Chapter 2

2513 Words
LUCAS sat back in his chair. "Okay," he nodded, his face softening. He looked at Bella with cobalt brown eyes, sparkling in the light from the windows. He is utterly gorgeous. He is everything you would expect a billionaire and a future CEO to be handsome, smart and dazzlingly charismatic. He was built like every girl's dream man. Super athletic, nice clean facial hair, beautiful smile, broad-shouldered--- She shook her head. "Focus Bella! Damn he's your boss!" saway niya sa sarili. "Pero saan nga ba tayo pupunta, Sir?" she asked. He smiled. "I'm not a member of the English royal family, Maria Bella. You can call me Mr. Thomas." "Okay," she replied with a nervous smile. "Mr. Thomas it is." "My driver will pick you up at 5 am. We’ll be going to Vigan." Bella's jaw dropped. "Vigan? Ilocos?" "No, Vigan in Cebu," he laughed. "Of course, Vigan in Ilocos. I don't know of any others. We need to check in with a big supplier." "Uhh," that's all she could say. She is not good at business chuchu... So she doesn't know why a company as big as Thomas Global needs an investor. Sa ibang pagkakataon ay baka matuwa siya sa biglaang biyahe. Hindi pa siya nakakapunta sa Vigan at matagal na niyang gustong makapunta doon. Balita niya ay maganda ang lugar. Ngunit inaalala niya si Amarah kaya hindi siya makaramdam ng saya. "Pack some things. We'll be gone roughly two days, if you include flights. Oh, and bring an evening dress. Something elegant." She stammered. "I-I don't have one." Lucas looked her up and down. "You look after yourself, don't you? Do you run?" "Yes," she replied. "Three times a week. Four if I can manage it." "I can tell," he nodded. "You’re slim, toned. I like that." They looked at each other for what seemed like an eternity but was only a few seconds. They didn't break each other's gaze and Bella didn't let on how nervous and uncomfortable she is becoming. Did he just make a pass on her? "I can tell what size you are just by looking at you. I'll speak to my contacts at Kings Apparel later for your outfit." She nodded and got up to leave, as she walked towards the door, he shouted after her. "Oh, and Maria Bella take the rest of the afternoon off. Get yourself ready. I want you to be fresh and alert for the flight in the morning. You’ll be heading straight to a meeting, so there won’t be any time for jet lag and all that nonsense." "Wow, this is all happening so fast." hindi niya napigilang sabihin. He stood up and walked towards her. It was the first time she really looked at him for more than a few seconds. Lucas is tall, over six feet, and Bella could tell he had a muscular body beneath that Hugo Boss suit. He stopped within an inch of her, the smell of his aftershave unmistakable. Dior Cool Water. "No, Maria Bella. Life is fast. You delay for one second and you get left behind. Are you the sort of person who gets left behind?" "I'm not sure. I’ve moved forward enough to get left behind anywhere." "Then we'll have to see what we can do about that. Mediocrity isn't an option in my life. I'm quite looking forward to our little adventure together. You might learn something." "No disrespect, Mr. Thomas, but why aren't you taking Alina, your secretary? Surely she's more qualified for this than I am," naitanong niya ang kanina pa laman ng isip niya. "Because," he said with a sigh, "Alina is very good, but I need someone who isn't going to question everything I do. As you will soon find out, I work hard and play hard. Alina can be...well, she can be a pain in the ass at times." Bella smiled. He was absolutely right, of course. "But why me, Mr. Thomas?" she asked. He looked at Bella intently. "Like I said you're perfect for the job. I saw your credentials and you do speak good english which is one of the primary requirements for this job," he walked back to his desk and Bella began to leave his office. "Thank you, Mr. Thomas," she said. "One more thing, Maria Bella. I want this to keep between us, okay?" "O-Of course."   ❤❤❤   NAGULAT si Jenny ng sabihin ni Bella dito ang gagawing trabaho para sa big boss. "Ano? Isasama ka ng big boss mo sa isang business trip? Sigurado ka ba sa gagawin mo na 'yan?" "Do I have a choice? Boss ko siya, kailangan kong sumunod sa utos niya kung gusto ko pang tumagal sa trabaho ko. At alam mo kung gaano 'to ka importante sa akin at lalo na kay Amarah. Isa pa baka ito na ang pagkakataon ko ipakita sa kanya na hindi lang ako pang receptionist. Baka sakaling ma-promote ako at makaakyat sa mas mataas na posisyon. Hindi ko mahahanap ang ama ni Amarah kung nasa lobby lang ako at mga outsiders ang nakakasalamuha ko. Kailangan kong makasalamuha ang mga taong nakakakilala sa ate Gwen ko noon para makahanap ng impormasyon kung sino sa mga empleyado doon ang nakarelasyon niya habang nagtatrabaho siya sa Thomas Global." "Isa pa 'yan. Baka naman may iba pang paraan... Iyang ate Gwen mo naman kasi hindi ko maintindihan kung anong klaseng kapatid at ina. Ikaw na nga ang pinaako niya sa responsibilidad na dapat siya ang gumagawa---nakuha pang maglaho na parang bula." litanya ni Jenny. Lubos itong naaawa sa pinsan at matalik na kaibigan sa sitwasyon nito. Fresh graduate lang noon si Bella sa kursong Hotel and restaurant management ng isang araw ay umuwi ang kapatid nitong si Gwen at sinabing kailangan nilang umuwi ng Cebu at doon na muli maninirahan. Kailangan daw nitong lumayo dahil buntis ito at may asawa ang lalaking nakabuntis dito. Kahit naguguluhan, walang nagawa si Bella kundi ang sumunod sa nakatatandang kapatid dahil malaki ang utang na loob niya dito. Ito ang nagtaguyod sa pag-aaral niya mula ng maulila sila sa mga magulang. Umuwi nga sila ng Cebu at doon ay bumili si Gwen ng maliit na bahay para sa kanila. Nakapagtrabaho si Bella sa isang hindi kalakihan na hotel bilang receptionist. Maayos at tahimik ang naging takbo ng buhay nila. Ngunit walang kamalay malay si Bella na pangalan pala niya ang ginagamit ng ate Gwen niya at in-register bilang ina ng sanggol na si Amarah noong manganak ito. "Aalis ako, Bella. Makikipagsapalaran ako sa ibang bansa. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko. Ayaw kong maging habang buhay na isang kahig at isang tuka lang," isang araw ay sinabi sa kanya ng ate niya nang maabutan niya itong nag-iimpake ng mga gamit. Lingid sa kaalaman niya ay matagal na pala nitong inaayos ang papeles nito at mga kailangan para makapunta sa Hongkong. "Ano? Iiwan niyo ako ate?" "Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko aalis ako, ako lang..." Nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin ni Bella sa nakatatandang kapatid at sa natutulog na sanggol sa kama. "Iiwan mo si Amarah, ate?" Nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit nito si Gwen. "Paano ako makakapag trabaho kung may kasama akong sanggol?" "P-Pero paano si Amarah, ate? Sino ang mag-aalaga sa kanya? Maliit pa siya ate. Kailangan ka niya! Kailangan niya pa ng ina!" Nakatiim na tiningnan siya ng ate Gwen niya. "I'm sorry, Bella. Ikaw ang inilagay kong ina ni Amarah..." "Anong ibig mong sabihing ako ang ina ni Amarah? Ikaw ang nagsilang sa kanya, ikaw ang ina niya," naguguluhan na tanong niya sa nakatatandang kapatid. Umiling ang ate Gwen niya. "Hindi ko kayang maging ina sa kanya, Bella. Marami pa akong mga pangarap... Mas kaya mo ang maging ina sa kanya kaysa sa akin." Nalilito at hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya sa ate Gwen niya. Oo at siya ang madalas na katabi ni baby Amarah sa pagtulog at siya din ang nag-aalaga dito mula ng isilang ito ng kapatid dahil lagi itong wala sa bahay, pero hindi parin sapat na dahilan iyon para abandonahin nito ang sariling anak at ibigay sa kanya. "Ano? Ate, bente lang ako? Anong alam ko maging ina?" "Buo na ang desisyon ko at ayos na rin ang mga papeles ko. Iiwan ko sayo si Amarah at ang bahay na ito ay nakapangalan narin sayo." "Pero ate---" "Ito lang ang hihingin ko sayong kapalit sa pag-aalaga at pagpapa-aral ko sayo, Bella. Mula ng araw na ipinanganak ko si Amarah ay ikaw na ang nakatalang ina niya. Alam kong aalagaan mo siya at magiging mabuti kang ina sa kanya." Marahas na napahilamos sa mukha si Bella sa sobrang inis na nararamdaman sa nakatatandang kapatid. "Eh, hindi mo pa pala kayang maging ina bakit ka nagpabuntis? Tapos ngayon ipamimigay mo lang? Anong klase kang ina, ate?" hindi na niya napigilang manumbat habang tumutulo ang luha. Naaawa kasi siya kay baby Amarah na parang tuta lang na ipinamimigay ng sariling ina kahit na sabihin pang tiyahin siya nito. Tumayo si Gwen at kinaladkad siya palabas ng kwarto. "Huwag mo akong husgahan dahil kung anuman ang ginawa ko, para din iyon sayo! Para kumain ka ng tatlong beses sa isang araw, para may bahay ka na sisilungan, para matustusan ko ang pag-aaral mo! Para makatapos ka at magkaroon ng mas magandang buhay. So you see, kaya nagkaganito ang buhay ko dahil maaga akong naging ina at ama mo, Bella. Kaya huwag mo akong pagsalitaan na parang napakasama kong tao dahil kung masama akong kapatid, iniwan na sana kita sa lansangan." Hindi nakapagsalita si Bella. Kahit kailan ay wala siyang narinig na reklamo mula sa ate Gwen niya mula ng maulila sila. Ginampanan nito ang ang pagiging ina at ama sa kanya kahit na noong mga panahon na 'yon ay nasa huling taon palang ito sa kolehiyo. Pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtatrabaho para maitaguyod lang nito ang buhay nilang dalawa. "Ate, hindi naman tuta si Amarah na basta mo nalang iiwan sa akin," mas mababa na ang tono ng boses niyang turan dito. "Tsaka hindi pa ako handang maging ina, ate! Bente palang ako... Hindi pa ako handa sa ganito kalaking responsibilidad." sinusubukan niyang paliwanagan ang ate niya ngunit makikita sa mukha nito na buo na talaga ang desisyon nito. "Bukas na ang alis ko. Huwag kang mag-alala at tutulong naman ako sa mga gastusin niyo dito sa bahay, magpapadala ako ng pera para sa mga pangangailangan niyo," turan nito ngunit hindi nakatingin sa kanya. "Hindi naman pera ang kailangan namin, ate. Ikaw ang kailangan namin ng anak mo. Iniwan na nga tayo nila mama at papa, pati ba naman ikaw ay iiwan mo rin ako, kami ng anak mo?" naluluha niyang turan. "Ikaw ang ina ni Amarah, Bella," walang emosyon na turan ng ate niya sa kanya. "Hindi na talaga magbabago ang isip mo, ate?" humihikbi niyang tanong. "Kailangan ko lang talagang lumayo. Kailangan ko itong gawin para sa sarili ko, Bella. Gusto kong ayusin ang buhay ko. Gusto kong tuparin ang mga pangarap ko..." Nailing nalang si Bella. Mukhang wala na siyang magagawa dahil talagang buo na ang desisyon nitong iwan sila ni Amarah na noon ay tatlong buwan palamang. Mataas ang pangarap ng ate niya. At malaking dagok dito ang pagbubuntis kay Amarah at hindi pa pinanagutan ng tatay ng bata dahil nga may asawa nga daw ito at mga anak. "Paano kang nakakasiguro na doon pa nagtatrabaho ang ama ni Amarah?" tanong ni Jenny sa kanya na nagpabalik sa isip niya mula sa pagbabalik tanaw niya sa nakaraan. "Kilala ko ang ate Gwen ko. Masyadong mataas ang pangarap... Sigurado akong hindi iyon papatol sa kung sinong pipitsugin na empleyado lang. Maaring isa sa mga executive ng Thomas Global ang nakabuntis sa kanya at iyon ang kailangan kong alamin, Jen. Kapag nahanap ko ang ama ni Amarah ay napakalaking posibilidad iyon na magmatch sila ng marrow o kung totoo mang may mga anak siya---mas malaki ang posibilidad na isa sa kanila ang makakapagligtas sa buhay ng anak ko. And I will do everything to make my baby live!" "Naiintindihan ko naman ang point mo. Pero para kang naghahanap ng karayom sa gitna ng Quiapo sa ginagawa mong iyan. Isa pa wala akong tiwala sa boss mo na 'yan. Balita ko ay napaka babaero daw niyan. Kaya nga ba at "The Irresistible Playboy" ang tawag sa kanya ng mga tao? Paano kung pagkainteresan ka niyan?" nag-aalalang turan ni Jenny. "I don't think so. Hindi iyon papatol sa isang katulad ko lang. Nababasa mo naman sa internet at mga magazine kung ano ang mga klase ng mga babaeng dini-date niya, diba? Models and beauty queens." "Don't underestimate your beauty, Bella. Maari ngang hindi pang beauty queen ang height mo," she teased. "Pero hindi ka naman papatalo sa kagandahan nila. At napakarami rin naman ang mga nagkakagusto sayo." "Na agad ding umaatras kapag nalalaman na may anak na ako," nakaengos niyang turan. "Dahil hindi naman nila alam ang totoo na pamangkin mo lang si Amarah at hindi siya galing sa tiyan mo." "Anak ko si Amarah, Jen." "Fine, anak mo siya. Pero hindi naman alam ng boss mo na may anak ka." "Alam niya. Sinabi ko sa kanya. Kaya kung mayroon man siyang masamang balak sa akin... mag-aalangan na siguro siya. Hindi 'yon papatol sa may anak at sisira sa reputasyon niya at ng pamilya niya," sagot niya sa kaibigan. "Ang lalaking panandaliang aliw lang ang gusto ay walang pakialam kung may anak ka man o wala. Basta mapapaligaya mo sila sa kama at mairaraos nila ang init ng katawan!" "Huwag ka ngang paranoid. Suporta ang kailangan ko, Jen. Hindi ang pananakot mo." "Fine. Nag-aalala lang naman ako." "Alam ko, pero kaya kong alagaan ang sarili ko. Huwag lang siyang kikilos ng hindi maganda at babayagan ko talaga siya. Tingnan lang natin kung hindi huminto sa kanya ang lahi nila." Natatawang nailing nalang si Jenny. "Pero bakit hindi ka nalang mag concentrate sa paghahanap sa ate Gwen mo?" Malungkot siyang napatingin sa direction ni Amarah na natutulog sa hospital bed nito. "Paano kong hahanapin ang taong ayaw magpahanap, Jen? Isa pa, napakalayo ng Amerika. Ni hindi ko nga alam kung anong state siya naroon. Isa pa mabuti na rin ang maraming choices." "Sabagay. Pero mag-iingat ka! Huwag kang papauto sa boss mo at baka imbes na maayos ang problema ay makadagdag pa. Ako na ang bahala kay Amarah. Hindi ko siya pababayaan." "Thank you, Jen!" pasalamat niya dito, "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." "Wala 'yon. Alam mo namang hindi ko kayo kayang tikisin. Pamilya tayo, diba?" Malaki ang pasasalamat niya sa matalik niyang kaibigan. Kung hindi dahil dito ay hindi niya alam kung saan sila tutuloy ni Amarah. Nang sabihin niya ditong luluwas siya para ipagamot si Amarah ay buong puso siya nitong pinatuloy sa inuupahan nitong apartment. "Paano si Dwayne? Nagpaalam ka ba sa kanya?" tanong nito maya-maya. "Hindi pa kami nag-uusap," maikli niyang sagot. Tumango nalang ito at hindi na nagtanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD