Kabanata 2: Drei Leviste

2333 Words
Isang malakas na haklit sa braso ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang pinto ng aming bahay. It was Alab Mahika in his lion look. Inis kong binawi iyon at hinimas ko ang braso. Padabog kong inayos ang nagulong damit. Ano na namang trip ng matandang 'to? "What?" tamad kong tanong. Ang mga mata niya ay nanlilisik na nakatingin sa akin. Handang-handa na akong sakmalin. "Ano na namang ginawa mo?!" sigaw niya. "Phinni break up with me," he yelled at my face. "At kasalanan ko? Bakit parang kasalanan ko? Saka ang ingay mo, Daddy. Natutulog na iyong mga kapatid ko, eh," yamot kong anas. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mangingiwi sa narinig. Pilit kong sinusupil ang nagbabadyang ngiti. My father's face was epic and that was a good show. Para siyang teenager na iniwan ng jowa. Well, totoo naman. "I know that you did something, Sinag," sigurado niyang paratang. "Kilala kita. You will do anything to make my life miserable just like what you're mother did to me." Wow. Aping-api 'yan? "I just saved your ass, father. Your fiancee of a w***e had a child with the Vice President. What happen to the Phoenix will always be loyal with the government, eh?" Sinaksak ko sa baga niya ang brown envelope kung saan naroon ang larawan at DNA test result ng bise president at anak nito kay Phinny bago ko siya talikuran. Hindi niya na nakuhang makipagtalo sa akin dahil alam niyang may kalalagyan siya kapag may kinalaban siyang mataas sa gobyerno. The Phoenix was discreet and can protect its reputation pero iba pa rin kung kapanig ang gobyerno lalo na kung may misyong may kinalaman sila. Kilalang eskandalosa si Phinny. Siguradong guguluhin siya nito kapag nalaman ng bruha na ako ang may pakana kung sakaling sisiwalat sa madla ang sikreto niya. "You will transfer to another university," biglang usal niya na siyang kinalingon ko. I throw him daggers. Hindi talaga ako titigilan pestehin ng matandang ito. Ang kaninang mabalasik na awra ay napalitan na lang ng blankong mukha. Kawawa, iniwan ng jowa. "And why?" "There's a threat. Hindi pa malinaw kung sino." "Whatever," I cut him off and then walked away. Hindi naman na bago sa akin ang pagpapalipat-lipat ng school dahil nga sa uri ng trabaho ni daddy. Iyong mga nalilipatan naming school ay may connection din sa ahensya. Being a member of Phoenix means danger at lagi kaming sinusundan noon lalo na ang grupo ni daddy. Ngunit wala pa namang nangyayaring masama or shoot-out dahil bago pa man malaman ng kalaban ay wala na kami. He immediately emailed the details of the school at kung saan kami lilipat. Ganoon lang kami madalas mag-usap, through email. Iyon na iyong pinakamatino naming communication na hindi nag-aaway. We will be transferred to Immaculate Colleges on the next semester. Syempre, kasama ko roon ang mga kapatid ko. Ayoko sa lahat ay nalalayo sila sa akin. May property doon si mommy kaya naman may bahay na kami. That was located in my mothers birth town in Naic, Cavite. Malalim akong napabuntong hininga nang maalala si mommy. Sana lang ay makumbinsi ko siyang sumama. Ayokong bigla na lang mabalitaan na nagbigti na siya dahil sa depression sa pangungunsinti sa pambabae ng magaling niyang asawa huwag lang siya nitong iwan. Binaba ko ang hawak na take-out cup sa lamesita sa tabi ng aking kama. My name was on it using Drei's penmanship. Muli akong napangiti nang bumalik sa isipan ang madidilim na mga mata ni Drei. Those jet black eyes will surely hunt me in my dreams and the pleasure is mine. Sana nga ay hindi na ako magising. Ginawa ko talaga ang lahat upang makuha ang buo niyang pangalan. "What's your name?" I asked him. Hindi na kasi siya muling nagsalita ng sabihin kong kailangan ko siya. "I'm Drei, ma'am.""Oh, don't call me, Ma'am. Because. I'm yours. Kidding, I'm Sinag."Then he chuckled at what I said. "You're cute, Sinag. It's nice to meet you." He smiled at me. "Again, anything else? Dessert?""Oh. I just need you to write something for me." I handed him a pen and a piece of paper. Paulit-ulit na nagbukas sara ang kaniyang mata, nagtataka. Ang sarap tingnan niyon habang sumasayaw ang mahahaba niyang pilik mata. Inabot naman niya iyong papel. Salamat ay hindi ako napahiya. "Yeah? Okay. What is it?" kunot noo niya tanong. Bawat kibot at galaw yata niya ay may papuri ako. His luscious red lips were wet and ready to be kiss. Mahahalikan din kita akala mo! I got his number and his full name dahil ang sabi ko ay supplier ako ng coffee bean. At siya, bilang isang ulirang manggagawa na kailangan magbigay ng excellent customer service ay nakumbinsi ko. I know the drill dahil iyan ang kalakaran sa hotel ni mommy. Suppliers are everywhere na naglilibot para makakuha ng stable customers at ang malalaking establishment nga ang target nila. And derived from my name Sinag, the Sunshine Crown Hotel. It was a three-star hotel. At hindi ko alam kung bakit ganoon ang drama na sa akin pinangalan eh, hindi naman nakikinig sa akin si mommy. Tapos iyong tatay ko ay ang hilig akong pagalitan at sigawan. 'Diba if parents named something precious to them after your name 'yun eh, dahil favorite daw nila ang taong iyon o kinagigiliwan at pinakamamahal? Parang hindi naman. I will text him tomorrow na lang para hindi naman masyadong halatang atat akong kainin siya. Roar! "Dranrei Alison Leviste...ay kabayo!" Natigil ang pagbabalik tanaw nang gulatin ako ni Bituin. Nakapantulog na siya at basa pa ang buhok. "Boyfriend mo 'yang nginingiti mo, Ate? In love ka na?" Humahagikhik niyang tanong. Inismiran ko siya ngunit kalaunan ay nangiti na rin. Obvious yata na inlababo na ako. Naiugnay lang ang pangalan niya sa akin ay kinilig na agad ako. Diyos ko. Ang kiri! "Hmmm. I met him at a coffee shop. Then, my heart went ooppss. Char!" I kidded. "Luh, si Ate Sinag ang landi. Sige na kwento ka na." Kinuha ko muna ang suklay sa lamesita at pinapwesto siya sa aking harap. Hindi pa kasi masyadong suklay iyong dulo dahil sobrang haba ng kaniyang buhok. "Iyon nga, kanina ko lang siya nakilala. And then I get his name and his number," proud kong sabi while wiggling my brows. She giggled when she saw my happy face at the mirror infront of us. "What's his name, again?" "Dranrei Alison Leviste." Cute right? "22 years old, 6', gemini." I proudly said. "Oo nga. Unique pati ng pangalan," sang-ayon naman niya. "At alam mo ang lahat ng details, ha? Grabe, pati zodiac sign talaga?" "Of course. Ganoon talaga, dapat inaalam lahat." "Is he gwapo?" "He's a prince charming," kilig kong sambit. "His eyes were jet black. Parang laging inaantok pero malalim tumitig. Matangkad siya, medyo kulot ang buhok tapos mapupula ang mga labi. Parang ang sarap-sarap i-kiss," kinikilig kong dagdag. "Really? Do you have a picture? Gusto kong makita!" She shrieked. I shh her to keep quiet dahil natutulog na si Tala. Aabutin na naman kami ng madaling araw kung magigising iyong bunso namin dahil napakadaldal noon. Kinuha ko ang cellphone at pinakita sa kanya ang larawan ni Drei. Ako pa ba? Syempre, meron ako no'n. If there's a will, there's a Drei. Palihim kong kinuhanan siya ng larawan kanina. "Hala, Ate, ang gwapo naman nito. 'Di ka naman papatulan niyan...aray naman!" Sinabunutan ko siya. Pasmado rin ang bunganga, eh. "Iyan na ang pakakasalan ko. Tigil mo 'yang bunganga mo. I rebuke it in Jesus' name, amen." "Sus, ginamit pa si Papa Jesus." "Ano ka? Malakas ako roon ano? Kita mo nga, tagal ko ng prayers ang magkaroon ng jowa para naman maaliw ang buhay ko. Heto na, binigay na niya. May himala!" "Akala ko ba never ka mag-aasawa?" Napanguso siya. Bigla ko tuloy naalala iyong mga sumpa ko noon na hinding-hindi ako mag-aasawa dahil ayokong magaya kay mommy. "Hindi pwedeng inspirasyon lang muna?" taas kilay kong tanong. "Pero mukhang playboy naman, ate. Masyadong gwapo, eh. Kapag ka ganyan, eh maraming babae 'yan." "Kaya nga kami bagay dahil masyado akong maganda." Wala nang nagawa ang kapatid ko kundi ang um-oo na lang dahil alam niyang lahat ng kontra niya sa pagmamahalan namin ni Drei ay may ibabato ako sa kaniya. Hashtag love wins! Walang makakagiba sa nangangarap kong puso. Kung karaniwang araw lang na walang nangyaring maganda sa akin ay hindi ako agad dadalawin ng antok dahil sa dami ng iniisip sa pamilya. Ngunit iba ang humatak sa akin ng tulog ng gabing iyon dahil mas nangibabaw ang mukha ni Drei Leviste habang nagpapaantok kesa sa mala-satanas na mukha ni daddy kaya mabilis akong nakatulog. I woke up with soft kisses the next day. Ibayong init at kiliti ang hatid noon sa akin. I smiled and moaned nang dumako iyon sa aking leeg. Nang magmulat ako ng mga mata ay si Drei ang bumulaga sa akin. Ang lalaking laman ng aking pantasya at inspirasyon kagabi. I smiled and held his face using both of my hands. Kinapa ko ang kaniyang mukha. "You're real?" I asked him. Muli kong hinagod ang gwapo niyang mukha, mula kilay pababa sa kaniyang mga labi. "Of course, I'm real and I'm here. Good morning, Lovie." Hindi ko na nagawa pang batiin siya pabalik dahil siniil na niya ako ng mainit na halik sa labi. It was needy and hot. His hands were roaming around my body. "Your curves perfectly fit on my palm," he sexily uttered before kissing me again. I grinned in between kisses. His voice was enticing that made me wet down there. Hindi naman ako inosente sa ganoong bagay. I made out with lots of boys and that was arousing. I know what he wants and I'll willingly give it to him if that is what he wants. Lalong nag-init ang aking pakiramdam nang dumako ang kaniyang palad sa aking gitna. Mabilis na natunton ng daliri niya ang aking kuntil. When suddenly a familiar voice called my name. "Ate! Ate!" Naputol ang masarap na eksena nang marinig ko ang boses ni Bituin. Ina naman, nandoon na, eh. Hahagod na! "What?!" I hissed at her. Muli kong nilagay sa mukha ang unan na kaniyang pilit na tinanggal. "You are having a nightmare. I heard you ahh...ahhh." She even mimicked my moan. Parang gusto ko siyang hambalusin bigla. "Para kang sinasakal." "Bakit 'di mo na lang ako hinayaan mamatay!?" yamot kong tanong. "What?" "Wala, sabi ko salamat at ginising mo ako," I answered with sarcasm. Dahil wala namang pasok ay muli akong natulog. Pilit kong binabalik ang eksena kung saan naputol ang masarap na panaginip ngunit hindi ko na nagawa. Napasabunot ako ng buhok at napagpasyahang matulog na lang nang payapa bago pa mawala ang aking antok. Tanghali na ako nagising kaya iba na ang kinakain ng mga kapatid ko sa hapag. I was having my brunch while my sisters were having their miryenda. Hindi nagtagal ay dumating na si Krisha - my personal assistant at may dala na itong mga papeles. Those were our documents for the enrollment sa lilipatan naming school. Napatingin si Bituin sa hawak niya at saka nagtanong. "Ate, are we going to transfer again?" malungkot na tanong ng kapatid ko. I sighed and faced them. "You know the drill, girls. Pero tingin ko naman ay magtatagal tayo roon dahil liblib ang lugar. You can still see your friends." Alam kong malungkot na balita iyon para kay Bituin dahil napamahal na siya sa mga kaklase niya pero kahit naman ako ay walang magagawa because its for our safety. Noong una ay ayaw pa ni daddy sabihin iyong totoo dahil baka raw mag-leak ang information sa iba. Nakakasama kasi sa puso ni Bituin iyong palagi siyang nagagalit at nalulungkot sa tuwing lilipat kami dahil hindi niya maunawaan ang sitwasyon. Ang dami pa kasing pasakalye ni Alab kaya ako na lang ang nagsabi ng totoo. Ayun, malutong na sampal ang natamo ko. Mas okay, na iyon kesa mamatay sa sama ng loob ang kapatid ko. Ano namang akala niya sa mga kapatid ko, tanga? Sinong tanong magpapahamak sa sarili mong pamilya? Well, meron naman pero siya lang 'yon. Nothing could beat his thick face. Kinabukasan ay inasikaso namin iyon agad at nagpunta sa nasabing school. It was a private university at sobrang laki pala niya. It was near the shore. The air was fresh and you can smell the ocean. Tamang-tama ang lugar para kay Bituin. Iyong last school kasi namin ay malaking building and along the highway kaya nati-trigger ang asthma niya. At kapag inatake siya ng hika ay mahihirapan na siyang huminga. Doon na sasabay iyong problema niya sa puso. Mabilis lang naman ang naging proseso. As the eldest ay ako ang nag-asikaso ng lahat. "Do you like it here?" tanong ko kay Bituin dahil bakas sa kaniyang mukha ang tuwa. "Yes, Ate. Ang sarap ng air, hindi na kulob." "I like it here, too, Ate pero sa kabilang way pala iyong sa amin ano?" "Yes, magkahiwalay ang college at highschool. Kayo ang unang ihahatid ko bago ako pumasok sa building namin." We decided to eat out after enrollment. Doon namin napili sa may karenderya sa labas lang ng school. They have waffles and milk tea at mga lutong bahay. Habang naghihintay ng orders ay naagaw ng isang pamilyar na bulto ang atensyon ko. It was Drei wearing ripped jeans and a simple black v-neck shirt. He was gorgeous in that bad boy look. Sabik kong tinungo ang daan kung saan siya naroon. Nakasandal siya sa pader at may sigarilyo sa bibig. He looks irritated pero wala akong pakialam. Nakumpirma ko na bad mood siya nang tumingin sa akin. "Ikaw na naman?" kunot noo niyang tanong. Halos magusot na nga iyong mukha niya. I could smell the alcohol in him and his eyes were bloodshot. Pero hindi sapat iyon para ma-turn off ako. Not on me, Baby. "Really? It's me again? Hi, crush," I said with a wide smile on my face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD