bc

Maiikling Kuwento ni jhowrites

book_age16+
684
FOLLOW
1.5K
READ
possessive
friends to lovers
goodgirl
confident
drama
comedy
bxg
lighthearted
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Sa mambabasa ng kwentong ito. Gusto ko kayong handugan ng isang kwento na magpaparamdam sa inyo ng labis na pagmamahal, labis na sakit, labis na kilig pero higit sa lahat gusto kong may mapulot kayong aral sa kwentong ito. Mga kuwento na dadalhin kayo sa iba't ibang dimensiyon ng emosyin, ng pag-ibig, pagpapaubaya, pagpapatawad at higit sa lahat pagmamahal sa sarili.

Love is not just love. May mga pagdadaanan, may pagsubok. May masasaktan at may sasaya. Ang importante, maging maligaya sa huli. Mahanap mo ang kaligayahan kahit nasaktan ka.

Enjoy reading.

chap-preview
Free preview
Naging Tayo Kaya 1
Ako si Hannah. Ako yung babaeng tahimik lang. Parang walang landi sa sarili dahil halos iwas ako sa mga lalaki. Nakikipagkaibigan lang ako at nakikisalamuha sa mga kaibigang babae. I love sports, track and field at long jump ang nilalaro ko mula elementarya hanggang nag-highschool. I don't like dress kaya nga nabu-buwisit ako sa tuwing uniform day. Kaya love ko ang friday dahil puwedeng magsuot ng jeans at t-shirt. Yung mga babaeng barkada ko, nagchichismisan tungkol sa mga crushes nila, samantalang ako hindi nila makausap nang matino tungkol doon. Tuloy, iniisip nilang tomboy ako. Hindi naman dahil sa iba ang gusto ko, o tama ang espekulasyon nila. Malihim lang siguro talaga ako, ayaw kong sa akin natutuon ang atensiyon nila, ayokong marami silang tanong kung bakit ko gusto ang isang tao. I have crushes, pero sa akin na lang iyon. Sa loob-loob ko nalang ang kilig. Sa akin na lamang ang saya. Sa likod na lang ng poker face ko ang ngiti sa tuwing kakausapin ako o papansinin ni crush. Ganito ako sa apat na taon ko sa higschool. Kahit nga may nagpapahiwatig noong fourth year highschool na ako, iniwasan ko lang talaga kahit isa siya sa crush ko. Nag-iba lang ang lahat noong tumuntong ako sa college. Iyon pa rin ang ugali ko. Nakikipag-usap ako sa taong unang makikipag-usap sa akin. Hindi talaga ako ang nauuna, isa pa baka kasi mapahiya ako, parang mga sosyalin din kasi ang ibang kaklase ko. May mga kakilala ako galing sa highschool pero iba naman sila ng klase noon kaya ayaw ko rin makihalubilo. Maaga ako sa school sa unang araw. Nasa kiosk ako habang naghihintay ng oras mag-isa. Bigla kang lumapit sa akin. Nakangiti. "Hrm ka?" With my poker face, tumango ako. Ayaw ko talagang magsalita. Tumawa ka at naupo na rin doon sa kiosk. Naisip kong baka kaklase rin kita kaya hinayaan ko na lang na nandoon ka. Ginawa kong busy na lang ang sarili ko sa pagtitig sa notebook na walang laman. Ilang sandali lang, may ibang naparoon. Nakipagkilala sa iyo, mapa-babae o lalaki man. Ako naman, sumiksik na sa gilid, buti na lang hindi nila ako napapansin. Hindi naman kasi ako pansining tao. Hindi ako magandang-maganda. Simple lang ako, walang kolorete sa mukha o katawan. Simple lang din magdamit. Okay na ako sa jeans at loose na t-shirt. Ayaw ko ng bakat sa katawan na damit. Hindi dahil mataba ako, balingkinitan ang katawan ko sa totoo lang, pero 'yon nga, ayaw kong maging agaw pansin. Nakinig ako sa mga usapan ninyo. Tama nga ako, magiging kaklase ko kayo. Kaya okay na rin sa akin na nandoon lang sa sulok. Para sa oras na ng klase, susundan ko na lang kayo kung saang silid tayo. Time comes, halos nag-unahan na ang ibang nasa kiosk para pumasok. Siyempre nagpahuli ako. Pero laking gulat ko dahil naroon ka pa, nakatingin ka pa nga sa akin, nakangiti pa rin. "Tara, akala ko nawala ka nang parang bula riyan. Ang tahimik mo kasi!" Sabi mong nakatawa. Napakamot ka sa ulo dahil nakatingin lang ako. Walang emosyon. Poker face ika nga nila. Nauna akong maglakad, sumunod sa mga magiging kaklase natin. Nagulat ako kasi bigla kang sumabay sa akin. Halos magkalapit lang tayo habang naglalakad. "Ako nga pala si Aldred, ikaw?" Napakunot ang noo ko sa iyo, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba ang pangalan ko. Hindi kita kilala, pero siguro nga, kaya nga nakikipagkilala ka di ba? "Hannah," sagot ko, ewan ko kung narinig mo dahil sa hina nito. Napatango-tango ka at medyo tumawa pa. "Maganda ang name mo, kasing ganda mo rin." Tirada mong nagpapula yata sa pisngi ko. Mainit ang pakiramdam ng mukha ko. Tumungo na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nauna na sa iyo kaya lang sinabayan mo pa rin ako. Halos sabay tayong pumasok sa classroom. Tahimik akong naghanap ng uupuan ko, samantalang ikaw, agad na nakihalubilo sa ibang kaklase, parang andali-dali mong pakisamahan. Parang ang gaan mong kasama. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nainggit, may tao palang ganito 'yung parang walang problema, game at friendly. Siguro dahil guwapo ka rin. Matangkad ka, may mahahabang pilik mata, matangos ang ilong, makipot ang laging nakatawang labi. Pero ang unang napansin ko sa iyo, yung maliliit na dimples mo sa cheeks. Parang taguan lang ng langgam sa liit, ang cute. Napailing ako bigla at sinaway ang aking sarili. Kung bakit ba naman ang physical mong katangian agad ang napansin ko. Hindi naman ako ganito pero parang may humihila sa aking pagmasdan at pag-aralan bawat galaw mo. Nakalipas ang linggo, may iba na rin naman na kumakausap sa akin, unti-unti na rin naman akong nakikisalamuha sa iba. Hindi ka rin naman nagbago sa akin, kinakausap mo pa rin ako sa tuwing may pagkakataon. Paano busy ka i-entertain ang mga nakapaligid sa iyo. Sa totoo lang malakas ang pakiramdam ko sa paligid, ang pagkilatis ko sa tao. Kaya naman hindi nalingid sa akin ang isang bulto ng tao na lagi lang tahimik at pareho ko lang na nagmamasid. Pero kaibahan lang sa amin may mga kababaihang nagpapapansin sa kanya. Siya si Derek. Misteryoso ang tipo niya, tahimik kasi ito at pangiti-ngiti lang. Sa totoo lang crush ko siya, guwapo rin pero parang ang ilap-ilap niya. Nahihiwagaan ako sa kanya sa totoo lang. Sa pagdaan ng buwan, may naging kaibigan ako. Parang barkada na rin dahil sila ang lagi kong kasama. Pero ganoon pa rin ako, tahimik lang at nakikipag-usap kapag kakausapin. Ikaw Aldred napabarkada na rin, kasama rin sa barkada mo si Derek. Buwan ng Agosto noong nagkaroon tayo ng isang fieldtrip. Ang saya at excited tayong lahat. Ako, si Meanne, si Irene at si Roanne ang magkakasama sa gabing iyon. Maaga ako sa boardinghouse ni Roanne dahil ayaw kong mahuli. Sa totoo lang, hindi man kita sa pagmumukha ko ay excited din naman ako. Alas otso ang call time sa bus, alas sais ay naroon na ako. "Darating na rin si Irene at Meanne," sabi ni Roanne. Busy sa kakatext. Nasa kuwarto niya ako. Chinicheck ang mga dala ko. "Kasama nila sina Aldred," bigla akong napalingon kay Roanne. Matagal na rin kasi na nakasalamuha ko si Aldred. Nagtataka rin ako kung bakit pati sila makakasama namin. Napansin yata ni Roanne ang paraan ng pagtingin ko. "Kahit kailan talaga napakareserve mo Hannah, at napaka slow mo." Tumatawang saad ni Roanne sa akin. Napalabi ako sa kanya, sa totoo lang napakabait ni Roanne sa akin. Siya ang tagapagtanggol ko sa tuwing may gustong umaway sa akin o bumully sa akin. "Matuto kang makisalamuha sa mga lalaki, hindi sa lahat ng oras kasama mo kami." "Okay na ako sa inyo, bakit kailangan ko pang makipagkaibigan sa lalaki?" Napabuntong hininga si Roanne sa tinuran ko. "Basta, kasama na sa barkada sila Aldred ha, pati sina Derek," nagulat ako. Pero hindi ko iyon pinakita. Hanggang ngayon crush ko pa rin si Derek. Lalo na noong nalaman kong manganganta pala ito. Kays pala laging may dalang gitara at nakikijamming kapag walang klase. "Nanliligaw si Derek kay Meanne, kaya asahan mong lagi nating silang kasama." Parang may lungkot akong naramdaman sa nalaman. Sabagay napakaganda ni Meanne. Maputi at sexy ito. Sexy ding magdamit at laging nakapustura. Sa aming apat ako ang baduy manamit. Si Roanne, kahit morena, maganda naman at matangkad. Si Irene naman, chubby pero malakas ang dating. Makalipas ang ilang sandali dumating ang apat. Nakamasid ako kay Meanne at Derek na sweet sa isa't isa. Akala ko ba nagliligawan pa lang? Biglang kang tumikhim Aldred kaya naman napalingon ako sa iyo. May naglalaro na ngiti sa labi mo habang nakatingin ka sa akin. Iniwasan ko ang tingin mong iyon. Bigla kayong nagkayayaan na mag-inuman. Really? Bago magfieldtrip? Napailing ako sa pagiging pasaway ninyo. Tinawanan 'nyo lang ako dahil sa oras na iyon hanggang dumating ang time ng fieltrip nakasimangot ako. Sinong hindi maiinis, grabe, idadamay niyo pa ako sa kabulastugan niyo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

His Obsession

read
75.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook