Chapter 2

1334 Words
(Chapter 2 - Ang pagtataboy sa ahas) Tamara's POV Nagbababad ako sa bathtub ko nang tumawag sa akin si Cyd. Unang kita ko pa lang sa pangalan niya sa screen ng phone ay napa-irap agad ako. Ayokong masira ang maganda kong mood kaya hindi ko na lang siya pinansin. Mas nilakas ko na lang ang tunog ng mamahaling speaker ng banyo ko para hindi ko marinig ang ring ng cellphone ko. Ito ang gustong-gusto kong gawin pagkatapos kong maglagalag sa labas. Bago matulog ay nagbababad ako sa bathtub para bonggang-bongga ang sleep ko mamaya. Nakasanayan ko na itong gawin. Sa totoo lang ay ayoko sanang maligo. Nakadikit pa kasi sa buhok at mga damit ko ang pabango ni Kinn na kumapit talaga sa akin ng bongga dahil ganoon naman talaga ang mga mamahaling pabango. Kahit ang amoy niya ay nakakahumaling din. Habang paulit-ulit kong inaalala ang nangyari sa amin kanina ni Kinn ay para akong bata na pinaglalaruan ang mga petal ng rose na nasa bathtub ko. Ganitong-ganito ako kapag masaya. Ginagawa ko iyong mga weird na bagay na hindi ko naman nagagawa kapag seryoso at mainit ang ulo ko. "Ma'am Tamara, pinapatawag na po kayo ni Maam Marra at ready na po ang dinner!" sigaw ng maid namin sa labas ng pinto ng banyo ng kwarto. "Okay! Pababa na ako!" sigaw ko rin sa kanya. Pagkatapos kong magbabad ay naligo na ako. Siyempre, bago ako lumabas sa banyo ay ipinahid ko na rin sa katawan at mukha ko ang mga skincare na ginagamit ko para mapanatili kong makinis at maganda ang balat ko. Pagbaba ko sa ibaba ay nagulat pa ako na naroon na sa kusina namin si Cyd na sinalubong pa ako nang ngiti. Wala pa rin siyang kaalam-alam na nahuli ko siya kanina. Maling-mali ang pagpunta niya rito. "Bakit hindi mo sinasagot ang message at call ko, babe?" tanong niya na sasalubungin sana ako nang halik sa pisngi ko pero sinampal ko agad siya. "Babe!" Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Pati sina mama, papa at ang mga maids sa kusina ay nagulat din. "Huwag na huwag mong idadampi iyang nakakadiri mong labi sa pisngi ko!" galit kong sabi sa kanya kaya nanlalaki ang mata niya lalo. "B-bakit?! Anong problema?" agad na tanong niya.  "Anong nangyayari, Tamara?" nakatayong tanong ni papa na gulat na gulat pa rin. Madalas kasi nilang nakikita na super sweet namin, lalo na rito sa bahay. Nagtaka siguro sila kung bakit sinampal ko siya sa harap nilang lahat. "May problema ba? Magpaliwanag nga kayo?!" tanong na rin ni mama na tila nag-aalala na. "Ako po wala, ewan ko po diyan kay Tamara at bigla-bigla na lang nanampal," confident pa na sagot ni Cyd kaya napapangisi na lang ako. Ang galing. Sadyang nagmamalinis pa rin siya. Kung mas maaga ko lang nalaman na magaling pala siyang magtago ng sikreto at um-acting na parang mabait ay hindi na ako naging sobrang sweet sa kanya. Siguro noon pa niya ako niloloko. Wala akong kaalam-alam na ganito pa lang klaseng lalaki ang minahal at pinagtuunan ko ng oras sa mahabang panahon. Nakaka-bwisit lang! Namewang ako sa harap niya at saka ko siya pinandilatan ng mata. "Linya ko dapat iyan. Ako...walang problema. Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw ko kaya tuluyan na silang nagulat. "B...bakit? Anong ginawa kong mali? Napapaano ka ba, babe?" pa-sweet pa niyang sabi kaya lalo akong naririndi. Oo, bigla na rin akong nandiri sa tawagan naming iyon. "Huwag mo akong matawag-tawag na babe. Nakakadiri ka! Nahuli kita kanina sa isang coffee shop na may kahalikan na ibang babae. Nakakadiri ka talaga! Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa iyo...tapos na tayo! Umalis ka na rito bago ko pa mabasag iyang mukha mo!" galit kong sabi habang tinutulak ko siya palabas sa mansyon namin. "S...sandali. Baka naman ibang lalaki ang nakita mo, babe! Wala kang ebidensya. Baka naman nagpa-prank ka lang. Huwag naman ganito, babe," pagpupumilit pa niya kaya sinapak ko na siya sa mukha. Galit ako kaya napaka-solid nang suntok ko sa kanya. Nakita kong nagdugo ang labi niya. Tama lang sa kanya iyon. Kahit pa paano ay nailabas ko na ang galit ko sa kanya. "Enough!" sigaw ni papa kaya pare-parehas kaming natigil. "Tama na, Cyd! Nahuli ka na ng anak ko! Umalis ka na rito! Simula rin ngayon ay hindi ka na maaring makapunta pa rito. Sinayang mo ang tiwala naming lahat!" galit na rin na sabi ni mama sa kanya kaya tuluyan nang nanlumo ang mukha niya. "Para wala nang mahabang paliwanagan, ito ang ebidensya ko. Titigan ninyong mabuti," sabi ko at saka ko ibinigay sa kanila ang cellphone ko. Sina mama at papa ang kumuha ng cellphone ko. Sila ang tumingi sa ebidensya ko. Nakita kong agad na nag-iba ang timpla ng mukha ni papa matapos niya iyong makita kaya bigla akong kinabahan. Alam kong masasaktan si Cyd. Kilala ko si papa. Iba siya magalit. "Tama ang anak ko. Niloko mo lang siya!" sabi ni papa at agad niyang sinugod si Cyd. Napailing ako nang makita kong sinapak siya sa mukha ni papa. Kitang-kita ko kung paano dumugo ang nguso niyang makati pa sa gabi. Tumingin pa sa akin si Cyd. Tingin na para bang humihingi ng tulong at nagpapaawa pa. Imbis na maawa ako ay pinakita ko pa sa kanya na ngumisi ako. "Nararapat lang sa iyo iyan," sabi ko pa at saka ko siya tinalikuran na.  Tapos na ako sa kanya. Bahala na si papa sa kung ano pa ang gusto niyang gawin sa lalaking iyan. Deserved! Bumalik na lang ako sa hapagkainan dahil nagutom ako sa nangyari. Sumunod si mama sa akin. Hinagod niya ang likod ko na para bang kino-comport ako. Akala siguro niya ay nalulungkot ako sa nangyari. "I'm fine, mama. Hindi ko naman dinadamdam ang nangyari sa amin. Happy na agad ako. May ipapalit na ako sa kanya na mas matino, mas gwapo at mas mabait," sabi ko sa kanya kaya napataas agad ang kilay niya. Nagulat siguro siya sa akin. Ganito ako kay mama. Open na open ako at hindi nahihiya. "Tamara, huwag ka ngang padalos-dalos. Kaya ka nasasaktan e. Maghanap ka ng lalaki na seryoso at alam mong hindi ka lolokohin. Saka, huwag mong ibinibigay ang lahat-lahat para hindi ka nasasaktan," sabi pa niya kaya ngumisi na lang ako. "Hindi na talaga, mama. Natuto na ako. At saka nahanap ko na talaga si the one. Nahanap ko na ang lalaking alam kong hindi ako lolokohin. Sa ngayon ay kailangan ko lang mapalapit sa kanya para matuloy ang plano ko. Sisiguraduhin kong siya ang makakatuluyan ko," sabi ko kay mama kaya napapailing na lang siya. "Hindi!" agad na singit ni papa. Mukhang tapos na niyang bigyang nang leksyon si Cyd. "Simula ngayon ay hindi ka na muna magbo-boyfriend!" galit niyang sabi at saka muling naupo sa upuan niya. "Papa..." "Enough. Wala munang boyfriend, tapos!" seryoso niyang sabi kaya tumahimik na lang ako. Tinignan ko si mama. Tatawa-tawa siya sa akin. Alam kasi niyang hindi ako uubra kay papa. Sa kanya kasi ay nakakasuway ako, pero kay papa ay hindi. Ayoko na kasing mangyari ang ginawa niyang parusa sa akin noon. Kinuhanan niya ako ng sasakyan, mga card, cash at hindi ako pinalabas ng bahay ng isang buwan. Sobrang boring. Para akong tino-torture sa loob ng kwarto ko na halos mamuti ang buliga ko sa kakapanuod lang ng TV. Kaya nang mangyari iyon ay palagi na akong sumusunod sa kanya. Pero ganoon pa man ay hindi nila ako mapipigilan. Tuloy pa rin ang plano ko. Kailangan kong makaisip ng plano kung paano mapapalapit kay Kinn. Simula kasi nang makita ko siya kanina sa personal ay gusto kong araw-araw ko na siyang nakikita. Pero paano kaya? Saan kaya siya nakatira? Bakit kasi napaka-private niyang tao e. Hindi manlang niya sinasabi sa mga fans niya ang address niya. Hindi bale...ramdam ko naman nang kami ang itinadhanda. Ang bahay niya na hindi ko mahanap sa ngayon ay ang bahay na magiging bahay ko rin sa future. Think positive lang, Tamara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD