sa akin ang dvd tape. At heto naman ako ngayon pinapanood ang kanyang movie suggestion. Mukha ngang maganda ang movie na 'to, hindi ko lang alam kung anong title. Inabot ko ang popcorn na nasa mesa at sumubo sa aking bibig habang nakatutok parin ang tingin sa aking pinapanood. Pero agad na nabitin ang kamay ko sa muling pagkuha ng popcorn at napaawang din ang aking labi nang makita ang eksena na nasa library ang queen at best friend ng king kung saan naghalikan ang mga ito, at hindi ko inaasahan ang susunod na pangyayari. Biglang sinakop ng lalake ang nakaluwang dibdib ng babae at pagkatapos ay, “What the f*ck!” malutong na pagmura ni kuya Renz mula sa likuran ko at kasing bilis ng hangin na tinawid ang sofa at pinatay ang TV. Napakurap-kurap naman ako at nahulog din sa kamay ko ang ilang piraso ng popcorn. Napaawang ang labi ko sa pagkagulat, gulat sa pinapanood kong eksena at gulat sa biglang pagsulpot ni kuya sa harap ko. “What the hell! Where did you learn to watch porn, Kierra!” galit na sabi ni kuya na nanlilingas ang mga matang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot. Damn Amie! Anong klaseng movie 'yun? Parang gusto kong murahin si Amie kung nandito lang sana ito. Hindi ko alam na may s*x scene pala sa movie na 'yun. s**t! At talagang nakita pa ni kuya. "T-That's not porn, kuya. It's a movie," halos pabulong kong sagot at naupo mula sa pagkakahiga sa sofa. Pagak na natawa si kuya pero naroon parin ang pagkaseryoso sa mukha. "It's a movie? Are you serious?" hindi makapaniwala nitong sabi at bumuga sa hangin bago napahawak sa sariling baywang at binalik ang tingin sa akin. "At kailan ka pa natutong manood ng ganoong klaseng movie, ha? You're too innocent to watch that kind of movie, Kierra!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni kuya. Hindi ko mapigilan ang mapasimangot at napayuko. Napapisil nalang ako sa sarili kong mga kamay, ganito ako kapag pinapagalitan ng mga kuya ko. “Ano ba 'yan, Renzo! Bakit mo ba sinisigawan ang kapatid mo?" Napaangat ako ng tingin at napalingon sa aking likuran. Parang biglang lumiwanag ang mukha ko nang makita si daddy pababa ng stairs. Kaya naman mabilis akong tumayo at lumapit kay kay dad. "Eh kasi naman dad, si Kierra naabutan kong nanunood ng porn!" pagsumbong ni kuya kay dad. Nanlaki ang mga mata ni daddy at napatingin sa akin. "Is that true, sweety?" Marahas akong umiling kay daddy. "No, dad. Of course not. Hindi ko naman po alam na may ganoong eksena ang movie na 'yun, eh." Napabuntong hininga si dad at tumingin kay kuya. "Gano'n naman pala, eh. Ikaw Renz, tigil-tigilan mo nga ang kapatid mo!" Naupo si dad sa sofa at inabot ang magazine sa table bago binuklat. Naupo naman ako sa tabi ni dad at ngumisi kay kuya na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa akin. Buti na lang talaga ay wala dito ngayon sa bahay si kuya Cev at kuya Gello, dahil sigurado akong pagtutulungan nila akong tatlo dahil sa kakapanood ng ganoong movie na hindi ko namang alam na may ganoon palang klaseng eksena. Isa lang talaga ang masasabi ko bilang nag iisang anak na babae, talaga palang ang hirap magkaroon ng kuya na over protective tulad ng mga kuya ko. Seriously, talagang nakakapikon sila minsan lalo na kapag day off nilang tatlo at narito sila sa bahay ay palagi nila akong inaasar, pero sempre kakampi ko si mom at dad. Pero pagwala si dad at mom ay umiiyak nalang ako minsan, saka lang nila ako suyuin pag umiyak na. Nakakainis lang talaga. Pumasok si Yaya Poling na may dala-dalang maliin na box na nakabalot ng mabuti. "Sir, may nag iwan po nito sa gate." Ibinigay nito kay dad ang box. Ibinaba naman ni dad ang hawak na magazine at inabot ang box ba binigay ni yaya poling. Pansin ko ang pagsalubong ng kilay ni dad. May nakasulat sa ibabaw ng box. To: General Carlito Gabriel. "Hindi mo ba nakita kung sinong nag iwan nito?" nagtatakang tanong ni dad na kinailing ni yaya poling. "Hindi po, sir. May nag doorbell po kanina pero nang lumabas na ako para makita kung sino ay 'yan nalang ang naabutan ko sa bungad ng gate." Kahit nagtataka si dad ay agad nitong pinunit ang pagkakabalot sa box. Nang mapatingin ako kay kuya Renz ay naupo na ito sa kabilang sofa pero nakatingin parin sa akin habang may binubulong-bulong na hindi ko naman marinig pero alam kung tungkol parin sa pinapanood ko kanina na pinapaniwalaan niyang porn. Tsk.. Napabalik ang tingin ko kay dad na sunod-sunod na napamura. Nabuksan na pala ni dad ang box, at hindi ko mapigilan ang mapakunot noo ng makita kung ano ang laman. "What kind of prank is that, dad?" tanong ko nang makita ang mga picture ko sa loob ng box. Puro picture ko at lahat stolen shot, hindi lang 'yun dahil 'yung mga ibang litrato ko ay nay nakasulat na X sa muka at lahat ng litrato ay may patak ng sariwang dugo. Hindi ko alam kung dugo ba ng hayop or dugo ng tao, pero talagang sariwa pa dahil tumutulo pa mula sa litrato. "Oh my god, honey! Ano ba 'yan? Bakit nag kaganyan ang litrato ng baby girl ko?" bulalas ni mommy na kakalabas lang ng kitchen habang may buhat na tray na may apat na baso ng coffee. Hindi sumagot si dad pero napahigpit ang hawak sa box, dahilan para mayupi ito. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka dahil sa biglang pagbago ng mood ni dad, from good mood to bad mood. "That's a death threats, dad." Dahil sa na sinabi ni kuya Renz ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat, ganoon din si mommy na napatakip sa sariling bibig. Napayuko si dad at saglit na napahilot sa sentido bago nag pakawala ng malalim na buntong hininga at tumingin kay kuya Renz. "E-check mo 'yung cctv footage sa may gate. Tingnan mo kung sinong nag iwan nito," utos ni dad na agad namang tinanguan ni kuya Renz at nagmamadali umakyat ng stairs. Naiwan kaming tatlo sa may sofa. Lumipas ang ilang segundong katahimikan. Tumayo si dad at naglakad papunta sa terrace habang dala ang cell phone. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni mom na nasa tabi ko. Nang bumitaw si mom ay kita ko ang panunubig ng mga mata nito. “Mom, why are you crying? I'm still alive, okay? It just a death threats.” Napailing si mommy at hinaplos ang mukha ko. “I'm just scared, sweety. Dahil sa pagiging pulis ng dad at mga kapatid mo ay mas lalong dumarami ang mga galit sa kanila. Tapos ngayon ikaw na ang pinupuntirya ng mga iyon. I'm scared." Ngumiti ako kay mommy. "Don't worry, mom, I'm sure hindi naman papayag sina kuya at daddy na mapahamak ako. They will surely protect me no matter what happens. So don't worry about me, mom. Stop crying, okay?" Saglit na napasimangot si mom sa akin hanggang sa pinunasan na ang dumaloy na luha sa pisngi at tipid na ngumiti sa akin bago hinaplos ang buhok ko. “Basta huwag na huwag kang lalayo sa mga kuya mo, huwag kang gagala nang mag isa or sasakay ng taxi pagtapos ng klase. Hintayin mo ang daddy mo or mga kuya mo na sunduin ka, maliwanag ba?" Tanging tango na lang ang isinagot ko kay mommy. Dumating ang hapon hanggang gabi ay hindi dumating si Amie at nagtext na lang sa akin na sa susunod na araw nalang siyang pupunta sa bahay namin dahil daw hindi siya pinayagan ng mommy niya, kaya naman mag isa ko na lang ginawa ang mga home works ko. Kinabukasan ay si daddy mismo ang naghatid sa akin sa school at kasama pa si kuya Gello at kuya Cev. Talagang naka pulis uniform pa silang tatlo, kaya ang ending ay agaw attention na naman ako sa loob ng campus. “Just wait for us inside this university after your class and don't go outside or ride a taxi, okay?" paalala ni dad at hinaplos pa ang buhok ko. “I understand, dad. Sige na po umalis na kayo," pagtataboy ko. Eh kasi naman halos lahat ng studyanteng napapadaan ay nasa amin na ang tingin, o tamang sabihin na sa dalawa kong kuya. Kung bakit naman kasi kailangan nila pa talaga akong ihatid sa mismong classroom ko. “And one more thing, sweetheart. Don't talk to strangers." Parang umusok ang tainga ko sa sinabi ni kuya Cev. “I'm not a kid anymore, kuya! Tama ba namang sabihin mo sa akin 'yan?" Hindi ko mapigilan ang hindi mapasimangot. "Your kuya Cev is right, sweety," pagsang-ayun ni dad. "Don't talk to strangers, at kung meron mang lalapit sayo na hindi mo kilala, call us immediately." Tumango na lang ako at hindi na umangal pa. I know, hindi ako mananalo sa pagka-over protective nila. Kasalanan 'to ng nagpadala kahapon ng death threats, kaya mas lalong nadagdagan ang pagka-over protective sa akin ni dad at ng mga kuya ko. Pagkapasok ko ng classroom ay wala pa si Amie, at hindi ko inaasahan ang paglapit sa akin ng mga kaklase kong babae na may mga ngiti sa labi at mabilis na nagsiupuan sa tabi ko. "Hi! You're Kierra Gabriel, right?" tanong ng isang babae na maiksi ang buhok at may bangs. Agad itong naglahad ng kamay sa akin habang may ngiti sa labi na para bang kinikilig. "My name is Lera Gosten, and I'm a number one fan of Cevastian Gabriel, your brother, right? Isa sa mga hot triplets brother mo." Kahit na nagtataka agad akong tumango at tinanggap ang kamay ng babae. "Nice to meet you." Tipid akong ngumiti. "H-How did you know my brother?" hindi ko mapigilang tanong. Nakakapagtaka na kilala nila si kuya Cev, sa pagkakaalam ko si kuya Renz ang sikat pagdating sa mga babae dahil alam kong may pagka-playboy ang isang 'yun kumpara kay kuya Cev at kuya Gello na palaging naka poker face, palibhasa mga pulis kaya napakaseryuso palagi ang mga mukha na akala mo'y palaging nasa gyera. Hindi kaya nagkamali lang ito sa mga kuya ko? Baka si kuya Renz ang inaakala niyang si kuya Cev. "Of course he's our ultimate crush, mga stalker niya kasi kami sa IG. Alam nga namin na triplets sila eh, pero kahit triplets sila may pagkakakilanlan kami sa mga mukha nila," sagot ng babaeng nagngangalang Lera na humagikhik pa at bumaling sa mga kasama. "Di ba, girls? Tama ba 'ko?" Agad namang nagsitanguan ang ibang mga babaeng nakaupo sa tabi ko. "Ang guwapo kaya ng mga kuya mo sa mga post nila," kinikilig na sabi ng isang babaeng mataba at nakuha pa akong hampasin sa braso bago humagikhik na parang kinikilig. "At ang laki kaya ng mga abs ng kuya mo. Mas hot pa sila sa mga modelo sa mga magazine na nakikita ko," dugtong naman ng isang babae sa harap ko. Isang tipid na ngiti lang ang tangi kong naisagot. Hindi ko alam kung paano sila pakikitunguhan kaya ngumiti nalang ako. "Puwede ba naming malaman kung may girlfriend na ang kuya mo?" "Puwede ba naming malaman ang pangalan ng mga kuya mo maliban kay Cevastian Gabriel?" "Anong pangalan ng isa mong kuya kanina, 'yung may dimple sa magkabilang pisngi?” tanong ng isang babae na ang tinutukoy ay si Kuya Gello, dahil siya lang naman ang may dimple sa kanilang tatlo. "Puwede mo bang ibigay sa amin ang number ng mga hot triplets brothers mo?" Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Talagang pinaulanan na nila ako ng mga tanong tungkol sa mga kuya ko, and worse, hiningi na nila ang number sa akin. "Guys, ano ba! Easy lang sa mga tanong," saway ni Lera sa mga kasama at kinuha ang cell phone sa loob ng kanyang bag bago muling binalik ang tingin sa akin. "Okay Kierra, now tell me kung anong number ng Kuya Cev mo." Napayuko ako at hindi mapigilan ang mapangiwi at mapapisil sa sarili kong kamay. Hindi ko pwedeng ibigay nalang basta ang number ng mga kuya ko sa kanila. I'm sure pagagalitan ako ng mga kuya ko oras na ipamigay ko ang number nila kung kani-kanino lang at hindi nagpapaalam sa kanila. Pero paano ko tatakasan 'tong mga nanghihingi ng number nila? s**t! Talagang malilintikan sa akin si kuya Cev pag-uwi ko, isusumbong ko siya kay Dad at Mom. "Sige na please. . .ibigay mo na, Kierra," pamimilit ni Lera sa akin na muli kong kinaangat ng tingin. "Oo nga, ibigay mo na kasi. Huwag ka namang madamot," sabat ng isang babae na parang tinaasan pa ako ng kilay pero agad itong sinaway nung Lera. I don't have a choice. Napilitan akong dukutin ang cell phone kong nasa loob ng aking bag. Pero akmang ibibigay ko na ang cell phone sa nagngangalang Lera nang biglang pumasok ang professor at kasunod nito ang nakangiting si Amie. Nakasimangot na nagsialisan ang mga babae sa tabi ko, 'yung iba ay lumabas ng classroom kasama na 'yung Lera. Saka ko lang nalaman na hindi ko pala silang kaklase lahat. Para akong nakahinga ng maluwang. Thanks god. My professor saved me. "Good morning," pabulong na bati sa akin ni Amie at naupo sa tabi ko. "Good morning too," pabulong kong sagot at ngumiti din sa kanya. Napahagikhik pa kaming pareho. Habang nagtuturo ang professor namin ay pasimple kong binuksan ang cell phone ko at hinanap sa ** si kuya Cev, Cevastian Gabriel. Kaya lang maraming nagsilabasan na kapangalan ni kuya, kaya hindi rin ako nagtagumpay na makita ang account niya. I didn't know na may IG account pala si kuya Cev. Sa pagkakaalam ko ay walang hilig sa social media ang isang 'yun. Kung kay Kuya Renz ay siguradong maniwala pa ako, pero kay Kuya Cev? Impossible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD