bc

Cheated with my Husband

book_age18+
9.9K
FOLLOW
36.7K
READ
contract marriage
second chance
self-improved
inspirational
drama
bxg
heavy
female lead
wife
shy
like
intro-logo
Blurb

Tatlong taon ng kasal si Silvia at Max. Ngunit hindi parin sila nabibiyayaan ng anak dahil dalawang beses na rin na nakunan si Silvia. Itinuon ni Max ang atensyon niya sa negosyo at nakalimutan na niya ang kanyang obligasyon sa kanyang asawa na naging dahilan sa panlalamig nila sa isa’t-isa. Pero may mas susubok pa pala sa kanilang dalawa. Dahil sa isang kasinungalingan at plano ni Ava na ex-girlfriend ni Max ay nagawa niyang paghiwalayin ang dalawa. Maibabalik pa kaya ni Max si Silvia kapag nalaman niya ang totoong ginawa ni Ava? Kung may bagong nagmamay-ari na sa puso nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hating gabi na ngunit inaantay parin ni Silvia si Max. Araw ng ika-tatlong taong anibersaryo ng kanilang kasal ngayon at nangako itong uuwi siya ngayong gabi para sabay nilang ipagdiwang ito. Kaya maaga pa lamang ay namili na siya at naghanda ng paboritong pagkain ni Max. Bumili din siya ng maliit na cake at inilagay sa gitna ng mesa. Nakaligo na rin siya at nagsuot ng manipis na pantulog dahil gusto niyang surpresahin ito. Sa loob ng tatlong taon ay nanatiling ma-asikaso si Silvia kay Max. Hindi rin kasi siya pinayagan na magtrabaho dahil malaki naman ang kinikita ng kompaniya nito. Kaya lang dahil may international branch ang pagmamay-ari nitong kompaniya bukod sa tatlo pang branch dito sa pilipinas ay naging abala ito sa pamamalakad ng kanilang negosyo. Kaya kadalasan ay matagal itong umuwi at minsan naman ay tulog na siya kapag umuuwi ito mula sa opisina. Kahit week ends ay may trabaho pa rin ito kaya inaamin niyang wala na silang quality time at hangang ngayon ay hindi pa rin sila magka-anak dahil dalawang beses na rin siyang nakunan. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil lahat ginawa na niya upang pagsilbihan si Max. Ngunit alam niyang hindi parin lubos ang kasiyahan nito upang mabigyan siya ng oras. Natatakot din siya na baka pag nabuntis siya ulit ay umasa na naman silang mag-asawa at mabigo. Tandang-tanda pa ni Silvia kung gaano sila kasaya noong nalaman niyang buntis siya. Inalagaan siya nito at ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya pati na rin sa baby na dinadala niya. Palagi niya pa itong kinakausap. Tatlong buwan pa lamang silang kasal noon. Ngunit sa kasamang palad ay hindi nabuo ang inaasahan nilang baby. Apat na linggo pa lamang siyang buntis nang tuluyan itong hindi ma-develop. Kaya kinailangan niyang iraspa para matangal ang natitirang dugo sa kanyang sinapupunan. Pinayuhan siya ng doctor na mas ingatan ang sarili at magpaalaga sa kanyang personal ob-gyne doctor para in case na mabuntis siyang muli ay mas ma-lessen ang risk ng pagdadalang tao niya. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nakunan pa rin siya matapos siyang biglang mahilo at madulas sa banyo na naging dahilan ng pagkalaglag ng two months old baby na kanyang dinadala. Labis ang kanilang panghihinayang at kung si Max ay piniling maging abala sa kanyang negosyo ay naging mas maalaga at mapagmahal naman siya dito. Halos hindi na siya umaalis ng bahay para lang mapag-silbihan si Max. Nililibang na lamang niya ang kanyang sarili sa pagtatanim ng halaman at pagbabasa ng mga libro. Habang inaantay niya ang pag-uwi ni Max. Minsan sinasama rin naman siya nito sa out of town kaya lang mas madalas hindi na siya pinapasama dahil baka mapagod lang daw siya sa bayahe. At ngayon ay gusto niyang bumawi at sorpresahin sana ito ngunit ilang oras na siyang nag-iintay ay hindi pa rin ito dumarating. Mangangaling pa kasi ito sa Singapore dahil sa isang linggo nitong business summit. Kaya isang linggo na rin niya itong hindi nakikita. Ngunit nakatulog na siya sa mesa ay wala pa rin siyang tawag na natatangap simula kanina. Napamulat si Silvia nang marinig niya ang sasakyan mula sa garahe nila. Ngunit nang tignan niya ang orasan at nanlumo siya dahil lagpas alas-dose na pala kaka-antay kay Max. Hindi pa rin siya kumain ng hapunan ngunit pakiramdam niya ay wala na siyang gana. Alam niyang si Max ang dumating kaya sinalubong niya ito upang pagbuksan ng pinto. “Hon? Bakit gising ka pa?” Kunot noo na tanong ni Max sa kanya nang makita siya nitong nakasandal sa gilid ng pinto. “Nakalimutan mo na ba Max?” Pumasok si Max sa pinto kaya umatras siya para masara ito. “s**t! I’m sorry Hon! I forgot! Pina-cancel ko kasi yung flight ko kanina at nagpare-schedule ako ng tatlong oras na delay dahil kina-ilangan kong makipagkita kay Mr. Sethar para sa pipirmahan niyang contract. Nakalimutan kong tawagan ka Hon. I’m sorry.” Hinalikan siya nito sa labi ngunit umiwas siya. Hindi lang kasi ito ang unang beses na nakalimutan niya ang anniversary nila dahil sa tatlong taon nilang kasal ay ni-minsan hindi nito naalala ang araw na ito. “Hon, wag ka ng magtampo. Para din naman sa atin to kaya ginagawa ko to para sa future natin at sa magiging anak natin.” Napasinghap si Silvia at pinilit na hindi mapaiyak sa harapan ng nagpapaliwanag niyang asawa. “Para sa atin? O para sa’yo lang Max?” “Hon naman? Pwede bang bukas na lamang tayo mag-usap? I’m really tired. Okay?” Ito pa ang hindi matangap ni Silvia. Sa tuwing nag-aaway silang dalawa ni Max ay wala itong panahon na makipagtalo sa kanya at palagi na lang kinakatwiran nitong pagod siya o di kaya ay busy siya kaya lumilipas na lamang ang galit niya dito. Sa sobrang sama ng loob niya ay tinalikuran niya ito at malalaking hakbang na tinungo ang hagdan paakyat sa kwarto. “Hon! Silvia!” Tawag sa kanya ni Max. Ngunit hindi na niya nilingon ito dahil. Nag-uunahan na ang kanyang mga luha. Pagpasok niya sa kwarto ay nahiga na siya sa kama at nagtalukbong ng kumot. Pilit niyang kinakalma ang sarili dahil ayaw niyang ipakita ang paghikbi niya at mabuting sarilinin na lamang niya ang kanyang nararamdaman kagaya ng lagi niyang ginagawa. Naramdaman niya ang pagyakap ni Max mula sa kanyang likuran. Pati ang matipuno at mainit nitong katawan ay kanyang nararamdaman. "I'm sorry, babawi ako sa'yo bukas. I'll promise okay?" Hindi pa rin siya kumikibo dito. Kaya hinarap niya si Silvia sa kanya. Kinubabawan niya ito at hinila ang kumot na tumatakip sa kanyang mukha. Kaya nakita niya ang namamasang mata ni Silvia "I miss you. Wag ka ng magalit. I'll promise hindi na ito mauulit pa. Magpahinga na tayo okay?" Nag-iwas siya ng tingin upang hindi magtagpo ang mga mata nila. Sawa na rin kasi si Silvia sa mga pangako nito kaya alam niyang mangyayari pa rin ito sa susunod na taon. Marahas na napabunting hininga si Max tanda ng pagsuko sa panunuyo kay Silvia. Umalis na rin ito sa ibabaw niya at nahiga sa tabi niya. Kinagat ni Silvia ang ibabang labi upang pigilin ang nararamdaman niyang emosyon. Muli niyang tinalikuran ito at niyakap ang malaking puting unan upang pigilan ang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook