Chapter 1: Vincent

1511 Words
Habang naglalakad ako at inaabala ang aking sarili sa pagmamasid sa mga estudyanteng naglalakad at kausap ang kanilang mga kaibigan. Hindi ko maiwasan makaramdam ng inggit sa kanila. Ganito pala ang pakiramdam kapag nawalay sa mga kaibigan sa high school. Wala akong makausap na ibang tao. Wala rin akong malalapit na kaibigan, na puwede kong makasama sa paglilibot sa loob ng Unibersidad na aking pinapasukan. Napatigil na lamang ako sa aking paglalakad ng bigla kong naramdaman na may bumunggo sa aking likuran. Napatingin naman ako sa taong iyon at nakita ko ang nagkalat niyang mga gamit sa lapag. Imbes na magalit ako at sigawan ang lalaki, tinulungan ko na lamang ito na pulutin ang kaniyang gamit na nalaglag niya. Nang dadamputin ko na ang lapis upang ibigay iyon sa kaniya, nagulat na lamang ako ng biglang magtama ang aming mga kamay. Napatingin naman ako sa lalaking iyon at nakita ko itong namula dahil sa nangyari. “Ayos ka lamang ba? May nawala ba sa mga gamit mo?” Sunod-sunod na pagtatanong ko rito. Nakita ko namang napa-iling ang lalaki sa aking tanong na ‘di kalaunan ay nagsalita rin sa akin, “Wala naman,” maingat itong tumayo na agad ko namang inalalayan dahil sa dami ng kaniyang dala-dalang gamit. “Pasensya ka na sa kanina, ha? Hindi ko kasi napansin na narito ka. Pasensya na ulit.” Paghingi nito sa akin ng tawad. Napangiti na lamang ako sa kaniya bilang sagot ko sa paghingi niya sa akin ng tawad. “Wala iyon. Hindi mo naman sinasadya na mabunggo ako. Kung tutuusin nga, ako ang dapat na humingi ng despensa sa ‘yo. Dahil nakaharang ako sa daraanan mo.” Ani ko sa kaniya. Nang marinig iyon ng lalaking kausap ko, bigla ko na lamang nakita sa kaniyang mukha ang pagkagulat at pagkabigla matapos ko iyong sabihin sa kaniya. “Hindi. Hindi mo kasalanan. Pasensya na kung nasaktan kita, baka mahuli ka na sa klase mo.” Napatingin naman agad ako sa aking relos ng sabihin niya iyon sa akin. Bago ako umalis at tuluyang lisanin ang lugar na iyon, isang ngiti muna ang aking ibinigay sa lalaking nananatili pa ring nakatayo sa aking harapan. “Salamat. Sa susunod, mag-iingat ka na, ha? Baka masungit at siraulo pa ang mga mabangga mo,” tumalikod na ako sa lalaki at nagsimulang humakbang. Ngunit, agad rin akong tumigil at marahan ko siyang nilingon. “Mag-iingat ka.” Pagpapatuloy ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng lalaki nang agad akong naglakad papunta sa aking klase. Hindi ko maipaliwanag, ngunit ang gaan ng pakiramdam ko sa taong iyon. Para bang, ang tagal na naming magkakilala pero ngayon lamang kami nagkita. Napabalik na lamang ako sa reyalidad ng may narinig akong kumatok mula sa labas ng aking opisina. “Come in.” Pagbibigay pahintulot ko mula sa taong nasa likod ng pintuan. Bumungad naman sa akin si Elice, ang Head Manager ng kumpanya ko. Maingat itong pumasok sa aking opisina na dala-dala ang mga papel. Napakunot-noo naman ako ng makita ang kaniyang mga hawak-hawak na papel. “Ano ‘yang dala-dala mo?” Seryoso kong tanong sa kaniya. Agad na napayuko ang aking Head Manager ng marinig niya ang seryoso kong boses. Kaya naman, agad kong inulit ang aking tanong sa kaniya, “Uulitin ko ang tanong ko. Ano iyang dala-dala mo? Para saan ‘yan?” Sa pagkakataong ito, imbes na sindakin ko pa sa takot at nerbyos ang babaeng nasa aking harapan. Mas minabuti ko na lamang na maging mahinahon sa pagtatanong ko sa kaniya. Lumapit naman ito sa aking working table at maingat na inilapag ang mga papel roon. “Paperworks po…” Nakita ko namang napayuko ito at napahinto sa kaniyang pagsasalita. Hindi muna ako nagsalita at hinintay ko muna itong matapos sa kaniyang sasabihin. “…ayan po ‘yong mga pipirmahan mo na mga business proposals ng bawat Departamento.” Pagpapatuloy niya. Agad kong tinignan ang mga proposals ng bawat Department. At habang patuloy ako sa pagtingin sa mga iyon, hindi nakalagpas sa akin ang ilang mali sa kanilang mga proposals. Napatingin naman ako kay Elice at marahan kong inilapag ang proposals na hawak ko. Inilagay ko iyon sa basurahan na nasa tabi ng aking working table at tsaka ako nagwika sa kaniya. “Ayan ba ang mga proposals na ipapasa ninyo sa akin?” Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at naglakad papunta sa kaniya. “Sabihin mo sa kanilang lahat, na ayoko sa gawa nila. Paki-ulit kamo dahil maraming mali. And, please tell them, Ms. Ybanez, that we will be having an urgent meeting regarding to this matter.” Yumuko naman ang aking Head Manager bilang pagsang-ayon sa aking sinabing bilin sa kaniya. “Okay po, Sir. I will tell them right away.” Matapos niyang magsalita ay agad rin itong lumabas ng aking opisina. Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga maling proposals na ipinasa sa akin ni Elice. Sa totoo lang, ayoko ng magalit sa mga empleyado ko. Ayoko na rin na sinusungitan ko sila sa bawat pagkakamali na kanilang nagagawa. Ngunit, kung hindi ako magiging istrikto? Paano naman nila mauunawaan at malalaman ang kanilang mga mali? “Mukhang malalim ang iniisip mo, Vincent? Tungkol ba ‘yan sa mga projects ng company mo?” Awtomatikong napatingin ako sa babaeng nagtanong sa’kin. Bumungad sa akin si Bianca na kasalukuyang nakatayo sa pinto ng aking opisina. Agad akong napatayo mula sa aking kinau-upuan ng bigla ko itong nakita. Marahan namang itong naglakad papalapit sa akin. “Ikaw pala, Bianca? Hindi ko napansin na nariyan ka,” Isang halik sa aking labi ang aking natanggap mula sa babaeng nasa aking harapan. “Oo. Medyo maraming kailangan tapusin, e. Kailangan matapos ang mga proposals bago ma-meet ang deadline.” Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang sinasabi iyon kay Bianca. Nakita ko namang napatango si Bianca matapos ko iyong sabihin sa kaniya. “Vincent, palagi ko itong tinatanong sa ‘yo,” huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Naramdaman kong inilapit niya ang kaniyang dibdib sa akin at marahan niyang inilingkis ang kaniyang mga braso sa aking batok. “Ilang taon na tayong magkasama sa iisang bubong. Pero, hindi mo pa rin ako pinapakasalan?” Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Isang halik ang aking ibinigay kay Bianca bago ko sinagot ang kaniyang tanong sa akin. “Bianca, makakapaghintay naman ang kasal na ‘yan. Masyado akong abala rito sa trabaho ko. Puwede natin pag-usapan ito kapag hindi na ako abala.” “Vincent, sa loob ng ilang taong pagsasama natin, palagi ka na lamang abala. Wala na ba talaga akong oras diyan sa puso mo? Palagi ba akong maghihintay sa ‘yo? Kailangan ko pa bang hintayin kung kailan ka matatapos sa pagiging abala mo diyan sa trabaho mo?” “Ano bang nangyayari sa ‘yo, Bianca? ‘Di ba napag-usapan na natin ang bagay na ito? Akala ko ba nagkakaunawaan na tayong dalawa? Ilang beses ko pa bang dapat sabihin sa iyo ang tungk—” Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin, ng agad na nagsalita si Bianca, dahilan upang mapahinto ako. “Vincent, oo! Naiintidihan kita, pero sana naman, maglaan ka ng kahit konting oras man lang para sa akin. I’ve just waited for so long. Hanggang kailan ba ako magiging live-in partner mo?” Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga sinabing iyon sa akin ni Bianca. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga ito. Alam ko na ilang beses na namin itong napag-usapan. Pumayag siya sa napagkasunduan naming dalawa. Ngunit, ano ito? Para bang nagmamadali siya na maikasal sa akin. Sinubukan kong lumapit kay Bianca, ngunit sa tuwing hahakbang ako papunta sa kaniya. Ay siya namang pag-atras nito mula sa akin. “Ano na naman ba ito? Pagdi-diskusyunan na naman ba natin ang bagay na ito, Bianca? Hindi ganun kadali ang hinihiling mo. Akala ko ba mahal mo ako? Pero, sa nakikita ko, ay parang nagbago ka na.” “Kaya mo lamang nasasabi na nagbago na ako – ay dahil nawawalan ka na ng oras sa akin. Oo, nagmamadali ako na maikasal sa iyo,” naglakad ito papalapit sa akin. At base sa mga tinging ibinabato sa akin ngayon ni Bianca. Ramdam ko sa mga tingin niyang iyon ang determinasyon na makunbinse ako sa nais niya. “Hindi kita hinintay sa ganitong bagay, Vincent. Naghintay ako ng matagal hanggang sa maka-recover ka kay Eunice. Na sana, ako na talaga ang nasa puso mo.” Nagulat ako sa sinabing iyon sa’kin ni Bianca. At ang mas ikinagulat ko pa, ay ang pagsama niya sa pangalan ng yumao kong asawa na si Eunice. Dahil dun, sinusubukan kong huwag magalit sa kaniya. Sinusubukan kong kontrolin ang namumuong galit ko sa babaeng nasa aking harapan ngayon. “Bianca, stop mentioning her name. Nananahimik si Eunice. And, I think, we should stop talking about this matter from now on. At kung wala ka ng ibang pakay pa rito, you can leave now.” Matapos kong sabihin iyon, isang masamang tingin ang aking natanggap mula kay Bianca. Ilang segundo pa ang lumipas ng napagdesisyunan niyang lisanin ang aking opisina. Nang tuluyan ng nawala sa aking paningin si Bianca, hindi ko maiwasang makaramdam ng bahagyang galit at inis sa kaniya – sa pagdamay niya sa pangalan ng yumao kong asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD